Home / Romance / I Am the Crippled Mafia's Little Pet / KABANATA 1: PAMBAYAD-UTANG

Share

I Am the Crippled Mafia's Little Pet
I Am the Crippled Mafia's Little Pet
Author: Dusk and Ashes

KABANATA 1: PAMBAYAD-UTANG

last update publish date: 2026-11-18 19:57:07

“Kunin niyo siya, wag niyo lang kaming sasaktan!” 

Walang anu-ano ay hinablot ng ama ko ang aking braso bago ako itinulak sa paanan ng isa sa tauhan ni Lucian Salvatorre. 

“Binigyan ka namin ng isang araw para humanap ng pera, Mr. Perez. Pero sa halip na pera ang matanggap namin ay ito ang ibabayad mo?” Nakakunot ang mga kilay nito habang sinusuri ang bawat detalye ng mukha ko.

“Pa..parang awa mo na, bakit ako? Bakit ako na anak mo..” 

Hindi ko mapigilan ang sarili na magtanong sa aking ama kung paano niya nagagawang ipambayad ang sarili niyang anak sa mga utang na hindi niya magawang bayaran.

“Lilliana anak…ituring mo na lamang itong isang sakripisyo, sorry pero wala nang ibang paraan. Sana maintindihan mo”

Tila mga batong dumudurog sa puso ko ang narinig kong mga kataga mula sa aking ama. Bumaling ang tingin ko sa stepsister kong si Regina at ang ina nito na si Mathilda. 

“Bakit ako…bakit hindi si Regina…” pagmamakaawa ko kay papa upang bawiin ang desisyon niya.

Sa isang saglit ay nakaramdam ako ng hapdi  sa aking mukha matapos dumapo ang isang sampal mula sa kamay ng stepmom kong si Mathilda

“Angkapal naman nang mukha mo para subukang ipagkalulo ang anak ko. Hindi ka na ba nahiya matapos kitang pakainin at bigyan ng bahay na matutulugan, nagagawa mo pang magreklamo!” Galit na turan nito atsaka hinila ang buhok ko.

“You were never a part of this family, ito na lang ang silbi mo sa pamilya na ito kaya gawin mo na ang trabaho mo” itinulak niya ang mukha ko sa sahig at halos mangudngod na ako rito.

Alam kong siya ang nag-udyok kay papa na ako na lamang ang ibigay bilang pambayad, nang sabihin ng mga tauhan ni Don Salvatorre na kukunin nila ang isa sa kaniyang mga anak sa oras na hindi siya makapagbayad dito. 

“Sis, alam kong galit ka sa akin pero wag mo naman akong pilitin na isakripisyo ang buhay ko. Kukunin ka rin naman namin kapag may pambayad na si papa” wika ni Regina, pero alam ko na wala siyang ni kakarampot na pag-aalala sa akin.

Posibleng ang tanging lungkot na madarama nila ay ang pagkawala ng alila nila sa bahay. 

“Nauubos na ang pasensiya ko Mr. Perez” wika ng isa sa mga debt collector at saka bumunot ng baril at itinutok sa ulo ni papa.

“PARANG AWA NIYO NA! WAG NIYO KAMING PATAYIN!” pagmamakaawa ni papa atsaka tumingin sa akin, nagmamakaawa na tanggapin ko na ang kapalaran ko.

Kahit masakit ay hindi ko magawang hayaan na lamang na patayin nila ang ama ko. Sa huli ay tinanggap ko na lamang ang pagkatalo ko.

“Oo na…ako nalang..” 

Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko sa sakit, dahil wala akong magawa kundi isakripisyo ang sarili ko para sa pamilyang hindi naman ako kailanman itinuring na kasapi.

“Good choice” turan nito bago sinenyasan ang mga tao niya na lumabas ng bahay namin.

“May isang oras ka para mag-empake, isang maleta lang ang pwede mong dalhin” mabilis na turan nito bago lumabas at nag-antay sa itim na kotseng nakapark sa harap ng bahay namin.

“Maraming salamat anak! Pangako, kukunin kita! Intayin mo lang na makahanap ako ng pera” 

Gusto kong maniwala sa sinabi ni papa, pero alam kong ito na ang huli naming pagkikita.

“Tulungan na kitang mag-empake, sis, as a thank you sa sakripisyo mo” wika ni Regina bago isinangkal ang braso niya sa braso ko. 

Alam kong sa mga oras na ito ay tuwang-tuwa na siya na mawawala na ako sa bahay nila at malaya siya mula sa responsibilidad na maging pambayad kay Don Salvatorre.

