Share

Kabanata 4

"Baka makalampas ka na sa langit niyan, kanina ka pang nagdadasal diyan."

Napaangat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses. Nasa gilid ko na pala si Lazarus. Hindi ko napansin dahil sa taimtim kong pagdadasal.

Nakaluhod na din ito at pikit-matang nagdadasal. Nagkibit-balikat ako at tinuon ang atensyon sa harap ng altar, partikular sa nakapakong Hesus sa gitna. Kanina pa ako humihingi ng tawad sa kasalanang nagawa ko. Alam kong hindi iyon tama, pero para matigil na ang hindi pagkakaintindihan at para maagapan ang posibleng maging problema iyon ang ginawa ko.

Iniisip ko na lang na nakatulong ako sa babae dahil nangangailan ito. I sighed tiredly. I don't know how many prayers of the rosary I have done. All I want is to somehow, reduce the conscience that has been exhaustingly bothering me since then.

"Seryoso, Trevor. Ayos ka lang?" naramdaman ko ang paggalaw nito sa gilid ko. Hudyat na nakaupo na ito sa likod ko. "Bakit nahuli ka pala kanina? Hinahanap ka namin ni Finn." dagdag na tanong pa nito sa akin.

Wala siyang alam sa nangyari kanina. Totoo ngang hindi makakalabas at makakarating sa iba ang kung ano ang nangyari kanina. Mabuti naman. Kung hindi, dagdag iisipin lang, magiging walang saysay 'yung binayad ko sa babae kanina.

"Sa shuttle ng mga pari ako sumabay. May inayos pa kasi sila kaya kami nahuli." That was, so far, the best answer I could give without lying.

It's true that we were late because they solved a problem. Hindi lang nila alam na ako ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganoon na problema.

And it's not a form of lying. It's just that, sometimes, there are issues or happenings in our life that other people should not know. Even if they are your friends, they are not obligated to know everything that is going on in your life. It's not being selfish, it's having privacy.

Nag-unat ako at umupo na rin sa tabi niya. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin na para bang pinag-aaralan ang ekspresyon ng aking mukha.

"Sigurado kang ayos ka lang?" pagkukumpirma pa nito.

Mabilis akong tumango at natawa. "Ayos lang ako. May mga bumabagabag lang sa akin."

Tumango ito at napatingin ulit sa harap ng altar. "Ganiyan din ako minsan. At kapag masyadong maingay na sa loob ko. Nagdadasal rin ako katulad mo. Namimiss mo ba buhay sa labas? Sabi nila natural lang daw na maramdaman ang ganiyan. Nasa discerning process tayo."

Tumango ako sa kaniya. Dahil may mga panahong ganiyan din ang iniisip ko. Iba kasi ang buhay dito sa loob. May mga bagay na hindi mo pwedeng gawin. Pero iniisip ko nalang na ito ang gusto ko, ito ang dapat na maging direksyon ng buhay ko.

"We will become priests, Lazarus. These are just trials we must face- but it is part of the process." I gave him a firm and determined look. I could see his quick reverence reflected in his eyes. Later, he tapped me on the back and stood up.

"Oo naman. Tayo pa ba?"

Tumayo na rin ako. Bigla kong naramdaman ang pagkangalay sa aking mga binti. Kanina pa akong nakaluhod kakadasal. Parte na rin ito ng aking panata sa nagawang kasalanan sa kaniya. Hindi naging maganda ang takbo ng araw ko ngayon. Bawi nalang siguro bukas?

Hindi ba ganoon naman talaga sa buhay?

Parang katulad lang sa sets of mysteries sa rosary. Ang buhay, hindi palaging joyful, glorious, luminous, kailangan ding maranasan ng tao ang pagiging sorrowful. Dahil ganiyan naman talaga ang buhay. Hindi palaging masaya, kailangang ding magdusa at maging malungkot.

Jesus, the son of God, did not experience pure joy in the world. Kaya nga diba, He was often referred to as "A man of sorrows and acquainted with grief" based from Isaiah 53:3? It's just that, at the end of the day, we should still see the goodness that is in everyone's heart. That life may be tough but we are much tougher than life itself.

"Kakain na tayo kaya hinahanap din kita kanina pa. Nasa canteen na sila. Baka maubusan tayo ng pagkain." sabi niya habang sabay kaming lumabas ng chapel.

True enough, when we entered the canteen all our brothers I seminary were already there. They are having a joyful meal together. They are a bit noisy because this was the only time that we are being gathered altogether because of our sectioning and year level.

There were no priests watching over us either. They also have dinner upstairs in their area and after their dinner, they will probably rest. May magroronda nalang mamaya para i-check kung lahat kami ay nasa kaniya-kaniyang kwarto bago matulog.

Nang makakuha na kami ng pagkain ay agad na iginala naming ang aming tingin sa kabuoan ng canteen para hanapin si Finn. Hindi naman natagalan ang paghahanap naming dahil nakita naming ito sa gilid, sa kung saan kami palaging pumupwesto pag kumakain na busangot at mukha at halatang binabagalan ang pagkain dahil hinihintay kami panigurado.

"I've been waiting since seven. I am very hungry. Where did you go? What happened?" sunod-sunod na tanong ni Finn nang mailapag namin ang pagkain namin. Hindi pa nito gaano nagagalaw ang pagkain nito.

