LOGINInis na inis kong pinagpapasok ang mga damit ko sa loob ng aking maleta. Halos patapon ko na nga kung ipasok ang mga ito sa sobrang irita sa nangyari.
Hindi pa rin ako maka-move on sa damuhong Renzo na 'yun. "Especially for a kid like you." The words kept replaying in my head, like an annoying echo I couldn't shake off. Bukod sa nakakainis ang mismong salita nya, mas naha-highblood ako sa paraan ng pagkakabanggit nya roon. "Ha!" Singhal ko sa hangin, tila doon nakadepende ang pagpapakalma sa sarili ko. The way he said it, I felt like he was brushing me off, as if I were just some insignificant kid. "Ang kapal, ha!" At ang nakakainis doon, ilang beses na akong ininsulto ng bibig nya, pero may natitira pa ring parte sa akin na gusto sya gawing human ATM. May kung ano talaga sa kanya na mahirap balewalain. Para bang ang sarap sarap nyang itapon sa Pasig river, and at the same time, ang sarap din nyang jowain, tipong ang sarap nya ipagmayabang sa mga ex at kaibigan ko. He was the kind of guy who could make you want him with just one look. And that made me even more frustrated. Isa pa, ayaw ko lang na manatili ang impresyon nya sa akin. Hindi ako bata, for God's sake! Alin ba sa kurba ng katawan ko ang nagsasabing bata? Oh, isama mo pa ang naging usapan nila ni Mama kanina. Hindi lang pala sya isang tipikal na mayamang tao. He's a billionaire. Billionaire. Sa edad na twenty two, isa na syang bilyonaryo. Seriously? How was that even possible? At kung tatanungin kung paano napunta sa pagiging bilyonaryo nya ang naging usapan nila ni Mama? Simple lang. Tinanong lang naman sya ng nanay ko kung ano ba ang pinagkakaabalahan nya sa buhay, noong nasa hapag kami, kasama si Riel. At ang hambog, sinagot ba naman si Mama ng, "I'm a billionaire." Kaswal na kaswal pa ang pagkakasabi nya nito. Laglag panga akong napatingin sa kanya. Ngangang-nganga talaga akong napatingin sa kanya. E, 'di mas lalo akong nabigyan ng rason para gawin syang human ATM. Dedma na lang sa inis ko sa kanya, pwede naman 'yun pekehin lagi, siguro. But still. Naiinis pa rin ako sa kanya. Sinarado ko na ang aking maleta at lumabas na sa kwarto. Napangiwi pa ako sa bigat nito. Nasa hagdan na ako nang madungaw ko silang tatlo sa sala, si Mama, Riel at ang hambog. Mukhang ako lang pala ang hinihintay. "Dahan-dahan, anak. Baka mahulog ka." Hindi ko na pinansin ang nag-aalalang boses ni Mama. Tuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan, bigat na bigat sa dalang maleta. 'Di sadyang nabibitawan ng malakas sa kada baitang ng hagdan, tuloy, ang dating ay nagdadabog ako habang kinakarga ito. Nangalahati na ako sa hagdan nang akyatin ni Renzo ang gawi ko. Nagulat ako nang walang pasabi nyang inagaw sa akin ang maleta. Sa gulat ko ay napatitig na lang ako sa likuran nyang palabas na, dala ang sobrang bigat kong maleta. Ni hindi nya ako tinapunan ng tingin. Basta na lang nya kinuha sa kamay ko, na parang wala lang. Na para bang wala sa loob nun ang halos kalahati ng gamit ko sa kwarto. Agad akong sumunod sa labas nang lumabas na rin sina Mama at Riel. Ako ang huling pumasok sa nakaparadang SUV sa harap ng bahay. Nasa front seat ang dalawang lalaki. Si Riel ang nagmamaneho. Kami naman ni Mama ang nasa likuran. Hindi na ipinagpabukas ang lakad na ito papunta sa bahay ni Riel, kung saan doon naghihintay si Ate Alina. Bukas na raw kasi gaganapin ang Pre-wedding Gala nila, at syempre, bilang pamilya ng bride, kailangan ang presensya namin doon ni Mama. Taray nga, e. May paganoon pa silang nalalaman. The ride was quiet, at least on my end. I was too busy sulking, trying to ignore Renzo's existence. It wasn't a long drive. We stopped at a large open field, and it took me a second to realize where we were. "Pagmamay-ari 'to ni Mayor, 'di ba?" Gulat na baling sa akin ni Mama, tukoy nya sa dinadapuan naming malawak na lupa. I was about to ask why we were here when I heard it, the loud chopping of blades slicing through the air. My head snapped up. A helicopter. A freaking helicopter was landing right in front of us. Sabay kaming napakurap ni Mama. "You have got to be kidding me." Mangha kong bulong sa sarili. Pareho lang kami ng naging reaksyon ni Mama. