แชร์

Chapter 7

ผู้เขียน: marahuyongmarikit
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-02 11:01:55

Kasalukuyang naglalaban si Zion at ang mga kaibigan niya sa natitirang slice ng steak, nakahanda na ang lahat sa pakikipagdigma para sa isang piraso ng steak nang umugong ang bulungan. Pare-pareho silang napalingon sa paligid at natuon ang atensyon sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante.

“Wow! Ang ganda…” Namamanghang anas ni Earl, sinundan ng tingin ni Zion ang tinitingnan ng kaibigan.

Nanindig ang balahibo niya sa nakita. Kahit malamig naman ang paligid dahil sa aircon ay bigla siyang pinagpawisan ng malagkit.

“Is that our senior? Sa tingin mo niyo may chance ako kung kukunin ko ang number niya?” Sabay sabay na napatingin ang magka-kaibigan kay Gabriel na kasalukuyang inaayos pa ang buhok nito.

“Sa ganda niyan? For sure may boyfriend ‘yan,” wika ni Liam.

“Malay mo naman wala? Maraming magagandang babae ngayon na pihikan sa lalaki, lalo na yung mga mature na babae.” Patuloy na pangungumbinsi ni Gabriel sa kanila.

“Ikaw na rin ang nagsabi, pihikan ang ganyang mga babae. Sa tingin mo papansinin tayo niyan? Saka ang mga ganyang babae, hindi pumapatol sa mas bata sa kanila. Gusto nila yung mga may experience na, para pagdating sa kama mapapa-ungol sila ng malakas.” Imwinestra pa ni Liam ang tinutukoy, animong may hawak itong dalawang pandesal na nilalamukos. Mabilis na tinabig ni Earl ang kamay ni Liam.

“Sira ka, Liam. Gusto mong mahuli tayo? Mamaya sabihin pinag-iisipan natin siya ng mahalay.” Sita ni Earl kay Liam, nagtawanan naman ang mga ito.

Sa kabila ng biruan ng mga kaibigan ni Zion, parang dagok naman sa kanya ang mga lumalabas sa bibig ng mga ito. Ni tingnan ulit si Honey ay hindi niya magawa, naalala niya ang mga nangyari sa kanila sa hotel. 

“Teka nga, bakit tahimik ka, Zion? Hindi mo ba trip ang mga mature na babae? Mas magagaling sila sa kama, marami silang maituturo sa ‘yo.” Baling ni Gabriel kay Zion.

Napalunok naman ng sariling laway si Zion. Kung alam lang ng mga itong siya ang nakauna sa babaeng pinagpapantasyahan nila, baka kanina pa siyang ibinitiwin patiwarik ng mga kaibigan para ikwento niya ang mga nangyari.

“Hindi. Mas gusto ko yung mga ka-edad lang natin, ayoko ng mas maraming alam sa akin. Gusto ko ako yung magli-lead,” wala sa loob na tugon ni Zion.

Nagkatinginan ang mga kaibigan niya.

“Ang boring naman ng taste mo, sa atin pa namang apat mas may chance ka sanang mapansin ng babaeng yun.” Kumento ni Earl, tumingin dito si Zion.

“Bakit?”

“Well, gwapo ka at mas mukha kang mature kaysa sa edad natin. Mas tipo ng mga babae ang hot at mature-looking man.” Paliwanag ni Earl sa statement nito.

Mas lalo namang hindi mapakali si Zion, palihim niyang hinanap ng mata si Honey. Nanlaki ang mata niya nang magtama ang tingin nila, mabilis siyang nag-iwas at napaayos ng upo.

“Ayos ka lang ba, Zion? Natatae ka ba sa dami ng kinain mo?” Untag ni Liam na katabi niya, kaya mas pansin nito ang mga kinikilos niya.

“Ha? Oo yata, tama, natatae lang ako.”

Nawe-weirduhang nakatingin lang kay Zion ang mga kaibigan niya.

“Ano pang ginagawa mo? Bakit hindi ka pa tumakbo sa CR? Huwag mong sabihing…” Humina ang boses ni Gabriel. “Nakatae kana sa pants mo?”

Binatukan ng malakas ni Zion si Gabriel at masama ang tinging ipinukol dito.

“Siraulo. Itutulad mo pa ako sa ‘yo,” asik ni Zion.

