Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-05-25 14:38:35

Nang makarating sa corner kung saan walang tao ay buong pwersang hinila ni Honey ang kamay ni Zion at marahas na isinandal nito ang lalaki sa pader. Dahil sa pagkabigla at hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na natangay si Zion.

“What the heck did we just do? I slept with a student and…my sister’s bestfriend?” Singhal ni Honey kay Zion.

Sobrang lapit nila na naaamoy na nila ang scent ng isa’t isa, pumikit si Zion para langhapin ang mabangong amoy ni Honey.

“Open your eyes, Zion. I’m talking to you. Don’t you dare think of other things while I’m infront of you.”

Dumilat si Zion na may malapad na ngiti sa mga labi.

“Hindi ko alam na may pagka-possessive ka pala, ate.”

Tumaas baba ang balikat ni Honey, nagpipigil na huwag sumabog sa galit.

“Magtino ka nga. Hindi ako nakikipag-biruan.”

“Fine, fine. Calm down, ate. Ano bang problema kung college student palang ako?”

Umawang ang bibig ni Honey, hindi makapaniwalang tila walang ideya ang lalaki sa maaring consequences kapag nalaman ng kahit na sino ang mga naganap sa kanila. O baka sadyang wala lang itong pakialam?

“Malaki. Malaking problema kaya huwag na huwag mong mababanggit ang namagitan sa atin kahit na kanino, lalong lalo na sa ate mo.”

“Ano ba ang ginawa nating masama na pwedeng maging problema, ate? Tinulungan lang kitang makaraos that time. Ni hindi ka nga nag-thank you, parang nagamit tuloy ako that time.” Ngumisi ng nakakaloko si Zion.

“Shut up! I gave you money to shut you up, didn’t I? Kaya ipagpatuloy mo lang ang pagtikom ng bibig mo, kung maaari ay huwag kana ring magsalita ng tungkol sa koneksyon natin.”

Hindi na nakapagpigil si Zion at natawa ng mahina. He turned around, his feet reached the ground, and pinned Honey against the wall. Nagpalit lang sila ng posisyon pero mas malapit, at si Zion na ang nasa ibabaw.

“Masyado ka naman yatang kinakabahan, ate. Wala pa nga akong ginagawa. Hindi mo ba na-miss ang presensya ko?”

Napalunok si Honey nang maramdaman ang mainit na hininga ni Zion malapit sa leeg niya.

“Don’t you dare, Zion.” Banta ni Honey sa lalaki.

Nasa gano’n silang posisyon nang biglang may pumasok sa loob para mag-cr, nasa labas sila ng comfort room for boys and girls kaya madadaanan sila. Nanghuhugas ang tingin ng mga ito sa kanila at nagmamadaling pumasok sa girl’s comfort room.

“Get a room!” Sigaw pa ng isa.

Gusto na lamang lamunin ng lupa si Honey ng mga oras na yun, pero tila hindi pa natatapos ang kalbaryo niya.

“Anong nangyayari dito?”

Pareho silang natigilan ni Zion at awtomatikong naghiwalay nang dumating si Vera. Nakatulala itong nagpapalipat lipat ang tingin sa kanila.

“Zion, is just helping me out…yeah, nasira kasi strap ng dress ko, so he helped me fix it.”

Naghihinala ang tingin ni Vera sa kapatid nito saka chineck ang strap ng damit ni Honey.

“Wala namang sira, ah.”

“Zion fixed it really well,” pangangatwiran pa ni Honey.

“Okay. Nakapag-cr na ba kayong dalawa? Ang tagal niyo kaya sumunod na ako.”

“Oo. Sorry, nagpatagal ‘tong pagkasira ng dress ko. Balik na tayo sa table natin.”

Hinila na ni Honey pabalik ng table nila si Vera. Lihim niyang sinilip sa likuran si Zion na kumindat pa kaya pinanlakihan niya ito ng mata.

…

Tahimik na kumakain ang tatlo nang may maalala si Zion.

