Share

Thirty thousand!

“N-night bar? Anong ibig sabihin nito, Sara?!” Hindi ko mapigilan na mapahiyaw sa gulat, agad naman niyang natapakan ang preno sa gulat.

“Bakit ka humihiyaw, gusto mo ba tayong mamatay?!” Tumingin sakin si Sara galit ang matalim niyang mga mata, “anong nakakagulat sa isang night bar? Twenty-eight kana so isn’t its right para maranasan mo rin iyon?”

Napatigil ako sa aking narinig, “a-ano ang dapat ko na maranasan?” Nagtataka ko na tanong sa kaniya, “kung night bar lang naman ay ayaw ko iyon maranasan.”

“Pfft! Ano ba, Lia, hindi ito about the night bar. Gusto ko na mamulat ka na mas marami pa ang babaeng walang asawa sa edad na ito at hindi lang tayo, pero hindi iyon problema sa kaniya. So, don’t worry, I will make you feel good tonight.” Kumindat siya sa akin at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Sa totoo lang ay wala akong naiintindihan sa sinabi ni Sara, all I did know ay pupunta kami sa bar. Nanlalamig ang kamay ko habang binabagkas namin ang daan papunta sa bar na tinutukoy niya, ano naman ang gagawin ko roon?

“Andito na tayo, Lia, huwag ka ng tumalala riyan at baka mahuli tayo at mawalan ng magandang pwesto para mamaya. Mas maganda kung nasa harapan tayo, dahil wala akong ibang gusto kundi ang main event ng bar na ito.” Humalakhak siya na parang manyakis.

Tumango nalang ako, hindi ko rin naman siya maintindihan. “Basta huwag mo akong basta iwan, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa loob.”

“Bakit naman kita iiwan, kung may mangyari sayong masama ay lagot ako kay tita.” Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok, pinakita lang niya ang isang card at agad naman kaming pinapasok ng dalawang bantay.

Malakas na tugtog ng music, amoy ng alak at sigarilyo ang sumalubong sa amin habang naglalakad sa corridor papunta sa main room, hindi lang basta nagsasayaw ang mga taong andoon, may naghahalikan na halos gawin na nila ang hindi dapat gawin sa public area.

“H-hey, Sara, this place… Hindi yata tamang dito natin i-celebrate ang birthday ko.” Humawak ako sa kaniyang braso para pigilan siyang maglakad, “umuwi nalang tayo.” Dagdag ko pa pero natawa lamang siya.

“Lia, hindi tayo nagpunta dito para magpakalasing at gumaya sa kanila. Kung maka-react ka naman ay parang gagawa tayo ng illegal na bagay, just trust me okay?” Nag thumbs up siya at hinila ako papasok, luminga-linga pa siya at agad na nakipag-agawan ng upuan malapit sa stage.

“Sara, bakit dito? Mahihirapan tayong lumabas pag dumami lalo ang tao.”

“Masyado pang maaga para problemahin mo ang pag-uwi, Lia, just wait more hours and you’ll understand kung bakit dito ko gustong maupo.” Tumingin siya sa kaniyang relo, Mag seven na ng gabi at padagdag na nga ng padagdag ang mga tao sa loob.

Mas lalo na rin umingay ang paligid na halos hindi ko na marinig ang ibang sinasabi ni Sara, sumasakit ang ulo ko sa ingay at amoy ng paligid. Hindi ko alam kung ako nga ang may birthday o si Sara na halatang enjoy na enjoy sa nakikita.

Ilang beses na rin na may lumapit na mga lalaki para ayain siya, mabuti nalang at tinutupad niya ang pangako na hindi niya ako iiwan mag-isa.

“Lia, subukan mo ito.” Inabot ni Sara ang ibang baso na may katamtaman na laki, may laman itong kulay blue na sa tingin ko ay juice. Hindi ako nagdalawang isip para tikman ito, tulad ng akala ko ay isa nga itong juice.

Matamis at hindi mapait tulad ng alak.

“Salamat dito, kanina pa ako uhaw na uhaw pero puro alak ang kinukuha mo. Hanggang kailan tayo uupo dito, naiinip na ako.” Reklamo ko habang enjoy na iniinom ang juice sa baso.

“Malapit ng mag ten, huwag ka ng magreklamo. Hindi ka naman magsisisi once na napanuod mo ang main event kahit naghintay ka ng matagal.” Humagikgik siya, medyo mamula-mula na ang kaniyang pisngi pero alam ko na mataas ang alcohol tolerance niya kumpara sa akin.

Hindi ko mapigilan na mapangiwi, “anong main event ba ang hinihintay natin, umuwi na tayo.” Patayo n asana ako ng pinigilan niya ako.

“Don’t be nervous, Lia, matutuwa ka sa main event ng bar na ito!” Saad ng kaibigan niya habang nakatanaw sa entablado. “After all, it’s already ten!”

“But…” Hindi ko pa man tapos ang sasabihin ko ay dumilim ang paligid at tanging ang stage lang ay may ilaw, ang kaninang mga babae na busy umiinom sa gilid ay agad na nag ipon-ipon sa paligid ng stage.

“Kyahhh! Ayan na sila!” Hiyaw ng mga babae sa kaliwa, sa tingin ko ay mas bata pa sa amin.