Pagkapasok pa lamang namin sa kwarto ko ay mabilis siyang nagpalit ng anyo, mula sa mala-anghel na katauhan ay inilabas niya ang totoong masama niyang ugali.

“How unfortunate your life is Lilliana, sure akong hindi ka tatagal sa mansyon ni Don Salvatorre” ngumiti siya sa akin, isang ngiting malademonyo at natutuwa sa maaaring kahinatnan ng buhay ko.

“I heard he has killed people before. Kaunting pagkakamali mo lang Lilliana ay pwedeng ikaw na ang susunod” 

Kinuyom ko ang kamay ko, walang magawa kundi tanggapin ang mga sinasabi niya dahil wala namang mangyayari kung lalaban ako.

Agad kong ipinagpatuloy ang pag-eempake matapos siyang lumabas sa kwarto ko. Matapos ay bumaba na ako at sumakay sa kotse ng dalawang debt collector. Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil alam kong nagcecelebrate na sila ngayon matapos maresolba ang problema.

“Sana alam mo ang pinapasok mo iha” sabi ng isa na nagmamaneho ng kotse.

“Wala naman akong ibang choice” sagot ko dahil hindi ko naman ginusto ang mapunta sa sitwasyon na ito, ipinambayad ako ng labag sa loob ko.

Matapos ang ilang oras na byahe ay natanaw ko na ang mansiyon ni Don Salvatorre.

“Advice ko lang sayo, wag kang lalamya-lamya sa harapan ni Don Salvatorre. Lahat ng narinig mong kwento patungkol sa kaniya, totoo yun lahat. Kahit ngayon na permanente na siyang hindi makalakad, kaya parin niyang pumatay. Mainitin ang ulo ni Don, kaya hangga’t maaari wag kang magkakamali”

Paalala sa akin ng isa sa mga debt collector nang makapasok na kami sa mansiyon ni Don Salvatorre. Taimtim akong nagdasal upang magkaroon ako ng kaunting lakas ng loob. 

“P*TANG *NA! SINONG NAGLUTO NITO! GUSTO NIYO BA AKONG LASUNIN!” 

Muntik kong mabitawan ang bagahe ko nang umalingawngaw ang sigaw mula sa loob ng isang kwarto. 

Binuksan ito ng dalawang debt collector. Bumungad sa amin ang isang maid na nakaluhod sa sahig, umiiyak at nanginginig ang mga kamay habang pinupulot ang mga basag na plato at natapong ulam.

“WALANG SASAGOT?! DO YOU ALL WANT TO F*CKING DIE?!” halos manginig ang tuhod ng lahat ng mga maids na nasa loob ng kwartong iyon.

Doon nagtugma ang aming mga mata.

Si Don Salvatorre habang nakaupo sa wheelchair at nakatutok ang hawak na baril sa ulo ng maid na nakasalampak sa lupa.

“Who is this?” iritadong tanong niya sa dalawa niyang tauhang nagdala sa akin doon.

Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin para kusang sumagot sa katanungan niya.

“Lilliana Marie Perez, ako ang pambayad ng ama kong si Diego Perez sa utang niya” diretsong sagot ko, sinusubukang patatagin ang loob ko.

Alam kong hindi ako tatagal kung lalamya-lamya ako sa harapan ni Don Salvatorre. Kung mamamatay lang din naman ako, ay pipiliin kong mamatay nang may dignidad. 

“You? T*ngina ang laki ng utang ng gagong yun sa akin tapos ikaw lang ibabayad?” 

Hindi ko maiwasang ikuyom ang kamao ko sa galit dahil pakiramdam ko ay ang tingin nilang lahat sa akin ay mas mababa pa ang halaga sa pera. 

“Binigyan na po namin si Mr. Perez ng oras para maghanap ng pera pero wala boss, bilang kapalit ay kinuha namin ang isa sa mga anak niya” Paliwanag ng isa sa mga debt collector.

Napahilamos ng palad si Don Salvatorre sa inis atsaka tumingin ng diretso sa akin.

“Nawala na ang pera ko, madadagdagan pa ang palamunin sa bahay na to. T*ngina ang daming inutil sa paligid ko!” Inis na wika niya bago may pumasok na isa pang maid.

“D-Don Salvatorre, o-oras na po ng paligo niyo” utal na banggit nito.

Hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin na. Sinubukan kong patatagin ang aking loob at hindi nagpatinag kahit pakiramdam ko ay nababasa na niya ang mga nasa isip mula sa pagtingin pa lamang niya sa akin.

“You, you will bathe me” napalunok ako bigla, ramdam ang panunuyot ng lalamunan ko.

