NATHALIE'S POV
“Hello, who's on the line please?” tanong ko nang sagutin ko ang tumatawag sa landline. “Hello, ma’am, I’m Kath from Makati Medical Hospital. May I speak to Miss Nathalie del Prado?” pagpapakilala sa akin ng isang babae mula sa kabilang linya. “Yes, speaking,” maikli kong tugon na may halong pagtataka. Hindi ko alam kung bakit may tumawag sa akin mula sa isang hospital. Ngunit para akong kinakabahan ngayon na hindi ko maipaliwanag. At mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang biglang bumagsak ang isang picture frame na nakasabit sa wall, kung saan kumpleto kaming pamilya. Narinig kong huminga muna nang malalim ang nasa kabilang linya bago muling magsalita. “Ma’am Nathalie, isinugod po dito sa hospital sina Mr. and Mrs. del Prado at si Gabriel del Prado dahil sa isang car accident. At number n’yo po ang nakita namin sa wallet ni Gabriel del Prado,” paliwanag ng babae mula sa kabilang linya na naging dahilan nang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at bigla na lang akong nanigas sa aking kinauupuan dahil sa nangyari sa aking mga magulang at nakakatandang kapatid. “Hello, ma’am, are you still…? “Yes, I’m still here,” pagputol ko sa babaeng kausap ko. “Okay, ma’am, sige po magpapaalam na po ako. Puntahan n’yo na lang po rito ang pamilya n’yo, bye,” pagpapaalam niya at pinutol na niya ang kanyang linya. Nanginginig akong tumayo mula sa aking kinauupuan upang magtungo kung saan bumagsak ang family picture namin at dahan-dahan ko itong dinampot na naging dahilan upang makaramdam ako ng sakit sa aking daliri. At nakita ko ang maliit na sugat sa aking hintuturo dahil sa maliliit na bubog. Habang nakatitig ako sa family picture namin nang may narinig akong katok sa pintuan at kasunod ang pagbukas nito. “Oh my gosh! What happened here, Nathalie?” gulat na tanong ng aking bestfriend na si Trixie. Tumingin ako sa aking kaibigan at tuluyan na akong umiyak na mas lalong nagpataranta sa aking kaibigan. “Nathalie, calm down please. Gamutin muna natin ‘yang sugat mo,” wika ni Trixie at tinulungan niya akong tumayo. Habang ginagamot ni Trixie ang aking sugat, patuloy pa rin ako sa aking pag-iyak. Pagkatapos linisin ni Trixie ang aking sugat sa daliri ay hinawakan niya ang aking baba at muli siyang nagsalita. “Nathalie, please stop crying. Paano kita matutulungan kung hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang dahilan ng pag-iyak mo.” Sabay abot niya sa akin ng tissue box. Tumingin ako sa aking kaibigan. “Na_naaksidente sina Kuya Gab,” nauutal kong sambit na naging dahilan upang magulat ang aking kaibigan. “Nathalie, calm down okay.” Huminga muna nang malalim si Trixie bago muling magsalita. “Tumingin ka sa akin, Nathalie, walang nangyaring masama sa kanila, okay.” Kinagat ko ang aking labi. “What if may nangyaring masama sa kanila? Paano na ako? Hindi ko kakayanin na mag-isa, Trixie,” mga salitang lumabas sa labi ko habang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha mula sa mapupungay kong mata. Hinawakan ni Trixie ang aking mga kamay. “Nathalie, listen to me. Huwag kang mag-isip ng negative. Hindi lahat nang naaaksidente, eh, namamatay na, okay!” muling pahayag ng aking kaibigan upang palakasin ang aking loob. “Sana nga, Trix,” tipid kong tugon dahil iba talaga ang sinasabi ng puso’t isipan ko. “Ang mabuti pa, Nathalie, puntahan na natin sila sa hospital. Para hindi ka na mag-isip nang kung ano-ano diyan,” mungkahi ng aking kaibigan na mabilis kong sinang-ayunan. Tinulungan akong tumayo ng aking kaibigan, pagkatapos ay inayos niya ang aking mahabang buhok na medyo kulot o wavy. Pinahid din niya ang aking mga luha gamit ang isang tissue at inakay na niya ako palabas ng aking opisina. Nang makalabas kami ng opisina ay nakasalubong namin si Fatima na aking secretary. “Ma’am Nathalie, may mee…” hindi na naituloy ng aking secretary ang kanyang sasabihin nang bigla akong magsalita. “Fatima, I have an emergency. So please, cancel all my meeting today,” utos ko sa aking secretary na mabilis niyang tinanguan. Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng aking kaibigan paalis ng aking opisina. Nang makalabas na kami ng building ay naghihintay na ang aking driver-bodyguard na si Nick, na kinuha ng aking ama dahil ayaw niya akong magmaneho ng sarili kong sasakyan at lumalabas na mag-isa simula nang magkaroon siya ng death threat. Tinulungan kami ni Nick na makasakay sa kotse at pagkatapos ay tuluyan na kaming umalis upang magtungo sa hospital. Habang tinatahak namin ang kahabaan ng Edsa patungo sa Makati Medical kung saan isinugod ang aking mga magulang at kapatid ay nagsimula na naman akong kabahan na naging dahilan nang muling pagpatak ng aking mga luha. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa aking pamilya at lalong hindi ko kayang mabuhay na mag-isa. Lumipas ang isang oras na biyahe ay narating na rin kami ng Makati Medical. Nang mai-park ni Nick ang aking kotse ay tinulungan niya kaming bumaba ng sasakyan. “Thank you, Nick,” pasalamat ng aking kaibigan sa driver-bodyguard ko. Tumango si Nick at nagsalita. “Ma’am Nathalie, maghihintay na lang po ako rito.” “Okay,” matipid kong tugon at naglakad na kami ng aking kaibigan patungo sa emergency room ng hospital. Hindi pa man kami nakakalayo kay Nick ay narinig kong tumunog ang mobile phone niya at nagsalita ito. “Yes, boss, malinis ang pagkaka…” hindi ko na narinig ang sinasabi ni Nick nang tuluyan kaming makalayo sa kanya. Mas lumakas naman ang kabog ng aking dibdib nang makapasok kami ng hospital. Mas nanikip ang dibdib ko nang marating namin ang emergency room at nakita ko ang aking kapatid na walang malay habang ginagamot ng mga doctor. “Kuya Gab!” sigaw ko na naging dahilan upang pagtinginan ako ng mga nurse. Lumapit sa akin ang isang nurse. “Miss Nathalie del Prado?” paniniguro ng babaeng nurse. “Yes, ako nga,” mabilis kong tugon habang ang mga mata ko'y hinahanap ang aking mga magulang na naging dahilan upang tanungin ko ang babaeng kausap ko. “Nurse, nasaan ang mga magulang ko?” Huminga muna nang malalim ang nurse bago muling nagsalita. “Miss Nathalie, kapatid mo lang po ang nakaligtas sa aksidente. Dead on arrival po ang mga magulang n’yo. Nasa morgue na po sila,” pagtatapat ng nurse na naging dahilan nang paninigas ko sa aking kinatatayuan.HUNTER’S POVNang matapos kaming mag-usap ni David ay nag-focus na ako sa aking pagmamaneho at pinili ko na lang ang tumahimik. Dahil alam kong galit lang ni Nathalie ang sasalubong sa akin kapag nagsalita ako. Habang tinatahak namin ang kahabaan ng hi-way palabas ng Quezon ay muling tumawag sa akin si David na naging dahilan upang muling sumimangot si Nathalie.“Yes, David, napatawag ka ulet?” muling tanong ko kay David ng sagutin ko ang tawag niya.“Sir Hunter, sorry po sa istorbo. Gusto ko lang po ipaalam sa inyo na narito na po sa SLEX ang ambulansya na sinasakyan ng anak ninyo at ni Miss del Prado. At nakikipagtalo po sa akin si Miss del Prado na hindi ako pwedeng sumakay sa ambulansya. Sinabi ko po sa kanya na kakausapin n’yo siya,” sabi sa akin ni David. “Okay, give the phone to her. I will talk to her,” utos ko kay David na hindi nakaligtas sa pandinig ni Nathalie at naging dahilan upang muling magdilim ang paningin ni Nathalie. “Okay, Sir Hunter, I will pass to her the pho
HUNTER’S POV Nang mailagay kon na sa aking kotse ang ibang gamit nina Nathalie ay siya naman paglapit sa amin nina Aling Nancy at Arturo. “Hunter, hindi ata kasya ang gamit namin sa kotse mo,” sabi ni Aling Nancy. Tumango ako at ngumiti. “Huwag po kayong mag-alala. Magre-rent po tayo ng isang sasakyan na magdadala ng mga gamit n’yo at pati na rin po ng ibang gamit nina Nathalie,” tugon ko kay Aling Nancy na ikinatuwa niya. Pagkatapos kong kausapin si Aling Nancy ay nag-booked agad ako ng isang sasakyan papuntang Manila. Habang hinihintay namin ang sasakyan na ni-booked ko ay tinulungan ko naman si Arturo na ilabas ang iba pang gamit nina Nathalie at Aling Nancy. “Sir Hunter, p'wede po ba magtanong?” magalang na tanong sa akin ni Arturo na tinanguan ko. “Yes, tungkol saan?” mabilis kong tugon kay Arturo. “Bakit po kailangan na kasama kami ni Lola Nancy sa Manila? Hindi po ba’t kami ang katiwala rito ng mga del Prado?” muling tanong sa akin ni Arturo. Huminga
