Share

Kabanata 5

Author: Sibolluya
Dumilim ang mukha ni Paolo. Akmang bibitawan na niya si Cristina, ngunit hinawakan siya nito.

“Paolo, hindi pa rin ako okay. Puwede mo ba akong samahan kumuha ng gamot na pampakalma?”

Bahagya siyang kumunot-noo at ibinalik ang tingin sa direksyon kung nasaan si Alyanna. Hindi na niya ito nakita. Mahinahon siyang tumugon kay Cristina.

“Okay.”

Agad silang tumungo sa botika. Subalit ang isip niya ay naroon pa rin kay Alyanna at sa mga tingin nitong animo’y may gustong iparating sa kanya.

Napansin ni Cristina na malalim ang iniisip ng binata kaya lumapit ito at ngumiti.

“Paolo, gusto ni CJ pumasok sa private kindergarten, pero wala siyang household registration. Iniisip ko… pwede bang gamitin muna namin ang mga credentials mo para sa enrollment niya?”

Natakot siyang tumanggi ito kaya mabilis niyang dinugtungan, “Huwag kang mag-alala, pansamantala lang ito. Highly confidential din kaya walang makakaalam.”

Tinitigan siya ni Paolo. Mariin.

Hindi makaiwas ng tingin si Cristina at mahigpit na kinuyom ang mga kamay. “Paolo… galit ka ba?”

“Hindi tama na ilagay siya sa pangalan ko.” walang emosyong sagot ni Paolo. “But I can talk to my grandma and let you borrow hers instead. I can tell her to register CJ as her adopted grandson.

Adopted grandson ng Dela Vega family…

Ibig sabihin, ka-generation ni Paolo.

Ang anak niyang si CJ ay magiging “nakababatang kapatid” ni Paolo sa mata ng batas.

Kung nagkataon, ano na ang magiging papel ni Cristina sa buhay ni Paolo?

Lumalim ang pagkakatitig ni Paolo kay Cristina. “Ayaw mo?”

Itinago ni Cristina ang totoong nararamdaman. “Hindi naman sa gano’n. Ikaw na ang bahala.”

Mahinang “mm” lang ang sagot ni Paolo at hindi na nagsalita pa.

Mahigpit na kinuyom ni Cristina ang mga daliri.

Hindi siya papayag. Hindi dapat maging “kapatid” ni Paolo si CJ.

Pero naisip din niya na hindi dapat madaliin ang mga bagay.

May tamang panahon at pagkakataon para mapasakanya si Paolo.

Kapag nakapasok na ang anak niya sa Dela Vega family at napalapit sa mga matatanda, hindi na siya mahihirapang iposisyon ang sarili niya bilang misis ni Paolo.

…

Hindi umuwi si Paolo buong gabi.

Noon, laging bukas ang mga ilaw ng kanilang tahanan habang hinihintay ni Alyanna ang pagbabalik niyo.

Subalit ngayon, hindi na.

Hindi na siya magsasayang ng oras para hintayin ang asawa.

Wala na siyang pakialam kung uuwi ito o hindi.

Kinaumagahan, maagang bumangon si Alyanna para sa kanyang duty sa Central Hospital. Pagbaba niya ng elevator, nakita niya ang mag-inang Cristina at CJ

Akmang lalampasan niya ang mga ito nang tawagin siya ni Cristina. “Doc Yanna.”

Huminto si Alyanna at lumingon. “Bakit?”

“Doc Yanna… Don’t you like me?” tanong ni Cristina habang nakatingin sa kanya.

“You’re just overthinking things,” malamig na sagot ni Alyanna.

Ang totoo, hindi sa ayaw niya kay Cristina. Sadyang wala lang siyang makitang dahilan para magustuhan ito. Bukod sa total opposite ang mga ugali nila, nakadagdag pa sa pagkailang niya ang katotohanang ito ang babaeng iniibig ng kanyang asawa.

“Siguro nga ay nago-overthink lang ako.” Lumapit si Cristina kasama ang anak. “Nga pala, papunta ka na rin sa ospital, ‘di ba? Ihahatid ko muna ang anak ko sa Day Care Center, tapos papasok na rin ako. Ihahatid ako ni Paolo. Sabay ka na sa amin.”

Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Alyanna. Kaya pala hindi umuwi si Paolo buong gabi… nasa piling ito ni Cristina.

Hindi pa nga sila hiwalay, pero ganito na siya kabilis makitulog sa ibang babae.

“Hindi na kailangan. May sasakyan ako.”

Hinawakan siya ni Cristina. “Huwag ka nang mahiya. Hindi naman ito abala dahil dun din naman ang destinasyon namin. Sama ka na.”

Pinigil ni Alyanna ang galit na unti-unting umaakyat sa kanyang dibdib.

Napaisip siya kung sinasadya iyon ni Cristina. Alam na kaya nito ang relasyon nila ni Paolo kaya ganoon ito umasta? Pakiramdam niya, para talaga siyang pinagti-tripan ng babae sa mga kinikilos nito.

“Sabi kong hindi na kailangan.”

Pagkatapos ay binawi niya ang kamay mula sa babae. Sa hindi inaasahang pangyayari, napalakas anf batak niya dahilan para matumba si Cristina sa lupa.

Nang makita ito ni CJ, sinugod niya si Alyanna at itinulak ito.

“Bad ka! Bakit mo tinulak si mommy ko?!”

Nahulog sa lupa ang cellphone ni Alyanna.

Pinagtatapakan ni CJ ang cellphone niya nang paulit-ulit habang sinasabihan siya ng kung anu-ano.

Napuno si Alyanna.

“Bastos kang bata ka, ah!”

Bahagyang tinabig ni Alyanna si CJ upang kuhanin ang cellphone niya subalit napaupo na ito sa lupa saka umiyak nang malakas.

“Alyanna Merced!”

Kitang-kita ni Alyanna ang galit sa mukha ni Paolo. Itinigil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada at mabilis na lumabas ng sasakyan.

“How dare you!”

Bago pa man siya makapagpaliwanag, mabilis na tumakbo si CJ papunta kay Paolo at yumakap sa hita nito.

“Daddy! That woman is bad. Tinulak niya ako.”

Lumapit si Cristina kay CJ at pinakalma ang anak. Tumingin ito kay Alyanna nang puno ng hinanakit.”

“Doc Yanna, kung may problema ka sa akin, ako na lang pagdiskitahan mo. Huwag mo nang idamay ang anak ko. He is just a child!”

Huminga nang malalim si Alyanna, halatang pinipigil ang galit. “Nakita mo ba ang ginawa ng anak mo? Tinulak niya ako at ininsulto. Tinapakan din niya ang cellphone ko ng paulit-ulit Hindi iyon gawain ng isang magalang na bata.”

Iniwas ni Cristina ang tingin. “Hindi niya sinadyang tapakan ang cellphone mo. Nahulog iyon sa lupa! Ano ba ang ini-expect mo?”

“Kung isang tapak lang ang ginawa niya, puwedeng aksidente. Pero hindi eh. Inulit-ulit pa niya habang sinasabihan ako ng kung anu-ano. Tapos, gusto mo matuwa ako sa asal ng anak mo?

“That’s enough!” bulyaw ni Paolo. May bahid ng galit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 200

    “Patay na ang tao. Ano pa bang silbi ng pag-uusap tungkol dito?” Walang pakialam na sinabi ni Mariel. “Sisihin mo na lang ang tatay mo dahil anak siya ng pamilya Merced.”Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto at pumasok si Lola Teresa. Nagmamadali nitong sinabi,“Sige na. Bakit mo pa siya kinakausap nang ganoon katagal? Dumating na ang mga tao mula sa pamilya ng magiging biyenan niya. Naghihintay na ang nobyo niya!”“Ay naku, tingnan mo nga naman, nakalimutan ko na ang oras.”Dahan-dahang tumayo si Mariel..“Alyanna, makinig ka kay Tita Mariel mo. Malapit lang sa atin ang mapapangasawa mo, kaya mas madali ka naming matutulungan. Kahit medyo may edad na ang magiging asawa mo, may bahay at lupa naman ang pamilya nila. Barangay opisyal pa ang biyenan mong lalaki!”Habang sinasabi iyon, hinawakan niya si Alyanna at pilit itong pinatayo.“Ang kailangan mo lang ay mamuhay nang maayos at magpakasaya. Pagkaraan ng isang taon o kalahati man lang, bigyan mo ang pamilya ng isang malusog at mataban

