Share

Hot Night With CEO
Hot Night With CEO
Author: Huan_Li18

Let's celebrate, Lia!

Sabi nila, pag naka-graduate ka hindi mo na kailangan maghanap ng lalaki dahil sila mismo ang lalapit sayo. Pero lahat ng iyon ay para lang sa mga babae na magaganda, it’s been eight years since I graduated in college and have three different works yet I’m still NBSB!

Hindi ko mapigilan na mapaiyak, valentine’s day ngayon at twenty-eight birthday ko pero halos lahat ng nasa paligid ko ay nakatanggap ng bulaklak at regalo bukod sa akin. Napadukdok nalang ako sa aking lamesa at tinignan ang mga gamit ko na nasa kahon, ito ang huling araw ko sa trabaho pero kahit isa ay wala man lang nag-abala para magpaalam.

Well, sino nga ba ako?

Ako lang naman si Lia, ang outcast simula elementary hanggang sa magkatrabaho. Hindi sa ginusto ko na hindi ako kagandahan at hindi ako sociable na tao, masaya na rin ako sa ganito. Hindi ko kailangan na magdalawang isip na iwan ang trabaho ko.

Sa totoo lang ay hindi na nga ako makapaghintay na pumasok sa bago ko na trabaho, ang kompanya na inaasam-asam ko simula pa ng una.

Hindi man ako nakatanggap ng bulaklak o chocolate ngayon, bukas naman ang pinaka magandang regalo na natanggap ko. Bukas ay isa na akong secretary ng CEO ng JHN company, parang isang panaginip pa rin ang makapasok doon.

Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa aking labi, “guys, aalis na ako!” Sigaw ko at tumayo sa upuan, binuhat ko ang isang box na naglalaman ng mga personal na gamit ko ngunit lumingon lang sila sa akin at tumango.

It’s for the better.

~

Agad kong binagsak ang aking katawan sa higaan pagkauwi ko, abala si mama sa pagluluto habang nag-iinuman na si papa at ang mga kaibigan niyang imbitado sa birthday ko.

“Ay, kailan ba mag-aasawa ang anak mo? Twenty-eight na siya diba, mahihirapan na siyang magkaanak nyan. Yung anak ko ay nabigyan na ako ng dalawang apo.” Rinig kong saad ng isa sa kaibigan niya.

Hindi ko mapigilan ang mata ko na mapairap sa inis, ito na naman sila. Simula ng mag twenty-three ako ay wala na silang alam na sabihin kundi kailan ba ako mag mag-aasawa, kailan ako magkakaanak, o meron ba akong balak magjowa.

Minsan ay gusto kong lumabas at sumagot sa mga tanong nila, pero pinipili kong manahimik nalang at magkulong sa kwarto ko. Wala rin naman akong mapapala kung papatulan ko sila sa paulit-ulit na tanong, walang kasawaan.

Kung alam ko lang ay hindi na muna sana ako umuwi rito, minsan ay nakakasawa na. Napapagod na akong pakisamahan sila, ano ba ang mali sa pagiging single sa edad na twenty-eight.

“Isa pa, hindi ko naman ginusto na maging single sa edad na’to!” Gigil na sigaw ko at binaon ang mukha sa malambot ko na unan. Ano ba ang alam nila sa buhay ko, bukod sa gusto lang nila ng tsismis, wala naman silang ambag.

Agad akong napalingon sa cellphone ko ng bigla itong nag vibrate, mabuti nalang ay mag isa akong kaibigan. “Lia! Happy birthday!” Agad na sigaw nito pagkasagot ko palang ng tawag.

“Sara, hindi mo kailangan sumigaw.” Walang gana kong sagot, “pero salamat, hindi ka ba pupunta dito?”

“Eh?! Bakit ako pupunta dyan, para marinig ang hanash ng mga kumpare at kumare ng magulang mo? Idadamay na naman nila ako sa mga paulit-ulit nilang tanong bakit wala pa tayong boyfriend, wala ba tayong balak magpakasal o mag-anak.” Sabi ni Sara sa kabilang linya na parang pagod na rin sa paulit-ulit na tanong sa paligid.

“So, hahayaan mo akong mag-isa dito?” Natatawa ko na tanong, ito ang unang beses na tumanggi siya na pumunta dito, well, hindi naman ako parehong-pareho. Maganda si Sara at sociable na tao, kung gugustuhin niya ay magkakaroon siya agad ng jowa.

Ginusto niyang maging single, hindi ko tulad na walang choice kundi manatiling single…

“Well, instead of celebrating your birthday in your house bakit hindi ka nalang sumama sakin tonight? I will make you enjoy your day, Lia.” Kahit hindi ko nakikita ang kaniyang mukha, alam ko na nakangiti siya.

