Share

More problems

“Kyaah!” Masayang tili ni Daniel ng habulin siya ni Darius habang lumalangoy, hindi kasi siya makaalis sa pwesto dahil hindi pa naman siya gano’n kagaling lumangoy at nakasalbabida siya.

“Ito na ako, I’m the shark and I will eat you.” Muling pananakot ni Darius sa kaniya, mas lalo naman itong nataranta at nagkakawag sa tubig.

“Mommy, help me! Kyaah, Mister shark will eat me!” Sigaw niya habang kumakaway sa akin.

Hindi ko alam kung takot nga ba siya o nagkukunwari lang, may malawak kasing ngiti na nakapaskil sa labi niya. So cute!

Patuloy lang sila sa paglalaro habang ako ay nakaupo lang sa gilid ng swimming pool, tanging pagkaway lang rin ang kaya kong gawin kay Daniel dahil masakit pa rin ang katawan ko. Aminado naman akong naiingit ako sa kanila, pero tiis muna.

Sino ba naman ang hindi sasakit ang katawan sa maliit na espasyo kung saan namin ginawa iyon, muling nag init ang aking pisngi dahil sa naisip ko. Ang aga ay iyon na naman agad ang pumapasok sa isip ko, jusko!

“Mommy!” Pagod
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status