Share

Entertainer guy

Unit-unti kong minulat ang aking mga mata ng marakamdam ako ng pagkaihi at akmang babangon nang gumihit ang sakit mula sa aking pagkababae pataas sa aking balakang, doon lamang ako tuluyang nagising at napatingin sa paligid.

Mga kalat-kalat ko na damit, tissue at condom na gamit… Damn, I really did it!

Napatakip ako ng bibig at lumingon sa kabilang gilid ng kama, he was there sleeping so soundly!

Jusko, ano ba ang nagawa ko na desisyon.

Muling bumalik ang mga ala-ala ng pinaggagagawa ko kagabi at halos masabunutan ko ang sarili ko sa hiya, kailangan ko ng umalis bago pa niya ako muling makita.

Kahit nahihirapan ay pinilit kong tumayo, kada galaw ko ay napapaigtad ako sa sakit ng aking pagkababae. Isa-isa kong pinulot ang damit kong nagkalat at mabilis na sinuot ang mga ito, wala na akong pakealam kung ano ang itsura ko.

Ano pa ba ang dapat kong gawin sa sitwasyon na ito, pinikit ko ng mariin ang aking mata para mag-isip. Ano ba ang ginagawa ng mga bida sa movie at libro?

Damn, bahala na nga!

Agad kong dinukot ang wallet ko sa aking bag at binuklat ito, maiyak-iyak akong nilabas ang thirty thousand at nilapag ito sa lamesa pero muli akong humugot ng tatlong libo at dinagdagan ang pera sa lamesa…

 Tama lang naman siguro na maglagay ako ng tip.

Bumuntong hininga ako, mapagkakasya ko pa naman siguro ang savings ko hanggang sa susunod na sweldo… OMG!

Agad akong napalingon sa oras ng aking cellphone, it’s 4 am in the morning. Kailangan ko ng umuwi, ito ang first day ko sa trabaho!

Iika-ika, mabilis akong lumabas ng kwarto. Employees was still there, but no one even stop me from leaving, as if no one care in my presence.

Nakalabas ako ng gusali na walang kahirap-hirap, noon ko lamang napansin na hindi lang pala ito simpleng lugar. Isang mataas na gusali pala ito na talagang bagay sa mga taong handing magtapon ng pera para sa isang lalaki…

Medyo madilim pa at hirap humanap ng masasakyan, tanging taxi at tricykel lamang ang option ngayon. Mahal man ay wala akong nagawa kundi ang itaas ang kamay ko para tumawag ng taxi.

“Saan ka?” Tanong ng driver, hindi naman siya mukhang masungit pero parang hindi rin naman ganoon kabait.

“Sa *** cross, village po.” Mabilis kong sagot.

“Oh sige, sakay na.” Sabi niya at binuksan ang ilaw sa likuran.

Hindi naman ako nagdalawang isip na pumasok, hirap man maupo ay tiniis ko ang sakit. “Salamat po.” Muli kong sabi, bihira lang kasi ang tumatanggap papunta roon, kadalasan ay tumatanggi dahil sa makipot na daan.

“Madadaanan ko kasi iyon, isa pa ay may anak akong babae. Konsensya ko pa kung hindi kita sinakay ay may mangyari sayo na masama, ano ang ginagawa mo doon ay ngayong oras ka na uuwi?” Busy siyang nakatingin sa daan, iba rin pala si kuya may pagkatsismoso.

I cleared my throat, “may ginawa lang ho at minadaling araw.” Tumawa ako ng pilit, salamat nalang talaga at medyo madilim at hindi ganoon kahalata ang itsura ko.

“Ay nako, grabi na talaga ngayon ang mga trabaho. Mahal na kasi masyado ang mga bilihin kaya kailangan nating kumayod ng sobra, siguro ay proud na proud sayo ang magulang mo.” Nakita ko na ngumiti si kuyang driver.