Natawa naman si Earl at Liam, habang napahilot ng ulo si Gabriel. Si Gabriel kasi ang glutton sa kanilang magkakaibigan, hobby nito ang kumain kaya maya’t mayang tinatawag ng kalikasan. Ngunit hindi pa naman nangyari dito ang natae ito sa short o pantalon.

“Hoy! Madalas akong matae, pero never pa akong nilabasan sa pants.” Depensa ni Gabriel na medyo napalakas, kaya nakakuha iyon ng maraming atensyon.

“T@ngina, Gabriel. Bakit kailangan mong ilakas ang boses mo?” Nahihiyang bulalas ni Liam, pare-pareho tuloy silang nakayuko at itinatago ang mga mukha nila. Lalo’t naging sentro sila ng bulung-bulungan. Mas lalo namang kinabahan si Zion, ramdam niya ang matatalim na tinging hindi na naalis sa kanya simula nang magtama ang mata nila ni Honey.

“Malay ko bang sobrang lakas lalabas, nainis kasi ako sa sinabi nitong si Zion. Sabihan ba naman akong natae sa pants.” Reklamo ni Gabriel.

“Hindi nga sana problema kung tae ang sinabi mo, kaso yung lumabas na salita sa bibig mo, may double meaning, dude.” Ani Earl, para tuloy silanng mga baliw na nagbubulungan.

“Alam niyo, tapos na akong kumain, mauuna na ako.” Paalam ni Zion, hindi na kaya ang hiya at pressure na nakukuha.

“Sama ako,” mabilis na tumayo si Liam at sumunod kay Zion. Gano’n din naman ang dalawa pang kaibigan nila, ang steak na pinag-aagawan nila kanina ay naiwan sa plato at hindi na muling napansin.

Saka palang nakahinga ng maluwag si Zion nang makalabas sila sa cafeteria at makarating sa classroom nila. Iisa ang course nila ng mga kaibigan niya kaya magkakasama pa rin sila.

“Huy, guys. Tingnan niyo may magandang babae sa gilid, kanina pa tingin nang tingin dito.” Untag ni Earl sa kanila, wala na itong bukambibig kundi babae.

Tiningnan nila ang tinuturo ni Earl, maganda nga at mukhang ka-edad lang nila.

“Mukhang crush ang isa sa atin,” segunda pa ni Gabriel sa sinabi ni Earl.

“Katatakas lang natin sa isang kahihiyan, babae na naman ang pinag-uusapan niyo.” Walang interest na wika ni Zion, maganda nga ang babae pero mas nakatuon sa iba ang atensyon ni Zion. Hindi sa babaeng ka-edad nila, kundi sa babaeng iniwan nila sa canteen. Hindi pa rin mawala wala sa isip niya ang imahe ni Honey noong pinapaligaya niya ito, ang sarap sa paningin na parang gusto niya ulit maulit.

“Kukunin ko ang number,” suhestiyon ni Liam.

Napalingon na rin si Zion sa pinagkakaguluhan ng mga kaibigan niya. First time kasing magpakita ng interest ni Liam sa babae.

“Hi, miss. I’m Liam, can I get your number?”

Nasamid sa sariling laway sina Zion, Earl, at Gabriel sa sobrang straightforward ni Liam.

“Sabi ko sa inyo, kahihiyan na naman ito.” Naiiling na saad ni Zion, sabay sabay nilang tinalikuran si Liam at nagpanggap na hindi kilala ang lalaki.

“Sorry? Hindi ko pinapamigay sa isang estranghero ang personal details ko.”

Parang echo sa mga tenga nila ang sinagot ng babae kay Liam, hindi nila alam kung tatawanan o iiyakan ang unang rejection na natanggap ni Liam ngayong taon.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Wild nights with my Professor   Chapter 24

