Share

Chapter 6

last update publish date: 2026-05-29 12:26:34

Pagdating ni Zion sa boy’s dormitory ay naroon na ang isa sa mga kaibigan niyang si Earl, maliit at payat ito kaya hindi masyadong pansinin ng babae.

“Sino yung kausap mo kanina?” Tanong ni Earl kay Zion na kapapasok lang at kasalukuyang inilalapag ang mga dalang gamit.

“Schoolmate lang na nanghihingi ng social media account ko, gusto raw magkaroon ng maraming kaibigan.” Inosenteng sagot ni Zion, habang nanlumo at nakaramdam ng bahagyang inggit si earl.

Dalawang taon na siyang nasa Montessori University pero ni minsan ay wala pang lumapit sa kanyang babae at kinuha ang social media account niya.

“Grabe na talaga ang standard ng mga tao ngayon. Panalo talaga ang mga may itsura,” naiiling na kumento nito.

Naguguluhang tiningnan naman ito ni Zion, ngayon lamang kasi niya narinig ang kaibigan na nagsalita ng gano’n.

“Anong problema? Na-basted ka ba ng nililigawan mo?” Pabirong tanong ni Zion, naupo ito sa tabi ni Earl.

“Iyon na nga ang nakakatawa, wala pa man akong ginagawa ay nilalayuan na ako. Para akong may nakakadiring germs sa katawan kung tingnan ng mga babae sa school natin, kasalanan ‘to nitong balat ko. Kung bakit kasi para akong pinaglihi sa uling,” mahabang litanya ni Earl.

Hindi naman magawang matawa ni Zion, alam niya kasing totoo na ang rant ng kaibigan. Hindi tulad dati na ginagawa lang nitong biro ang kapintasan nito.

“Walang mali sa ‘yo, yung mata ng mga nakakakita ang mali. Gwapo ka naman kahit maitim ka, mahahanap mo rin yung makakakita no’n.” Tinapik ni Zion ang balikat ni Earl na nanlulumo pa rin, mukhang hindi epetibo ang pagpapalakas ng loob niya dito.

“Good morning!” Masiglang bati ni Gabriel pagkadating na pagkadating sa dorm nila, kasama nito si Liam na tahimik lang na nakasunod sa lalaki.

Pang-apat na tao ang dormitory nila, at dahil sila ang tinadhanang magkakasama sa iisang room, hindi nagtagal ay naging magkakaibigan na rin sila.

“Anong meron? Bakit parang ang lungkot ng atmosphere ngayon dito?” Nagtatakang tanong ni Gabriel nang walang sumagot sa masayang pagbati nito ng good morning.

Isinenyas ni Zion ang direksyon ni Earl na agad namang nakuha ng dalawang kaibigan pa nila.

“Na-basted?” Mahinang tanong ni Liam kay Zion, magkakadikit silang tatlo habang nag-uusap usap tungkol kay Earl. 

“Tinamaan ng insecurity sa katawan dahil sa mga babae,” sagot ni Zion.

Lumapit si Gabriel kay Earl at inakbayan ito. Si Zion at Liam ay nanatili sa kanilang pwesto habang pinapanood ang dalawa.

“Alam mo, bro, ang mga babae hindi sineseryoso ang mga ‘yan. Lalo na yang mga babaeng bumabase sa itsura at puti, hindi worth it mga ‘yan.”

Huminga ng malalim si Earl at tumingin kay Gabriel na sinusubukang palakasin ang loob niya.

“Madali lang sa iyong sabihin ‘yan kasi maputi ka at mayaman. Marami pa ring gustong magpapansin sa iyo, eh ako? Wala ni isang maipagmamalaki.” Hindi pa rin natitinag na wika ni Earl.

“Bakit ba kasi iniisip mong pangit ka? Dude, maitim ka lang pero hindi ka pangit. Kulang ka lang ng skin care at sampung paligo.” Sinubukan na rin ni Liam na tulungan si Gabriel sa pagpapagaan ng loob ni Earl.

“Skin care? Yun ba yung araw araw mong ipinapahid sa mukha at katawan mo?” Tanong ni Earl na ikinatawa ni Gabriel at Zion. Tuwing umaga’t gabi kasi ay may routine si Liam, marami itong pinapahid sa katawan na pampaputi at pampakinis. Effective naman dahil talagang makinis at maputi ito, kung hindi nga lang sa boses at adams apple nito ay mapagkakamalan nila itong babae. Kabaliktaran ng itsura ni Zion. Kung si Liam ay feminine ang kagwapuhan, si Zion naman ay masculine, kaya parehong habulin ng babae.

