Share

Kabanata 4

Author: Sibolluya
Nanigas ang katawan ni Alyanna. Tumingin siya sa kaniya nang hindi makapaniwala. “Ako? Binully si Cristina?”

Ngayon, naiintindihan na niya. Kaya siya sinadya ni Paolo ay dahil nagsumbong si Cristina tungkol sa nangyari bago ang operasyon.

“She’s the Chief. Dapat mo siyang igalang. Hindi mo siya dapat ipinahiya sa harap ng lahat.”

Kung magsalita si Paolo, para ba siyang walang lugar sa buhay ng lalaki? Mag-asawa silang naturingan, subalit ni katiting na pagtitiwala ay wala itong maibigay sa kanya.

Kahit man lang paggalang sana.

Pinipigilan ni Alyanna ang pait sa dibdib. Natawa siya nang mahina. “Nakalimutan mo na ba? Ako ang lead surgeon sa operasyong iyon. Wala ba akong karapatang magdesisyon kung sino ang mananatili sa loob?”

“Baka nakakalimutan mo rin,” ngumiti nang bahagya si Paolo na may halong panunuya, “May karapatan din akong palitan ang lead surgeon.”

Para bang binagsakan ng matigas na bagay ang puso ni Alyanna. Nanginginig niyang tinitigan ang asawa.

Kaya nitong kalabanin ang buong ospital basta si Cristina ang pinag-uusapan.

Pero wala na siyang pakialam.

Nakapag-apply na siya ng transfer.

Kung papalitan man siya nito o hindi, wala na siyang pakialam.

“Sa susunod, huwag ka nang—”

“Mr. Dela Vega, kung gusto mong palitan ako, edi go.”

Pinutol niya ang sasabihin nito.

Natigilan ang ngiti sa mukha ni Paolo, saka ito lumalim habang tinititigan siya.

Noon, sa harap ng iba tao lang tinatawag ni Alyanna si Paolo na Mr. Dela Vega.

Pero sa pribado, hindi niya ito tinatawag nang ganoon.

At hindi rin siya ganoon kalayo dito.

Pero ngayon…

“What did you call me? Pakiulit nga?”

“Mr. Dela Vega,” kalmadong sagot ni Alyanna. “Hindi ba iyan ang gusto mong itawag ko sa’yo?”

Nakunot ang noo nito.

Akmang magsasalita pa sana ito, nang biglang may nurse na tumakbo palabas. “Doctor Merced, nagkagulo ang pamilya ng pasyente at si Chief Gregorio!”

Bago pa makareact si Alyanna, ang lalaking nasa tabi niya ay agad na umalis nang walang pag-aalinlangan. Iniwan siya nito nang walang pag-aalinlangan at tanging likod lamang nito ang nakita niya.

Nang makita niyang nagmamadali ito dahil kay Cristina, hindi niya napigilang mapangiti nang mapait…

Kailan ba ito nag-alala nang ganito para sa kaniya?

Sa labas ng ward, nag-aaway ang pamilya ng pasyente at si Cristina dahil sa hindi malamang dahilan.

Nang dumating si Alyanna, narinig niya ang sigaw ni Cristina.

Sumiksik siya sa gitna ng mga tao upang i-assess ang nangyayari. Bumungad sa kaniya si Paolo na pinoprotektahan si Cristina. Sinangga nito ang kamay ng kamag-anak ng pasyente na akmang sasampal kay Cristina, habang si Cristina naman ay nakayakap sa dibdib nito na takot na takot at mukhang kaawa-awa.

Halatang natakot ang pamilya ng pasyente sa awra ni Paolo. “S-Sino ka ba?”

Itinulak ni Paolo ang pamilya ng pasyente. “Kung may problema kayo sa amin, hindi ba pwedeng pag-usapan natin nang maayos? Bakit kailangan n’yong manakit?”

