تسجيل الدخولChapter 14Leonardo Carusso's POVNapansin kong nagbubulungan ang mga tao sa hotel. Habang naglalakad ako sa hallway, kapansin-pansin ang mga palihim na tingin nila sa isa't isa. Kapag dumaraan ako, bigla silang tumatahimik, ngunit pagkalagpas ko, muli silang nag-uusap.Mukhang may kumakalat na naman na tsismis o kung anong balita sa loob ng hotel.Lalong kumunot ang noo ko."Mr. Castro, pumunta ka sa opisina ko."Agad siyang sumunod.Pagpasok niya pa lamang ay napansin ko na ang kanyang pagiging balisa. Hindi niya ako matingnan nang diretso. Paulit-ulit niyang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo.May kung anong hindi siya masabi."Say it. Anong nangyayari sa labas?"Nagkatinginan pa sila ni Markus bago siya nagsalita."Ah, Sir... ah...""Tell me now."Hindi ko na napigilan ang sarili kong taasan ang boses.Napayuko siya."Si... si Ms. Shane nasa lobby po."Parang huminto ang mundo ko.Shane.Ilang linggo na rin mula nang sabihin niyang tapos na ang lahat sa amin.Ilang linggo na rin
continuation....Chapter 13Shane's POVMahigit apat na milyong piso.Isang order.Worth it ang lahat.Worth it ang kaba.Worth it ang pagpunta ko rito.Ngunit sa kalagitnaan ng saya...Isang nakakairitang boses ng sumingit.“What do we have here?”Nanigas ako.Hindi ko na kailangan lumingon.Kilalang-kilala ko ang boses na iyon.Stephanie.“Sino ang nagpapasok sa iyo rito?”Agad siyang huminto sa tabi namin.Mataas ang baba.Mapanlait ang tingin.Parang reyna na nanghuhusga ng isang alipin.“Stephanie,” mahinahon kong sabi.“Please. I'm not here for personal reasons.”“Then bring your business elsewhere.”Lumakas ang boses niya.“Hindi ka na puwederito.”Napatingin ang mga tao.Napatingin ang staff.Napatingin ang buong restaurant.Ngunit bago pa ako makasagot ay nagsalita si Ms. Alice.“Miss, whatever your issue is, I'm a guest in this hotel.”Matalim ang tingin niya.“Be civilized.”Lalong sumimangot si Stephanie.“For your information, dapat kilalanin mo muna ang babaeng ito.”Din
Chapter 13Shane’s POVPagdating ko sa opisina kinabukasan, hindi pa rin mawala sa isip ko ang magiging pagkikita namin ni Ms. Alice Oro. Isa siya sa pinakamalalaking kliyente ko sa CDI. Ilang buwan na rin kaming nagkakausap sa telepono at video calls, pero hindi pa kami kailanman nagkita ng personal.Masaya ako habang kausap siya sa telepono.“Shane, I'll be going to Manila the next day for my seminar. I hope to see you.”Napangiti ako.“Sure, Ms. Oro. Do you have a place to stay here in Manila?”“Yeah, I'll be staying with my in-laws in QC.”“Alright then. May I ask you to send me the address? Pupuntahan ko po kayo.”“That’s nice of you, Shane. I'm so excited to see you. Please bring the catalogs.”“Of course po.”“I was thinking of a gift for my mother and mother-in-law kasi. Also for my two daughters and of course for myself.”Natawa pa siya sa huling sinabi.“Wala pong problema. Dadalhin ko lahat ng latest collection namin.”“Perfect!”Pagkababa ng tawag ay napangiti ako.Si Ms.
Chapter 12Shane’s POVIlang buwan na mula nang huli kong makita si Leon.Ilang buwan ng pananahimik.Ilang buwan ng pagtatago.Ilang buwan ng paggising sa umaga na pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na tama ang ginawa kong paglayo.Ngunit ngayong kaharap ko na siya muli, pakiramdam ko ay gumuho ang lahat ng pader na ilang buwan kong itinayo.Hindi ko alam kung saan ako titingin.Hindi ko alam kung paano haharap sa kanya.At higit sa lahat...Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang mga bagay na kahit ako ay hindi maintindihan.Huminga ako nang malalim bago ko sila ipinakilala."Brix, siya si Leonardo Carusso."Ngumiti si Brix.Mainit.Magalang.Parang wala siyang ideya na ang lalaking nasa harapan niya ay minsan naging pinakamahalagang tao sa buhay ko."Leon, siya si Brix San Luis."Agad na iniabot ni Brix ang kanyang kamay."Nice meeting you."Tinanggap naman iyon ni Leon.Ngunit kahit nakikipagkamay siya, hindi ko maiwasang mapansin na nasa akin ang mga mata niya.Hindi niya ak
Chapter 11Leonardo’s POVHabang nakaupo ako sa aking executive chair, hindi ko magawang magtrabaho nang maayos.Nakaharap ako sa napakaraming dokumento, kontrata, at ulat na kailangang pirmahan, ngunit ni isa ay hindi ko mabigyan ng sapat na pansin. Sa halip, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaala ni Shane.Parang isang pelikulang ayaw tumigil sa pagtakbo sa isip ko.Naalala ko kung paano niya ako hinihintay gabi-gabi pagkatapos ng trabaho.Kahit pagod na pagod na siya, nakaupo pa rin siya sa sofa sa opisina ko. Minsan ay nagbabasa siya ng libro. Minsan naman ay tahimik lamang na nakatingin sa akin habang nagtatrabaho ako.At madalas, kapag sumosobra ang kanyang pagod, nakakatulog siya.Napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko iyon.Nakayakap sa isang throw pillow habang mahimbing na natutulog sa sofa.Kapag nakikita ko siya noon, pakiramdam ko ay kumpleto ang buhay ko.Pakiramdam ko ay mayroon akong tahanan kahit nasa opisina pa ako.Napakaraming magagandang katangian ni Sh
Chapter 10Shane’s POVNagalok si Brix na ihatid ako pauwi.Sa normal na araw, marahil ay tatanggi ako.Marahil ay sasabihin kong kaya ko naman magcommute.Marahil ay magpapalusot ako.Pero hindi sa pagkakataong iyon.Pakiramdam ko kasi anumang oras ay maaari akong himatayin.O kaya naman ay atakihin sa puso.Hindi dahil may sakit ako.Kundi dahil pagkatapos ng napakaraming buwan...Muli kong nakita ang lalaking pinakamamahal ko.At mas masakit pa roon?Nakita ko siyang parang wala na akong halaga sa buhay niya.Tahimik akong sumakay sa sasakyan ni Brix.Paminsan-minsan ay may sinasabi siya.May itinatanong.May ikinukuwento.Ngunit wala akong naririnig.Parang nasa ilalim ako ng tubig.Parang malayo ang lahat ng tunog.Paulit-ulit lamang na umiikot sa isip ko ang mukha ni Leon.Ang mga mata niya.Ang paraan ng pagtingin niya.At ang ilang segundong nagtama ang aming mga mata.Bakit ganoon?Bakit kahit isang sulyap lang niya ay parang bumukas ulit lahat ng sugat na pilit kong pinagtat







