FREYA
Humahangos ang hininga kong umupo sa sofa. Kinastigo ako ni Papa, pinako sa loob ng bahay at binawalang lumabas kaya nawala ang pagkakataon kong tumungo sa ospital para kompirmahin na buntis ako. May nangyari nga sa amin ni Phoenix pero pagkakatanda ko hinugot niya ito. Lasing ako noon pero alam ko ang ginagawa namin. "Sino ang ama nito!?" Bulyaw na tanong ni Papa. "Pa, wala ito hindi ako buntis,"giit ko. "Halata na, Freya. Magsisinungaling ka pa?" Hirit ni Mama. "Ma, bakit ayaw niyong maniwala. Hindi ako buntis. Alam niyong wala akong boyfriend,"panglalaban ko. Dismayadong umiling-iling si Felix. "What a disgrace to our family,"usal niya sa ilalim na boses pero hindi nakaligtas sa pandinig ko. Sinaniban ako ng galit. "Sabihin mo kung sino ang ama n'yan at para mapakasal ka namin. Ano na lang ang sasabihin ng lolo mo at mga tito't tita mo saka ang ibang tao? Pinabayaan kita kaya naging disgrasyada ka!?" "Pa—" "Naalala ko pumunta siya last time sa isang night club. Sa akin pa nga nagpaalam, malamang doon nila na buo,"ani Felix sa matigas na ekspresyon na parang kakainin ako ng buhay. "Oo, inaamin ko. May nangyari sa amin pero hindi 'yon basihan para mabuntis ako! Hindi ako buntis maniwala kayo." "Sabihin mo na kasi kung sino ang ama para matapos na!" Sigaw ni Mama sa pagmumukha ko. Habol ang hininga kong yumuko, at hinayaang pakawalan ang matagal nang nagbabadyang mga luha. Sumisinok-sinok ako sa sakit na nararamdaman ko. Sa tindi ng galit at pag-aalala nila, nawalan sila ng tiwala sa akin at parang gusto nila akong itaboy. "Si Phoenix Blake Henderson. Siya ang naka-one night stand ko,"malinaw kong pag-amin. Natulala silang lahat. Mabuti'y nakaalis na si Felicia at July. Baka maging masama akong impluwensya sa kanila. "I can't believe it." Maraming beses na sinasapo ni Papa ang ulo. "Nagpabuntis ka sa isang bilyonaryo,"ani Mama pero nasa alapaap ang isipan. "Nagkamali ang Henderson sa pagpatol sa'yo,"usal ni Felix. Pasalapak siyang umupo sa sofa. Kinuyom ko ang mga kamay. Paano kung hindi pala ako buntis? Tapos ipapakasal nila ako. Pero kahihiyan pa rin dahil naki-ano ako sa taong di ko naman nobyo. Kailangan niya akong panagutan. Mabuti pa'y totoo akong buntis. "Masasalba na natin ang negosyo!" Bulalas ni Papa sabay tayo. Nagningning sa mga mata niya ang kasiyahan. Of course, sino'ng di sasaya kung ang son in-law mo ay may-ari ng tanyag na Strix Holdings. Maraming pinapatayo na subdivision, condominium, at commercial building. "Ipag-bigay alam natin agad ito sa mga Henderson. Ihanda mo ang sarili, Freya. Pupunta agad tayo ngayon din mismo!" Iniwan niya kami at nagmamadali siyang umakyat para bumihis. Hinagod ni Mama ang likod ko. Hindi ko alam kung totoo ang pinapakita niyang awa. Isa rin siya na may personal interest kapag pera ang pag-uusapan. Malamang ibebenta nila ako kay Phoenix, buntis man ako o hindi. "Lika na. Tulungan kitang bumihis. Dapat iyong eleganteng damit. Tiyak matutuwa si Mr. Henderson kapag makita ka niya,"aniya. Inalalayan niya ako patayo. Tila lantang gulay ang katawan ko, humalo ang sakit ng tyan ko at kirot ng damdamin. Natatakot ako sa tono ng pananalita nila. Nahihimigan ko ang krimen na gagawin nila. Sinuot ko ang bestidang niregalo ng kaibigan kong si Crissa bago ito nang-ibang bansa. Ito ang hindi ko nasusuot. Pinahiram niya ko noong despedida party niya. Nagsisisi akong pumayag na gagala kami sa night club. Kung