“Exactly! Magsabi ka lang kung gusto mo ng recommendation,” alok ni Liam kay Earl.

Nalukot ang mukha ni Earl.

“Sobrang mahal ng mga yun eh, madalas na nga akong kinakapos sa allowance at sinasalo niyo. Tapos mag-i-skin care pa ako?” Natahimik naman ang tatlo sa sinabi ni Earl, hindi lingid sa kaalaman nila ang estado sa buhay ng lalaki. Kaya nga kapag may extra sila at nanghihiram ito ay mabilis silang naglalabas ng pera, hindi rin nila ito pini-pressure na magbayad. Ang totoo ay wala na rin silang planong singilin ito, itinuturing nalang nilang tulong iyon sa kaibigan, pero hindi nila sinasabi ng diretso kay Earl dahil ayaw nilang manliit ito sa sarili.

“Ako na ang sasagot sa pagpapaputi mo,” suhestiyon ni Gabriel na hindi kailanman naging problema ang pera. Sobrang yaman ng pamilya nito at sobrang spoiled ito, pati nga silang magkakaibigan ay damay minsan.

“Ayan may sponsor kana, operation paputiin si Earl in just one month!” Segunda ni Liam. Tumingin ang mga ito kay Zion na hindi pa rin nakukuha ang gusto ng mga kaibigan.

“What?” Maang na tanong  niya, nag-ilingan ang tatlong lalaki pagkatapos ay nagtawanan.

“Hindi pa rin unfair ang mundo,” kumento ni Gabriel. “Nakita mo yan, Earl? Gwapo nga pero slow naman, habang ikaw ang advantage mo ay yang talino mo. Kaya huwag kanang malungkot dyan.”

Sa wakas ay ngumiti na rin si Earl, tila bumalik na ang kumpiyansan nito sa sarili. Kaya naudlot ang inis ni Zion, at least kahit nagmukha siyang slow at pinagtawanan ng mga kaibigan ay nakatulong naman iyon sa sitwasyon.

“Excuse me.”

Pare-pareho silang natigilan nang may bigla nalang sumulpot sa nakabukas na pinto ng dorm nila, matangkad na babae at sobrang kinis at puti.

“Yes, miss? May kailangan ka?” Tanong ni Earl, pero hindi man lang ito tinapunan ng tingin ng babae. Nanatili itong nakatingin kay Liam na nakatayo sa gilid ng pintuan.

“Nakita lang kita habang naglalakad ako, what’s your name? Can I get your social media account? Naghahanap kasi kami ng model para sa school festival, at nakita kong perfect ka sa hinahanap namin.”

Nagkatinginan kaming tatlo nang makita ang muling paglungkot ni Earl.

“Ikaw rin. What’s your name?” Baling pa ng babae kay Zion.

“Sorry, miss. Wala kaming interest sa modeling o kahit anong fashion show.” Mariing tanggi ni Liam. Hindi na kami nagulat, kahit pa part-time model ito sa ilang kilalang brand at passion talaga ang modeling, hindi ito magda-dalawang isip tanggihan ang offer ng isang tao na walang respeto sa kaibigan nila.

“Same with me, miss. Hindi ako interesado sa mga taong pinipili lang ang ire-respeto, naunang nagtanong ang kaibigan ko, sana man lang sinagot mo ito at hindi inignore lang.” Kumpara sa sagot ni Liam na pinili ang mga salita para hindi makasakit ng damdamin, si Zion ay prangka at walang pinipili basta alam niyang nasa tama siya. Kaya nga siguro nag-click silang apat, dahil magkakaiba man ang personality nila ay mga totoo silang tao.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nur-ayna Sali
next plz.....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Wild nights with my Professor   Chapter 24

