NATHALIE’S POV
“Dead on arrival!” mga salitang paulit-ulit kong naririninig na naging dahilan nang aking pagsigaw. “No!” Niyakap ako ng aking kaibigan. “Nathalie, pakatatag ka. Andiyan pa ang kuya mo. Lumalaban siya para sa ‘yo. At andito lang ako para sa ‘yo,” mga salitang narinig ko mula sa aking kaibigan. Nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay mawawala ang aking mga magulang. Lumapit ako sa aking kapatid na hanggang ngayon ay walang malay at patuloy na ginagamot ng mga nurse. “Kuya, lumaban ka, please!” wika ko habang ang mga luha ko’y naramdaman ko nang umaagos mula sa aking mga mata. Habang nakatingin ako aking kapatid ay lumapit sa akin ang doctor na nag-aasikaso sa kapatid ko. “Miss del Prado, I’m Doctor Aldrin,” pagpapakilala sa akin ng doctor. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. “Doc, kumusta po ang kapatid ko? Kailan po gigising ang kapatid ko?” Ngumiti nang bahagya si Doctor Aldrin. “Tatapatin na kita, Miss Nathalie, fifty-fifty ang kapatid mo. Kinakailangan siyang mailagay sa ICU, para makabitan ng tubo ang kanyang katawan dahil sobrang hina ng tibok ng kanyang puso. At hindi ko masabi kung kailan siya magigising, dahil under comatose siya ngayon,” pagtatapat sa akin ng doctor na mas lalong nagpanginig sa aking katawan. “Ta_tama ba ako nang narinig? Comatose po ang kapatid ko?” paniniguro ko. “Yes, Miss del Prado, comatose ang kapatid mo,” mabilis na tugon ng doctor sa akin. Hindi ko alam kung paano pa ako magpakatatag ngayon, dahil sa kalagayan ng aking kapatid na nakikipaglaban kay kamatayan. Wala sa isip ko kung paano ko haharapin ang bukas na wala ang aking mga magulang at ang kapatid ko’y walang kasiguraduhan kung magigising pa ba o hindi na. “Doc, gawin n’yo po ang lahat para maligtas ang kapatid ko,” tanging nasabi ko na mabilis na tinanguan ng doctor. “I’ll do my best, Miss del Prado, but I can't promise. Especially since your brother hit his head so bad, that it affected his brain,” mabilis na tugon ng doctor sa akin na mas lalong nagpanginig ng buong katawan ko. Kinagat ko ang aking labi at pilit akong nagsalita. “Doc, I’m ready to pay any amount for my brother’s life. He’s the only family I have now.” Huminga nang malalim ang doctor at nagsalita. “Miss del Prado, uulitin ko, fifty-fifty ang kapatid. Only a miracle can save your brother's life. I’ll go ahead para mapaasikaso ko na ang ICU na paglalagyan sa ‘yong kapatid,” pagpapaalam sa akin ng doctor na iniyakan ko lang. May kasalanan ba ako sa Diyos para parusahan nang ganito. Kinuha na nga niyang sabay ang mga magulang ko, tapos ngayon ay pinapahirapan pa niya ang kapatid ko. Habang nakatingin ako sa aking kapatid ay naramdaman ko sa aking mga balikat ang dahan-dahan na pagtapik ng aking kaibigan. “Nathalie, lakasan mo ang loob mo. May dahilan ang lahat kung bakit nangyari ito sa ‘yo,” wika ni Trixie. “Paano ako magpapakatatag? Kung ang mga taong dahilan para ako mabuhay na masaya'y bigla na lang nawala sa akin? Tapos si Kuya walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa,” daing ko sa aking kaibigan na ngayon ay umiiyak na rin. “Alam ko, Nathalie, masakit ang mawalan ng mga magulang. Pero hindi doon natatapos ang pag-ikot ng buhay mo. Isang pagsubok lang ‘to sa buhay mo mula sa Diyos. At tandaan mo ang pagsubok na hinaharap natin sa buhay ang siyang