แชร์

Kabanata 3

ผู้เขียน: Sibolluya
Mukhang hindi inaasahan ni Paolo na babanggitin niya ang tungkol sa paghihiwalay. Dumilim ang kaniyang mukha. “What made you think na papayag ako sa gusto mo?”

Natigilan si Alyanna.

Hindi siya pumapayag sa pakikipaghiwalay. Pero bakit?

Dahil ba may pagtingin na rin si Paolo sa kanya.

Nagpatuloy ang lalaki, “Hindi papayag si Lola.”

Sunod noon, narinig ni Alyanna ang tunog ng pagsasara ng pinto.

Matagal na natigilan si Alyanna. Para bang may mabigat na bagay na bumara sa dibdib niya. Pinagtatawanan niya ang sarili.

What made her think Paolo refused to agree to the annulment because he had fallen in love with her?

Kalokohan!

Hindi ito pumapayag sa annulment dahil lang natatakot ito sa magiging reaksiyon ni Doña Rosalia.

Lingid sa kaalaman ni Paolo, may basbas na ni Doña Rosalia ang plano niyai.

Nang gabing iyon, natulog sila sa magkaibang silid. Kinaumagahan, wala na si Paolo nang dumating ang kanilang kasambahay.

Mag-isa siyang kumain ng almusal na parang walang nangyari. Nang matapos maglinis ang kasambahay, tinanong siya nito, “Madam, bakit po parang kulang ang mga gamit sa bahay?”

Natigilan si Alyanna.

Kahit ang kasambahay ay napansin na may mga nawawalang gamit.

Pero hindi man lang siya tinanong ni Paolo.

Kitang-kita kung gaano ito ka-cold at indifferent sa kanya.

Ngumiti siya nang pilit. “Luma na kasi ang mga iyon. Itinapon ko na. Wala namang mahalaga.”

Hindi na nagtanong pa ang kasambahay.

Tanghali, nakatanggap siya ng tawag mula sa director na may isang malaking operasyon na kailangang gawin. Kritikal ang kondisyon ng pasyente, ngunit nasa biyahe ang doktor na eksperto sa craniotomy, kaya siya na lang ang natitirang maaaring mag-assist.

Agad pumunta si Alyanna sa ospital, nagpalit ng surgical uniform, at pumasok sa emergency operating room. Naroon ang lahat ng attending doctors, kabilang si Cristina.

Napuno ng mabigat na amoy ng dugo ang buong operating room.

Hindi tulad ng ibang doktor na agad lumapit para suriin ang sugat ng pasyente, si Cristina ay hindi man lang makalapit at patuloy na nasusuka dahil sa hilo at pagkaduwal.

“Dumating ka rin, Doc Yanna,” sabi ng anesthesiologist habang lumalapit. “Nahulog ang pasyente mula sa construction site at kakadala lang sa ospital. Wala pa siyang malay ngayon.”

Nang makita ni Alyanna ang kondisyon ng pasyente, hindi niya napigilang mapasinghap.

May 20 sentimetrong bakal na tumagos sa ulo ng pasyente hanggang sa bahagi ng mata. Kahit walang malay ang pasyente, may vital signs pa rin ito. Isang himala na iyong maituturing.

“Doctor Merced, kaya mo ba talagang gawin ang operasyong ito? Kapag nagkamali ka, mamamatay ang pasyente,” sabi ni Cristina habang pinipigilan ang pagkaduduwal.

“If I can’t do it, can you?” sagot ni Alyanna, dahilan para magbago ang mukha ni Cristina.

Isinuot niya ang gloves at nag-utos sa ibang doktor, “Simulan ang decompression craniotomy. Subukan nating alisin ang mga blood clot.”

Handa na ang anesthesiologist at mga assistant.

Kumagat sa labi si Cristina. “Can I stay to watch?”

“Lahat ng walang kinalaman sa operasyon, maaari na kayong lumabas,” agad na sabi ni Alyanna.

“Pero…”

“Chief Surgeon Gregorio, kritikal ang kondisyon ng pasyente. Lumabas ka na lang at asikasuhin ang kanyang pamilya.”