“Kinakabahan ako sa tono ng boses mo, Sara, pero kahit gustuhin ko man sa tingin mo ay papayagan ako ni mama na umalis ng bahay gayon na birthday ko?” Buntong hininga na sabi ko.

“Girl, ang tanda mo na. Isa pa, susunduin kita dyan kaya sigurado ako na papayagan ka ni tita! So, get ready I will be there 15 minutes. Bye!” Bago pa ako maka-react ay pinatay na nito ang tawag.

So, what can I do?

Dali-dali akong tumayo sa kama at naligo, kahit hindi ako sure kung ano ang balak ni Sara, tanging ang alam ko lang ay gusto kong makatakas sa mga kaibigan nila papa at mama.

Labing limang minuto ay tapos na ako na magbihis at mag-ayos, hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong idagdag bukod sa pulbos na nilagay ko sa aking mukha. Panigurado ay pagagalitan na naman ako ni Sara sa itsura ko, pero hindi naman ako marunong mag-ayos.

“Lia, come out. Sara is here waiting for you,” sabi ni mama pagkatapos niyang kumatok ng tatlong beses sa pintuan.

“Yes, ma! Pakisabi ay sandal lang.” Agad kong hinanap ang bag ko na may lamang wallet at nilagay ko roon ang aking cellphone, bukod sa dalawang iyon ay tanging panyo lang ang dinagdag ko at lumabas na sa kwarto. “Sara!” Bati ko sa kaibigan ko na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha sa mga sinasabi ng mga kumare ni mama.

“Oh, ayan na pala si Lia. Bakit ngayon ka lang lumabas, matagal na rin simula ng makita ka namin. Kumusta ba ang buhay, balita naming ay natanggap ka sa JHN company. Mukhang maganda na ang trabaho mo, pwede ka ng mag-asawa.” Sabi ng isa sa mga kaibigan ni mama.

“Naku, bukas pa po ang simula ko sa trabaho. Wala pa po akong ipon at sariling bahay, madali lang po magkaroon ng asawa at anak pero pera ay hindi.” Simple kong sagot.

“Ay, hindi ka magiging masaya sa pera. Kailangan mo ng makakasama sa buhay at anak, patanda ka na ng patanda, sino nalang mag-aalaga sayo pagdating ng panahon?” Sabi naman ng isa pa.

Pilit kong pigilan ang sarili ko pero isang mahinang tawa ang nakaagaw sa atensyon naming lahat, si Sara habang hawak niya ang kaniyang tiyan. “Oh, I’m sorry. Hindi ko sinasadyang matawa sa sinabi mo manang, but that’s not true. I mean, are you happy if walang uwing pera ang asawa mo kahit payday? Because you have husband and children doesn’t mean you can be happy, for other people money is enough.”

Oh no! Nakita kong umasim ang mukha ng kaibigan ni mama, galit ito kay Sara.

“At sino ka naman para mangialam sa usapan namin? Siguro ikaw ang nagtutulak kay Lia para huwag mag-asawa, gusto mo ay pareho kayong maging single habang buhay! Anong alam ng isang babaeng tulad mo na parang kinulang sa tela ang suot at parang bayarang babae ?!”

“Manang, hindi ko kailangan na bayaran ako dahil may pera ako. Kung may magbabayad man dito ay ako iyon, kaya kong bayaran ang kahit sinong lalaking gusto ko.” Ngumiti si Sara at tumingin kay mama, “tita, gusto ko sanang isama si Lia para mag-party sa labas.”

Tumingin sa akin si mama at tumango, “okay, just make sure nothing bad will happen sa inyong dalawa.” Ngumiti rin si mama.

“Okay, tita! Come on, Lia, let’s go.” Sara rolled her eyes ng muli siyang mapabaling sa kaibigan ni mama bago tuluyang lumabas ng bahay, bago pa man kami makapasok sa kotse ni Sara ay narinig ko ang galit na boses ni mama na pinaaalis ang kaniyang kaibigan. “Hear that? how many times your parent asks you about your love life doesn’t mean they are pressuring you and let the other pressure you too.”

Hindi ako kumibo, kahit anong sabihin niya ay hindi pa rin magbabago na I really feel bad pag sila na ang nagtanong. Siguro nga ay nag-aalala lang sila, pero can’t they wait?

Ako mismo ay na p-pressure na rin, hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng love life bago tuluyan na mawala ang edad ko sa calendaryo. “Nevermind, so saan tayo pupunta to celebrate my birthday?” Pagbabago ko ng usapan.

Nakita ko na isang smirk ang sumilay sa kaniyang labi, “We will go to the famous night bar, Lia!” She chuckled and start to drive.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status