Share

Kabanata 3

"Ah... Ang ulo mo, Miss. Huwag diyan..." Saad ko pa na hindi niya naman pinapansin dahil abala pa rin siya sa pag-iyak. "S-sira ang lock ng p-pantalon ko!" hindi ko na malaman ang sinasabi ko dahil sa sobrang taranta.

Diyos ko! Baka ibang ulo ang masandalan nitong babaeng ito!

Gagalaw pa sana ako at akmang ililipat ang ulo niya para makaalis na ako roon nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa sobrang gulat. May narinig akong bumagsak sa lupa. Nang lingunin ko ang nasa may pinto, nakita ko ang mukha ng gulat na gulat na mga pari habang ang isa ay napa-sign of the cross nalang dahil sa kaniyang nasaksihan.

"Dios mio perdon, Tiburcio!" gulat na saad ni Father Ismael.

Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang babae. Ano ba itong napasok ko?!

"Nagkakamali po kayo ng iniisip!" mabilis kong sabi habang natatarantang tinulak papalayo ang babae sa akin. 

"Aray ko naman!" reklamo pa nito habang sapo-sapo ang ulo niyang tumama sa upuan. Abala naman ako sa pagsarado ng aking pantalon na kahit anong gawin ko ay hindi masara-sara dahil sira talaga. 

"I am so disappointed in you, Tiburcio! Jesus Christ! Forgive these children!" huling nasabi ni Father Ismael bago niya malakaa na sinarhan ang pinto ng kotse. 

Hindi matigil sa pagsign of the cross si Father Ismael habang di alam kung saan ibabaling ang kaniyang ulo. Matalim ang tingin ko habang nakabaling sa babeng nasa harap ko ngayon. Inis din ang mukha niya sa akin. 

"Alam mo, kasalanan mo 'to, eh!" galit kong saad sa babae habang sumuko nang ayusin ang pantalon at pinatungan nalang ng bag ko para kahit papano ay hindi makita. 

Napahawak ito sa kaniyang dibdib at naguguluhan ang mukhang tumingin sa akin. "Bakit ako? Wala naman tayong ginagawa, ah! Sila 'yung madumi ang iniisip!" 

"Ang dami-dami naman kasing pwedeng pagtaguan bakit dito mo pa talaga gustong magtago?!" galit ko pa ring sabi. 

May punto naman siya pero ang malas lang talaga! Ang malas malas nitong araw ko! Sira yung lock ng pantalon ko, may babae akong kasama sa kotse, nakadantay ang ulo nito malapit sa ano ko.

Sino kasi ang kumuha ng upuan ko! Napunta tuloy ako rito! Gusto ko lang naman matulog!

Alam kong mayroong rason ang Panginoon kung bakit nangyayari ang mga bagay sa buhay natin, pero, Ama, bakit po ganito?

"Wala na nga akong choice! Malay ko ba na sira 'yang lock ng pantalon mo? Hindi mo naman sinabi! Edi sana di nalang ako diyan pumwesto! Akala tuloy nila bino-blow job--"

Napa-sign of the cross ako sa kaniyang narinig. Malamang ay pulang-pula na ang mukha ko ngayon. "Alam mo, ang bastos ng bibig mo!" 

"Bakit? Totoo naman, eh! Panigurado iyon ang iniisip nila! Akala ko ay matutulungan mo ako, eh! Mas lalo lang pala magkakagulo!"

Siya pa talaga ang may ganang magalit! Panigurado kung nasa pelikula lang kami ngayon, mayroon nang parang kuryente ang ilalagay na animation sa pagitan naming dalawa. Napapitlag kami bigla nang bumukas ang pinto ng kotse sa unahan.

Pumasok si Kuya Toni at napansin ko agad ang pagsinghot nito at pagtingin sa aming dalawa. Kunot ang noo ko siyang tinignan. 