Walang kahit sinong pangunahing surgeon sa buong Central Hospital ang nangahas gawin ang operasyong ito, dahil kapag nagkamali, katapusan na ng kanilang career.

At malinaw din sa lahat ang naging reaksyon ni Cristina mula pa kanina. Kung hindi lang dahil sa koneksyon niya, matagal na sana siyang sinigawan ng mga kasama.

Kuyom ang kamao ni Cristina ngunit wala siyang nagawa kundi lumabas ng operating room.

Tiniyak ni Alyanna na walang pinsala sa brainstem at walang malinaw na damage sa cerebral blood vessels ng pasyentte. Sa loob ng halos walong oras kasama ang team, matagumpay nilang natanggal ang bakal at naisagawa ang skull base reconstruction surgery.

Naging stable ang vital signs ng pasyente at nakahinga nang maluwag ang lahat.

Pagkatapos ng operasyon, agad na pumunta ang ibang doktor para ipaalam sa pamilya ng pasyente ang nangyari.

Si Alyanna naman ay dumiretso sa opisina ng director.

Nang malaman ni Director Cruz na matagumpay ang operasyon, tuwang-tuwa ito. “Yanna, ikaw na talaga ang best surgeon sa Central Hospital.”

Napangiti si Alyanna. “It’s a group effort po, Director Cruz. Swerte rin ang pasyente dahil tumagos ang bakal nang hindi nasira ang mahahalagang bahagi ng utak. Kung hindi, kahit po sinong genuis ay hindi na siya maililigtas.”

Tumango si Director Cruz, saka muling nagsalita. “Sigurado ka na bang hindi mo na babaguhin ang desisyon motungkol sa transfer?”

Natural lamang na panghinayangan niya ang galing ni Alyanna. Ito ang pinakabatang lead surgeon sa ospital. Bukod pa sa babae ito na bihira sa larangan ng medisina, lalo na sa larangan ng pag-opera.

Ang Villa Cresencia ay isang liblib na bayan sa probinsya. Hindi maikukumpara ang benepisyo ng ospital doon sa tinatamasa ng mga ospital sa Maynila gaya ng Central Hospital. Kaya nagtataka si Director Cruz kung bakit doon piniling magpalipat ni Alyanna.

Ngumiti si Alyanna at umiling. “Hindi po. Pero huwag kayong mag-alala, kung sakaling mangailangan kayo ng surgeon sa hinaharap at libre ako, hindi po ako magdadalawang-isip na tumulong.”

Dahil dito, hindi na siya pinilit pa ng direktor.

Paglabas niya sa opisina, nakita niya si Paolo na papalapit sa kaniya.

Huminto siya at akmang magsasalita.

Pero nilampasan lang siya ng lalaki at sinabing, “Doctor Merced, mag-usap tayo.”

Sumama si Alyanna kay Paolo papunta sa balkonahe sa kabila ng pagood. Hindi biro ang walong oras na pag-o-opera. Idagdag pa ang mahaba-haba nilang usapan ni Director Cruz. Pagud na pagod man, wala siyang nagawa kundi pagbigyan si Paolo.

“Ano ba ang gusto mong pag-usapan—”

“Why did you bully Cristina earlier in the operating room?”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 50

    Balak sana ni Paolo na umiwas, ngunit nang marinig niya ang tono nito na parang ayaw siyang pauwiin sa sarili niyang pamamahay, kumunot ang kanyang noo.Lumapit siya ng isang hakbang at diretsong tumingin sa kanya. “Bahay ko ito. Uuwi ako kahit kailan ko gusto.”Umiwas si Alyanna, ngunit hinila siya ng lalaki papalapit sa dibdib nito. Ang basang dulo ng kanyang buhok ay dumikit sa maputing balat niya, at lalo pang naging marupok at balisa ang malinaw niyang mga mata.Ang malaking nunal sa gilid ng kanyang mata ay nagdagdag ng isang uri ng lambing na nakakaawang tingnan.Nakaka-adik iyon sa pakiramdam.Hinaplos ng mainit nitong daliri ang nunal. Napalunok si Alyanna. Kung tutuusin, ilang buwan na rin pala ang lumipas mula nang huli niya itong nahawakan.Sobrang pamilyar sa kanya ang mainit nitong tingin. Nataranta si Alyanna at tinulak siya. “Yung kahon ng condom…ubos na…”“Bumili na ako,” paos na sagot ni Paolo, habang hinawakan ang kanyang bewang at isinubsob ang mukha sa leeg niyaAn

