LOGINChapter 38Shane's POV"Honey... tulungan mo na ako, please."Napahinto si Leon sa pag-inom ng kape. Dahan-dahan niya akong nilingon, saka napabuntong-hininga na parang alam na niya ang susunod kong sasabihin."Ayan na naman ang mukha mong may binabalak.""Wala naman..." inosente kong sagot habang nakangiti."Shane...""Hmm?""Kapag ganiyan ka ngumiti, may ipapagawa ka na naman sa akin."Napahalakhak ako."Bakit ba kilalang-kilala mo na ako?""Dahil boyfriend mo ako.""Hindi ako boyfriend para magmahal lang. Isa rin akong full-time taga-salba ng mga kalokohan mo."Tinawanan ko siya."Tama ka diyan."Napailing na lang siya.Sa totoo lang, siya talaga ang madalas kong takbuhan sa mga bagay na hindi ko kayang gawin.Siya ang tumulong sa akin sa pagpaparehistro ng mga negosyong pinaplano ko.May business account na para sa magiging 24-Hour Store namin.May personal account na rin si Macy para sa mga receivables namin mula sa CDI.Lahat halos siya ang nag-asikaso.Kaya minsan naiisip ko...
Chapter 37Shane's POVHindi ako makapaniwala sa nakikita ko.Paulit-ulit akong kumurap habang nakatitig sa malaking LED screen sa conference room ng City Diamond Inc.Baka kasi mali lang ang basa ko.O baka nananaginip lang ako.Pero kahit ilang beses ko pang tingnan...Hindi nagbabago ang nakasulat.SOLD OUTAngela's Serpentine Collection – 3 Complete SetsNanlaki ang mga mata ko."Ano?"Halos hindi ako makahinga.Tatlong buong sets ang naubos sa loob lamang ng ilang oras matapos ang grand launching.Hindi pa kasama roon ang daan-daang reservations na patuloy pang pumapasok.Mabilis kong tiningnan ang live ranking ng event.No. 1 – Angela's Serpentine Collection ✅ SOLD OUTNo. 2 – Erika Sta. Ana CollectionNo. 3 – Stephanie Felix CollectionHabang ang iba pang designers ay patuloy pa ring naghihintay ng mga customer.Pakiramdam ko ay gusto kong mapatalon sa sobrang saya.Hindi ko inasahan na ganoon kalakas ang magiging dating ng koleksiyon ko.Mas lalo pa akong kinilabutan nang maki
Chapter 36Shane's POVMatapos ang ilang linggong walang tigil na pagpaplano, pag-eedit, at paulit-ulit na pagre-review ng bawat materyales, sa wakas ay nailunsad ko na rin ang advertising campaign para sa aming mga bagong jewelry designers.Isa ito sa pinakamalaking proyekto na nahawakan ko simula nang mapasok ako sa kumpanya.Hindi lamang ito simpleng promotional campaign.Ito ang magiging mukha ng susunod na koleksiyon ng kumpanya.Kaya sinigurado kong patas ang lahat.Pare-pareho ang exposure ng bawat designer.Pare-pareho ang laki ng mga larawan.Pantay ang placement sa website, social media, billboards, at digital catalog.Ayokong may magsabing may kinakampihan ako.Lahat sila ay may talento.At lahat sila ay karapat-dapat na mapansin.Habang isa-isang lumalabas ang mga promotional materials, lalo akong humanga sa mga bagong designers.Bagama't baguhan pa lamang ang karamihan sa kanila, hindi matatawaran ang kanilang mga ideya.May mga disenyo silang moderno.May eleganteng klas
Chapter 35Shane’s POV“Ngayon ay ating kikilalanin ang sampung designers na magkakaroon ng eksklusibong kontrata sa City Diamonds.”Naging tahimik ang buong ballroom.Nakatutok ang lahat ng mata sa napakalaking LED screen sa gitna ng entablado. Maging ang mga camera ng media ay nakaposisyon na, handang kuhanan ang bawat reaksyon ng mga mapipili.Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.Hindi ko namalayang mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kamay ni Macy."Relax lang," mahina niyang bulong.Napangiti ako nang pilit.Pero ang totoo...Parang gusto nang lumabas ng dibdib ko ang puso ko.Isa-isang lumabas ang mga pangalan sa screen.Stephanie Felix.Umalingawngaw ang malakas na palakpakan.Agad tumayo si Stephanie. Nakataas ang kanyang baba habang buong pagmamalaking kumakaway sa mga camera. Nakasuot siya ng mamahaling puting gown na kumikislap sa ilalim ng mga ilaw, at halatang inaasam niya ang sandaling iyon.Sunod namang lumabas ang mga pangalan.Erica Sta. Ana.Marge Manuel.A
