MasukPaalis nalang sila nang maka-receive ng tawag si Vera. Pagbalik nito ay hindi maganda ang timpla ng mood nito.
“Nakakainis naman yung boss ko, on vacation pa rin ako pero gusto daw akong ma-meet today dahil may importante itong sasabihin.”
“Baka urgent. Puntahan mo na muna, you can use my car.” Suhestiyon ni Honey.
“Paano ka? Hindi ka pa naman sanay mag-commute.”
Tumingin si Honey kay Zion.
“Your brother will drive me home.”
Nanlaki ang mata ni Zion sa narinig, parang bigla siyang nakaramdam ng panganib.
“Are you sure? Pwede namang magpahatid nalang ako kay Zion sa meeting place namin ng boss ko.”
“Mamomroblema ka pa sa pag-uwi. Just use my car, sa bahay ka pa rin naman uuwi mamaya, hindi ba?”
Saglit na nag-isip si Vera. Lumipat ang tingin nito kay Zion, nagbabatang pinanliitan nito ng mata ang lalaki.
“Make sure to drive Honey home, Zion. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan.”
“Ano bang akala mo sa akin, ate? Lahat gagawan ng kalokohan?” Angal ni Zion.
“Hindi nga ba?” Singit ni Honey na ikinatigil ng mag-kapatid.
“Huy, Honey. Binibiro ko lang ‘tong kapatid ko, huwag mong masyadong seryosohin. Mabait naman yan kahit matigas ang ulo.”
“Sinasakyan ko lang din ang biro mo. Sana nga ay mabait talaga siya.” Ngumiti si Honey kaya nawala na rin ang tensyon na nararamdaman ni Vera.
“Tawagan niyo nalang ako kapag nakauwi kayo ng safe ha. Update me from time to time,” paalala ni Vera bago tuluyang umalis.
Nabalot ng katahimikan ang pagitan ni Zion at Honey nang silang dalawa nalang ang maiwan.
“Give me the key,” utos ni Honey kay Zion.
“What? Bakit ko naman ibibigay sa ‘yo ang susi ng sasakyan ko? Saan mo ako dadalhin? Balak mo pang dugtungan yung naudlot nating eksena sa hotel?”
Nagbabantang tumingin si Honey kay Zion.
“Give me the key, o babasagin ko yung salamin ng sasakyan mo para hindi na ito magamit pa.”
“Seriously? What is wrong with you? Akala ko ba maayos na tayong nakapag-usap, ano pa ba ang gusto mo? Bakit kailangan mo pang gawing kumplikado ang lahat?”
“Oh really,” ngumisi ng nakakaloko si Honey. “You think after what happened, everything is already over? Ipapakita ko sa ‘yo ang problema at bakit kumplikado ang lahat.”
Kinabahan si Zion, lalo na sa mga tingin ni Honey. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig.
“The key, Zion. Don’t make me repeat it again, I swear makakakita ka ng sasakyang nababasag ang salamin.”
Nagpapaubayang ibinigay ni Zion kay Honey ang susi ng saksakyan nito.
“Take care of my baby.”
“Don’t say it like that. Mas lalo mo lang pinapainit ang ulo ko.”
Sumunod si Zion kay Honey na naguguluhan kung anong nakakainit ng ulo sa huli niyang sinabi.
“Bakit ba hindi mo nalang ako hinayaang mag-drive?” Tanong ni Zion nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan.
“I don’t trust students' driving skills.”
Natawa ng pagak si Zion, akala niya ay iniinsulto lang siya ni Honey.
“Sarap na sarap ka nga sa skills ng minamaliit mong estudyante.”
Humigit ng buntong hininga si Honey.