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 199

    Halos hindi nakapaghanda si Dr. John, kaya sa lakas ng suntok nito ay napabagsak siya.Sa oras ding iyon ay natauhan si Alyanna at agad na humarang kay Paolo.“Bakit mo siya sinuntok?”Hinila ni Paolo ang kanyang kurbata. Dahil sa lakas ng kanyang galaw kanina, napigtas din ang isang butones ng kanyang polo, bahagyang nakalitaw ang matipuno at malapad niyang dibdib na bahagyang umaangat at bumababa kasabay ng kanyang paghinga.“Iniintindi mo siya?”Hindi pa nakakasagot si Alyanna nang umupo si Dr. John at pinunasan ang dugong nasa gilid ng kanyang labi.“Mr. Dela Vega, ano ba ang ibig mong sabihin?”“Magpapanggap ka pa ring walang alam, Dr. John?”Iniikot ni Paolo ang kanyang pulsuhan.“Nasa iyo si Mrs. Cruz, hindi ba? Talagang pinag-isipan mong mabuti kung paano siya maitago para hindi siya mahanap ng mga tauhan ko.”Kumunot ang noo ni Alyanna at tumingin kay Dr. John.“Nasa iyo si Mrs. Cruz?”Napatigil si Dr. John. Wala siyang nagawa kundi aminin ito.“Ipapaliwanag ko sa iyo kapag na

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 198

    Tinanggap ni Paolo ang mga dokumento. Dalawang buong pahina ang mga salaysay. Binasa niya ang mga ito nang walang anumang pagbabago sa ekspresyon ng mukha, ngunit wala siyang sinabi.Dahil hindi sapat ang ebidensiyang magpapatunay na sinadyang patayin si Eloisa Merced, hindi nagtagal ay pinalaya na ng himpilan ng pulisya sina Cristina at ang nurse.Paglabas ni Cristina ng himpilan, nakita niya si Paolo na nakatayo sa tabi ng kotse habang naninigarilyo. Sa likod ng maputing usok ay makikita ang madilim at mabigat na ekspresyon ng lalaki.“Paolo…”Pula ang mga mata ni Cristina at kumikislap ang mga luha sa mga ito.“Hindi ko talaga alam na mauuwi sa ganito ang lahat. Takot na takot talaga ako…”“Ano ang ginawa mo sa Central Hospital? Hindi ba’t day off mo ngayon?”Ipinagpag niya ang abo ng sigarilyo. Ang titig niya ay tila isang matalim na espada na tumatagos hanggang sa kanyang kalooban.Natigilan si Cristina.“Ako… Ang totoo, pumunta ako roon dahil kay Araceli. Gusto kong makipag-usap

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 197

    Nang muling magising si Alyanna, nasa loob na siya ng isang silid sa ospital.Nasa tabi niya sina Paolo at isang doktor na may pinag-uusapan. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito, wala siyang interes na pakinggan.Hinugot niya ang karayom na nakakabit sa likod ng kanyang kamay.Si Paolo ang unang nakapansin. Agad niyang pinisil ang sugat na muling nagdugo.“Alyanna, nababaliw ka na ba?”“Pupuntahan ko ang mama ko. Siguradong matagal na niya akong hinihintay…”Tulala at wala sa sarili si Alyanna habang pilit na kumakawala.Hindi pa siya nakakalayo nang ilang hakbang nang pigilan siya ni Paolo. Binuhat siya nito sa baywang at ibinalik sa kanyang mga bisig.“Alyanna! Tumingin ka sa akin.”Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinilit siyang tumingala.Napakaputla ng mukha ni Alyanna, na para bang wala nang dugo sa kanyang balat. Ang dati niyang magagandang mata ay ngayon ay walang laman at walang buhay.Marahang inayos ni Paolo ang buhok na nakadikit sa kanyang noo. Mabigat a

