Mag-log inEmilyn's POV Lord, pakitanggal naman po ang pagiging gwapo ng lalaking ito kahit limang minuto lang. "Why are you staring?" tanong niya. Umiling ako. "Nothing." Ngumisi siya. "Admit it. You're checking me out." "Feeling mo!" Tumawa siya at hinalikan ang pisngi ko. "Let's go, beautiful." Paglabas namin ng kwarto wala pa sila mama at papa sa sala.Kaya tinungo ko na naman ang guest room.Baka nahiya na naman lumabas ang mga ito. "Ma! Pa!" Lumabas si Mama mula sa pintuan at sinalubong ako ng ngiti. "Anak! Ready na kami." Sumunod naman si Papa na may malawak na ngiti.Sabay na kaming naglakad papuntang sala.Kung saan nakangiting labi ni Gabrielle ang sumalubong sa mga magulang ko. "Gabrielle!" "Good morning, pa." Nakipagkamay si Gabrielle kay Papa bago magalang na bumati kay Mama. "Good morning po, Ma. Good morning, Pa." "Good morning, iho," masayang sagot ni Mama. "Halika na po kayo aalis na tayo." Masaya kaming lumabas ng condominium ni Gabriell
Emilyn's POV "Gabrielle, hindi ko naman ipinagbabawal sa'yo na tulungan ang mga kaibigan mo." "I know." "Kung may problema si sir Ashton, naiintindihan ko. Pero sana naisip mo rin na may taong naghihintay sa'yo." "I should have." Napatingin ako sa kanya. Hindi naman siguro ako demanding diba? Simple lang naman ang gusto ko. "Alam mo ba kung ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko kagabi? Bawat may naririnig akong tunog, umaasa akong ikaw na 'yon." Hindi siya sumagot. "Tinawagan kita nang paulit-ulit. Nag-message ako. Kahit isang simpleng update lang sana, Gabrielle. Hindi ko naman kailangang malaman ang lahat ng detalye ng ginagawa mo. Gusto ko lang malaman kung ligtas ka." Marahan siyang tumango. "I'm sorry, love.I'm really sorry." Napahinga ako nang malalim. "At pag-uwi mo kagabi, imbes na magpaliwanag ka, sinabi mo pang pagod ka at bukas na lang tayo mag-usap." Nakita kong bahagyang sumikip ang panga niya. "I know. I shouldn't have said that." "
Emilyn's POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Ilang segundo akong nanatiling nakahiga habang pilit inaalala kung nasaan ako. Hanggang sa napansin kong hindi pamilyar ang kisame na nakikita ko. Napakunot ang noo ko.Wait... Agad akong napabangon nang mapagtanto kong nasa kama ako. Nasa kama? Napalingon ako sa paligid. Pamilyar ang silid, pati ang malaking aparador at ang mga gamit na nakalagay sa ibabaw ng bedside table. Ito ang kwarto namin ni Gabrielle.Pero paano ako napunta rito? Ang huli kong naaalala ay nakahiga ako sa sofa ng sala habang yakap ang unan at kumot. Hindi ko na rin namalayan kung anong oras ako nakatulog dahil sa sobrang pagod at sama ng loob. Napahawak ako sa sentido.Huwag mong sabihing binuhat niya ako.Napatingin ako sa kabilang bahagi ng kama. Walang tao.Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Maayos ang pagkakaayos ng kumot sa tabi ko, samantalang wala rin ang mga unan na ka
Emilyn's POV Pagkatapos kong mag-almusal, tinulungan ko muna si Mama sa pag-aayos ng ilang gamit sa kusina. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Paulit-ulit kong naaalala ang mga tawag ko kay Gabrielle na hindi niya sinagot. Ang mga mensaheng hindi niya pinansin. At ang pag-uwi niyang walang kahit anong paliwanag. "Anak?" Napalingon ako kay Mama. "Bakit po?" "Kanina ka pa nakatulala. May iniisip ka ba?" Napangiti ako nang pilit. "Wala po, Ma." Lumapit siya at hinaplos ang aking balikat. "Alam mo, Emilyn, hindi masama ang magtampo. Pero huwag mong hayaang lumaki ang isang bagay dahil lamang hindi kayo nag-uusap." Napayuko ako. "Ma, hindi ko naman po gustong mag-away kami." "Kung gano'n, kausapin mo siya. Hindi naman pwedeng pareho kayong tahimik." Napabuntong-hininga ako. "Sinubukan ko naman po siyang intindihin. Pero kagabi, buong gabi akong naghintay. Hindi ko alam kung nasaan siya. Tinawagan ko siya pero hindi
