LOGINBahagyang nabakas ang pagtataka sa mukha ni Alyanna habang litong nakatingin kay Paolo.“Paolo… ano ba talaga ang ibig mong sabihin? “Ano ba ang narinig mo?”Hindi namalayang napakuyom ni Alyanna ang kanyang dalawang kamay. Kailan pa nagkaroon ng konsensiya si Paolo?Hindi ba't noon pa man ay kinamumuhian na nito ang pamilya Merced?Magiging mabait ba talaga ito nang walang dahilan?O baka naman...Gusto lamang nitong ilagay si Vince sa ilalim ng kontrol nito upang magamit laban sa kanya balang araw?Habang siya'y naguguluhan, sinulyapan ni Paolo ang payak niyang kasuotan at mahinahong nagsalita.“Sumakay ka. We will go on shopping for a few clothes.”Hindi pa man nakakasagot si Alyanna, parang inaasahan na nito ang nangyari.Binuksan na ni Mario ang pinto ng sasakyan para sa kanya. Pagkatapos ay kinuha nito ang kartong hawak niya.“Miss Alyanna, pumasok na po kayo.”Hindi siya gumalaw. Nanatiling kalmado ang kanyang mukha.“Kung may sasabihin ka, sabihin mo na nang direkta. Hindi mo
Sinenyasan ni Paolo si Chief Agustin na sumakay sa sasakyan upang doon sila mag-usap.Umikot si Chief Agustin sa kabilang panig, binuksan ang pinto, at umupo sa loob, gaya ng request ni Paolo.“Ang naka-duty noong araw na iyon ay kamag-anak ng Commissionaire Yan,” paliwanag niya. “Kahit anong tanong ko sa kanya, iisa lang ang sinasabi niya; nakatulog daw siya habang naka-duty at walang sinumang nagsabi sa kanya tungkol sa nangyayaring bugbugan.”“Dagdag pa roon, may rekord na isinailalim sa maintenance ang CCTV sa loob ng detention area noong araw na iyon. Inakala ng mga tao sa monitoring room na normal lamang ang pag-aayos ng mga camera. At dahil iisang selda lang ang pinagkulungan sa kanila, inisip nilang wala namang malaking mangyayari kaya…”Habang nagsasalita si Chief Agustin, lalo siyang nahihirapang ipagpatuloy ang paliwanag. Dahil sa kapabayaan ng presinto, isang suspek ang nagtamo ng napakalubhang pinsala.Kapag nalaman ito ng nakatataas, hindi lamang siya mapapagalitan; malam
"Alyanna, do you enjoy making me angry?" Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Paolo sa kanyang pulsuhan. Sa sobrang lakas ng pagkakahawak nito, napangiwi si Alyanna sa sakit. Dahil doon ay saka lamang natauhan si Paolo.Samantala, hindi naman nawawala kay Alyanna ang pakiramdam ng pagrerebelde. “Marunong ka rin pa lang mag-assume, President Dela Vega.” Sarkastisko ang kanyang tinig. “Galitin ka? Kailangan ko pa bang gawin iyon? Busy akong tao kaya wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay.”Hindi sumagot si Paolo. Tahimik lamang siyang nakatingin kay Alyanna. Tila ba gusto nitong basahin ang bawat kilos at bawat ekspresyon ng kaharap.Samantala, nakaramdam ng pagkailang si Alyanna sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Higit sa lahat, humihigpit pa lalo ang hawak nito sa kanya kaya kailangan na niyang umalma. “Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!”Parang dudurugin na ang kanyang mga buto sa higpit ng pagkakahawak ni Paolo sa kanya. Subalit wala itong pakialam sa nararamdaman niya. Ka
Naglaho ang ngiti sa mukha ni Alyanna habang nakatingin kay Araceli.“Kung may dapat humingi ng tawad, siya yun at hindi ako. Siya ang unang nagkasala sa akin.”Napangisi rin si Araceli, puno ng pangungutya ang mukha. “Tigilan mo nga ang pagpapanggap. Alam na alam mo kung bakit ka nakipagrelasyon sa kuya ko. Para kanino pa iyang inosente mong pagpapanggap? Hindi uubra sa akin ‘yang pa-victim mindset mo.”Ipinagpatuloy ni Araceli ang pang-iinsulto sa kinamumuhiang asawa ng pinsan. “Alyanna, ikaw mismo ang kusang nagpakababa noon tanda mo. Wala namang pumilit sa'yo. Tapos ngayon, nagpapaka inosente ka? Ay, hindi. Inilabas mo lang pala ang totoo mong ugali. Ugaling plastik! Hindi ka lang mahal ng kuya ko, tapos naghanap ka na ng ibang lalaki? Nakakatawa ka talaga! Para kang babae sa club.”“Kung gusto mong makipaglandian sa ibang lalaki, siguraduhin mo munang hiwalay na kayo ng kuya ko. Nakakahiya naman sa bayarang lalaking kasama mo. Kung sinu-sinong lalaki na lang kasi ang kinakama mo.