"Then eat, Finn. We did not bring the food with us." Sagot ko naman ditto nang tuluyan nang makaupo. Mas lalo itong sumimangot.

"I am just being true to my words. Lazarus said before he leave to find you to wait and don't eat while you guys are still not around." Napalingon ako ngayon kay Lazarus na hindi matigil sa pagtawa habang nagsisimula nang kumain.

Ang kawawa naming kaibigan. Masyadong masunurin. Siguro, ito ang unang magiging pari sa amin.

"Henares at Del Madrid, kanina pa kayo hinahanap ni Father Ismael." Sabay-sabay kaming napalingon sa senior na tumawag sa atensyon naming dalawa ni Lazarus.

"Bakit daw?" sabay pa naming tanong.

"Start na daw ng school to school bukas, kasama daw kayon sa vocation advocacy campaign."

Sabay kaming napatango ni Lazarus. Wala namang kaso sa amin na kami ang isama. Parang kalian lang, kami ang pinupuntahan ng mga seminarista, sa dami ng populasyon namin sa school, ako lang ang naglakas ng loob na maging interesado at sumubok sa bokasyon na ito.

Catholic clergy numbers are declining. The vocations downturn is particularly evident in our country. That's why we need to pray more. We need to advocate the young to know God more. We need to make a commitment to pray for this intention every day as a family, perhaps at mealtime. Also consider praying for a particular priest in every parish.

"Grabe, hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung nakita natin kanina..." Lazarus suddenly said while we are making our bed. We're getting ready for sleep. Kakatapos pa lang naming magdasal.

"What is it?" Finn asked while his forehead creased.

"Kailangan ba nating ireport 'yun?" dagdag pa ni Lazarus, inignora ang tanong ni Finn. Natigilan tuloy ako sa aking ginagawa. Hindi malaman ang dahilan ng biglang pagkalabog ng puso ko sa kaba.

"W-what, I meant, w-whom are we going to r-report?" hindi ko alam kung bakit ako biglang nagkakautal-utal.

Alam ba ni Lazarus 'yung nangyari?

Hindi ba wala dapat makakaalam?!

Paanong nakalabas iyon? Paanong nalaman ni Lazarus?

Hindi matigil ang matinding pagkalabog ng puso ko. Ngayon lang ito nangyari. Parang kinakain ako ng kunsensya ko. Tumingin sa akin si Lazarus at natigil sa kaniyang ginagawa. Hindi makapaniwala ang tingin sa akin. Parang may mali sa akin o may mali akong nasabi.

"Ikaw?" tanong nito pabalik.

Pakiramdam ko nagkabuhol-buhol ang bituka ko. Naghuhuramentado ang sistema ko. Bigla akong pinagpawisan nang malamig.

"A-anong ako?! Anong ginawa ko?!" medyo napataas ang boses ko. Hindi naman halatang nagmamaang-maangan ako. Diyos ko, ngayon lang ito nangyari. Natututo na akong magsinungaling. Hindi naman ako ganito dati.

"I mean, ikaw, hindi mo ba irereport si Seth? 'Yung nakita natin kanina?" tinuro ako ni Lazarus at saka nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. "At saka, bakit ka galit? Inaano ba kita?" Humalakhak si Finn sa naging reaksyon ni Lazarus.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ito ba ang isa sa mga consequence ng pagsisinungaling? Hindi talaga maganda ang dulot ng babaeng iyon sa buhay ko! Patawarin ako ng Diyos, pero sana hindi na magtagpo ang landas naming dalawa kahit kalian. Ayaw ko ng mga ganitong problema sa buhay!

"A-ako? Galit? Hindi ah!"

"Ah, talaga, hindi? Bakit naninigaw ka?"

"Just kiss already, guys. You act like a fighting couple."

"Finn!" sabay naming sabi. Lazarus gazed his eyes on me- glaring. I just shrugged and continue what I am doing which was to fix my bed na kanina pa hindi maayos-ayos dahil nauuna ang daldal. Pare-pareho kaming tatlo.

"Kidding aside, are we gonna report it or not?" Finn asked. "It's a serious issue. If we expose what we saw, he might be kicked-out."

"He might have his reason why he did that. Let's not stick our nose to their issue." I said calmly as I lay down and cover myself with my fluffy blanket.

"Alright," the two said in unison.

Parang may gusto pa sanang sabihin pero natahimik nalang. I also dismissed the conversation by turning around the next side of the bed and tried to calm my thoughts.

Kailangan kong umiwas sa gulo. Kapag sinumbong ko si Seth, ipapatawag ang atensyon pati na ng babaeng kasintahan niya. Baka maungkat 'yung nangyaring hindi pagkakaunawaan sa amin. Baka mag-imbento na naman ng kwento ang babaeng iyon. I don't want to risk it. Kaya ko nga siya binayaran para maiwas ako sa gulo.

I want peace of mind as of the moment. Nasa seminaryo naman ako, malakas ang loob ko na hinding-hindi na kami magkikita ng babaeng iyon.

Ewan ko ba, bigla akong nagkaroon ng trauma sa kaniya. Pambihirang babae kasi iyon, alam kung paano magsinungaling at talagang paniniwalaan ng kung sino sa oras na gumawa na ito ng kwento.

Ipagdadasal ko na lamang siya at ihihingi ng tawad ang mga nagawa kong kasalanan kanina. Sana naman sa paggising ko bukas, maging maayos na ang araw ko. Hindi katulad nitong napakagulo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status