LOGINChapter 55Shane’s POV“Honey, bakit ganoon si Macy? Ang lamig-lamig na niya sa akin. At pakiramdam ko galit siya.”“Baka naninibago at napre-pressure lang siya sa bagong status niya sa buhay.”“You think so?” tanong ko sa asawa ko.“Halika nga dito.”Bigla niya akong binuhat para dalhin sa kama.“Leon!” napatawa ako habang nakahawak sa balikat niya. “Ano ba?”“Hindi ka puwedeng ma-stress, di ba sabi ng doctor?”Maingat niya akong inilapag sa kama at inayos ang unan sa likod ko.“Relax ka lang. Huwag mo munang isipin iyan si Macy.”Napabuntong-hininga ako.“Naku, honey, oo nga pala. Hindi na natin puwedeng tawagin siyang Macy. Angela lang ang gusto niya.”“Talaga? Ayaw na niya ang pangalan na iyon?”“Oo eh. Pero para sa akin, kahit Macy o Angela, wala namang pinagkaiba. Kaibigan ko siya kahit ano pa ang pangalan niya.”Habang naglalambingan kami ni Leon, hindi ko maiwasang isipin ang pagbabago ni Macy. Dati, kahit maraming problema, lagi kaming nagkakaintindihan. Ngayon, parang may ma
Chapter 54Shane’s POVTinatawagan ko si Macy.Matagal-tagal na kasi mula noong huli kaming nagkita.Masyado akong naging abala sa buhay ko.Kay Leon.Sa pagbubuntis ko.Sa CDI.Sa Angela’s Collection.Sunod-sunod ang nangyari sa buhay ko kaya hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon ni Macy na makapag-usap man lang nang maayos.Minsan, kapag naiisip ko siya, nakakaramdam ako ng guilt.Dati, kahit gaano kami ka-busy, nakakahanap kami ng oras para sa isa't isa.Kahit simpleng tawag.Kahit mabilisang kape.Kahit ilang minuto lang na pag-uusap.Pero ngayon, parang ang dami nang nagbago.Iba na kasi ang buhay niya ngayon.Kailangan niyang sumabay kay Ma’am Alicia na laging abala sa trabaho.Alam kong hindi rin madali ang mundo na ginagalawan niya ngayon.Noong nakaraan, pinag-aaral siya ng kanyang ina sa isang Communication School.Para mas maging handa siyang makipag-usap sa mga kasamahan ng kanyang ina sa larangan ng negosyo.Para matutunan niyang makisalamuha sa mga taong sanay sa meetin
Chapter 53Leon’s POV“Leon, ano itong nababalitaan naming ibinahay mo na iyan ex mong si Shane?”Pagpasok ko pa lamang sa bahay ay ramdam ko na ang bigat ng atmosphere.Nandoon si Papa.Nandoon din ang asawa niya at si Stephanie.Hindi ko na kailangang tanungin kung bakit nila ako ipinatawag.Alam ko na.Nalaman na nila ang tungkol kay Shane.Hindi ko naman ito itinago.Wala akong dahilan para itago ang asawa ko.Huminga ako nang malalim bago ko sila hinarap.“Papa, hindi ko lang siya ibinahay. I married her.”Nagulat silang lahat sa sinabi ko.Parang hindi nila inaasahan ang sagot ko.Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Papa.Si Stephanie naman ay tila nawalan ng kulay sa mukha.“Are you nuts?”Napailing ako.Hindi ako baliw.Hindi ako nagdesisyon nang basta-basta.Matagal ko itong pinag-isipan.Mas matagal kaysa sa inaakala nila.“Hindi ka nakarating ng estadong iyan sa buhay mong iyan, para pakasalan ang babaeng iyon.”“Mag-isip ka nga, Leon!” sigaw ni Papa.Nanatili akon
OfficiallyChapter 52Leon’s POVHindi ako makapaniwala, magiging tatay na ako. Pagkatapos pumayag na si Shane na maging asawa at magpakasal.Paulit-ulit kong iniisip ang mga salitang iyon habang nakatingin sa kanya. Asawa ko na siya. At higit pa roon, dinadala niya ang anak namin.Ito ang pinapangarap ko noon pa.Isang pamilya.Isang tahanan.Isang babaeng mamahalin ko habang-buhay.At ngayon, unti-unti nang natutupad ang lahat ng iyon.Mismong ang anak namin ang naging daan para matupad lahat ng pangarap ko sa buhay.Hindi ko maiwasang mapangiti habang inilalagay ko ang kamay ko sa tiyan ni Shane. Wala pa namang gaanong makikita dahil ilang buwan pa lang, pero para sa akin, naroon na agad ang buong mundo ko.“Baby,” mahina kong bulong.Napatingin sa akin si Shane.“What?”“Kinakausap ko ang anak natin.”Napailing siya at natawa.“Hindi ka pa rin makapaniwala?”“Hindi,” mabilis kong sagot.Ngumiti siya.“Me neither.”Mas lalo akong napangiti.Isang tahanan na alam kong mabubuo dahil