“Tanungin mo siya!” itinuro ng isangfamily member ng pasyente si Cristina. Umuusok ito sa galit. “Bago lang naoperahan ang anak ko at nakaligtas siya. Pero itong babaeng ito, duduwal-duwal nang makita ang sugat ng anak ko. Sinong kapamilya ang matutuwa dun? Kung hindi pala kaya ng sikmura niyang makakita ng sugat o dugo, e bakit pa siya nag-doktor? Anong ginagawa niya sa isang ospital?”

“Hindi totoo iyan…” umiling si Cristina, namumula ang mga mata habang tumitingin kay Paolo. “Paolo, may nakain lang akong panis kaninang umaga kaya nasusuka ako. Hindi iyon dahil sa sugat pasyente.”

“Mm,” sagot nito. “Ako na ang bahala dito.”

Tumingin si Paolo sa pamilya ng pasyente. “Masama lang ang pakiramdam niya at hindi niya sinasadya. Ganito na lang. Let’s end this discussion and move on from this. As a token of apology, all your medical expenses willl be covered by the hospital. Wala na kayong babayaran ni singko.”

Pagkarinig nito, agad na kumalma ang pamilya ng pasyente at hindi na itinuloy ang reklamo. Salamat kay Paolo, natapos ang gulo.

“Pasensya na, Paolo. Nadamay ka pa,” sabi ni Cristina na may lungkot sa mga mata. “Hindi mo naman kailangang tulungan ako. Paano kung nasaktan ka?”

Ngumiti si Paolo nang bahagya. “It’s fine. As long as you’re okay.”

Umingay ang tuksuhan mula sa mga staff ng ospital.

“Chief Gregorio, boyfriend mo ba si Sir Paolo?”

Yumuko si Cristina. Halatang nahihiya ito ngunit nakangiti. “Huwag kayong ganyan. Nakakahiya kay Paolo. Huwag kayong mag-isip ng kung ano…”

“Hindi raw pero grabe ang ka-sweet-an. Huwag na kayong mag-deny. Halata naman na type n’yo ang isa’t-isa. Bagay na bagay din kayo!”

Sumang-ayon at nagkantiyawan pa ang iba.

Ang tingin ni Paolo ay dumaan sa gitna ng mga tao hanggang sa magtama ang paningin nila ni Alyanna.

Napuno ng pait ang puso ni Alyanna.

Kahit ibang tao ay sumasang-ayon na sina Paolo at Cristina ang nararapat sa isa’t-isa.

Ano pa ang papel niya sa lugar na iyon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 200

    “Patay na ang tao. Ano pa bang silbi ng pag-uusap tungkol dito?” Walang pakialam na sinabi ni Mariel. “Sisihin mo na lang ang tatay mo dahil anak siya ng pamilya Merced.”Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto at pumasok si Lola Teresa. Nagmamadali nitong sinabi,“Sige na. Bakit mo pa siya kinakausap nang ganoon katagal? Dumating na ang mga tao mula sa pamilya ng magiging biyenan niya. Naghihintay na ang nobyo niya!”“Ay naku, tingnan mo nga naman, nakalimutan ko na ang oras.”Dahan-dahang tumayo si Mariel..“Alyanna, makinig ka kay Tita Mariel mo. Malapit lang sa atin ang mapapangasawa mo, kaya mas madali ka naming matutulungan. Kahit medyo may edad na ang magiging asawa mo, may bahay at lupa naman ang pamilya nila. Barangay opisyal pa ang biyenan mong lalaki!”Habang sinasabi iyon, hinawakan niya si Alyanna at pilit itong pinatayo.“Ang kailangan mo lang ay mamuhay nang maayos at magpakasaya. Pagkaraan ng isang taon o kalahati man lang, bigyan mo ang pamilya ng isang malusog at mataban