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 196

    Natakot ang nurse sa kalagayan ni Mrs. Merced, at natakot din siyang may makarinig at dumating. Kaya agad niya itong nilapitan at hinawakan.“Mrs. Merced, kumalma po kayo. Anuman ang problema, lumabas muna tayo at doon natin pag-usapan, okay?”Saglit ding nataranta si Cristina. Nang may maisip siya, bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas.Hinawi ni Mrs. Merced ang nurse at hinabol siya.“Cristina! Tumigil ka!”Tumakbo si Cristina hanggang sa may hagdan. Dahil naka-high heels siya, nahirapan siyang tumakbo nang mabilis. Hindi nagtagal ay nahabol siya ni Mrs. Merced at mahigpit na hinawakan.“Cristina! Sabihin mo sa akin! Ikaw ang gumawa sa anak ko, hindi ba?! Ikaw ang may kagagawan nito!”Napakasakit ng pagkakahawak ni Mrs. Merced sa kanya. Napaatras si Cristina hanggang sa rehas ng pasilyo. Sa likuran niya ay ang taas ng gusali na ilang dosenang palapag, at ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada sa ibaba ay mistulang maliliit na bagay lamang.Tuluyan nang nawalan ng katinuan si Mrs.

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 195

    Nag-atubili si Dr. John nang ilang sandali bago niya pinatay ang tawag.“Hindi mo ba sasagutin?” nagtatakang tanong ni Alyanna. Hindi niya alam kung sino ang tumatawag sa kanya.Bahagya siyang ngumiti at itinago ang cellphone. “Siguro telemarketer lang.”Muling nag-vibrate ang cellphone sa kanyang kamay. Mahigpit niya itong hinawakan habang magulo at masalimuot ang kanyang kalooban.Ngunit alam niyang hindi niya iyon maaaring sagutin.Habang mas mabait sa kanya si Mrs. Merced at habang mas nagtitiwala ito sa kanya, mas lalo siyang magiging malambot sa mag-ina pagdating ng panahon.Ang kailangan niya ay ang “kahinaan” ni Paolo, hindi ang lumikha ng sarili niyang “kahinaan.”Kahit na maaaring may gusto siya kay Alyanna, sa pagitan ng kanyang pamilya at ni Alyanna, pinili pa rin niya ang kanyang pamilya.Hindi nagtagal ang dalawa bago sila naghiwalay at umalis.Pagkasakay ni Alyanna sa kanyang sasakyan, tinawagan siya agad ng kanyang ina.“Bakit hindi sinasagot ni Dr. John ang tawag ko? I

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 4

    Nanigas ang katawan ni Alyanna. Tumingin siya sa kaniya nang hindi makapaniwala. “Ako? Binully si Cristina?”Ngayon, naiintindihan na niya. Kaya siya sinadya ni Paolo ay dahil nagsumbong si Cristina tungkol sa nangyari bago ang operasyon.“She’s the Chief. Dapat mo siyang igalang. Hindi mo siya dapa

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 3

    Mukhang hindi inaasahan ni Paolo na babanggitin niya ang tungkol sa paghihiwalay. Dumilim ang kaniyang mukha. “What made you think na papayag ako sa gusto mo?”Natigilan si Alyanna.Hindi siya pumapayag sa pakikipaghiwalay. Pero bakit?Dahil ba may pagtingin na rin si Paolo sa kanya.Nagpatuloy ang

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 7

    Pumunta si Alyanna sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng pasyenteng inoperahan niya sa ulo. Nang malaman ng pamilya ng pasyente na siya ang lead surgeon sa operasyon ng kaanak, muntik na silang lumuhod sa sobrang pasasalamat.Mabilis silang pinigilan ni Alyanna at agad silang itinayo. “Please do

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 6

    “Matanda ka na, bakit mo pa pinapatulan ang isang bata?”Natigilan si Alyanna. Matagal na niyang alam na hindi siya paniniwalaan nito, pero masakit pa rin ang lantaran nitong pagkampi sa iba.Kahit minsan, never pa itong nakinig sa kanyang paliwanag.Namumula ang kanyang mga mata sa pait habang pili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status