“Hindi ko minamaliit ang driving skills mo. I got into an accident with my brother before, estudyante palang siya noon at hinayaan kong siya ang mag-drive since natapos na niya ang kanyang driving lesson. However, masyado pa palang maaga para mag-drive ito sa city, nataranta ito nang magkaroon ng aberya sa daan na nag-lead sa aksidente. Nakasagasa kami ng tao at dead on the spot, while my brother, tumama ang ulo niya sa manibela and he died on the spot as well. That was my horror story, ever since then I never let a student drive me home.”
Natahimik si Zion, bigla itong nakaramdam ng guilt sa naisip na dahilan ni Honey kaya ayaw siyang pag-driven.
“Sorry,” hingi ni Zion ng paumanhin.
Hanggang sa marating nila ang unit ni Honey ay tahimik lang sila.
“Come in,” utos ni Honey kay Zion nang mabuksan niya ang pinto. May pagda-dalawang isip man ay sumunod nalang si Zion.
Kinuha ni Honey ang kalendaryong pina-customize niya para i-track ang period niya at ibinigay iyon kay Zion. Naguguluhang tiningnan naman ni Zion ang kalendaryo.
“Anong meron dito?”
“Look at the red check, those are the days that I’m ovulating. It means risky ang makipagtalik dahil malaki ang possibility na mabuntis.”
Tiningnan nga ni Zion ang mga dates na may check, at habang tumatagal ay unti unting nagbabago ang ekspresyon nito hanggang sa tila tuluyan na itong tinakasan ng dugo.
“B-buntis ka?” Tigalgal na tanong ni Zion.
Nagkibit-balikat si Honey.
“Hindi ko pa alam. Masyado pang maaga to conclude, pero base sa calendar tracker ko, that day na may mangyari sa atin ay nag-oovulate ako. Now, tell me, why should I not worry about it?”
Matagal na hindi nakaimik si Zion. Malakas ang kabog ng dibdib niya, hindi niya kailanman naisip na maaring may mabuo sa mga ginawa nila ni Honey. Lalo na’t hindi rin siya gumamit ng protection, nag-withdrawal method lang sila pero malaki pa rin ang risk no’n lalo kung ovulating ang babae.
“What do you think will happen if ever na buntis ka nga?”
Natawa ng mapakla si Honey.
“Hindi ko alam, but looking at your reaction right now, sa tingin ko ay hindi rin kita maaasahan sa pag-resolba ng problema. You’re not ready yet.”
Kumuyom ang dalawang kamao ni Zion, gusto niyang itanggi ang paratang ni Honey pero maging siya ay hindi sigurado kung kaya ba niyang panindigan ito kung sakaling buntis nga ang babae.
“Listen carefully, Zion. Huwag na huwag kang gagalaw ng babae kung hindi ka pa handang maging ama, wala ng safe s*x sa panahon ngayon at lahat may risk basta ipinasok mo yang b****a mo sa isang basang kweba. Kung hindi mo pa kayang magpaka-ama, don’t ever consider s*x.”
Hindi malaman ni Zion kung matatawa o maiiyak. Wala pa man, hindi pa man sila nagtatagpo bilang estudyante at professor ay mayroon na itong aral sa kanya. But their biggest problem remain unsolved, paano kung nakabuntis siya habang hindi pa nakaka-graduate at walang stable na trabaho? Paano niyang bubuhayin ang mag-ina niya?