    Pagpasok palang ni Zion sa coffee shop kung nasaan ang mga kaibigan niya, agad siyang pinagkaguluhan ng mga ito. Bahagya pa siyang napaiwas kay Earl at nandidiring tiningnan ito nang sobrang lapit nitong animong plano pang halikan ang leeg niya.“Anong ginagawa niyo?” Inis na tanong niya at naupo nalang sa pang-isahang upuan para walang makalapit sa kanya.“Ang bango mo kasi, man. Nagbago ka ba ng pabago?Kumunot ang noo ni Zion, inamoy niya ang damit niya at natigilan. May kaunting amoy ni Honey ang damit niya, marahil dahil nagtagal siya sa office nito at naupo pa sa upuan nito. Totoong masarap sa ilong ang pabango ni Honey, tila gusto nakaaadik…at ayaw nalang niyang maligo mamaya.“Guys, tingnan niyo yung babaeng kapapasok lang. Iyong nasa counter.” Napako ang atensyon nilang apat sa counter area nang marinig ang sinabi ni Gabriel.Sa kalayuan ay isang matangkad, sexy, at magandang babae ang kasalukuyang umoorder ng kape. Agad niya ng naalala ang babae, ito yung senior na nagpa-add

  • Wild nights with my Professor   Chapter 23

    Napapalunok si Zion habang tahimik at seryosong binabasa ni Honey ang pinasa niyang tula dito. Ni wala siyang nakikitang reaksyon sa mukha nito, kaya naman mas lalo siyang hindi mapakali.“What is this?”Napaayos ng tayo si Zion nang marinig ang boses ni Honey ng unang beses simula nang ipasa niya ang pangalawang entry niya ng tula.“May mali pa rin? Sigurado akong hindi ko ‘yan kinopya at walang forbidden love sa mga sinulat ko ngayon.” Agad na depensa ni Zion sa sarili.Nag-angat ng mukha si Honey, kunot na kunot ang noo nito.“Is this for an ex-lover? Sobrang lalim, maganda siya at mukhang malalim ang pinaghugutan. Have you been broken before?”Napakurap si Zion nang walang masamang kumento na lumabas sa bibig ni Honey, sa halip ay pure curiosity lang.“Hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend simula noon.” Nahihiyang pag-amin ni Zion. “Ikaw palang ang una ko—”“Enough. Hindi ako naniniwalang never ka pang nagkaroon ng girlfriend, eh halos araw araw kang napapalibutan ng mga babae.”

  • Wild nights with my Professor   Chapter 22

    Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Honey nang pagpasok ni Zion sa klase niya kinabukasan ay may inilapag itong sampung bond paper sa harap niya. Nang tingnan niya naman ito ay may proud na ngisi ito sa mukha."Ayan na ang sampung poem na hinihingi mo, walang pandaraya...kahit ipa-billboard mo pa." Mayabang na wika ni Zion.Bumaba ang tingin ni Honey sa tulang tinukoy ng lalaki, binasa niya ng pahapyaw ang unang tula. Saka siya naguguluhang tiningnan si Zion."Saang website at sinong hindi kilalang writer ang ninakawan mo ng emosyonal na piece na 'to? O baka naman nagbayad ka pa ng gagawa para sa 'yo nito?"Ang mahangin at mayabang na aura ni Zion kanina ay biglang nawala, nalukot ang mukha nito at hindi makapaniwalang tumingin kay Honey."Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin? Kahit ipa-check mo pa 'yan kay Albert Einstein, original work ko 'yan. Palibhasa wala kang emosyon kaya siguradong hindi mo kayang sumulat ng emosyonal na tula." Pahaging pa ni Zion."Excuse me? I

  • Wild nights with my Professor   Chapter 21

    Katatapos lang ng klase ni Honey nang maalala niya ang lalaking iniwan sa kanyang opisina.“Kumusta na kaya ang loko na yun?” Mahinang bulong niya habang naglalakad pabalik ng opisina niya. “Masyado bang mahirap ang pagawin ko siya ng anim na tula?”Biglang nakaramdam ng kaunting guilt si Honey nang maisip na medyo napasobra siya sa pinagawang tula kay Zion, naisip niyang mag-order nalang ng pagkain para sa kanilang dalawa bilang pampalubag loob dito.“Huy, ano ‘yan? Mukhang hindi ka sasabay sa aking kumain, oorder ka nalang…at mukhang may iti-treat ka pa.” Usyoso ni Professor Gianna, nakisilip pa ito sa cellphone ni Honey.“Ikaw talaga, Professor Gianna. Hindi ba uso sa ‘yo ang privacy?” Mabilis na itinago ni Honey ang cellphone.“Ikaw naman, parang palaging bago. Saka hindi naman privae ‘yang ginagawa mo, umoorder ka lang naman ng pagkain para sa dalawa. Not unless…” Suminghap ito, napatakip pa ng bibig na animo gulat na gulat. “Yung ka-date mo ay estudyante, ano?”Nagsalubong ang k