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa kanyang bag, para bang may mas ikakahigpit pa sa hawak nyang iyon. "D'yan tayo sasakay?" baling nya kay Riel. Tumango ang lalaki, na parang wala lang. "Baka abutin tayo ng umaga kapag kotse ang ginamit natin. Mas mabilis 'to." Nilingon ko ang kanina ko pa balak na hindi pansinin. Ang hambog, aba, nagagawa pang humikab. Nag-inat pa, tila parang normal lang sa kanya ang sitwasyon. Bakit ba ako nag-e-expect na katulad namin sya ni Mama sa magiging reaksyon. Of course it wasn't. He's a billionaire, after all. Tama nga si Riel. The helicopter ride was fast, much faster than any car could've managed. Wala pang isang oras nang nag-landing ulit sa isang pribadong helipad ang helicopter. Pagkababa namin, mayroon na namang itim na SUV na sumalubong sa amin. Hindi tulad kanina, na si Riel ang nagmaneho. This time Renzo slid into the driver's seat without a word. Si Riel naman ang nasa tabi ng hambog. Kami ni Mama ay nanatiling nasa likod lang nila nakaupo. Ilang beses kong minura ang sarili nang dumapo ang mata ko sa nagmamaneho ngayon na hambog. Paano, e, gwapong gwapo ako sa pustura nya. He looked ridiculously good behind the wheel. 'Yung tipong mapapamura ka talaga sa sarili dahil sa kakisigan nya. Bahagyang umiigting ang panga kapag may pagkakataon. His one hand was resting lazily on the steering wheel, the other shifting gears smoothly. I hated how effortlessly cool he looked. Ugh! Bakit kasi ayaw magpamarka ng isang 'to sa akin? Kainis naman! Nag-iwas na lang ako ng tingin. Sabi ko nga, ekis na sya. E, ano naman kung bilyonaryo at ubod sya ng gwapo? Haynaku, ang dami pa d'yan na makikilala ko sa future. Bakit ako magsi-settle sa ilang beses na akong ininsulto? No way!Tumahan na rin ako nang maingat nya akong ibinaba, pahiga sa aking kama. Nakaalinsunod lang ang paningin ko sa kanya nang kumutan nya ako hanggang dibdib. Ganoon din nang pagkatapos ay itinapat nya sa akin ang bentilador."I'll be back later to give you a massage. Walang tao sa tindahan nyo. Baka manakawan. Call me if you need anything," he smiled softly.Inabot nya sa akin ang cellphone ko. Tipid ko syang nginitian at tinanguhan nang tanggapin ko ito mula sa kamay nya. Inayos nya pa lalo ang pagkakakumot sa akin bago lumabas na ng pintuan.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang maiwan akong mag-isa sa kwarto. Tumitig ako sa kisame at inisip ang mga sinabi kanina ni Mama.Alam kong tototohanin ni Mama ang kanyang sinabi. Kung nagawa nga nya kay Kuya Riel, ano pa kaya kay Renzo na ang alam nya ay sya nga ang nakabuntis sa'kin.And knowing Renzo... he wouldn't deny it. Baka ipangalandakan pa sa mga pulis na sya ang ama ng pinagbubuntis ko. That alone could land him in jail f
Mas lalo lang ako napahikbi nang sa pag-angat ko ng tingin kay Mama ay nakitang tumutulo na pala ang luha nya."M-Ma..." halos pabulong ko ng tawag sa kanya. "Ikaw ang mas nakakatanda sa kanya, Renzo," dugtong pa nya. Kalmado na ang boses ngunit nabasag naman ito. Napayuko ulit ako nang hindi ko na nakayanang tingnan ang halos paiyak na nyang ekspresyon. "Sana nagpigil ka. Nagkamali ako sa'yo. Nagkamali ako na ipinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko. May pa-scholar scholar ka pang nalalaman d'yan. Iyon pala, mamanyakin mo lang sya. Ang layo mo sa pinsan mong si Riel—""'Ma!" I stood up abruptly.She fell silent, shocked at my sudden outburst. Kahit ako ay nagulat sa sariling ginawa. Pero hindi ko hahayaan na maging masama si Renzo sa paningin nya. I was panting, tears still falling, but I had to speak."Hindi po ganyan si Renzo, Mama... Sobrang bait nya po katulad ni Kuya Riel. H-Huwag nyo naman po sya pagsalitaan ng masama."I quickly wiped my tears, trying to continue, but my throat