    Pagpasok palang ni Zion sa coffee shop kung nasaan ang mga kaibigan niya, agad siyang pinagkaguluhan ng mga ito. Bahagya pa siyang napaiwas kay Earl at nandidiring tiningnan ito nang sobrang lapit nitong animong plano pang halikan ang leeg niya.“Anong ginagawa niyo?” Inis na tanong niya at naupo nalang sa pang-isahang upuan para walang makalapit sa kanya.“Ang bango mo kasi, man. Nagbago ka ba ng pabago?Kumunot ang noo ni Zion, inamoy niya ang damit niya at natigilan. May kaunting amoy ni Honey ang damit niya, marahil dahil nagtagal siya sa office nito at naupo pa sa upuan nito. Totoong masarap sa ilong ang pabango ni Honey, tila gusto nakaaadik…at ayaw nalang niyang maligo mamaya.“Guys, tingnan niyo yung babaeng kapapasok lang. Iyong nasa counter.” Napako ang atensyon nilang apat sa counter area nang marinig ang sinabi ni Gabriel.Sa kalayuan ay isang matangkad, sexy, at magandang babae ang kasalukuyang umoorder ng kape. Agad niya ng naalala ang babae, ito yung senior na nagpa-add

  • Wild nights with my Professor   Chapter 23

    Napapalunok si Zion habang tahimik at seryosong binabasa ni Honey ang pinasa niyang tula dito. Ni wala siyang nakikitang reaksyon sa mukha nito, kaya naman mas lalo siyang hindi mapakali.“What is this?”Napaayos ng tayo si Zion nang marinig ang boses ni Honey ng unang beses simula nang ipasa niya ang pangalawang entry niya ng tula.“May mali pa rin? Sigurado akong hindi ko ‘yan kinopya at walang forbidden love sa mga sinulat ko ngayon.” Agad na depensa ni Zion sa sarili.Nag-angat ng mukha si Honey, kunot na kunot ang noo nito.“Is this for an ex-lover? Sobrang lalim, maganda siya at mukhang malalim ang pinaghugutan. Have you been broken before?”Napakurap si Zion nang walang masamang kumento na lumabas sa bibig ni Honey, sa halip ay pure curiosity lang.“Hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend simula noon.” Nahihiyang pag-amin ni Zion. “Ikaw palang ang una ko—”“Enough. Hindi ako naniniwalang never ka pang nagkaroon ng girlfriend, eh halos araw araw kang napapalibutan ng mga babae.”

  • Wild nights with my Professor   Chapter 22

    Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Honey nang pagpasok ni Zion sa klase niya kinabukasan ay may inilapag itong sampung bond paper sa harap niya. Nang tingnan niya naman ito ay may proud na ngisi ito sa mukha."Ayan na ang sampung poem na hinihingi mo, walang pandaraya...kahit ipa-billboard mo pa." Mayabang na wika ni Zion.Bumaba ang tingin ni Honey sa tulang tinukoy ng lalaki, binasa niya ng pahapyaw ang unang tula. Saka siya naguguluhang tiningnan si Zion."Saang website at sinong hindi kilalang writer ang ninakawan mo ng emosyonal na piece na 'to? O baka naman nagbayad ka pa ng gagawa para sa 'yo nito?"Ang mahangin at mayabang na aura ni Zion kanina ay biglang nawala, nalukot ang mukha nito at hindi makapaniwalang tumingin kay Honey."Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin? Kahit ipa-check mo pa 'yan kay Albert Einstein, original work ko 'yan. Palibhasa wala kang emosyon kaya siguradong hindi mo kayang sumulat ng emosyonal na tula." Pahaging pa ni Zion."Excuse me? I

  • Wild nights with my Professor   Chapter 21

    Katatapos lang ng klase ni Honey nang maalala niya ang lalaking iniwan sa kanyang opisina.“Kumusta na kaya ang loko na yun?” Mahinang bulong niya habang naglalakad pabalik ng opisina niya. “Masyado bang mahirap ang pagawin ko siya ng anim na tula?”Biglang nakaramdam ng kaunting guilt si Honey nang maisip na medyo napasobra siya sa pinagawang tula kay Zion, naisip niyang mag-order nalang ng pagkain para sa kanilang dalawa bilang pampalubag loob dito.“Huy, ano ‘yan? Mukhang hindi ka sasabay sa aking kumain, oorder ka nalang…at mukhang may iti-treat ka pa.” Usyoso ni Professor Gianna, nakisilip pa ito sa cellphone ni Honey.“Ikaw talaga, Professor Gianna. Hindi ba uso sa ‘yo ang privacy?” Mabilis na itinago ni Honey ang cellphone.“Ikaw naman, parang palaging bago. Saka hindi naman privae ‘yang ginagawa mo, umoorder ka lang naman ng pagkain para sa dalawa. Not unless…” Suminghap ito, napatakip pa ng bibig na animo gulat na gulat. “Yung ka-date mo ay estudyante, ano?”Nagsalubong ang k