Gusto kong ngumiwi, sana nga ay ganoon ang ginawa ko pero nagtapon ako ng thirty thousand at hinayaan kong mawala ang aking virginity…

“K-Kaya nga po…” Mahina kong sabi.

Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na maintindihan ang iba sa mga ito, masyadong nananaig ang pagod at antok sa akin, idagdag pa ang kaba kung paano ko ipapaliwanag kila mama at papa bakit ngayon lang ako umuwi.

“Ipapasok pa ba sa gate o ihihinto ko nalang dito?” Tanong niya na nakapagpabalik ng atensyon ko sa kaniya.

“Diyan nalang po sa gate, magkano po lahat?” Nilabas ko ang wallet ko na may kapurit na pera nalang na natira.

“300 ne.” Maikling sagot niya.

Gusto ko pa sana i-check ang metro, pero wala akong lakas na makipagtalo at isa pa ay ligtas naman akong nakauwi at diretso ang daan na binagtas naming.

Inabot ko ang saktong tatlong daan, “salamat po uli.” Binuksan ko na ang pintuan, ngayon ang problema ko nalang ay kung paano papasok sa bahay…

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa gate ng village, may iilan na gising na at abala na rin sa pagpasok sa school at trabaho. Malamang ay gising na rin si mama na mas lalong nakapagpakaba sa akin.

Tulad ng inaasahan, bukas na rin ang ilaw ng bahay at wala na rin ang mga kumare at kumpare nila, maging kalat ay wala. Binuksan ko ang gate na hindi naka-lock at huminga ng malalim bago tinawag si mama, “Ma!”

Walang sumagot pero bumukas ang pintuan, mukha ni papa ang tumambad sa akin. Seryoso ito at hindi nagsalitang bumalik sa harapan ng TV para panuorin ang balita, naupo ako sa kabilang sofa. “Nasaan ni mama, pa?”

“Nagluluto, kanina ka pa hinihintay.” Sagot nito ng hindi tumitingin sa akin.

“O-Okay po.” Pinilit kong kumilos na parang walang sakit na nararamdaman at dumiretso sa kusina, doon ay nakita ko si mama na nagsisimula ng maghanda ng umagahan. “Ma, andito na ho ako.”

“Mabuti naman, akala ko ay hindi ka uuwi ngayon at nakalimutan mo na ang trabaho mo. Saan ka naman dinala ni Sara, naiintindihan ko na siya lang itong nagt-tsaga sayo pero hindi mo naman kailangang gawin ang ginagawa rin niya.”

“Wala naman po’ng ginagawang masama si Sara, Ma, nag-enjoy lang po kami.” Pagtatanggol ko kay Sara, isa ito sa kinakatakot ko. Ang i-judge nila si Sara…

Tumingin sa akin si Mama pero walang salita akong muling narinig sa kaniya kundi ang disappointed na pag-iling ng kaniyang ulo, muli niyang tinuon ang atensyon sa niluluto.

“Maghahanda na po ako para sa pagpasok ko sa trabaho, bababa nalang po ako mamaya ulit.” Bulong ko at umakyat na sa second floor, masyadong mabigat ang atmosphere at hindi na ako makahinga.

Sumasakit ang ulo ko, hindi ko alam kung dahil ba sa alak, puyat o dahil kung paano ako i-treatment ng mga magulang ko pag may nagawa akong hindi niya gusto. Mas gusto ko pa na pagalitan niya ako kaysa i-silent at cold treatment.

Pagpasok na pagpasok ko palang sa kwarto ko ay agad ko ng binagsak ang aking katawan sa kama, kung pwede lang na wala akong gawin ngayong araw ay gagawin ko pero hindi pwede, hindi ko sasayangin ang opportunity sa dream company ko!

Mabilis akong bumangon na agad ko rin namang pinagsisihan, lalo kong naramdaman ang pananakit ng aking balakang. Sana lang ay wala akong gaanong gagawin sa first day of work ko, jusko!