"Bago lumubo ang tyan mo, kailangan kasal na kayo.""P-Po?" Gulat kong tingin kay Mama. Ini-expect ko nang tungkol sa pagkakabuntis ko ang pag-usapan namin ngayon, pero hindi ko lubos maisip na sa kasal mapupunta ang usapan.Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya pala masama ang pakiramdam ko tungkol sa pag-uusap na ito. Ito na pala ang rason. Nalipat sa katabi kong si Renzo ang atensyon ko nang marahan nya akong hinawakan sa kamay. Na kay Mama ang tingin nya. Kumpara sa akin na gulat na gulat, sya ay kalmadong ekspresyon ang nakaguhit sa kanyang mukha. Ngunit nang bumaba ang tingin ko sa tensyonadong pagtaas-baba ng kanyang Adam's apple, doon ko nakumpirma na pati sya ay hindi rin inaasahan ang narinig. "Kung hindi nyo po mamasamain, Tita," aniya, kay Mama pa rin ang tingin. "Na kay Scar po ang desisyon tungkol sa bagay na 'yan."Agad namang napatingin sa akin si Mama. Bahagyang nakakunot ang noo nya, tila naghihintay sa sasabihin ko."Hindi pwedeng magbahay-bahayan lang kayo. Lumal
Tumagal ng ilang minuto bago sya sa akin sumunod sa hapag. Hindi ko ginalaw ang hinanda nyang almusal para sa'kin hangga't hindi sya nakaupo sa tabi ko. Nakakahiya naman kung mauna ako. Sya pa naman ang nagprito. Isa pa, nakasanayan na namin sa bahay nya na magsabay sa pagkain. We started eating in silence. At sa totoo lang, medyo awkward na ang katahimikan sa pagitan namin. Kung tutuusin, kanina pa awkward. Mas lalo lang lumalala kada lipas ng segundong katahimikan. I wanted to say something, anything, to break it. Lalo na ngayon na hindi na talaga sya nagsalita pagkatapos ng eksena namin kanina. Hindi ako sanay na ganito sya katahimik. Usually, kapag nasa hapag kami, ang dami nyang bilin tungkol sa pagkain ko. "Are we good?" I asked casually, or at least I tried to sound that way. Nagkunwari pa akong kumagat sa hotdog na para sa akin, para hindi ipahalata ang pagkailang na nararamdaman ko. Saglit akong napatingin sa kanya nang iangat nya sa akin ang mata. It took him a few sec
Nang gabing iyon, hindi ko hinayaan si Renzo na matulog sa sahig. Baka lamigin sya kung nagkataon. Mabuti na lang talaga at nandito pa ang matagal ko ng hindi nagagamit na comforter bed. Napakinabangan din. Iyon kasi ang dinadala ko tuwing nagka-camping kami nina Luna. Noong nasa Grade school pa kami no'n. Matagal-tagal na ring hindi nagamit kaya kinailangan pang alisin ni Renzo ang alikabok bago gamitin sa pagtulog. Medyo natagalan sya sa paglilinis nun. Nakatulog na ako bago sya matapos. Nagising lang ako, kinabukasan, nang makaamoy ako ng mabangong pagkain galing sa baba. Siguro ay naghahanda na si Mama para sa pang-almusal namin. Instinctively, I turned to the side, expecting to see Renzo still asleep on the foldable comforter. Pero wala na sya roon. Nakatupi na ang higaan nya at nakalatag na ito sa gilid ng aking cabinet. Ang aga talaga nya gumising. Mag-a-alas sais pa lang, e. Sinipat ko muna ang ayos ng aking mukha bago lumabas ng kwarto, pababa sa kusina. Nakaramdam ako n
"G-Ganun ba 'yun?" I laughed awkwardly, scratching the back of my head. "Uhm... akala ko kasi bilin din ni Mama na magtabi tayo. Alam mo na... um, well, sige... ihahanda ko na ang pangtulog ko. 'Yung gatas ko, 'wag mong kalimutan, ha?"Umalis na ako sa harap nya at nagkukumahog na lumapit sa cabinet. Sa sobrang kahihiyang natamo ko, napapikit na lang akong humarap sa cabinet, sabay kagat ng matindi sa labi. Nakakahiya talaga, oh my God!"Pero maliligo pa rin ako kahit hindi tayo tabi matulog. 'Yung pantalon lang ang kaya kong suutin ulit. Ayos lang ba sa'yo na wala akong suot na t-shirt?"Halos iumpog ko na ang ulo ko sa kaharap na cabinet dahil sa tanong nya. Bakit may pagano'n? Kailangan talaga itanong pa iyon?"A-Ayos lang naman, ano ka ba!" Nanginginig kong sagot, sa cabinet pa rin ang tingin. "P-Parang bahay mo na rin naman 'to."Pasimple akong napabuga ng hangin nang mairaos ko ng mabuti ang panginginig ng aking labi. Hindi agad sya nagsalita kaya nagpanggap na lang akong may hi