magpapakatatag sa atin,” muling pahayag ng aking kaibigan. Alam ko na sa buhay ng tao ay hindi nawawalan ng pagsubok. At ito ang palagi kong hinihiling sa Diyos na ayokong maranasan, simula nang may matanggap na death threat ang aking ama. Magaling na negosyante ang aking ama. Simula nang makilala niya ang CEO ng Brown Corporation at maging kasosyo sa negosyo ay napansin ko ang pagiging matamlay ng aking ama at mas lalo siyang tumutok sa aming negosyo. Minsan nga ay narinig kong nagtatalo ang aking mga magulang na bakit raw nagpagoyo ang aking ama na hindi ko alam kung ano ba ang pinagtatalunan nilang dalawa. Nag-uusap kaming magkaibigan nang muling lumapit sa amin ang nurse na kausap ko kanina lang. “Miss Nathalie, may kailangan po kayong ayusin sa admission department para sa ICU ng kapatid mo, at kailangan n’yo na rin pong ayusin ang katawan ng mga magulang n’yo.” Sabay abot niya sa akin ng mga papel. Tumango ako. “Okay,” tanging nasabi ko. Pinahid ng aking kaibigan ang aking mga luha. “Let's go,” pag-aya sa akin ni Trixie at pagkatapos ay kinuha niya sa akin ang mga papel na binigay ng nurse. Habang naglalakad kami patungo sa Admission Department, pakiramdam ko'y nakalutang ako sa hangin na walang direksyon na patutunguhan, dahil hindi ko pa rin natatanggap na iniwan na ako nina mommy at daddy. Nang marating namin ang admission department ay pinaupo muna ako ng aking kaibigan at siya na ang nag-asikaso para sa ICU ng kapatid ko at release paper ng mga magulang ko. Lumipas ang ilang sandali ay natapos na ni Trixie ang pinapaasikaso sa akin ng nurse at lumabas na ito ng isang silid. Huminga muna ng malalim ang aking kaibigan bago magsalita. “Nathalie, tara na sa mommy at daddy mo.” “O_okay,” nauutal kong tugon. Habang naglalakad kami patungo sa morgue kung nasaan ang aking mga magulang ay nagsimula na naman ang pagpatak ng aking mga luha. Naninigas ang mga paa ko nang papalapit na kami ni Trixie sa morgue. Mas lalo kong hindi maihakbang ang aking mga paa, nang tuluyan na naming narating ang morgue kung nasaan ang mga labi ng aking mga magulang. Nang makapasok kami ng morgue ay pinakita ni Trixie sa isang lalaki ang papel na hawak niya na mabilis namang kinuha ng lalaki. “Dito po tayo, ma’am,” wika nang lalaki habang itinuturo niya kung nasaan ang aking mga magulang. Tumigil kami sa paglalakad nang marating namin ang magkatabing katawan ng dalawang tao. “Ito po sina Mr. and Mrs. del Prado,” ani ng lalaki. “Thank you,” pasasalamat ng aking kaibigan sa lalaki habang ang mga kamay niya’y walang tigil sa paghagod sa aking likod. Kinagat ko ang aking mga labi nang dahan-dahan kong inaalis ang puting kumot na nakataklob sa aking mga magulang. Tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang tuluyan lumantad sa akin ang malamig na bangkay ng mga mahal ko sa buhay. “Mom, Dad!” sigaw ko kasabay nang pagdaloy ng aking mga luha. Ngayon ko mas naramdaman ang sakit sa dibdib ko dahil totoo ngang ulila na akong lubos. “Mom, Dad, gumising kayo please! Huwag n’yo akong Iwan!” muling sigaw ko na naging dahilan upang yakapin ako ni Trixie. “Nathalie, wala na tayong magagawa. Iniwan na tayo nina Tito at Tita. Pero, andiyan pa ang kuya mo lumalaban para sa 'yo,” pag-aalo sa akin ng aking kaibigan. Bakit ang lupit sa akin ng tadhana. