Share

CHAPTER 117

Author: Loizmical
last update Huling Na-update: 2025-09-10 23:57:35
NATHALIE’S POV

Katulad nang sinabi sa akin ni Hunter ay hindi ako nagpahalata kay Tita Victoria tungkol sa nalalaman ko sa kanya. At katulad nang napag-usapan namin ni Hunter dapat ay makita ako ni Tita Victoria na palaging galit sa kanya para mas maging panatag si Tita Victoria.

“Nathalie, mabuti naman at dumating na kayo,” sabi ni Tita Victoria nang tuluyan kaming makapasok sa private room kung nasaan si Leila.

“Tita Victoria, sorry po kung natagalan kami ni Hunter. Pinatulog ko pa po kasi si Edward,” pagdadahilan ko na ang totoo ay nag-usap na kami ni Hunter tungkol sa plano niya.

“Ganon ba? Eh, sinong nag-aalaga kay Edward ngayon?” tanong sa akin ni Tita Victoria na si Hunter naman ang sumagot.

“Kumuha na po ako ng yaya nina Edward at Leila, Tita Victoria. Kaya wala na po kayong dapat ipag-alala pa sa mga bata,” seryosong sabi ni Hunter habang nakatitig siya kay Tita Victoria.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nasa harapan ko lang pala ang pumatay sa mga magulang ko. At
Loizmical

Happy Reading po....

| Like
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 129

    HUNTER’S POV Ilang araw ang lumipas simula nang malaman namin ang result ay wala naman nagbago sa pagtingin namin kay Leila kahit alam namin na hindi siya galing sa amin ni Nathalie. Naiuwi na rin namin sa mansion si Leila. At ngayon nga na nakalabas na sa hospital si Leila ay mabibigyan ko na ng oras si daddy na hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin dahil sa radiotheraphy niya. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni daddy at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapagsalita nang maayos. Katulad nang napag-usapan namin ni Nathalie ay sumama siya sa akin sa hospital upang bisitahin si daddy. Pagkapasok na pagkapasok namin sa private room ni daddy ay nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Nathalie nang makita niya si daddy na ang laki nang ibinagsak ng katawan. “Daddy!” sambit ni Nathalie sa malungkot niyang boses habang papalapit kami kay daddy. Nakita ko sa mga mata ni Nathalie ang pagmamahal niya kay daddy dahil tinuring niya si daddy na parang tunay niyang ama. Kaya ganon na lang

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 128

    NATHALIE’S POV Hindi ako makapaniwala nang basahin ni Dra. Laredo ang results ng DNA test na ginawa sa amin. Kung hindi pa nangailangan ng dugo si Leila ay hindi ko malalaman na hindi ko siya anak. Sobrang sakit sa akin na tanggapin ang katotohanan lalo na’t hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang anak ko. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Tita Victoria na patay na siya, dahil ramdam ko na buhay ang anak ko. Lumapit sa akin si Kuya Gabriel at niyakap ako. “Nathalie, please don’t cry. Ako ang nahihirapan kapag nakikita kang umiiyak. Andito si Kuya sa tabi mo at hahanapin natin ang anak mo,” Sabay pahid niya sa mga luha ko. Alam kong hindi ako pababayaan ni Kuya Gabriel, kaya laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya tuluyan na kinuha sa akin si Kuya Gabriel. At ngayon naman ay wala akong ibang hiling sa Panginoon kung ‘di ang makita ang tunay kong anak. Nang mahimasmasan na ako ay nagpaalam na sa amin si Dra. Laredo ganon din si Tita Victoria na nagpaalam sa amin na uuwi

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 127

    HUNTER’S POVAFTER THREE WEEKS Mabilis lumipas ang araw at ang mga specimen na kinuha sa amin na dinala pa sa Singapore dahil doon ginawa ang DNA test. At ngayon nga ang araw na hinihintay ko upang malaman namin ang result ng DNA test at ngayon ko rin malalaman ‘yong DNA test na pinagawa kong bukod upang hindi kami maloko sa isang DNA test lang. “Mr. and Mrs. Buencamino, I got the results of your DNA test yesterday.” Sabay taas ni Dra. Laredo ng hawak niyang brown envelop. Napalunok si Nathalie habang pinaglalaruan niya ang kanyang mga kamay. At pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “Hunter, paano kung hindi natin anak si Leila?” tanong sa akin ni Nathalie na may kasamang lungkot. “Nathalie, ano man ang maging result, kailangan mong tanggapin ang totoo. At kung hindi natin anak si Leila, hahanapin natin ang anak natin,” sabi ko kay Nathalie na tinanguan na lang niya. Alam ko na masakit kay Nathalie na malaman ang totoo dahil naalagaan niya si Leila simula nang ipanganak ito. Kaya

