Share

Kabanata 5

"P*tanginang buhay 'to, oo! Pagod ka na nga sa trabaho wala pang maaabutang pagkain pagkauwi!" napatagilid ako ng higa at iniharang ang unan sa aking tenga- nagbabakasakali na mababawasan ang ingay kapag iyon ang ginawa ko.

Pero hindi, nag-aaksaya lang ako ng oras. Maliit lang ang kwarto namin at kilala ko ang ate ko, maingay iyan lalo na kapag umaga. Iyon din kasi ang uwi niya dahil panggabi ang trabaho niya.

"Pambihirang customer iyon! Hayok na hayok parang ngayon lang nakak*ntot!" dagdag pa nito.

Mas lalo ko pang idiniin ang unan sa aking tenga at pinipilit na ipikit ang mata. Baka kapag iyon ang aking ginawa ay balikan ulit ako ng antok at makatulog pang muli.

"Hoy, Amari! Gumising ka diyan. Tanghaling-tapat na, wala ka bang pasok?" nagulat ako nang tadyakan ako nito sa hita. Napaigik ako sa sakit. Sanay nang palaging ginaganito. "Nakahilata ka pa dyan! Sarap buhay?!"

Kaya kahit na medyo antok pa, napaupo ako sa kama at sinamaan siya ng tingin. Pambihirang buhay 'to! Kung gumanti naman ako ay baka mas malumpo lang ako at mawalan ng bahay. Kung umasta talaga itong ate ko, parang hindi niya ako kadugo. Parang hindi niya ako kapatid!

"Meron! Anong pakialam mo?!" inis ko ng sabi sa kaniya. Alas siyete pa lang kasi!

Gusto ko pang matulog! Nabayaran ko na 'yung utang niya sa mga babaeng naghahabol sa akin kahapon pero bago ako makaalis ay pinainom muna nila ako at hindi pinayagang makauwi nang hindi nauubos iyong isang bote ng gin.

Mabuti nalang at nagawan ko ng paraan na mabayaran ang utang na iyon, mabuti nalang at nauto ko rin 'yung lalaking iyon kahapon. Ang kaso, kung kinakarma ka nga naman, pagkauwi ko dito bago ako tuluyang mahiga ay pakiramdam ko ay mamamatay na ako dahil sa dami ng nainom ko.

Marami na nga akong kinaing pulutan para mabusog agad ang sikmura ko, kaya kahit ngayong umaga ay hindi na ako makapag-almusal, para na rin sana makatipid, ang kaso... sinuka ko lang ang lahat ng iyon bago matulog.

Kaya kung gutom siya, gutom din ako! Pareho lang kami!

"G*ga ka talaga! Kung sumasama ka sakin magp*kpok kahit hapon ka na gumising ayos lang! Sayang ang ganda mo, Amari! Hindi napapakinabangan!"

Balak ko pa sanang bumalik sa pagtulog pero hindi na dahil kung ganito kaingay ang ate ko at hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig niya, nag-aaksaya lang ako ng oras. Mabuti pang pumasok na.

"Huwag mo nga akong itulad sa'yo, Ate!" inis kong sabi at saka dumiretso na sa banyo para maligo. "Mahal ko naman ang sarili ko kahit papano! Hindi ko ibebenta ang dignidad ko!"

"G*ga ka talaga! Bakit?! Aasa ka diyan sa pag-aaral mo? Hindi ka katalinuhan, Amari! Boba ka rin katulad ko!" hirit pa nito bago ko tuluyang sinarado ang pinto ng banyo.

"Boba na kung boba pero hindi ko ipagpapalit ang katawan ko magkapera lang!" saad ko sa kaniya bago ko tuluyang sinarahan ang pinto ng banyo.

May iba pang paraan para kumita ng pera. May pag-asa pa para makaahon sa kahirapan. Hindi sagot 'yung pagpop*kpok para makaalis sa animoy kumunoy na ito. Hindi ganoon. Ayaw ko ng ganoon. Hindi ko ipagkakanulo ang sarili ko.

May mga sinasabi pa sana ito pero nilakasan ko na lang ang tubig sa gripo para hindi ko marinig ang mga sinasabi niya. Araw-araw nalang ganito. Kailan kaya titigil ang ate ko sa pagengganyo sa akin sa trabaho niya?

Mukhang malabo dahil iyon ang pinagkukunan namin ng pera sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Ulila na kasi kami. Hindi ko nga alam kung makakapag-kolehiyo ako. Siguro, kapag nakapagtapos nalang ako sa senior high ko iyon poproblemahin.