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa mga magulang ko. “No! Hindi pa sila patay! Natutulog lang sila!” Sabay yakap ko sa aking mga magulang. “Nathalie, please, lumaban ka para sa kuya mo. Kailangan ka ng kapatid mo ngayon,” muling pahayag ni Trixie. Umiling ako. “Trixie, kung panaginip lang ‘to. Please, gisingin mo na ako!” mga salitang lumabas sa labi ko habang yakap-yakap ko ang aking mga magulang. “I'm sorry, Nathalie,” tanging nasabi ng aking kaibigan. Sobrang sakit nang nangyari sa buhay ko ngayon. Para akong napilayan lalo pa't sanay akong nakadepende pa ako sa aking magulang. Sina daddy at mommy ang gumagabay sa sarili kong clothing company. Sila ang nag-encourage sa akin na magtayo ng sarili kong negosyo lalo pa't tapos ako ng fashion designer sa Singapore.NATHALIE’S POV “Tiffany, kung ano man ang sasabihin mo huwag mo nang ituloy!” galit na wika ni Tristan habang hawak niya ang kanyang phone. Ngumiti si Tiffany. “Who are you, Tristan? Para pagbawalan ako sa sasabihin ko? Kaya lang naman ako narito dahil si Hunter mismo ang nag-utos sa akin para sabihin kay Nathalie na wala ng kasal ang magaganap ngayon!” Sabay tingin niya ulet sa mga tao. “Ladies and Gentlemen, p'wede na kayong umuwi lahat, dahil pinasasabi ni Hunter na umuurong na siya sa kanilang kasal ni Nathalie!” Sabay halakhak ni Tiffany na parang demonyo dahil ang lahat ng tao ay magbulungan habang tinitingnan ako. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Tiffany. Hindi ako Basta maniniwala sa kanya kung hindi si Hunter ang magsasabi sa akin. Nagdilim ang paningin ni Daddy Matteo habang naglalakad siya palapit kay Tiffany. “Who the hell are you?! Para sirain ang araw ng kasal ng anak ko?! What did you do to my son?!” sunod-sunod na tanong ni Daddy Matteo kay Tiff
NATHALIE'S POV KINABUKASAN Dumating na rin ang araw na pinakahinihintay ko. Ang araw ng kasal namin ni Hunter, kung saan masasaksihan ng mga pamilya namin. “Ang ganda mo talaga, Nathalie,” puri sa akin ni Trixie habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. “Trixie, kahit kailan bolera ka talaga. Eh, nagsisimula na ngang lumapad ang ilong ko, eh!” sabi ko sa aking kaibigan nang mapansin ko na medyo lumalapad ang ilong ko. Napailing si Trixie. “Anong lumalapad ang ilong ka diyan? Eh, mas lalo ka ngang nag-blooming ngayon,” seryosong wika ng aking kaibigan. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Trixie sa akin. Dahil sinabi sa akin ng OB ko na may mga pagbabago talagang mangyayari sa akin habang nabubuntis ako, pero babalik din daw ulet sa dati ang lahat. Katulad na lang ng ilong ko na medyo lumalapad na. At napapansin ko rin na ang kili-kili ko ay may pagbabago na rin ang kulay. “Trixie, alam mo naman na buntis ako ‘di ba. Kaya hindi malabo na pumangit na a
NATHALIE'S POV Ilang araw din akong nag-stay sa hospital pero ni hindi ko man lang nakita si Hunter sa hospital. Sinabi naman sa kanya nina Trixie at Tristan na napa-admit ako sa hospital pero hindi man lang niya ako pinuntahan. At simula nang lumabas ako sa hospital ay palagi na lang gabi dumadating si Hunter galing sa opisina. Kasalukuyan na pinagtitimpla ko ng kape si Hunter nang lumabas siya ng aming silid at may dala siyang isang luggage na maliit. “Babe, breakfast ka muna,” sabi kay Hunter. Nilingon ako ni Hunter at ang mga mata niya'y matalim na tumingin sa akin. Binitiwan niya ang luggage na dala niya at pagkatapos ay naglakad siya palapit sa akin. “What breakfast did you make?” walang buhay na tanong sa akin ni Hunter. Ngumiti ako. “I make some sandwiches for you and your favorite coffee, Babe” mabilis kong tugon kay Hunter. Huminga muna nang malalim si Hunter bago siya umupo sa kanyang upuan. Naninibago ako sa ikinikilos ni Hunter ngayon. Parang ibang Hunte