“A-ako?” sabi ko sabay turo sa sarili ko.

“Are you deaf?” inis na saad niya habang nanlalaki ang mga mata.

Nakita ko ang mga nag-aalalang ekspresyon ng mga maid sa harapan niya, habang nagsesenyasan.

Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang utos nito. Tinanong ko muna ang mga maid kung saan ang C.R. upang hindi maligaw at saka itinulak ang wheelchair ni Don Salvatorre papunta roon.

Nang makarating na kami sa tapat ng C.R. ay ipinasok ko na agad si Don Salvatorre.

Napansin ko lamang kung gaano katikas ang katawan nito kahit na halos isang taon na siyang nakaupo sa wheelchair. Kahit mahaba at magulo ang kaniyang buhok na hanggang leeg ay pansin ko parin ang kagwapuhan niya. Makapal na kilay at mapungay na mata, naparang nakatingin sa kaluluwa ko.

“Tapos ka na bang pagnasahan ako?” 

Napabalik ako sa realidad ng marinig ang iritadong boses niya at napaiwas ng tingin matapos makitang nakatanggal na pala ang damit-pantaas niya.

“If you are, then take my pants off” parang nag-echo sa ulo ko ang sinabi niya.

“H-ha?” pagsisigurado ko

“I said, take my pants off” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Am the Crippled Mafia's Little Pet   KABANATA 6: ANG BISITA

    “Don Salvatorre, nandiyan po ba kayo?” muling pagtatanong nito nang hindi sumagot si Don Salvatorre.Agad na tumayo si Don Salvatorre ngunit bago siya pumunta sa kanyang wheelchair ay may kinuha siya sa kanyang closet at hinagis sa akin.Agad ko itong nasalo at tinignan kung ano ito. Isang itim na long sleeves.Pinapasuot niya ba ito sa akin?Pagbalik ng tingin ko sa kanya ay nakaupo na siya sa kanyang wheelchair. Sumulyap muna siya sa akin para siguraduhing may suot na akong damit bago nagsalita.“What is it?”Tanong niya bago tuluyang bumukas ang pinto ng kwarto.“Don, pasensiya na po sa abala”Isa sa mga tauhan ni Don Salvatorre ang pumasok, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha habang kumakamot sa ulo.“May bisita po, sinabi ko na po na hindi na tumatanggap ng bisita ang Don pero nagpupumilit po siya”Nakita ko ang pagsabunot ni Don Salvatorre sa buhok niya matapos marinig ang sinabi nito.“Kitang-kita ko ang frustration sa mukha mo Lucian, dapat nga masaya ka at nagagawa pa kit

  • I Am the Crippled Mafia's Little Pet   KABANATA 5: KASUNDUAN

    “Lick it”Halos masuka ako nang ipilit niyang ipasok sa bunganga ko ang baril niya hanggang maabot nito ang lalamunan ko.“Hindi ka pa kumakain diba?Lick it good”Nakaramdam ako ng sakit sa lalamunan ko. Nalasahan ko ang bakal sa dila ko. Patuloy niyang idinidiin ang baril sa loob nito. Labas.pasok.labas.pasok.Napahikbi ako sa kahihiyang ginagawa niya sa akin. Tinanggal niya ito matapos ang ilang minuto. Umubo-ubo ako hawak ang leeg ko. Inilapag niya ang baril sa hita niya atsaka hinila ang buhok ko.“Nasaan na ngayon yung tapang mo?”Sa galit ko ay dinuraan ko siya. Pinunasan niya ang pisngi kung saan dumapo ang dura ko.Nakita ko ang pagtaas ng palad niya. Alam ko na ang ibig sabihin nito.Agad akong pumikit, inaantay na dumapo sa mukha ko ang sampal ngunit nakalipas ang limang segundo ay wala parin ito.“Tayo” Napamulat ako at dahan-dahang tumayo. Tumambad sa akin ang ekspresyon niyang dismayado. Nakakunot ang noo at tila nagpipigil. Hindi ang kadalasang galit na ekspresyon kun