MisinterpretChapter 52Shane’s POV“Shane?”Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.Si Maam Alicia, tinatawag ako.Sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko, parang may kung anong humahaplos sa puso ko.Nagiginhawaan ako.Parang sa simpleng pagtawag niya sa pangalan ko, may kakaibang kapanatagan akong nararamdaman.“Maam bakit po kayo narito?”“Si Macy po?”“Umalis lang siya sandali, pero babalik din agad.”Ngumiti siya sa akin.“Pinatuturuan ko na kasi siya para mapamahalaan ang kumpanya, pero kailangan niyang mag-aral pa.”Napatingin ako sa kanya.“Marami na siyang nakalimutan Shane.”May sinabi si Maam Alicia na parang may kahulugan pero hindi ko na lamang pinansin iyon.Hindi ko alam kung bakit parang may lungkot sa mga mata niya habang sinasabi iyon.Baka pagod lamang siya.Baka marami lang siyang iniisip.“I also met your brother Mike and your mother.”“Talaga po?”Tumango siya.“Napansin ko lang, hindi mo sila kamukha noh.”Napangiti ako.“Ang Papa mo ba ang kamukha mo?”“Naku
Chapter 51Shane’s POV“You don't have to worry Hon.”“Ako na ang bahala.”Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.Gusto kong maging kalmado.Gusto kong sabihin sa sarili ko na wala na iyon.Na tapos na.Na nakalipas na ang lahat.Pero nang makita ko ang lalaki, parang biglang bumalik sa akin ang lahat ng sakit.Inihatid na lang ako ni Leon sa bahay ko.Medyo nakakaramdam ako ng takot.Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin ng nakita ko.Siguro dahil may mga bagay na kahit gaano katagal mong piliting kalimutan, hindi talaga nawawala.Nauna kong sinabi sa sarili ko na malakas ako.Na kaya kong harapin ang nakaraan.Pero ngayon, pakiramdam ko ay muli akong naging mahina.“Hon, please stay!” Hiling ko kay Leon.“Of course Hon, hindi kita iiwan.”Napatingin ako sa kaniya.Nagpapasalamat ako kay Leon.Dahil noon kapag natatakot ako, tinitiis ko iyon mag-isa.Para akong batang walang kalaban-laban.Walang taong puwedeng t
Chapter 5Shane Concepcion POVKahit naging malupit ang buhay para sa akin. Sinusubukan ko pa ring tumayo. Lumaban para mabuhay kahit ayaw ko na.Madalas ay naalala ko pa rin si Leon. Na nangako ng walang hanggan sa akin. Pero dahil sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na hin
Chapter 4Shane ConcepcionDahil sa desperasyon…Tinanggap ko ang trabaho.Wala na akong panahon para mamili pa.Wala na rin akong karapatang magreklamo.Ang mahalaga na lamang sa akin noon ay mabuhay. Makakain. At huwag maging pabigat kay Macy na siyang kumupkop sa akin noong wala na akong mapunta
Chapter 3Shane Concepcion POVPagkatapos akong palayasin ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko pero ni isa ay walang gustong tumulong. Naiipit daw sila at sinabihan ng mga Carusso na huwag na huwag akong tutulungan dahil madadamay lamang sila. Masakit i
Chapter 1Shane Concepcion POVNagising ako sa isang madilim na silid na tila ba matagal nang nilamon ng kasalanan at lihim. Mabigat ang hangin, halos hindi ako makahinga dahil sa makapal na amoy ng alak, usok ng sigarilyo, at pabangong panlalaki na nakahalo sa pawis. Dumadagundong ang tibok ng pus