NATHALIE'S POV “Nick, anong ginagawa mo rito? At paanong nakapasok ka sa pamamahay ko nang walang pahintulot mula sa akin na hindi ako timatanong ng mga security guard namin?” tanong ko sa dati kong driver-bodyguard nang basta na lang siyang pumasok sa kwarto namin ni Hunter. Tumingin muna sa paligid si Nick bago magsalita. “Siya ba ang naging asawa mo?” Sabay kuha niya sa picture namin ni Hunter. “Sagutin mo muna ang tanong ko sa 'yo!” muling sabi ko na may kasamang galit at takot. “Pinapasok ako ng mga security guard mo dahil nagpakilala ako sa kanila na dati mo akong driver-bodyguard.” Lumapit sa akin si Nick at hinaplos niya ang aking pisngi. “Alam mo, Nathalie, matagal na kasi kitang gustong tikman. Pero sagabal ang mga magulang at kapatid mo. Kaya siguro naman p’wede mo na akong pagbigyan.” Sabay dikit niya ng labi niya sa aking tenga na naging dahilan upang mas lalo akong matakot sa kanya. Itinulak ko nang bahagya si Nick upang makalayo ako sa kanya. “Anong ib
HUNTER’S POV Hindi ko na nagugustuhan ang mga pagtanggi ni Nathalie na makipag-s*x sa akin. May feeling ako na may inililihim siya sa akin. Ibang-iba siya sa Nathalie na iniwan ko bago ako pumunta sa Singapore. “Why are you so silent, p’re? May problema ka ba?” tanong sa akin ni Tristan. Tumingin ako sa aking kaibigan. “P’re, when I was in Singapore. Umaalis ba si Nathalie na hindi kayo kasama?” tugon ko sa aking kaibigan na nagpamulat sa kanyang mga mata. “Bakit mo naman naitanong ‘yan, p’re?” muling tanong sa akin ni Tristan. “I feel there's something wrong with Nathalie. She has changed a lot since I came back from Singapore. And imagine palagi siyang wala sa mood na makipag-sex sa akin,” pagtatapat ko sa aking kaibigan na ikinatahimik niya. “P’re, baka naman nag-o-overthink ka lang. Kasi hindi ka nakaka-score sa asawa mo. At minsan naman talaga dumadating sa isang tao ang nawawalan ng mood sa s*x. Lalo na kung ina-araw-araw mo siya,” mga salitang lumabas sa labi ni
NATHALIE'S POV AFTER TWO WEEKS Until now ay hindi pa rin alam ni Hunter na buntis ako, although naninibago siya sa eating habit ko na hindi ko naman maiitanggi na lumakas talaga akong kumain. Excited na rin ako sa nalalapit na church wedding namin ni Hunter. At narito kami ngayon sa shop ni Totoy Madriaga upang kunin ang aking wedding gown na ako mismo ang nag-design. “Wow, you're fabulous!” puri sa akin ni Hunter nang makita niyang isinukat ko ang aking wedding gown. “Hijo, hindi mo siya dapat tinitingnan habang sinusulat niya ang wedding gown!” sabi ng isang matandang babae na nagngangalang Gina. Napakunot ang noo ni Hunter nang dahil sa sinabi ng matandang babae. “Bakit naman po bawal ko siyang tingnan, Aling Gina?” curious na tanong ni Hunter sa matandang babae. “Hindi n’yo ba alam ang kasabihan na bawal isukat ang damit pangkasal at lalong bawal makita ng groom ang bride ilang araw bago ang kanilang kasal. Pagkatapos tiningnan mo pa ang bride mo habang suot niya