Pagpasok palang ni Zion sa coffee shop kung nasaan ang mga kaibigan niya, agad siyang pinagkaguluhan ng mga ito. Bahagya pa siyang napaiwas kay Earl at nandidiring tiningnan ito nang sobrang lapit nitong animong plano pang halikan ang leeg niya.“Anong ginagawa niyo?” Inis na tanong niya at naupo nalang sa pang-isahang upuan para walang makalapit sa kanya.“Ang bango mo kasi, man. Nagbago ka ba ng pabago?Kumunot ang noo ni Zion, inamoy niya ang damit niya at natigilan. May kaunting amoy ni Honey ang damit niya, marahil dahil nagtagal siya sa office nito at naupo pa sa upuan nito. Totoong masarap sa ilong ang pabango ni Honey, tila gusto nakaaadik…at ayaw nalang niyang maligo mamaya.“Guys, tingnan niyo yung babaeng kapapasok lang. Iyong nasa counter.” Napako ang atensyon nilang apat sa counter area nang marinig ang sinabi ni Gabriel.Sa kalayuan ay isang matangkad, sexy, at magandang babae ang kasalukuyang umoorder ng kape. Agad niya ng naalala ang babae, ito yung senior na nagpa-add
Napapalunok si Zion habang tahimik at seryosong binabasa ni Honey ang pinasa niyang tula dito. Ni wala siyang nakikitang reaksyon sa mukha nito, kaya naman mas lalo siyang hindi mapakali.“What is this?”Napaayos ng tayo si Zion nang marinig ang boses ni Honey ng unang beses simula nang ipasa niya ang pangalawang entry niya ng tula.“May mali pa rin? Sigurado akong hindi ko ‘yan kinopya at walang forbidden love sa mga sinulat ko ngayon.” Agad na depensa ni Zion sa sarili.Nag-angat ng mukha si Honey, kunot na kunot ang noo nito.“Is this for an ex-lover? Sobrang lalim, maganda siya at mukhang malalim ang pinaghugutan. Have you been broken before?”Napakurap si Zion nang walang masamang kumento na lumabas sa bibig ni Honey, sa halip ay pure curiosity lang.“Hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend simula noon.” Nahihiyang pag-amin ni Zion. “Ikaw palang ang una ko—”“Enough. Hindi ako naniniwalang never ka pang nagkaroon ng girlfriend, eh halos araw araw kang napapalibutan ng mga babae.”
Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Honey nang pagpasok ni Zion sa klase niya kinabukasan ay may inilapag itong sampung bond paper sa harap niya. Nang tingnan niya naman ito ay may proud na ngisi ito sa mukha."Ayan na ang sampung poem na hinihingi mo, walang pandaraya...kahit ipa-billboard mo pa." Mayabang na wika ni Zion.Bumaba ang tingin ni Honey sa tulang tinukoy ng lalaki, binasa niya ng pahapyaw ang unang tula. Saka siya naguguluhang tiningnan si Zion."Saang website at sinong hindi kilalang writer ang ninakawan mo ng emosyonal na piece na 'to? O baka naman nagbayad ka pa ng gagawa para sa 'yo nito?"Ang mahangin at mayabang na aura ni Zion kanina ay biglang nawala, nalukot ang mukha nito at hindi makapaniwalang tumingin kay Honey."Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin? Kahit ipa-check mo pa 'yan kay Albert Einstein, original work ko 'yan. Palibhasa wala kang emosyon kaya siguradong hindi mo kayang sumulat ng emosyonal na tula." Pahaging pa ni Zion."Excuse me? I
Katatapos lang ng klase ni Honey nang maalala niya ang lalaking iniwan sa kanyang opisina.“Kumusta na kaya ang loko na yun?” Mahinang bulong niya habang naglalakad pabalik ng opisina niya. “Masyado bang mahirap ang pagawin ko siya ng anim na tula?”Biglang nakaramdam ng kaunting guilt si Honey nang maisip na medyo napasobra siya sa pinagawang tula kay Zion, naisip niyang mag-order nalang ng pagkain para sa kanilang dalawa bilang pampalubag loob dito.“Huy, ano ‘yan? Mukhang hindi ka sasabay sa aking kumain, oorder ka nalang…at mukhang may iti-treat ka pa.” Usyoso ni Professor Gianna, nakisilip pa ito sa cellphone ni Honey.“Ikaw talaga, Professor Gianna. Hindi ba uso sa ‘yo ang privacy?” Mabilis na itinago ni Honey ang cellphone.“Ikaw naman, parang palaging bago. Saka hindi naman privae ‘yang ginagawa mo, umoorder ka lang naman ng pagkain para sa dalawa. Not unless…” Suminghap ito, napatakip pa ng bibig na animo gulat na gulat. “Yung ka-date mo ay estudyante, ano?”Nagsalubong ang k
Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit ang tanging nagagawa palang ni Zion ay makipagtitigan sa papel na nasa harap niya, paminsan minsan ay napapatingin siya sa gawi ni Honey na tila walang pakialam sa kanya. Dalawa silang nasa loob ng opisina nito pero parang nasa magkaibang mundo sila.“Wala ka bang klase ngayon, Professor Honey?” Hindi na makatiss na tanong ni Zion, bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang tingnan ni Honey ang schedule board nito.“I still have five minutes, kumusta ang ginagawa mo?” Baling ni Honey sa ginagawa ni Zion, alam niyang wala pang nagagawa ang lalaki dahil pa-sikreto niyang pinapanood ito. Ngunit gusto niyang subukan kung magsasabi ito ng totoo.“Patapos na ako, baka nga hindi pa umabot ng alas dose.” Mayabang na saad nito, hindi tuloy maiwasan ni Honey na mapangisi.“Hindi ko alam na gano’n ka pala ka-dedicated sumulat ng tula. Pwede ko bang i-check na ang mga nagawa mo?”Natigilan si Zion. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig at kakaibang kaba sa mapan
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nina Zion at Honey, ngunit ramdam ni Zion ang tensyon sa matatalim na tingin ni Honey.“Ano bang ginagawa mo dito, a-ate?”Muling naningkit ang mga mata ni Honey.“Nasa school tayo, call me professor or else…”Napalunok si Zion. Pilit niyang pinapatapang ang sarili kahit kanina pang nanginginig ang tuhod niya sa takot.“Ano bang ginagawa mo dito sa dorm ko, Professor Honey? Huwag mong sabihing gusto mong maulit yung nangyari sa atin sa hotel? Hindi naman sa nagpapakipot ako, pero masyado pang maaga at hindi ka ba malalagay sa alanganin kapag nahuli kang pumapatol sa estudyante mo?”Namilog ang mata ni Honey, hindi makapaniwalang tumingin kay Zion.“A-Ano?! Gusto mo bang…” pumikit ng mariin si Honey at huminga ng malalim. “Nevermind. Follow me in my office now.”“P-Pero?” Nag-kunwaring umubo si Zion. “Totoong masama ang pakiramdam ko.”Matalim ang tinging ipinukol dito ni Honey, napaatras si Zion nang magtangka itong lapitan siya.“A-an
Kasalukuyang naglalaban si Zion at ang mga kaibigan niya sa natitirang slice ng steak, nakahanda na ang lahat sa pakikipagdigma para sa isang piraso ng steak nang umugong ang bulungan. Pare-pareho silang napalingon sa paligid at natuon ang atensyon sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante.“Wow! Ang
Pagdating ni Zion sa boy’s dormitory ay naroon na ang isa sa mga kaibigan niyang si Earl, maliit at payat ito kaya hindi masyadong pansinin ng babae.“Sino yung kausap mo kanina?” Tanong ni Earl kay Zion na kapapasok lang at kasalukuyang inilalapag ang mga dalang gamit.“Schoolmate lang na nanghihi
Nang makarating sa corner kung saan walang tao ay buong pwersang hinila ni Honey ang kamay ni Zion at marahas na isinandal nito ang lalaki sa pader. Dahil sa pagkabigla at hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na natangay si Zion.“What the heck did we just do? I slept with a student and…my sister
Akala ni Honey ay puro masasamang pangyayari nalang ang mararanasan niya nang buwan na yun, pero paggising niya kinaumagan ay halos magtatalon siya katitili nang maka-receive siya ng email mula sa inapplyan niyang school. Napabalikwas naman ng bangon si Vera na natutulog pa at nagising lang dahil s