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 199

    Halos hindi nakapaghanda si Dr. John, kaya sa lakas ng suntok nito ay napabagsak siya.Sa oras ding iyon ay natauhan si Alyanna at agad na humarang kay Paolo.“Bakit mo siya sinuntok?”Hinila ni Paolo ang kanyang kurbata. Dahil sa lakas ng kanyang galaw kanina, napigtas din ang isang butones ng kanyang polo, bahagyang nakalitaw ang matipuno at malapad niyang dibdib na bahagyang umaangat at bumababa kasabay ng kanyang paghinga.“Iniintindi mo siya?”Hindi pa nakakasagot si Alyanna nang umupo si Dr. John at pinunasan ang dugong nasa gilid ng kanyang labi.“Mr. Dela Vega, ano ba ang ibig mong sabihin?”“Magpapanggap ka pa ring walang alam, Dr. John?”Iniikot ni Paolo ang kanyang pulsuhan.“Nasa iyo si Mrs. Cruz, hindi ba? Talagang pinag-isipan mong mabuti kung paano siya maitago para hindi siya mahanap ng mga tauhan ko.”Kumunot ang noo ni Alyanna at tumingin kay Dr. John.“Nasa iyo si Mrs. Cruz?”Napatigil si Dr. John. Wala siyang nagawa kundi aminin ito.“Ipapaliwanag ko sa iyo kapag na

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 198

    Tinanggap ni Paolo ang mga dokumento. Dalawang buong pahina ang mga salaysay. Binasa niya ang mga ito nang walang anumang pagbabago sa ekspresyon ng mukha, ngunit wala siyang sinabi.Dahil hindi sapat ang ebidensiyang magpapatunay na sinadyang patayin si Eloisa Merced, hindi nagtagal ay pinalaya na ng himpilan ng pulisya sina Cristina at ang nurse.Paglabas ni Cristina ng himpilan, nakita niya si Paolo na nakatayo sa tabi ng kotse habang naninigarilyo. Sa likod ng maputing usok ay makikita ang madilim at mabigat na ekspresyon ng lalaki.“Paolo…”Pula ang mga mata ni Cristina at kumikislap ang mga luha sa mga ito.“Hindi ko talaga alam na mauuwi sa ganito ang lahat. Takot na takot talaga ako…”“Ano ang ginawa mo sa Central Hospital? Hindi ba’t day off mo ngayon?”Ipinagpag niya ang abo ng sigarilyo. Ang titig niya ay tila isang matalim na espada na tumatagos hanggang sa kanyang kalooban.Natigilan si Cristina.“Ako… Ang totoo, pumunta ako roon dahil kay Araceli. Gusto kong makipag-usap

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 197

    Nang muling magising si Alyanna, nasa loob na siya ng isang silid sa ospital.Nasa tabi niya sina Paolo at isang doktor na may pinag-uusapan. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito, wala siyang interes na pakinggan.Hinugot niya ang karayom na nakakabit sa likod ng kanyang kamay.Si Paolo ang unang nakapansin. Agad niyang pinisil ang sugat na muling nagdugo.“Alyanna, nababaliw ka na ba?”“Pupuntahan ko ang mama ko. Siguradong matagal na niya akong hinihintay…”Tulala at wala sa sarili si Alyanna habang pilit na kumakawala.Hindi pa siya nakakalayo nang ilang hakbang nang pigilan siya ni Paolo. Binuhat siya nito sa baywang at ibinalik sa kanyang mga bisig.“Alyanna! Tumingin ka sa akin.”Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinilit siyang tumingala.Napakaputla ng mukha ni Alyanna, na para bang wala nang dugo sa kanyang balat. Ang dati niyang magagandang mata ay ngayon ay walang laman at walang buhay.Marahang inayos ni Paolo ang buhok na nakadikit sa kanyang noo. Mabigat a