Limang minuto akong nag-stay sa pagkakaupo bago tuluyang tumayo at pumunta sa banyo para maligo, ngayon ko lamang napansin pero walang kahit anong bakas ng nangyari kagabi. Kiss marks or even a c*m are not present in my body.

Ayaw kong mag-assume but maybe he cleans me bago siya matulog, siguro ay ang sarap magkaroon ng jowa na katulad niya… Muli ko na namang nasapok ang sarili kong ulo, “ano ba ang iniisip mo, Lia!” Sigaw ko sa aking sarili.

Hinayaan kong umagos ang malamig na tubig sa aking katawan, kailangan kong magising sa katotohanan na imposible iyong mangyari at isa pa ay hindi na muli kaming magkikita!

Kailangan kong ituring iyon na isang panaginip!

~

Lumabas ako ng kwarto bandang 6:30, maayos na ang lahat at ganoon rin ang mga pagkain sa lamesa. Mabuti nalang ay medyo gumaan na rin ang atmosphere pero hindi pa rin nila ako kinikibo, medyo mahirap lunukin ang pagkain pero pinilit kong sumubo kahit ilang kutsara lang bago tumayo.

“Aalis na ho ako, mahihirapan akong humanap ng masasakyan kung mamaya pa ako aalis.” Magalang kong sabi at tumayo na.

“Sige, mag-ingat.” Iyon lang ang naging sagot ni mama at tumango lang naman si papa.

Mabigat man sa loob ko na umalis ng ganoon ang sitwasyon ay wala akong pwedeng gawin kundi ang unahin ang trabaho ko, tutal ay iyon rin naman ang gusto nila.

Mabilis akong nakahanap ng jeep, medyo maluwag pa pero unti-unti na ring nagsiksikan ng makarating sa bayan kung saan mas maraming students ang nagaabang.

Inayos ko ang pencil skirt ko na medyo tumataas at lalong nakikita ang hita ko, alam kong walang magaaksaya ng oras para tignan iyon pero hindi ako sanay na ganito na kaigsi ang palda ko.

“Oh, JNH company! Sino ang bababa dyan?” Tanong ng driver.

“Ako ho,” nahihirapan kong sagot dahil nasiksik ako sa biglaang hinto niya. “Excuse me po.” Nakayuko kong sabi, wala pa man ay pawis at haggard na ako.

Tumingala ako sa building na nasa aking harapan, napakataas nito. Hindi ko maiwasan na kiligin, jusko! Dati ay tinatanaw-tanaw ko lang, ngayon ay papasok na ako.

Nagpapadyak-padyak ako doon, walang pakealam sa naguguluhang tingin ng ibang empleyadong pumapasok rin sa company. Hindi naman siguro nila ako agad-agad maaalala.

Pero isang malakas na busina sa kabilang gate ang nakapagpahinto sa akin, mula ito sa itim na kotse. Mabilis na binuksan ng guard iyon, nagmamadaling nagsipasukan ang mga empleyado sa labas dahilan para makigaya ako.

Ang iba ay pumwesto sa front desk, habang ang iba ay sa gilid kaya agad na rin akong nakitayo sa kanila. Ilang minuto pa nga ay pumasok na ang isang lalaking naka-suit na may pamilyar na amoy… Huh?

Nanginig ang kalamnan ko, hindi ko alam kung nahihibang baa ko o ano. Ang naninigas kong batok sa pagkakayuko ay unti-unting gumalaw para tuminga, a-anong kalokohan ito?!

“Entertainer…” Bulong niya sa tapat ng lalaki… Hindi naman iyon nakaligtas sa tenga nito at lumingon sa kaniya, halata rin ang pagkabigla sa mata niya pero agad iyon na napalitan ng smirk.

Bumuka ang bibig ng lalaki pero walang salita ang lumabas pero sigurado ako, he said ‘thirty thousand’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status