hindi ako pumayag malamang hindi ko nakilala si Phoenix. Kasalanan ko rin kasi naakit ako sa alindog niya. Parang modelo na hinugot mula sa magazine. Naalala ko pa ang medyo singkit niyang mga mata na may mahahabang pilik-mata. Tila nararamdaman ko ang bawat hipo niya sa buong parte ng katawan ko at ang matatamis niyang halik. Nababaliw ako sa masuyo't malalim niyang boses. Gusto ko ulit marinig ang nakakahumaling niyang mga salita. Ako ang pinakamaligayang babae sa gabing iyon. Huh! Naging bangungot ang pagiging delusyonal ko. Ito ang hudyat ng paglalakbay ko sa kalbaryo. Hindi ko kilala si Phoenix, natatakot ako na masama ang ugali niya at mamaltratuhin niya ako. Subalit huli na ang lahat. Nasa dulo na ako ng patalim, hindi ko matatakasan pa. Magtatanghali na kaming nakarating sa mansyon ni Phoenix Henderson. Natural hindi siya namin madadatanan doon dahil nasa trabaho siya. Umupo kami sa custom-made plush na nag-aagaw ang kulay abo at crema, sinabi ng mayordoma na tatawagan niya ang sir niya. Maghihintay daw muna kami. "Tsk! Sigurado ka ba'ng si Phoenix ang ama ng dinadala mo?" Nawawalang pansensiyang untag ni Papa. Sa halip na sumagot ay nilibot ko ang tingin sa nakakalulang mansyon. Matayog ang kisame na may kristal na chandilier, gawa sa salamin ang bintana at dingding. Kumikinang ang lahat ng mamahaling mwebles. Hindi ko gusto rito kasi itim at puti lang ang kulay sa bahay na ito. Siguro may problema sa paningin si Phoenix. "Oo, hindi ako nagkakamali. Sana sa susunod na araw na lang tayo pumunta rito. Byernes ngayon at siguradong abala siya sa trabaho,"sabi ko. Natataranta akong nilamukos ang damit ko. "Tumahimik ka!" Singhal niya. "Dapat kang panindigan ng tarantadong iyan. Sa ayaw niya't sa gusto ipapakasal kita." "Ipapakasal?" Umalingaw-ngaw ang matinis na boses ng babae. Sabay kaming bumaling sa pinangyarihan ng boses. Naladlad sa paningin namin ang isang eleganteng babae na kumikinang sa kanyang kasuotang gintong casual dress. Ganoon din ang kulay ng stilleto. May maliit siyang sombrero sa ulo, iyong tipong pang U.K. Sa tindig at angas amoy pera na siya. Sa palagay ko, nasa mid-forties na siya. Hindi lang halata dahil sa kapal ng make-up niya. Lumabi siya kaya lalong tumingkad ang namumula niyang bibig. "And who are you people? What do you want from us?" Mataray niyang tanong. Gaya ng inaasahan ko, mata-pobre siya. Mayaman din kami pero nakakalamang sila. Pero wala siyang karapatan ganyanin ang bisita. "I'm Julio Hernaez—" "Hernaez? May-ari ng Jul'z Catering? Iyong mamahaling catering na nagse-serve ng international dishes?" pamumutol niya at biglang nagka-interest kay Papa. Sunod-sunod na tumango si Papa. "Oo, ako 'yon." "Bakit kayo nandito? Kinuha ba kayo ni Phoenix para sa upcoming company party niya? Kaso bakit kasama mo ang asawa't anak mo?" "Narito kami para mamanhikan?"Diretsahang sagot ni Papa. Nalaglag ang baba niya. Matagal siyang natigilan bago humugot ng malalim na hininga. "What are you talking? At kanino naman kayo magamanhikan?" "Sa anak ko syempre." Lumapit si Papa at tinulak ang likod ko para makalapit sa babae na may mala-diyosang alindog pero pinagkait ng kabaitan. "Ito?" Pinasadahan niya ako ng tingin. Bumakat ang disgusto sa mukha niya. "Siya si Freya Xylla, ang masipag kong anak. Isa s'yang pastry chef at mayroon—" "Hindi ako interesado." Winasiwas niya ang kanang kamay para patahimikin si Papa. "At