  • I Am the Crippled Mafia's Little Pet   KABANATA 4: DALAWANG MUKHA NG DON

    “Linisin mo yung pool at bawat sulok ng garden. Kapag may nakita akong ni isang kalat sa mga lugar na yon, you are f*cking dead” “Yes Don!” nakangiting sagot ko kay Don Salvatorre.Sumimangot ito. Inis na pinagulong ang wheelchair niya papunta sa lilim na bahagi ng pool area. Pinapanood niya ako at sinisigurado na ginagawa ko ang trabaho ko.Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi. Matapos akong ipahiya ni Don Salvatorre ay agad akong nakabawi. Ngayon ay pilit niya akong pinapasunod sa mga utos niya para ipakita na siya parin ang amo ko.Pero nandoon pa rin ang pagtataka ko mula sa narinig kong usapan sa telepono.“You missed a spot” Napalingon ako. Isang candy wrapper ang lumulutang sa pool. Kinuha ko iyon gamit ang pool skimmer at inilagay sa basurahan. Pagbalik ng mata ko ay may isang wrapper uli.“You missed another one” Napalingon ako kay Don Salvatorre. Kumuha siya ng isa pang chocolate candy sa basket na nakalagay sa pool table. Binuksan niya ito, kinain ang laman at

  • I Am the Crippled Mafia's Little Pet   KABANATA 3: ISA PARA KAY LILLIANA

    “Naiintindihan mo ba?” Pahigpit nang pahigpit ang kamay niya sa leeg ko. Tanging pagtango lamang ang naisagot ko dahil sa unti-unting pag-ikli ng paghinga ko.“Good” Agad niya akong binitawan. Napasalampak ako sa lupa, hawak ang leeg ko habang hinahabol ang aking hininga.T*ngina muntik na akong mamatay. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na binigyan ako ng diyos ng isa pang pagkakataong mabuhay dahil maaaring mas impyerno ang kakaharapin ko sa bahay na ito habang nasa poder ni Don Salvatorre.“Tumayo ka diyan at bihisan mo ako” Hindi ako nagsayang ng oras dahil natatakot akong sa susunod na mahawakan ni Don Salvatorre ang leeg ko ay hindi na niya ito bitawan. “Ganyan, gusto ko yan na mabilis ka matuto. I like those who are obedient” sabi niya bago pisilin ang kaliwang pisngi ko habang nakangiting mala-demonyo.Namumuo ang galit sa mata ko. Napansin niya iyon at mas lalong lumaki ang ngiti.“...but not too obedient. I also like it when they try to put up a fight” Nag

  • I Am the Crippled Mafia's Little Pet   KABANATA 2: LIHIM

    “I said take my pants off.”“D-Don?” Naramdaman kong uminit ang mukha ko nang makumpirmang tama ang narinig ko.Tiningnan niya lamang ako, parang isang amo na naghihintay na sundin ng alipin ang utos niya. Pinigilan ko ang paghinga ko, pilit na isinantabi ang hiya, at dahan-dahang lumuhod sa harap niya.Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggal ang sinturon na nakaharang sa zipper ng pantalon niya. Isang maling galaw lang, at maaaring ito na ang huling araw ko sa mundong ibabaw.“Do you have any idea how huge is the money your father owes me?” tanong niya habang nakapalumbaba.“H-hindi po ako sigurado, pero ang alam ko ay sobrang laki dahil kinailangan ni papa na ibenta ang ilan sa mga ari-arian namin, at sabi ng mga debt collector ay kulang pa rin iyon kaya nila ako kinuha,” paliwanag ko habang dahan-dahang ibinababa ang pantalon niya.“You are d*mn right. Kahit dalawa pa kayo ng kapatid mo ang ipambayad niya, kulang pa rin sa laki ng utang niya sa akin,” inis na sabi ni Don Salva

  • I Am the Crippled Mafia's Little Pet   KABANATA 1: PAMBAYAD-UTANG

    “Kunin niyo siya, wag niyo lang kaming sasaktan!” Walang anu-ano ay hinablot ng ama ko ang aking braso bago ako itinulak sa paanan ng isa sa tauhan ni Lucian Salvatorre. “Binigyan ka namin ng isang araw para humanap ng pera, Mr. Perez. Pero sa halip na pera ang matanggap namin ay ito ang ibabayad mo?” Nakakunot ang mga kilay nito habang sinusuri ang bawat detalye ng mukha ko.“Pa..parang awa mo na, bakit ako? Bakit ako na anak mo..” Hindi ko mapigilan ang sarili na magtanong sa aking ama kung paano niya nagagawang ipambayad ang sarili niyang anak sa mga utang na hindi niya magawang bayaran.“Lilliana anak…ituring mo na lamang itong isang sakripisyo, sorry pero wala nang ibang paraan. Sana maintindihan mo”Tila mga batong dumudurog sa puso ko ang narinig kong mga kataga mula sa aking ama. Bumaling ang tingin ko sa stepsister kong si Regina at ang ina nito na si Mathilda. “Bakit ako…bakit hindi si Regina…” pagmamakaawa ko kay papa upang bawiin ang desisyon niya.Sa isang saglit ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status