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 126

    HUNTER’S POV Labis na natuwa si Nathalie nang dahil sa magandang balita sa amin ni Dra. Laredo pero kita sa kanyang mga mata ang lungkot, lalo pa’t sinabi ni Dra. Laredo na kukunan na kami ni Nathalie ng specimen upang masimulan na ang DNA test na gagawin kay Leila. Kumausap na rin ako ng nurse na siyang kukuha naman ng specimen mula kay Leila na ibibigay sa akin na hindi nalalaman ni Dra. Laredo para sa DNA test na ipapagawa ko sa ibang hospital na hindi nalalaman ni Tita Victoria. Hindi nagtagal ay dinala na sa recovery room si Leila kaya naman pinuntahan na rin namin siya. Ngayon na may pagdududa na kami na anak namin siya ay ngayon ko lang napansin na walang hawig sa amin ni Nathalie ang bata na naging dahilan upang mas lalo akong magduda na hindi ko siya anak. “Kung hindi ko anak si Leila, nasaan ang anak ko?” mga salitang lumabas sa labi ko upang magtinginan silang lahat sa akin. “Hunter, iniisip mo ba talaga na hindi mo anak si Leila?!” tanong sa akin ni Nathalie na may kas

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 125

    HUNTER’S POV “Why?” tanong sa akin ni Nathalie pagkatapos kong sanbihin sa kanya na kailangan namin na mag-usap. Alam kong nakabantay si Nathalie sa akin sa bawat kinikilos ko lalo pa’t malakas ang kutob ko na may koneksyon si Tita Victoria sa nag-donate ng dugo kay Leila. Alam kong mali na pagdudahan ko na hindi namin anak si Leila, pero mas magiging inutil ako kapag hindi ko inalam ang totoo. Lalo pa’t malakas ang kutob ko na posibleng kamag-anak ni Tita Victoria si Leila. “Marami tayong dapat pag-usapan, Nathalie, na tayo lang na dalawa,” tugon ko kay Nathalie habang tinitigan ko siya. Habang nakatingin ako kay Nathalie ay gustong-gusto ko siyang halikan, dahil ang mga labi niya ay tila nag-i-inbita na halikan ko siya. Lalo pa’t mahilig siyang magkagat-labi na nagiging dahilan upang mas pumula ang kanyang mga labi. “Hunter, p’wede naman natin pag-usapan na kaharap sina Kuya Gab ‘di ba?” sagot na patanong sa akin ni Nathalie na inilingan ko. Gusto ko ng privacy, kaya mas gusto

  • Hunter Buencamino: My Runaway Groom    CHAPTER 124

    NATHALIE’S POV Ayokong isipin na hindi ko anak si Leila dahil inalagaan ko siya simula nang una ko siyang mahawakan at masilayan. Kaya paano ko tatanggapin kung hindi siya ang anak ko. At nasaan naman ang anak ko. Mababaliw ata ako kaiisip dahil sa posibleng hindi kami magkadugo ni Leila. Desidido si Hunter na ipa-DNA si Leila at para makasigurado siya sa magiging result ay kukuha pa siya ng isang doctor na gagawa ng DNA test, dahil wala na siyang tiwala kung alam ni Tita Victoria kung saan gagawin ang DNA test namin. Nang papalapit na sina Tita Victoria sa amin ay nag-iba-ibahan sina Hunter upang hindi sila mahalata sa plano nila. Lumapit sa amin si Dra. Laredo, “Mr. and Mrs. Buencamino, ma-swerte kayo at may kakilala ang Tita ninyo na ka-match ng bata,” sabi ni Dra. Laredo na nginitian naming ni Hunter. “Thank you, Dra. Laredo at ginagawa n’yo ang lahat para lang madugtungan ang buhay ng anak naming,” pasasalamat ko kay Dra. Laredo. Ngumiti si Dra. Laredo, “Katulad nang sinabi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status