kaninong girlfriend ka naman? Kay Phoenix ba o kay Kendrix? Kung kay Kendrix siguro ay maniniwala ako." "Actually, h-hindi ko po siya boyfriend,"nauutal kong sabi. Tila kinukulikot ng kung ano ang loob ko. "Eh, bakit gusto mong magpakasal sa kanya? Sino ba sa kanila?" "Si Phoenix po." She froze, natutulala siya habang pinoproseso ang sinabi ko. "Impossible! Ikaw papatulan ni Phoenix? Ang pagkakaalam ko, mga kotse lang ang alam 'non," natatawa niyang saad. "Binuntis niya ang anak ko at dapat niyang panagutan!" Lakas loob na sigaw ni Papa. "Sinong buntis?" Sumulpot ang pamilyar at malalim na boses ng taong matagal ko na'ng inaasam na makita ulit. "Phoenix! What have you done?" Bulalas ng babae. Malamang ito nga ang ina niya. "And what the hell are you talking about?" Nalilito n'yang ginala ang tingin sa amin. "Binuntis mo ang anak ko!"PHOENIX BLAKE HENDERSONAfter long hours of travel, dumating kami sa wakas dito sa Villa Cresent. Ang kauna-unahang bahay na pinagawa ko mismo ayon sa blueprint ko. Isang antikong proyekto ng lolo ng mga Henderson. Iyon ang pinamana niya matapos s'yang mamatay. Binigyan niya ako ng lupa sa bagyo at dito ko patatayuin ang pinapangarap n'yang Villa. Pinangako kasi ni Lolo na bibigyan niya ng mana ang lahat ng legitimate na apo.Nakatanggap ng beach resort si Kendrix, rancho naman kay Beaumont, isang abandonadong building kay Nicola-isa ng lending company ngayon, at hindi tapos na building naman kay Mikhael-isa ng H Tower ngayon. Hindi lihitimong apo si Mikhael pero naibigay na ito sa kanya bago sumabog ang balita na fake s'ya. Gayunpaman, tinanggap namin siyang parang tunay na pinsan.Hindi man kami magkadugo pero andyan s'ya palagi para tulungan ako....Makulimlim ang panahon nang dumating kasi sa Bagiuo. Pinagpahinga ko muna ang mag-ina ako. Nasa veranda ako nang tumunog ang cellphon
Phoenix"What do you think you're doing, Phoenix?" Nagising ang diwa ko nang umugong ang boses ni Freya.Lumipas ang isang linggo buhat no'ng birthday ng anak ni Mikhael. Sana sapat na 'yon para magustuhan ng kamag-anak ko ang aking asawa. Kung ayaw niya, problema na nila. Balik-baliktarin man ang mundo ay si Freya pa rin ang pipiliin ko."Hey! I'm asking you what you are—"Tinakpan ko ang bunganga niya. Naabutan n'ya kasi akong nililigpit ang gamit ko. Hindi ako literal na lalayas, gusto ko lang mag-unwind sandali. Nahuli kasi namin ang salarin ng pagsasabotahe ng Villa Freya project ko."Don't worry, hindi ako lalayas. May pupuntahan lang tayo," mabilis kong usal, hindi ko alam kong naintindihan niya.Kumawag siya't tinulak ako sanhi para mabitawan ko ang bibig niya. "Tayo?—" nalilito niyang tanong. "Ano'ng ibig mong sabihin?""Aalis tayo," nababagot na pakli ko."Aalis?""Freya!" Nauubusang pasensiyang saway ko. Saglit ko siyang tinalikuran para isarado at ibaba ang luggage ko."Pu
Naputol ang loving-loving namin nang kinalampag ng kambal ang pinto. Bumaba kami at pinatuloy ang aming magandang araw. Sa sumunod na araw ay may tanggap akong invitation letter galing kay Mikhael Henderson. Ito ang pinsan ni Phoenix at personal na tumutulong sa kanya. Hindi ko gusto ang isang ito dahil parang si Kendrix din ang turing sa akin. Tahimik na pang-aalipusta lang naman pero mas nakaka-bother. I don't know if I attend the birthday party of his second son. Narinig ko rin na buntis sa pangatlong anak ang kanyang asawa. Wala akong masabi kay Althea pero mukha s'yang bossy. Minsan ko na s'yang nakita noong bumalik ako sa puder ni Phoenix pero in-snob lang ako.Initsa ko ang invitation letter sa lamesita ng sala at umakyat. Magliligo muna ako ng maaligamgam para mabawasan ang stress. Napagod ako ng husto sa store ngayon dahil dinagsa kami ng customer. Na-curious yata sila sa brioche na may pistachio fillings, kaya hayun sold out agad. Gagawa ulit ako ng marami bukas.Bino-blow