MomentsChapter 34Shane's POVNagpadala ako ng entry para sa design contest ng City Diamonds.Habang pinupunan ko ang registration form at isinusulat ang bawat detalye ng aking disenyo, ilang beses akong natigilan sa bahagi kung saan nakalagay ang Name of Designer.Nanatili roon ang cursor, tila hinihintay ang magiging desisyon ko.Ilalagay ko ba ang tunay kong pangalan?Huminga ako nang malalim.Hindi naman ako umaasang mananalo. Ang totoo, sapat na sa akin na makita ng mga eksperto ang ginawa kong koleksiyon. Ngunit kasabay noon ay may takot din akong maramdaman. Takot na baka husgahan ako. Takot na baka sabihing wala akong karapatang mangarap sa industriyang iyon.Ngunit higit sa lahat...Takot akong makilala.Naalala ko ang sinabi ni Ma'am Alicia noon."Ang tunay na designer ay hindi sinusukat sa pangalan, kundi sa pusong inilagay niya sa bawat likha."Napangiti ako.Kung ganoon...Hayaan kong ang mga alahas ang magsalita para sa akin.May opsyon pala ang contest na sumali bilang
Chapter 33Shane's POVNagkasundo kami ni Leon na ilihim muna namin ang muling pagbabalikan.Hindi dahil ikinahihiya niya ako.Kundi dahil ako mismo ang may gusto.Ayokong magkaroon ng kahit anong eskandalong maaaring makasira sa pangalan niya. Kilala si Leon bilang batang negosyanteng nagmamay-ari ng Carusso Grand Hotel, isa sa mga pinakarespetadong hotel chain sa bansa. Marami ang humahanga sa kanya, ngunit mas marami ring naghihintay na magkamali siya.Ayokong maging dahilan ako para magkaroon ng panibagong tsismis.Ayokong sabihin ng mga tao na ginagamit ko siya para umangat.Mas lalong ayokong masangkot ang pangalan niya sa mga intriga.Kaya ako mismo ang nagsabi sa kanya."Leon... puwede bang tayo lang muna ang makaalam?"Natahimik siya sandali bago niya hinawakan ang kamay ko."Kung iyan ang magbibigay sa'yo ng kapayapaan, susundin kita."Ngumiti ako."Promise?""I promise.""Kahit gaano katagal."Dahil doon ay naging lihim ang lahat.Mga simpleng tawag sa gabi.Mga text na pun
Chapter 5Shane Concepcion POVKahit naging malupit ang buhay para sa akin. Sinusubukan ko pa ring tumayo. Lumaban para mabuhay kahit ayaw ko na.Madalas ay naalala ko pa rin si Leon. Na nangako ng walang hanggan sa akin. Pero dahil sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na hin
Chapter 4Shane ConcepcionDahil sa desperasyon…Tinanggap ko ang trabaho.Wala na akong panahon para mamili pa.Wala na rin akong karapatang magreklamo.Ang mahalaga na lamang sa akin noon ay mabuhay. Makakain. At huwag maging pabigat kay Macy na siyang kumupkop sa akin noong wala na akong mapunta
Chapter 3Shane Concepcion POVPagkatapos akong palayasin ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko pero ni isa ay walang gustong tumulong. Naiipit daw sila at sinabihan ng mga Carusso na huwag na huwag akong tutulungan dahil madadamay lamang sila. Masakit i
Chapter 2Shane Concecion POVPagkatapos ng nakakahiyang nangyari sa akin sa hotel. Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang buong buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako haharap sa mga tao.Kung paano ko titingnan ang sarili ko sa salamin.Kung paano ko kakayaning mabuhay matapos masira an