Hindi na siya magpapaka-martir. Gusto lamang niyang tiyakin na sa huli, hindi mauuwi sa usapin ng pera ang kanilang paghihiwalay. Simula’t sapul, wala na siyang pakialam sa kayamanan ng asawa.Noon pa man ay naniniwala na si Paolo na pera lang ang dahilan kung bakit niya ito pinakasalan. Kung hihingi siya ng malaking bahagi sa kanilang ari-arian, paano pa siya nito papayagang makuha ang gusto niya?Kung tutuusin, para kay Paolo, walang halaga ang sampung milyong piso at ang bahay sa Diamond Residences.Nang makitang buo na ang kanyang pasya, wala nang sinabi ang abogado. Sa halip, isa-isa nitong kinumpirma ang mga nilalaman at kondisyon ng kasunduan.Matapos suriin ni Alyanna ang lahat, nagdagdag pa siya ng isang bilin.“Sa huling araw ng buwang ito, pakisuyo na ipadala ninyo ang kasunduang ito kay Paolo.”Napalunok ang abogado. “Hindi na po ba kayo makikipag-usap nang personal kay Ginoong Paolo Dela Vega?”Sandali siyang natahimik bago marahang ngumiti.“Wala na kaming dapat pag-usap
Sumama si Alyanna kay Paolo pabalik sa villa. Kapag nakapagpasya na ito, wala nang saysay ang kahit ano pang pagtutol niya.Ipinasok ni Paolo ang password upang i-unlock ang pinto at naunang pumasok. Sumunod naman si Alyanna.Pagkasindi ng ilaw sa foyer, hinubad ng lalaki ang kanyang amerikana at tinanggal ang relong nakasuot sa pulso. Sa makipot at mabigat na kapaligirang iyon, bawat kilos nito ay tila puno ng mapang-angking awtoridad, dahilan upang hindi niya mapigilang makaramdam ng panganib.“Sa guest room ako matutulog.”Malinaw na ipinahayag ni Alyanna ang kanyang saloobin bago nilampasan ang lalaki at nagtungo sa silid na pang-bisita.Tahimik lamang siyang pinanood ni Paolo habang papalayo. Wala itong sinabi.Pagkapasok ni Alyanna sa kuwarto, ang una niyang ginawa ay ikandado ang pinto.Natatakot siya.Takot siyang mawalan ng kontrol. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa party ni Lola Rosalia. Higit sa lahat, natatakot siyang muling matinag ang kanyang puso kapag muling maglap
“Alyanna, pinag-isipan mo na ba talaga ito? Sigurado ka bang gusto mong lumipat sa Villa Cresencia Hospital?”Hawak ni Director Cruz ang transfer application ni Alyanna habang nagtatakang nakatingin sa kaniya.Bahagyang nanginig ang pilikmata ni Alyanna bago siya ngumiti nang mapait. “Opo, Sir. Su
Pumunta si Alyanna sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng pasyenteng inoperahan niya sa ulo. Nang malaman ng pamilya ng pasyente na siya ang lead surgeon sa operasyon ng kaanak, muntik na silang lumuhod sa sobrang pasasalamat.Mabilis silang pinigilan ni Alyanna at agad silang itinayo. “Please do
“Matanda ka na, bakit mo pa pinapatulan ang isang bata?”Natigilan si Alyanna. Matagal na niyang alam na hindi siya paniniwalaan nito, pero masakit pa rin ang lantaran nitong pagkampi sa iba.Kahit minsan, never pa itong nakinig sa kanyang paliwanag.Namumula ang kanyang mga mata sa pait habang pili
Dumilim ang mukha ni Paolo. Akmang bibitawan na niya si Cristina, ngunit hinawakan siya nito. “Paolo, hindi pa rin ako okay. Puwede mo ba akong samahan kumuha ng gamot na pampakalma?”Bahagya siyang kumunot-noo at ibinalik ang tingin sa direksyon kung nasaan si Alyanna. Hindi na niya ito nakita. Ma