TRIGGER WARNING: adult contentPlease escape if you're not comfortableFREYA Tyempong pagdilat ko ng mga mata ko ay ang masamang mukha ni Phoenix ang nasalubong ko. Iyong inaasta niya ay parang batang inagawan ng paborito nitong laruan, ay hindi, siya 'yong tipong may gustong ipagawa pero hindi nagawa ng taong pinapagawa n'ya. Tsk, umagang-umaga ay napapa-tongue twister na ako."Why that behavior? Ang aga-aga para kang ninakawan ng sampung libo," sita ko.Humaba ang nguso niya, humigpit ang pagkunot ng noo, nanilim ang mukha at kumibit-balikat. Para siyang bakla na nagmamaktol."Hey! Tell me what's your problema? Para ka namang may period eh!' Untag ko.Kinikilig ang kiffy ko sa inaasta niya. Ang cute niya pala kapag totoong nagmamahal. Hindi ko naranasan magkaroon ng nobyo bago ako kinasal pero parang bumalik ako sa pagkadalaga at may nobyong parang mas babae pa umasta."Ang yabang-yabang mo kahapon pero nauna ka pang natumba. Ni isang rounds ay di natin nagawa!" Singhal niya.Hum
Phoenix Lutang akong dumating sa company. I didn't expect that Freya would do that to me. Niyakap, hinalikan at nilagyan ako ng kiss mark sa leeg. Para akong bakla na gustong tumili.If I looked back on the past, I was ruthless to her. I neglected and treated her cruelly. Pero ngayon para siyang ibang tao at puro pa-sweet lang ang alam. Hindi ko inaakala na clingy siya. This is what I missed in the past for being selfish.Tsk! I should move forward and forget it, period."Pet peeve ko talaga ito!" Nagising ako sa nayayamot na boses ni Mikhael sabay hampas ng nirolyo niyang papel sa mukha ko."What?" I yelled out of shock."Damn you, bastard. Why are you spacing out in the midst of the meeting?" Sumbat niya, initsa nita ang mabigat na module sa akin."I'm not spacing out," pabalibag kong rason."Huli ka na sa akto, deny ka pa. Umalis na ang department heads at tayo na lang ang naiwan. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ang sinabi nila." Umupo siya at sinimsim ang kape. Kahit na malam
FREYANagpa-panic na nanaog ng hagdan si Phoenix nang masalubong ko siya. Nahimatay iyan kagabi matapos kong yakapin. Akala siguro pina-prank ko siya. This man... he always trapped me.Gusto ko ang singkit niyang mga mata, matalim niyang panga at brusko niyang katawan. "Oh, Hi-"Hindi siya tumugon, pero parang naiilang siya na nilampasan ako. Hinabol ko s'ya saka inayos ang necktie niya.Mmm... I can smell it on him-that addictive blend of pineapple, blackcurrant, birch, and bergamot. It clings to him like sin wrapped in silk... sharp, dark, and impossible to forget. Sa hilig ko sa perfume ay halos lahat ng amoy ay kabisado ko na.Nilihis niya ang mukha. Pinigilan kong tumawa dahil namumula ang mukha niya hanggang punong tainga."Sus! Para kang teenager na may crush," kantyaw ko."Ano bang ginagawa mo?" Naiilang niyang tanong.Nilakasan ko ang paghila kaya napapihit siya paharap. "I'm just fixing your necktie. What a big deal?""Ikaw ba talaga si Freya o nababangungot na naman ako?"