Emilyn's POV Nagising ako kinabukasan nang maramdaman kong may bahagyang gumalaw sa kama.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ilang segundo akong nakatitig sa kisame bago ko napagtantong may nakahiga sa tabi ko. Nang lingunin ko iyon, halos mapatayo ako sa gulat. Si Gabrielle Montenegro pala... Nakahiga siya sa tabi ko, nakadapa at walang suot na pang-itaas. Nakabalandra ang isang braso niya sa unan habang nakatagilid nang bahagya ang mukha. Magulo ang kaniyang buhok at halatang pagod na pagod ang katawan. Napatingin ako sa mukha niya.Mahimbing ang tulog nito. Napakunot ang noo ko.Anong oras ba siya nakauwi? Bahagya akong bumangon at tiningnan ang orasan sa bedside table. Alas-siyete y medya na ng umaga. Napabuntong-hininga ako.Buong gabi akong naghintay sa kaniya. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit hindi man lamang nag-ring ang cellphone niya. Wala rin siyang kahit isang mensaheng ipinadala para ipaalam kung nasaan siya. At ngayon, heto siya.Mahimbing
Emilyn's POV Alas-sais medya ng hapon nang dumating si Gabrielle. Na iwan ko ba kung saan galing dahil wala naman sinabi sa akin kanina nang umalis siya. Basta naniwala nalang ako kay Betchay na galing siya doon sa kanila sir Lawrence sa kapatid ni Jessica. Dahil may pinadala lang naman ang kaibigan ko na litrato.Lihim niyang kinunan ng larawan sila sir Lawrence at Gabrielle.Mabuti naman nakarating siya bago kami maghapunan.Kung hindi magtampo na ako. " Are you okay,love? Humabol talaga ako para makasama kita pati mga magulang mo sa hapunan." " E di wow..." sagot ko na pabalang. " Emilyn, anong klaseng sagot ba iyan?" " Sino si Che?" agad na tanong ko. Natigilan siya at tinitigan ako. " Che? Sino siya?" tanong din niya. " Ah, loko-loko ka,Gabmon! Ikaw nga ang tinatanong ko eh.Kasi meron nagpunta dito na babae hinahanap ka at Che daw ang pangalan niya." Mabilis siyang umiling. " I don't remember meeting anyone named Che."Aniya. Nagkibit-balikat na lamang ako dahil nandit
Emilyn's POV Kahit nakatuon ang aking paningin sa labas ng bintana. Hindi ko pa rin mapigilan nag sarili ko na hindi siya sulyapan sa side mirror. Minsan pa nga makalimutan ko ang hiya ko sa sarili ay bigla nalang akong mapalingon sa kanya. Kaya agad din siyang mabigla o kaya mapakunot-noo. "
Emilyn's POVAlas syete palang ng umaga nakahanda na ako lahat-lahat. Dahil ngayon ako susunduin ng kapatid ni sir Luke daw na nangangalang Larry. Kahit hindi ko pa nakita alam ko na gwapo ito dahil kapatid ito ni sir Luke. Maya-maya pamay may sasakyan nang bumubusina sa labas ng apartment nila at
Emilyn's POV " Mag-amping ka didto sa Manila, Emilyn, anak!" huling habilin sa akin ni mama. Na ang ibig sabihin ng sinabi niya ay mag-ingat daw ako sa Maynila. Kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko. Sa wakas pumayag din ang mga magulang ko na pupunta ako ng Maynila dahil ako ang magiging yay
Emilyn's POV Nakangiti sa akin si sir Larry pagpasok niya sa kwarto ." I'm sorry, I didn't knock the door.Kumusta?" tanong niya. Umupo siya sa kama na tumabi sa akin. " Okay naman po, sir Larry. Hindi lang ako makapaniwala na ang laki ng kwarto ko. Eh, mag-isa lang naman ako." Natawa naman