HUNTER'S POV Habang inaayos ni Nathalie ang kanilang mga gamit ay nilapitan ako ng isang matandang babae na may dalang isang basong juice. “Hijo, ikaw ba ang asawa ni Nathalie?” Sabay abot niya sa akin ng isang baso ng juice. Tumango ako at ngumiti. “Opo, ako nga po,” magalang kong tugon sa matandang babae. Ngumiti sa akin ang matanda at umupo siya sa aking harapan. “Anong pangalan mo, Hijo?” muling tanong sa akin ng matandang babae. “Ako po si Hunter Buencamino,” muling tugon ko sa matanda na tinanguan niya. “Hunter, ako si Manang Nancy n’yo. Matagal na akong katiwala rito sa bahay na ‘to.” Lumingon siya sa may hagdanan bago muling tumingin sa akin. “Hunter, parang apo ko na rin sina Gabriel at Nathalie. Kaya ingatan mo sila sa Tita Victoria nila,” wika ni Aling Nancy habang nanginginig ang mga kamay niya na naging dahilan upang ma-curios ako sa ibig niyang sabihin. “Aling Nancy, ano pong ibig n’yong sabihin? Kasi si Tita Victoria po ang tumawag sa akin at nagsab
HUNTER’S POV Nang mai-park ko ang aking sasakyan ay mabilis na binuksan ni Nathalie ang pintuan sa tabi niya. Bago pa man niya buksan ang pintuan ay hinawakan ko ang kanyang kamay upang pigilan siyang bumaba. “Hunter, please let me go,” galit na sambit ni Nathalie. “Nathalie, we need to talk. Please ayusin natin ang naging problema sa relasyon natin. Alam ko hindi sapat ang paghingi ko ng sorry sa ‘yo, para mapatawad mo ako. Ka_” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong sampalin ni Nathalie. “Ganyan ba sa 'yo kadali kalimutan ang nakaraan? Alam mo, Hunter, sobrang sakit sa akin nang ginawa ninyo ng babae mo! At sa dinami-dami ng taong manghuhusga sa akin. Ikaw pa talaga! Paano ko papatawarin ang taong walang tiwala sa akin?!” mga salitang lumabas sa labi ni Nathalie. “Nathalie, I know I'm wrong to judge you, and I know you're angry with me. But please, give me another chance to prove that my love for you is pure. I want you to come back into my life, Nathalie
HUNTER'S POV Ngayon na nakita ko na ang mag-iina ko ay hindi na ako papayag na mawalay pa sa kanila. Kung kailangan ko ulet ligawan si Nathalie ay gagawin ko, kahit harangan pa niya ako ng sibat. Ipaparamdam ko sa kanya ang tunay at wagas kong pagmamahal para sa kanya. Kung p’wede ko lang talaga ulet ibalik ang panahon sana ay hindi ako naniwala sa Nick Villamayor na ‘yon. Habang nakatingin ako sa aking anaknang may biglang pumasok dito sa kwarto. “Mr. Buencamino, ito po ‘yong mga documents na kailangan n’yong pirmahan para madala na ang pasyente sa Philippine Heart Center sa Manila,” sabi ng nurse at inabot niya sa akin ang mga documents. Mabilis kong tinanggap ang mga documents na kailangan kong pirmahan at pinasadahan ko lang ng basa at mabilis kong pinirmahan upang madala na sa Manila ang aking anak at maisagawa ang open-heart surgery na kailangan gawin sa kanya. Nurse, here are the documents. Can we bring her in the Philippine Heart Center as soon as possible?” pani
NATHALIE’S POV Sa muling pagkikita namin ni Hunter ay muling nabuhay ang galit ko sa kanya. Naramdaman ko ulet ang sakit sa aking puso nang dahil sa ginawa niya. At hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Tita Victoria sa ginawa niyang pa-contact kay Hunter at sabihin ang tungkol sa kondisyon ng aking anak. Ngunit nang atakihin siya kanina ay sobra akong naawa sa aking anak dahil hirap na hirap na siya sa kanyang kondisyon. Alam kong magmatigas man ako kay Hunter ngayon ay hindi ko kayang ipagamot ang aking anak. Siya lang ang makakatulong sa akin ngayon na madugtungan pa ang buhay ng anak kong babae. Habang yakap-yakap ko ang aking anak ay napansin ko na nakatingin siya kay Hunter dahilan upang tumingin ako kay Hunter at nakita ko sa mga mata niya ang saya at lungkot na kanyang nararamdaman. Aminado ako na hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin si Hunter at kahit kailan ay hindi nawala ang pag-ibig ko sa kanya. Pero ang galit sa puso ko ang mangingibabaw ngayon dahil hindi ko