"Hindi naman amoy zonrox. Hindi ba naabot yung climax?" hindi ko maintindihang tanong sa akin ni Kuya Toni.

Bigla namang humagalpak ng tawa ang babae at biglang umupo sa tabi ko. Nagsimula namang magspray ng air freshener si Kuya Toni pagkatapos ay buksan ang lahat ng bintana ng sasakyan.

Napatingin tuloy ako sa labas ng sasakyan at bigla akong kinabahan nang nasa may kanto si Father Ismael kasama ang ibang pari habang problemado pa rin  ang mukhang nakatingin sa parte namin. Basang-basa ko ang pagkadismaya sa kaniyang mukha at panigurado sa akin iyon. 

Hindi naman kasi ganoon iyon! Wala naman kaming ginawa! Tama naman ang sinabi nitong babae, sadyang madumi lang ang iniisip nila. Ito naman kasing pantalon ko! Ngayon pa nasira! Magdidiet na nga ako nang hindi na ganito ang mangyari!

"Hindi po, Kuya. Malapit na sana kaso dumating si Father. Panigurado, sasakit ang puson nito mamaya." natatawang sagot ng babae kay Kuya Toni pagkatapos ay nginuso ako. 

Humalakhak lang si Kuya Toni sa sinabi niya. Ilang minuto pa akong nakakunot ang noo bago ko tuluyang naintindihan ang sinasabi nila. Mabilis kong winagayway ang kamay ko sa ere pagkokontra sa sinasabi ng babae sabay iling. 

"Akala ko ba matutulog lang, Trevor?" pangungutya pa nito sa akin lalo. 

"Nagsisinungaling siya, Kuya Toni! Walang nangyari sa amin!" pagdedepensa ko pa.

Ngunit natawa lang ito sa akin. Nilingon ko sa gilid ang babae at mas lalo lang nairita nang nakapamaywang lang ito habang natatawang nakatingin sa akin. 

"Bakit ka gumagawa-gawa ng kwento diyan? At saka, hindi ka ba aalis? Wala ka bang balak umalis?"

It appears that those she was hiding from are no longer there! She must leave! I still need to figure out what I'm going to do to solve this problem!

Well in fact, this is not a problem! This is just a misunderstanding!

I just felt sorry for this woman because she seemed scared, and the problem was big, so I helped her, but I didn't realize that helping her would only make things worse. I'm praying to God that this does not reach my Lola, because if it does, this world will suddenly turn into hell.

"Walang aalis hangga't hindi naaayos ang dapat maayos dito." sabay-sabay kaming napatingin sa pinagmulan ng boses. 

Imbes na sa kahilera namin umupo si Father Ismael kasama ang iba pang pari sa seminaryo ay umupo ito sa likod namin. Seryosong-seryoso ang mukha nito at parang hindi mo magawang mabiro. 

"I'm sorry you can't come home yet, hija. Contact your parents and inform them that we will only bring you back after we have settled some issues. This problem must be addressed as soon as possible. This is a travesty!"

"Father Ismael, you got it all wrong! I just want to clear my name! Nothing happened between us!"

"Henares, I said, you explain later. In the right place and at the right time. Keep your explanation for later. For the time being, I just want to express my disappointment. You're at the top of your class. I thought you were committed with this vocation!"

With his tone, with his emotion that I am seeing right now. I know and I am very much aware that he is mad. Ilang taon na rin ako dito sa seminaryo alam na alam ko na ito.

"Why are you smirking? Are you planning something?" I asked the girl beside me. Nakalabas na ng sasakyan ang mga pari at inabisuhan kaming huwag muna bumaba. Napasapo ako ng noo habang problemado.

Umayos ito ng upo at humarap sa akin. Matapang ang mukha nito.

"Alam mo, pwede kitang ilaglag sa kanila. Mapapaalis ka dito. Ayaw mo naman mangyari iyon, ano?" naguguluhan akong napatingin dito. 