“Oo nga pala, ate. Natatandaan mo yung kinu-kwento ko dati na nakakainis kong professor?” Basag ni Zion sa katahimikan.

“Hindi ko na matandaan ang pangalan, but I still remembered your story. Anong meron? Pinag-initan kana naman?”

Umiling si Zion. “She already resigned!”

“Talaga? Mabuti naman, nakakaubos siya ng buhok.”

“Sinabi mo pa ate, sana lang matino at bata pa ang pumalit sa kanya.”

“Hoy! Magtino ka nga, baak mamaya niyan pagpantasyahan mo pa ang professor mo.” Sita ni Vera kay Zion.

“Saan ka nga nag-aaral, Zion?” Singit ni Honey sa usapan ng magkapatid, nang marinig niya ang sinabi ni Zion ay bigla siyang nakaramdam ng kaba na sana ay mali lang siya ng hinala.

“Montesorri University.”

Nabitiwan ni Honey ang hawak na mga kubyertos nang marinig ang sagot ni Zion.

Napasinghap si Vera.

“Oh my gosh! Nawala sa isip ko kanina, doon ka nga pala lilipat na university.”

“What? Professor siya at sa school ko pa?” Bulalas ni Zion, hindi nito nagustuhan ang nalaman. Ayaw niya ng awkward na sitwasyon kung saan araw araw niyang makikita ang babaeng nakatabi niya sa kama at magiging professor pa niya.

“Hindi mo pa nga pala alam, ano? Magaling na professor itong si Honey, kaya nga natanggap ito agad sa school niyo.”

“No way,” hindi pa rin makapaniwalang wika ni Zion.

“Mag-umpisa kanang manalangin na sana ay hindi tayo magtagpo sa klase ko, Zion. I don’t play favorites. Lalo na kapatid ka ng bestfriend ko, I’ll be testing your full potential.” Pang-iinis ni Honey kay Zion.

Napalunok naman si Zion, kinakabahan na baka magkatotoo ang mga sinabi ni Honey.

“That’s a great idea. Please do that kapag naging estudyante mo ‘tong kapatid ko, patinuin at palambutin mo ang ulo.” Suhestiyon pa ni Vera.

“Sobrang mahal mo talaga ako,ate, ‘no?” Sarkastikong baling ni Zion kay Vera.

Ginulo naman ni Vera ang buhok ni Zion.

“Of course! Mamaya maka-buntis ka ng maaga, mas mabuti nang may bantay ka. Mapupusok pa naman ang mga kabataan ngayon.”

Natigilan si Honey sa sinabi ni Vera. Naalala niya ang pregnancy kit na itinago niya sa kanyang drawer, umorder siya online nun out of fear na baka may mabuo sa namagitan sa kanila ni Zion. Hindi pa niya alam na kapatid pala ito ng bestfriend niya at may posibilidad na maging estudyante niya. Mas lalo tuloy nadagdagan ang alalahanin niya, paano kung may mabuo talaga at nabuntis siya ni Zion? Paano niyang sasabihin sa bestfriend niya at ipapaliwanag sa school na pinagtuturuan niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wild nights with my Professor   Chapter 24

    Pagpasok palang ni Zion sa coffee shop kung nasaan ang mga kaibigan niya, agad siyang pinagkaguluhan ng mga ito. Bahagya pa siyang napaiwas kay Earl at nandidiring tiningnan ito nang sobrang lapit nitong animong plano pang halikan ang leeg niya.“Anong ginagawa niyo?” Inis na tanong niya at naupo nalang sa pang-isahang upuan para walang makalapit sa kanya.“Ang bango mo kasi, man. Nagbago ka ba ng pabago?Kumunot ang noo ni Zion, inamoy niya ang damit niya at natigilan. May kaunting amoy ni Honey ang damit niya, marahil dahil nagtagal siya sa office nito at naupo pa sa upuan nito. Totoong masarap sa ilong ang pabango ni Honey, tila gusto nakaaadik…at ayaw nalang niyang maligo mamaya.“Guys, tingnan niyo yung babaeng kapapasok lang. Iyong nasa counter.” Napako ang atensyon nilang apat sa counter area nang marinig ang sinabi ni Gabriel.Sa kalayuan ay isang matangkad, sexy, at magandang babae ang kasalukuyang umoorder ng kape. Agad niya ng naalala ang babae, ito yung senior na nagpa-add