Iyon ay kung makapagtapos ako.

"Anong meron?" tanong ko sa kaklase kong pareho ring late. Nagkibit-balikat ito. Hindi rin alam kung ano ang nangyayari doon. "Bakit ang raming tao?" dagdag na tanong ko pa.

"Baka may event..." sagot nito.

"Alam kong ma event... pero anong event?" kung hindi lang siguro ako nito kilala ay magagalit ito kaagad sa akin. Pero kilala na ako bilang prangka at hindi marunong mag-kontrol sa mga sinasabi.

"Malay ko, Amari. Pareho kaya tayong late!" sagot din nito. Baka naman kasi alam niya. Palagi kaya siyang pumapasok, ako ang madalas magcutting o kaya naman ay liban sa klase.

May mga tao kasi sa gymnasium at karamihan mga lalaki ang nandoon. Thirty minutes pa lang kaming late. Pinapila pa kami sa may gate at pinag flag ceremony pa rin. Mabagal ang lakad namin dahil nakikiusyoso sa kung ano ang ganap doon.

"Baka lang naman alam mo. Palagi ka kayang pumapasok."

"Pumapasok oo, pero hindi ako nakikinig." sagot nito bago kami parehong natawa.

Hindi ko alam kung bakit hindi kami naging malapit na magkaibigan nitong si Adeline. Kung tutuusin ay halos magkapareho kami ng ugali. Siguro, dahil palagi din siyang mayroong boyfriend, kaya imbes na iyong oras niya sa classroom ay palagi siyang wala dahil nandoon siya sa kaniyang boyfriend.

Biglang may sumitsit sa gilid ng gymnasium kaya sabay kaming napatingin ng kaklase ko roon. Hindi ko ba alam, parang reflex nalang iyon. Kapag may sumisitsit, aakalain mong ikaw iyong tinatawag doon. Kahit minsan, hindi naman.

"Hi, Amari! Ang ganda mo ngayon!" saad ni Caster sabay kindat sa akin.

Matagal-tagal na ako nitong pinopormahan pero hindi ko sinasagot dahil masyadong mahilig. Isang beses, nagkunwari pang pinapatawag ako ng teacher pero hinila lang ako sa bakanteng classroom para pwersahang halikan at gawan ng mga kalaswaan.

Ang g*go, tinadyakan ko sa gitna bago pa makagala ang kamay niya sa katawan ko. Tinakot pa ako na kapag nagsumbong ako, may ipapakalat daw siyang scandal ko.

Iniisip ko nga kung meron ba akong ganun, kahit naman may pagka-liberated ako, alam ko naman sa sirili ko na wala pang nakakawasak nitong hymen ko. Hanggang halik lang silang mga gago na 'yan. Wala naman ngang karanasan sa paghalik, hind naman mga marunong!

"Ngayon lang?" pagsasabay ko sa trip nito. Akala niya ata ay nakalimutan ko na ang ginawa niyang g*go siya.

Kumindat ito at bahagyang namula. "Ay hindi! Palagi! Araw-araw!"

"G*go!" I mouthed and made face because some of the teachers are there. Baka bigla akong ipa-guidance.

Natatawa ako habang napapailing. Napahiyaw naman ang mga kasama niya. Mga lalaki nga naman. Kung uuto-uto ka matagal ka nang nadali. Pero dahil hindi ako ganoon kadaling mauto, hindi nila ako magogoyo.

"Di ba matagal na 'yang nagpapapansin sa'yo bakit hindi mo pa jowain?" tanong ni Adeline.

Nagkibit-balikat ako. Wala naman sa kaniyang mapapala. Wala siyang pakinabang sa akin. Hindi ko naman siya mapapakinabangan. Alam ko, pareho lang kaming mahirap. Hindi ganoon ang dapat makatuluyan ko.

Hanggang fling lang siguro, para naman mapunan ang mga kuryosidad ko sa buhay.

Pero kung magboboyfriend man ako, dapat 'yung mayaman. 'Yung kaya akong ilayo sa impyernong bahay namin at sa poder ng ate ko. Kaya hindi rin ako nagboboyfriend ng mga schoolmate ko, eh. Pare-pareho lang kaming mga wala.

Siguro kung mayroon man, sila 'yung mga bilang sa kamay na may kaya. Ang iba, nagffeeling lang. Katulad ko. Nagpapanggap na mayroon pero mahirap naman.