  • Wild nights with my Professor   Chapter 20

    Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit ang tanging nagagawa palang ni Zion ay makipagtitigan sa papel na nasa harap niya, paminsan minsan ay napapatingin siya sa gawi ni Honey na tila walang pakialam sa kanya. Dalawa silang nasa loob ng opisina nito pero parang nasa magkaibang mundo sila.“Wala ka bang klase ngayon, Professor Honey?” Hindi na makatiss na tanong ni Zion, bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang tingnan ni Honey ang schedule board nito.“I still have five minutes, kumusta ang ginagawa mo?” Baling ni Honey sa ginagawa ni Zion, alam niyang wala pang nagagawa ang lalaki dahil pa-sikreto niyang pinapanood ito. Ngunit gusto niyang subukan kung magsasabi ito ng totoo.“Patapos na ako, baka nga hindi pa umabot ng alas dose.” Mayabang na saad nito, hindi tuloy maiwasan ni Honey na mapangisi.“Hindi ko alam na gano’n ka pala ka-dedicated sumulat ng tula. Pwede ko bang i-check na ang mga nagawa mo?”Natigilan si Zion. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig at kakaibang kaba sa mapan

  • Wild nights with my Professor   Chapter 19

    Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nina Zion at Honey, ngunit ramdam ni Zion ang tensyon sa matatalim na tingin ni Honey.“Ano bang ginagawa mo dito, a-ate?”Muling naningkit ang mga mata ni Honey.“Nasa school tayo, call me professor or else…”Napalunok si Zion. Pilit niyang pinapatapang ang sarili kahit kanina pang nanginginig ang tuhod niya sa takot.“Ano bang ginagawa mo dito sa dorm ko, Professor Honey? Huwag mong sabihing gusto mong maulit yung nangyari sa atin sa hotel? Hindi naman sa nagpapakipot ako, pero masyado pang maaga at hindi ka ba malalagay sa alanganin kapag nahuli kang pumapatol sa estudyante mo?”Namilog ang mata ni Honey, hindi makapaniwalang tumingin kay Zion.“A-Ano?! Gusto mo bang…” pumikit ng mariin si Honey at huminga ng malalim. “Nevermind. Follow me in my office now.”“P-Pero?” Nag-kunwaring umubo si Zion. “Totoong masama ang pakiramdam ko.”Matalim ang tinging ipinukol dito ni Honey, napaatras si Zion nang magtangka itong lapitan siya.“A-an

  • Wild nights with my Professor   Chapter 6

    Pagdating ni Zion sa boy’s dormitory ay naroon na ang isa sa mga kaibigan niyang si Earl, maliit at payat ito kaya hindi masyadong pansinin ng babae.“Sino yung kausap mo kanina?” Tanong ni Earl kay Zion na kapapasok lang at kasalukuyang inilalapag ang mga dalang gamit.“Schoolmate lang na nanghihi

  • Wild nights with my Professor   Chapter 5

    Paalis nalang sila nang maka-receive ng tawag si Vera. Pagbalik nito ay hindi maganda ang timpla ng mood nito.“Nakakainis naman yung boss ko, on vacation pa rin ako pero gusto daw akong ma-meet today dahil may importante itong sasabihin.”“Baka urgent. Puntahan mo na muna, you can use my car.” Suh

  • Wild nights with my Professor   Chapter 4

    Nang makarating sa corner kung saan walang tao ay buong pwersang hinila ni Honey ang kamay ni Zion at marahas na isinandal nito ang lalaki sa pader. Dahil sa pagkabigla at hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na natangay si Zion.“What the heck did we just do? I slept with a student and…my sister

  • Wild nights with my Professor   Chapter 3

    Akala ni Honey ay puro masasamang pangyayari nalang ang mararanasan niya nang buwan na yun, pero paggising niya kinaumagan ay halos magtatalon siya katitili nang maka-receive siya ng email mula sa inapplyan niyang school. Napabalikwas naman ng bangon si Vera na natutulog pa at nagising lang dahil s

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status