  • Wild nights with my Professor   Chapter 23

    Napapalunok si Zion habang tahimik at seryosong binabasa ni Honey ang pinasa niyang tula dito. Ni wala siyang nakikitang reaksyon sa mukha nito, kaya naman mas lalo siyang hindi mapakali.“What is this?”Napaayos ng tayo si Zion nang marinig ang boses ni Honey ng unang beses simula nang ipasa niya ang pangalawang entry niya ng tula.“May mali pa rin? Sigurado akong hindi ko ‘yan kinopya at walang forbidden love sa mga sinulat ko ngayon.” Agad na depensa ni Zion sa sarili.Nag-angat ng mukha si Honey, kunot na kunot ang noo nito.“Is this for an ex-lover? Sobrang lalim, maganda siya at mukhang malalim ang pinaghugutan. Have you been broken before?”Napakurap si Zion nang walang masamang kumento na lumabas sa bibig ni Honey, sa halip ay pure curiosity lang.“Hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend simula noon.” Nahihiyang pag-amin ni Zion. “Ikaw palang ang una ko—”“Enough. Hindi ako naniniwalang never ka pang nagkaroon ng girlfriend, eh halos araw araw kang napapalibutan ng mga babae.”

  • Wild nights with my Professor   Chapter 22

    Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Honey nang pagpasok ni Zion sa klase niya kinabukasan ay may inilapag itong sampung bond paper sa harap niya. Nang tingnan niya naman ito ay may proud na ngisi ito sa mukha."Ayan na ang sampung poem na hinihingi mo, walang pandaraya...kahit ipa-billboard mo pa." Mayabang na wika ni Zion.Bumaba ang tingin ni Honey sa tulang tinukoy ng lalaki, binasa niya ng pahapyaw ang unang tula. Saka siya naguguluhang tiningnan si Zion."Saang website at sinong hindi kilalang writer ang ninakawan mo ng emosyonal na piece na 'to? O baka naman nagbayad ka pa ng gagawa para sa 'yo nito?"Ang mahangin at mayabang na aura ni Zion kanina ay biglang nawala, nalukot ang mukha nito at hindi makapaniwalang tumingin kay Honey."Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin? Kahit ipa-check mo pa 'yan kay Albert Einstein, original work ko 'yan. Palibhasa wala kang emosyon kaya siguradong hindi mo kayang sumulat ng emosyonal na tula." Pahaging pa ni Zion."Excuse me? I

  • Wild nights with my Professor   Chapter 21

    Katatapos lang ng klase ni Honey nang maalala niya ang lalaking iniwan sa kanyang opisina.“Kumusta na kaya ang loko na yun?” Mahinang bulong niya habang naglalakad pabalik ng opisina niya. “Masyado bang mahirap ang pagawin ko siya ng anim na tula?”Biglang nakaramdam ng kaunting guilt si Honey nang maisip na medyo napasobra siya sa pinagawang tula kay Zion, naisip niyang mag-order nalang ng pagkain para sa kanilang dalawa bilang pampalubag loob dito.“Huy, ano ‘yan? Mukhang hindi ka sasabay sa aking kumain, oorder ka nalang…at mukhang may iti-treat ka pa.” Usyoso ni Professor Gianna, nakisilip pa ito sa cellphone ni Honey.“Ikaw talaga, Professor Gianna. Hindi ba uso sa ‘yo ang privacy?” Mabilis na itinago ni Honey ang cellphone.“Ikaw naman, parang palaging bago. Saka hindi naman privae ‘yang ginagawa mo, umoorder ka lang naman ng pagkain para sa dalawa. Not unless…” Suminghap ito, napatakip pa ng bibig na animo gulat na gulat. “Yung ka-date mo ay estudyante, ano?”Nagsalubong ang k