"Hindi ka na nagcocomply ng mga requirements niyo tapos late ka pang pumapasok? Ano na, Amari?!" galit na galit na utas ng adviser namin.

Dapat second subject nalang ako pumasok, para di na niya ako sermonan ng ganito. Kung minamalas ka nga naman!

"Magcocomply naman ako. Hindi pa naman deadline. Huwag kang atat, Ma'am." saad ko dito at saka diretsong umupo sa upuan ko.

"Bastos ka talagang bata ka! Kinakausap pa kita!" dagdag pa nito.

"Tigil na, Ma'am! Wala ako sa mood makinig. Dagdag sama ng loob ka lang." at isa pa gutom na gutom na ako! Uminom lang ako ng tubig para kahit papano ay hindi ko maramdaman ang gutom.

"Itong mga sinasabi ko para sa kabutihan mo ito! Kaya makinig ka sa akin, Amari!"

Bakit hindi pa kasi ito umalis? Tapos na ang oras niya sa amin. Kahit saan nalang puro nalang sermon ang naririnig ko. Wala na bang tatalo sa ingay nitong umaga ko?

"Kung hindi mo aayusin iyang ugali mo, wala kang mapapala sa buhay mo! Gusto mong makapagtapos pero tatamad-tamad ka!"

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko nalang pinansin at yumuko nalang sa armchair at pumikit. Pareho lang sila ni Ate.

Puro bunganga. Puro satsat. Wala namang naaambag sa akin. Kung sana sumusweldo ako sa pakikinig ng sermon nila, kahit magdamag pa silang sumatsat dyan. Mayaman na siguro ako.

"Mariz, san kayo pupunta?" tanong ko sa kaklase kong kasama ang mga seniors. Bitbit nito ang isang box ng juice.

Isang subject nalang bago ang breaktime namin at gutom na gutom na ako. Kanina pa talaga kumakalam ang sikmura ko. Nagpaalam akong iihi pero hindi ako naiihi. Balak ko lang maglakad-lakad. Baka may mahanap akong uto-uto na mapapalibrehan.

Wala na kasing laman ang wallet ko kahit singko o piso. Pambihirang buhay talaga ito! Mabuti nalang at hindi halatang mahirap ako dahil maganda ako.

"Doon sa gymnasium. Magbibigay ng snacks sa mga kasama sa seminar."

Aba, bakit sila lang ang may libreng snacks? Gusto ko din! Dapat meron din ako! Inubos ng mga babaeng pinagkakautangan ni Ate ang laman ng wallet ko kagabi. Hindi na naawa sa akin.

Kahit bente, wala, naglakad ako pauwi. Ilang kilometro din iyon. At ang masaklap pa, kulang pa iyon. Hindi pa rin kami bayad. Kahit bente mil na ang nahuthot ko sa lalaking seminarista na iyon. Kulang pa rin!

Gaga kasi itong si Ate. Nalulong 'yung kinakasama niya dati sa droga, kung saan-saan nangutang. Binenta pati ang bahay namin matugunan lang ang bisyo ng boyfriend niya.

Hanggang sa nagkatambak-tambak na ang utang at lumaki na ang interes. Hanggang ngayon, kahit natokhang na 'yung jowa niya, nagbabayad pa rin kami ng mga utang dahil sa adik na 'yun.

Wala pa akong isip nung nangyari iyon pero kung nasa sapat na huwisyo at edad na ako baka bumukod na ako sa Ate ko. Tatanga-tanga eh. Nabudol dahil sa t*nginang pag-ibig na 'yan.

Baliw na baliw sa lalaking iyon eh hindi naman kagwapuhan! Payat na nga ang katawan dahil sa pag-aadik, pangit pa!

"Tutulong ako! May box pa ba don?" tanong ko sa kaniya.

Hindi ako matulunging tao. Naniniwala ako na ang lahat ng bagay sa mundo umiikot sa gamitan. Kung wala kang pakinabang sa akin, wala kang saysay- hindi kita kailangan. Kapag may pakinabang ka at may makukuha ako sa'yo- kailangan kita.

Nagliwanag ang mukha nito. "Mabuti naman! Meron pa dun sa loob ng canteen. Yung isang box ng cupcake kunin mo."

Ayos! Dala-dala ko ang bag ko! Mailalagay ko doon ang makukupit kong pagkain! Dapat wala lang tao sa loob para walang makahuli sa akin at para makadami rin ako. Lusot na ang panggabi kong pagkain dahil malamang at sa malamang wala akong aabutang pagkain sa bahay dahil papasok na iyon si ate sa trabaho.