“Sana ay may makuha ako ngayon, I did my best para makaipon. Hindi ko ginastos ang mga baon ko for week so I have 25 thousand here!” Tili ng isa.

Baon? As in, nasa college palang siya?

Agad kong nilingon kung saan ang nagsalita, pero hindi ko masabi kung sino sa kanila. Lahat ay nakadamit na angkop sa bar at naka-make up.

“Damn, Lia, tumingin ka sa stage!” Hinawakan ni Sara ang braso ko at pilit na pinaharap sa stage kung saan isa-isang lumabas ang mga lalaking nakasuot lang ng boxer at confident na pinapakita ang magaganda nilang katawan.

“S-sara…” Hindi na niya narinig ang pagtawag ko sa kaniyang boses, nagsimula ng magsalita ang MC na nasa gilid at pinakilala ang bawat isa at doon na rin nagsimula ang hiyawan ng mga babae kung magkano ang offer nila para makamtan ang lalaking gusto nila…

Hindi ko mapigilan na magulantang ng makita ko si Sara na magtaas ng kamay ng isang blonde na lalaki na ang nasa bidding, “13 thousand!” Sigaw niya habang kinikilig.

“Sara! Hindi ba masyadong Malaki iyan para sa lalaking hindi mo naman kilala at nakikita ang mukha?” Sabi ko sa kaniya, ngunit dahil siguro sa lakas ng tugtog at mga sigaw ay hindi niya ako narinig.

“Okay, thirteen thousand. Going twice, going trice, the bidding for him is close!”

Ang iba ang hindi mapigilan na madismaya, ngunit ang kaibigan ko ay ngiting tagumpay. “Lia, I don’t think I can stay sa tabi mo tonight after all.” She giggles while saying those words.

Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko ng ang lalaking nakamaskara ay ngayo’y naglalakad palapit kay Sara, “thank you, let’s go?” Ang malambing na boses ng lalaki ay parang isang magandang musika na humahalik sa aking tenga, pero hindi para sa akin iyon kundi sa kaibigan ko.

Ang maputi at Malaki niyang kamay ay naghihintay para abutin ni Sara, lumingon siya sa akin. “Sorry, Lia, hindi ko napigilan mag-bid.” Tumawa pa siya bago tuluyan na tinanggap ang kamay ng lalaki at iniwan ako sa gitna ng mga babae.

“Don’t me felt dismay guys, he’s not the last man for tonight! Surprise!” Muling saad ng MC dahilan para muling mag-ingay ang mga tao sa paligid ko, ugh! Nahihilo ako, bakit parang biglang umiikot ang paligid at umiinit ang katawan ko?

“Let’s welcome, the start tonight!” Malakas na sigaw ng MC at isang lalaki muli ang lumabas sa stage, suot nito ang color black na boxer ngunit mas maliit at hipit na hipit sa kaniya dahilan para mas bumakat ang kaniyang pagkalalaki.

Hindi ko alam kung saan ako lilingon, ngunit kahit anong iwas ko at bumabalik ang tingin ko sa kaniyang katawan pababa doon.

Jusko! Ito ang unang beses na makakita ako ng live na ganito, at ang laki. Matigas na ba iyon o hindi…

Agad kong pinukpok ang ulo ko, ano ba ang iniisip ko!

“The bidding starts now!” Muling sigaw sa stage ng MC.

Walang gustong magpatalo, mula sa three thousand hanggang sa umabot ng ten thousand, walang gustong magpatalo. Siguro ay dahil siya na ang pinakahuling lalaking lalabas sa stage ngayong gabi.

“fifteen thousand!” Sigaw ng isang babae sa gilid ko, ngunit agad namang may sumigaw ng twenty thousand. Hindi ko maintindihan bakit handa silang gumastos sa isang lalaking hindi pa nila nakikita ang mukha, ano ba ang meron sa mga lalaki?

Muli akong napatingin sa umbok niya, jusko siguro kung may trabaho na ako ngayon ay baka subukan ko rin. Kaaalis ko lang sa trabaho, kailangan ko muna na magtipid, mas maganda siguro kung uuwi nalang ako.

Kahit ramdam mo ang hilo ay tumayo na ako sa upuan, may mga maarte na nagreklamo. Lahat sila ay hinayaan ko lang at hindi pinansin, ngunit isa lang ang hindi ko mapalampas.

“Ano ba, manang, huwag kang humarang. So ugly!” Maarten a sigaw ng isa sa akin sabay taas ng isa niyang kamay, “twenty-nine thousand!” umismid pa ito sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero mas lalong lumala ang init na nararamdaman ko sa aking katawan, parang may mga boses na bumubulong sa isip ko. Pamilyar ang pakiramdam na iyon ngunit wala naman akong ininom na alak…

Hindi ko maiwasan na mapabaling ng tingin sa aking lamesa kung saan andoon ang tatlong baso ng juice na ininom ko…

“29 thousands, going twice, going trice, wala na bang hahabol?” Muling tanong ng MC.

Bago ko pa man mapag-isipan ang susunod kong gagawin ay kusa ng tumaas ang kamay ko, “thirty thousand!” Malakas kong sigaw habang nakaharap sa mataray na babae.

Jusko!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status