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 49

    Hindi nagtagal ay umalis na si Paolo.Pinanood ni Cristina ang papalayong likuran niya, mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay.Sinabi niya na mananatili siya para samahan ang bata!Dahil ba sa babaeng ‘yon kaya nagbago ang isip niya?Hindi. Imposible.Ang sampung taon nilang pinagsamahan ay hindi basta-basta maitatapon lang! Anim na taon pa lang siyang nawala, paano ito basta magbabago ng damdamin?Kilalang-kilala niya si Paolo.Hindi ito lalaking basta-basta iibig sa kahit sino.Pinakalma ni Cristina ang sarili. Sa isip niya, kahit ano pa ang mangyari, ang paraan ng pagprotekta ni Paolo sa kanila ng anak ay patunay na may puwesto pa rin siya sa puso nito.At ang isang “laruan” ay hindi karapat-dapat pag-aksayahan ng isip.Sa kabilang banda,Sa opisina, iniangat ni Alyanna ang laylayan ng kanyang pantalon. Puno ng pasa ang kanyang tuhod, at may marka pa ng pagkakadikit sa sahig.Biglang bumukas ang pinto. Mabilis niyang ibinaba muli ang laylayan ng pantalon.“Ate,

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 48

    Nanigas ang mga daliri ni Alyanna. Unti-unting namutla ang kanyang mukha. Pakiramdam niya ay para bang unti-unting inaalis ang kanyang paghinga.Tinanggap niya ang lahat ng hinanakit, at namula ang kanyang mga mata. “Wala akong ginawang mali!”Bahagyang lumamig ang tingin ni Paolo, at sa huli ay binitawan niya siya. Umupo siya sa isang single sofa at tahimik na naghintay.Tiningnan ni Cristina ang kalunos-lunos na kalagayan ni Alyanna, at lihim siyang natuwa. Lumapit siya kay Paolo at nagkunwaring mabait at mapagbigay.“Paolo, sobra na ang ginagawa mo kay Doc Yana. Pinapaluhod mo pa siya nang ganyan…”“Dapat lang iyan sa kanya.”Pinisil ni Alyanna ang kanyang labi at hindi na muling nagpaliwanag.…Lumuhod si Alyanna nang mahigit isang oras.Hindi pa rin siya umaamin ng pagkakamali.Lalong naging komplikado ang ekspresyon ni Paolo, at may mabigat na pakiramdam na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib.Sa sandaling iyon, nagising si CJ.Agad na inilapag ni Cristina ang bagong hiwang

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 47

    “Bata?”Sumagi sa isip ni Alyanna ang imahe ni CJ. Maliban sa tungkol sa mag-inang iyon, wala na siyang ibang maisip na dahilan kung bakit ganoon kalala ang galit ni Paolo.“Nanakit ako ng isang bata?” malamig siyang tumawa. “Mr. Dela Vega, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.”Hinawakan ni Paolo ang kanyang pulsuhan. “Hindi ba ikaw ang bumili ng cake?”Hinila siya nito palapit nang walang ingat, kaya lalo siyang nasaktan sa pulsuhan.Sinubukang kumawala si Alyanna, namumula ang ilong dahil sa sakit. “Pinabili sa akin ni Cristina ang cake. Bumili ako, ano ngayon?”Inabot siya ulit ni Paolo at mas lalo siyang inilapit hanggang halos magdikit na sila. “Allergic si CJ sa tsokolate. Alam mo ba na muntik na siyang mamatay dahil sa cake na iyon?”Hindi na ininda ni Alyanna ang sakit sa braso niya.Natigilan siya. “Hindi sinabi sa akin ni Cristina iyon…”“Nagsisinungaling ka pa rin.”Lalong lumamig ang mga mata ni Paolo. Dahan-dahan siyang lumapit na para bang gusto siyang sakalin. “Sinabi