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 196

    Natakot ang nurse sa kalagayan ni Mrs. Merced, at natakot din siyang may makarinig at dumating. Kaya agad niya itong nilapitan at hinawakan.“Mrs. Merced, kumalma po kayo. Anuman ang problema, lumabas muna tayo at doon natin pag-usapan, okay?”Saglit ding nataranta si Cristina. Nang may maisip siya, bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas.Hinawi ni Mrs. Merced ang nurse at hinabol siya.“Cristina! Tumigil ka!”Tumakbo si Cristina hanggang sa may hagdan. Dahil naka-high heels siya, nahirapan siyang tumakbo nang mabilis. Hindi nagtagal ay nahabol siya ni Mrs. Merced at mahigpit na hinawakan.“Cristina! Sabihin mo sa akin! Ikaw ang gumawa sa anak ko, hindi ba?! Ikaw ang may kagagawan nito!”Napakasakit ng pagkakahawak ni Mrs. Merced sa kanya. Napaatras si Cristina hanggang sa rehas ng pasilyo. Sa likuran niya ay ang taas ng gusali na ilang dosenang palapag, at ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada sa ibaba ay mistulang maliliit na bagay lamang.Tuluyan nang nawalan ng katinuan si Mrs.

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 195

    Nag-atubili si Dr. John nang ilang sandali bago niya pinatay ang tawag.“Hindi mo ba sasagutin?” nagtatakang tanong ni Alyanna. Hindi niya alam kung sino ang tumatawag sa kanya.Bahagya siyang ngumiti at itinago ang cellphone. “Siguro telemarketer lang.”Muling nag-vibrate ang cellphone sa kanyang kamay. Mahigpit niya itong hinawakan habang magulo at masalimuot ang kanyang kalooban.Ngunit alam niyang hindi niya iyon maaaring sagutin.Habang mas mabait sa kanya si Mrs. Merced at habang mas nagtitiwala ito sa kanya, mas lalo siyang magiging malambot sa mag-ina pagdating ng panahon.Ang kailangan niya ay ang “kahinaan” ni Paolo, hindi ang lumikha ng sarili niyang “kahinaan.”Kahit na maaaring may gusto siya kay Alyanna, sa pagitan ng kanyang pamilya at ni Alyanna, pinili pa rin niya ang kanyang pamilya.Hindi nagtagal ang dalawa bago sila naghiwalay at umalis.Pagkasakay ni Alyanna sa kanyang sasakyan, tinawagan siya agad ng kanyang ina.“Bakit hindi sinasagot ni Dr. John ang tawag ko? I

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 7

    Pumunta si Alyanna sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng pasyenteng inoperahan niya sa ulo. Nang malaman ng pamilya ng pasyente na siya ang lead surgeon sa operasyon ng kaanak, muntik na silang lumuhod sa sobrang pasasalamat.Mabilis silang pinigilan ni Alyanna at agad silang itinayo. “Please do

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 6

    “Matanda ka na, bakit mo pa pinapatulan ang isang bata?”Natigilan si Alyanna. Matagal na niyang alam na hindi siya paniniwalaan nito, pero masakit pa rin ang lantaran nitong pagkampi sa iba.Kahit minsan, never pa itong nakinig sa kanyang paliwanag.Namumula ang kanyang mga mata sa pait habang pili

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 5

    Dumilim ang mukha ni Paolo. Akmang bibitawan na niya si Cristina, ngunit hinawakan siya nito. “Paolo, hindi pa rin ako okay. Puwede mo ba akong samahan kumuha ng gamot na pampakalma?”Bahagya siyang kumunot-noo at ibinalik ang tingin sa direksyon kung nasaan si Alyanna. Hindi na niya ito nakita. Ma

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 3

    Mukhang hindi inaasahan ni Paolo na babanggitin niya ang tungkol sa paghihiwalay. Dumilim ang kaniyang mukha. “What made you think na papayag ako sa gusto mo?”Natigilan si Alyanna.Hindi siya pumapayag sa pakikipaghiwalay. Pero bakit?Dahil ba may pagtingin na rin si Paolo sa kanya.Nagpatuloy ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status