Ayaw kong paniwalaan kung ano man ang biglang sumagi sa isip ko dahil alam kong kahit papano ay may kabutihan pa rin ang isang tao gaano man sila kasama. Hindi naman siguro ganoon ang gagawin niya sa akin. Tinulungan ko na siya! 

"Itigil mo 'yan, kung ano man iyang naiisip mong gawin. Gawin mo ang nararapat, huwag kang magsisinungaling! Alam nating dalawa ang tunay na nangyari!" nagsisimula na akong maalarma dahil sa ngisi sa kaniyang mukha na para bang may gagawin na hindi kaaya-aya.

"Hindi ka naman siguro papasukin sa eskwelahan na ito kung hindi kayo mayaman o wala kayong kaya hindi ba?" tanong niya sa akin. Pilit pa itong lumalapit sa akin ngunit sige ko namang usog sa gilid upang hindi kami tuluyang magkadikit. Baka ano na naman ang sabihin nila!

"Alam mo, kung hindi ka umepal kanina... Hindi pa sana kami hiwalay ng gagong Seth na iyon! Hindi sana, may pera ako ngayon galing sa kaniya dahil natulungan ko siyang makaraos ng lib*g niya! Mababayaran ko na sana 'yung mga pesteng mga p****k na 'yun na pinagkakautangan ng p*tanginang kapatid ko!" dagdag pa nito. "Tang inang buhay 'to! Wala nang naging tama! Lahat nalang palpak!"

Bigla akong natigilan habang pinagmamasdan ang mabilis na pagbago ng ekspresyon sa kaniyang mukha. Nangibabaw ang galit sa kaniyang mga mata habang may butil ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Natakot ako bigla.

Posible pala iyong mangyari? Ngayon lang ako nakasaksi ng isang taong parang puno ng galit at poot ang puso. 

Siguro ay kaedad ko lang ito, eh. Pero bakit ganito kaagad? Bakit pakiramdam ko ay ang dami na niyang napagdaanan? Halos hindi lahat magagandang karanasan. Siguro ay sa pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang magulang? Siguro dahil ito sa buhay na nagmulat sa kaniya sa realidad? 

Siguro ito talaga ang realidad. Hindi katulad ng mga naranasan ko sa buong buhay ko. 

"Kaya kung ayaw mong ilaglag kita sa kanila. Pasensyahan na tayo, bigyan mo ako ng pera. Kailangan ko lang para mabayaran ko ang mga babaeng p****k na iyon o kung hindi sige ka, sasabihin kong binayaran mo ako para gawin natin iyon o kaya gagawa nalang ako ng istorya na-"

"H-huwag!" mabilis kong sabi. 

Sa totoo lang, ayaw ko talaga ng mga ganitong problema o gulo sa buhay. Kaya nga ako palaging sumusunod sa kung ano ang dapat dahil maiiwas ako nito sa ganitong pangyayari. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ganito ang nangyari ngayong araw, siguro ay kailangan kong magdasal pa lalo, magkumpisal ng kasalanan at magpabasbas sa pari. 

Grabeng kamalasan ito ngayon!

Ngayon lang ito nangyari sa tana ng buhay ko!

"Ayaw mo naman palang mapasubo sa problema soon to be Father... Ano ngang pangalan mo ulit?" tanong nito sa akin pero hindi ko iyon sinagot. Bagkus, panibagong tanong ang sinabat sa kaniya. 

Pagkatapos nito matutulog ako nang matutulog. Babawi talaga ako ng tulog. Siguro sanhi lang ito ng kakulangan ng tulog. Grabeng karanasan ito, tahimik naman ang buhay ko.

Sigurado naman ako na hindi na kami magkikita ng babaeng ito. Puro negatibo ang nangyayari sa buhay ko simula nang makita ko ito.

"Ilan ba ang kailangan mo?" tanong ko sa babae na siya namang ikinatuwa niya lalo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status