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 46

    Sa sandaling iyon, si Cristina ay kunwari pa ring magalang, ngunit ngayon ay halata na ang pagiging arogante nito. Dahil binigyan siya ni Paolo ng ganitong kapangyarihan, natural lamang na gagamitin niya ito.Tahimik na hinigpitan ni Alyanna ang hawak niyang tissue, ngunit hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. “May iba pa bang ipapagawa sa akin si Chief Gregorio?”Humalukipkip si Cristina at lumingon sa kanyang anak.Tumakbo si CJ papunta sa kanya at naglalambing. “Mama, gusto ko ng mousse cake. Paki-pabili mo naman sa kanya, okay?”“Ah…” nagkunwaring nag-aalinlangan si Cristina, saka tumingin kay Alyanna. “Doc Yana, mukhang kailangan kitang utusan na bumili ng cake. Para sa akin at sa anak ni Paolo, hindi naman siguro mahirap iyon, ‘di ba?”Sadyang binigyang-diin niya ang “anak ni Paolo at ako,” na para bang ipinapaalala niya na si Alyanna ay isa lamang tagalabas na kailanman ay hindi maaaring makisali sa “pamilya nilang tatlo.”Ngunit hindi alam ni Cristina na mula nang malaman

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 45

    Natulog si Alyanna sa guest room kagabi at nakatulog nang mahimbing.Kinabukasan, sa oras ng almusal, nakita niya si Paolo sa hapag-kainan. Mukhang hindi ito nakatulog nang maayos; ang maputla ngunit gwapo nitong mukha ay halatang pagod.Akala niya, gaya ng dati, kusang kukunin ni Alyanna ang pagkain para kay Paolo, pero nang makita niyang wala itong reaksyon, natigilan siya.Mukhang napansin niya ang kakaibang tensyon sa pagitan ng dalawa.Nag-aaway ba sila?Isinara ni Paolo ang butones ng cuff ng kanyang manggas. Napatingin siya sa almusal sa mesa. Bigla niyang naalala na dati, tuwing natutulog siya sa Diamond Residence, maaga itong gumigising para maghanda ng almusal para sa kanya.Pero ngayon…Mukhang mas late pa siyang gumising kaysa sa kanya.Mabagal niyang kinuha ang kutsilyo at tinidor. Ngunit nang makita niyang kumakain si Alyanna na parang wala siya roon, humigpit ang kanyang labi at inis na ibinaba muli ang kubyertos.“Sir, hindi po ba masarap ang almusal?” nag-aala

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 2

    Natigilan nang ilang sandali si Doña Rosalia. Tumingin siya kay Alyanna at sinabi, “Noong nakipagkasundo sa akin noon, buo ang loob mong kasamahin ang apo ko habambuhay. Nagsisisi ka na ba?”Oo, nagsisisi siya.Ibinaba ni Alyanna ang kaniyang paningin, pinipigilan ang pait sa kaniyang mga mata. “I’m

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 1

    “Alyanna, pinag-isipan mo na ba talaga ito? Sigurado ka bang gusto mong lumipat sa Villa Cresencia Hospital?”Hawak ni Director Cruz ang transfer application ni Alyanna habang nagtatakang nakatingin sa kaniya.Bahagyang nanginig ang pilikmata ni Alyanna bago siya ngumiti nang mapait. “Opo, Sir. Su

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 7

    Pumunta si Alyanna sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng pasyenteng inoperahan niya sa ulo. Nang malaman ng pamilya ng pasyente na siya ang lead surgeon sa operasyon ng kaanak, muntik na silang lumuhod sa sobrang pasasalamat.Mabilis silang pinigilan ni Alyanna at agad silang itinayo. “Please do

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 6

    “Matanda ka na, bakit mo pa pinapatulan ang isang bata?”Natigilan si Alyanna. Matagal na niyang alam na hindi siya paniniwalaan nito, pero masakit pa rin ang lantaran nitong pagkampi sa iba.Kahit minsan, never pa itong nakinig sa kanyang paliwanag.Namumula ang kanyang mga mata sa pait habang pili

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status