"Kung sinuswerte ka nga naman!" saad ko nang makitang klarado ang buong canteen. Walang tao. Pambihira, nasaan ang nagbabantay dito? Bakit nila hinahayaan ang oportunistang katulad ko dito?

Natawa ako bigla. Nang makita ang box ng cupcake ay nagningning ang mga mata ko. Sa buong umaga, ito lang ang ikinaganda at sa wakas naman umayon sa gusto ko. Gutom na gutom na talaga ako!

Dali-dali akong pumunta dito at binuksan ang bag ko. Kumuha ako ng dalawa. Tatlo. Apat. Hindi pa nakuntento ginawa ko pang sampu. Mabuti naman at nagkasya sa bag ko! Gusto kong tumalon sa tuwa. Izi-zipper ko na sana ang bag ko nang may marinig akong tumikhim sa likod ko.

Agad-agad kong sinarhan ang bag ko bago ako tuluyang lumingon sa aking likod. Muntikan pa ako maipit dahil sa biglaang pagsara ng bag.

"Ay, p*tangina mo!" halos mabuwal ako sa kinatatayuan. Nanlaki ang mga mata nang makita at makilala kung sino ang lalaking nasa likod ko.

"Bawal 'yan, ah... Nagnanakaw ka." saad nito habang nakangisi. Hawak-hawak sa kamay ang baso ng tubig. Mariin at nanunuyo ang tingin sa akin.

"H-hndi, ah! A-anong pinagsasabi mo diyan?!" gusto kong tampalin ang bibig ko sa pagkakautal. Mabilis kong isinuot ang backpag kong bag at nilagay sa likod.

"Nandito ako para kunin 'tong cupcake dahil ibibigay sa mga nagseminar!" dagdag ko pa.

Nanatili itong nakangisi. Teka, ano bang ginagawa nito dito? Hindi ba seminarista ito? Paano 'to nakapunta sa eskwelahan namin?

"Ah, talaga? Bakit kailangan ipasok sa bag? Bakit hindi mo na lang bitbitin 'yung kahon?" naglakad-lakad ito paparoon at paparito. Hindi mapirmi habang nakangising nakatingin sa akin.

Gwapo sana ito kaso hambog. Hindi ko nga alam kung bakit ito magpapari. Mukha namang hindi mabait. Malakas ang mayabang na awra sa kaniyang mukha. Halatang may lahing espanyol dahil sa tapang ng mga mata at tangos ng kaniyang ilong. Kakaiba rin ang kulay ng kaniyang buhok. Medyo kulay kayumanggi.

"Patingin nga ng bag? Anong laman?" akmang lalapit ito kaya agad akong napaatras. Pilit inilalayo sa kaniya ang aking bag.

"B-bakit ko ipapakita saiyo sino ka ba?!"

"Titignan lang naman. Defensive ka masyado. Siguro may tinatago ka diyan?"

"W-wala!" Puno ng diin kong saad. Gustong may mai-prove na tama.

Mas lalo itong lumapit nang lumapit sa akin. Sige ko namang atras kapag humahakbang siya papunta sa akin. Hanggang sa pader na ang nasa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko. Pilit na inilalayo pa rin sa kaniya ang aking bag.

Sobrang lapit na ng mukha niya. Kitang-kita ko kung gaano kaganda ang mga mata niya pati na rin ang pilik-mata. Kahit sa malapitan, matangos talaga ang ilong niya at di mo man lang makita ang pores nito dahil sa kinis ng mukha.

Napailing-iling ako. Pilit na binabalik ang isip sa tamang wisyo. Talaga ba, Amari? May oras ka pang pagpantasyahan itong lalaking ito?!

Talaga ba?!

"Alam mo, pwede kitang ilaglag sa kanila. Mapapahiya ka dito. Ayaw mo naman mangyari iyon, ano?"

Ang gago. Gumaganti sa akin! Sigurado na ba itong magpapari ito? Masyadong tuso! Masyadong masama ang ugali!

"Anong pinagsasabi mo?!" inis ko nang bulalas sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

Natawa ito ng pagak. Pagkatapos ay kinagat ang pang-ibabang labi at binasa ang kaniyang labi gamit ang kaniyang dila. Natulala ako sa kaniyang ginawa. Parang biglang bumagal ang lahat.

Bakit ang gwapo nitong magpapari na ito? Ilegal itong lalaking ito!

"Ibalik mo 'yung pera ko..." saad nito sa napapaos na boses. "Nasaan na 'yung twenty thousand ko?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status