  • Wild nights with my Professor   Chapter 20

    Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit ang tanging nagagawa palang ni Zion ay makipagtitigan sa papel na nasa harap niya, paminsan minsan ay napapatingin siya sa gawi ni Honey na tila walang pakialam sa kanya. Dalawa silang nasa loob ng opisina nito pero parang nasa magkaibang mundo sila.“Wala ka bang klase ngayon, Professor Honey?” Hindi na makatiss na tanong ni Zion, bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang tingnan ni Honey ang schedule board nito.“I still have five minutes, kumusta ang ginagawa mo?” Baling ni Honey sa ginagawa ni Zion, alam niyang wala pang nagagawa ang lalaki dahil pa-sikreto niyang pinapanood ito. Ngunit gusto niyang subukan kung magsasabi ito ng totoo.“Patapos na ako, baka nga hindi pa umabot ng alas dose.” Mayabang na saad nito, hindi tuloy maiwasan ni Honey na mapangisi.“Hindi ko alam na gano’n ka pala ka-dedicated sumulat ng tula. Pwede ko bang i-check na ang mga nagawa mo?”Natigilan si Zion. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig at kakaibang kaba sa mapan

  • Wild nights with my Professor   Chapter 19

    Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nina Zion at Honey, ngunit ramdam ni Zion ang tensyon sa matatalim na tingin ni Honey.“Ano bang ginagawa mo dito, a-ate?”Muling naningkit ang mga mata ni Honey.“Nasa school tayo, call me professor or else…”Napalunok si Zion. Pilit niyang pinapatapang ang sarili kahit kanina pang nanginginig ang tuhod niya sa takot.“Ano bang ginagawa mo dito sa dorm ko, Professor Honey? Huwag mong sabihing gusto mong maulit yung nangyari sa atin sa hotel? Hindi naman sa nagpapakipot ako, pero masyado pang maaga at hindi ka ba malalagay sa alanganin kapag nahuli kang pumapatol sa estudyante mo?”Namilog ang mata ni Honey, hindi makapaniwalang tumingin kay Zion.“A-Ano?! Gusto mo bang…” pumikit ng mariin si Honey at huminga ng malalim. “Nevermind. Follow me in my office now.”“P-Pero?” Nag-kunwaring umubo si Zion. “Totoong masama ang pakiramdam ko.”Matalim ang tinging ipinukol dito ni Honey, napaatras si Zion nang magtangka itong lapitan siya.“A-an

  • Wild nights with my Professor   Chapter 7

    Kasalukuyang naglalaban si Zion at ang mga kaibigan niya sa natitirang slice ng steak, nakahanda na ang lahat sa pakikipagdigma para sa isang piraso ng steak nang umugong ang bulungan. Pare-pareho silang napalingon sa paligid at natuon ang atensyon sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante.“Wow! Ang

  • Wild nights with my Professor   Chapter 6

    Pagdating ni Zion sa boy’s dormitory ay naroon na ang isa sa mga kaibigan niyang si Earl, maliit at payat ito kaya hindi masyadong pansinin ng babae.“Sino yung kausap mo kanina?” Tanong ni Earl kay Zion na kapapasok lang at kasalukuyang inilalapag ang mga dalang gamit.“Schoolmate lang na nanghihi

  • Wild nights with my Professor   Chapter 5

    Paalis nalang sila nang maka-receive ng tawag si Vera. Pagbalik nito ay hindi maganda ang timpla ng mood nito.“Nakakainis naman yung boss ko, on vacation pa rin ako pero gusto daw akong ma-meet today dahil may importante itong sasabihin.”“Baka urgent. Puntahan mo na muna, you can use my car.” Suh

  • Wild nights with my Professor   Chapter 3

    Akala ni Honey ay puro masasamang pangyayari nalang ang mararanasan niya nang buwan na yun, pero paggising niya kinaumagan ay halos magtatalon siya katitili nang maka-receive siya ng email mula sa inapplyan niyang school. Napabalikwas naman ng bangon si Vera na natutulog pa at nagising lang dahil s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status