  • Wild nights with my Professor   Chapter 20

    Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit ang tanging nagagawa palang ni Zion ay makipagtitigan sa papel na nasa harap niya, paminsan minsan ay napapatingin siya sa gawi ni Honey na tila walang pakialam sa kanya. Dalawa silang nasa loob ng opisina nito pero parang nasa magkaibang mundo sila.“Wala ka bang klase ngayon, Professor Honey?” Hindi na makatiss na tanong ni Zion, bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang tingnan ni Honey ang schedule board nito.“I still have five minutes, kumusta ang ginagawa mo?” Baling ni Honey sa ginagawa ni Zion, alam niyang wala pang nagagawa ang lalaki dahil pa-sikreto niyang pinapanood ito. Ngunit gusto niyang subukan kung magsasabi ito ng totoo.“Patapos na ako, baka nga hindi pa umabot ng alas dose.” Mayabang na saad nito, hindi tuloy maiwasan ni Honey na mapangisi.“Hindi ko alam na gano’n ka pala ka-dedicated sumulat ng tula. Pwede ko bang i-check na ang mga nagawa mo?”Natigilan si Zion. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig at kakaibang kaba sa mapan

  • Wild nights with my Professor   Chapter 19

    Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nina Zion at Honey, ngunit ramdam ni Zion ang tensyon sa matatalim na tingin ni Honey.“Ano bang ginagawa mo dito, a-ate?”Muling naningkit ang mga mata ni Honey.“Nasa school tayo, call me professor or else…”Napalunok si Zion. Pilit niyang pinapatapang ang sarili kahit kanina pang nanginginig ang tuhod niya sa takot.“Ano bang ginagawa mo dito sa dorm ko, Professor Honey? Huwag mong sabihing gusto mong maulit yung nangyari sa atin sa hotel? Hindi naman sa nagpapakipot ako, pero masyado pang maaga at hindi ka ba malalagay sa alanganin kapag nahuli kang pumapatol sa estudyante mo?”Namilog ang mata ni Honey, hindi makapaniwalang tumingin kay Zion.“A-Ano?! Gusto mo bang…” pumikit ng mariin si Honey at huminga ng malalim. “Nevermind. Follow me in my office now.”“P-Pero?” Nag-kunwaring umubo si Zion. “Totoong masama ang pakiramdam ko.”Matalim ang tinging ipinukol dito ni Honey, napaatras si Zion nang magtangka itong lapitan siya.“A-an

  • Wild nights with my Professor   Chapter 7

    Kasalukuyang naglalaban si Zion at ang mga kaibigan niya sa natitirang slice ng steak, nakahanda na ang lahat sa pakikipagdigma para sa isang piraso ng steak nang umugong ang bulungan. Pare-pareho silang napalingon sa paligid at natuon ang atensyon sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante.“Wow! Ang

  • Wild nights with my Professor   Chapter 5

    Paalis nalang sila nang maka-receive ng tawag si Vera. Pagbalik nito ay hindi maganda ang timpla ng mood nito.“Nakakainis naman yung boss ko, on vacation pa rin ako pero gusto daw akong ma-meet today dahil may importante itong sasabihin.”“Baka urgent. Puntahan mo na muna, you can use my car.” Suh

  • Wild nights with my Professor   Chapter 4

    Nang makarating sa corner kung saan walang tao ay buong pwersang hinila ni Honey ang kamay ni Zion at marahas na isinandal nito ang lalaki sa pader. Dahil sa pagkabigla at hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na natangay si Zion.“What the heck did we just do? I slept with a student and…my sister

  • Wild nights with my Professor   Chapter 3

    Akala ni Honey ay puro masasamang pangyayari nalang ang mararanasan niya nang buwan na yun, pero paggising niya kinaumagan ay halos magtatalon siya katitili nang maka-receive siya ng email mula sa inapplyan niyang school. Napabalikwas naman ng bangon si Vera na natutulog pa at nagising lang dahil s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status