Share

I Am the Lawyer's Contracted Wife
I Am the Lawyer's Contracted Wife
Author: peneellaa

CHAPTER 1

Author: peneellaa
last update publish date: 2025-09-18 16:57:38

CRISTIANNA’S POV

“Cristianna Erica Rowanda, we are arresting you for the embezzlement case in Laurel Group of Companies. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in court. You have the right to an attorney, and one shall be provided if you cannot afford one.”

Hindi ko akalain na lahat ng pinaghirapan ko sa ilang taon kong pamumuhay ay mawawala dahil lamang sa isang akusasyon na hindi ko magawang masikmura.

Lahat ng taong ginugugol ay nasayang lang sa isang malamig na metal na gumagapos sa palapulsuhan ko.

“Hindi! T-teka! N-nagkakamali kayo! Hindi ko magagawa ang ibinibintang niyo sa akin!” desperada kong sigaw habang nakatingin sa amo kong puno ng pagkamuhi ang mukha.

Pilit nila akong isinakay sa kotse pero nagwala ako. Hindi pwede! Hindi ko ‘to matatanggap! Hindi ako pwedeng makulong!

And just like that, the life that I was starting to build for myself and for my family crumbled down in just a blink of an eye.

“H-hindi ko magagawa ‘yan! Ni hindi ko nga alam kung ano ang embezzlement na sinasabi niyo!” tanggi ko nang dumating kami sa presinto. Nasa questioning room na ako ngayon, tila kino-korner ng mga mata nilang mapanghusga.

“Hindi mo mapoprotektahan ang sarili mo base lamang sa mga salita mo. Maghintay ka ng abogado,” sabi ng pulis sa harap ko.

Napahampas ako sa mesa. “Wala akong kilalang abogado! Paano ako makakalabas dito kung gano’n?” asik ko. “Hindi ko hahayaang makulong ako sa bagay na hindi ko naman ginawa.”

Mariin lamang akong tiningnan ng pulis. “Kung wala kang kakayahang kumuha ng abogado, pwes kami ang kukuha no’n para sa ‘yo. Sa ngayon, kailangan mo munang manatili rito habang naghihintay sa lawyer mo. Doon lang magsisimula ang trial mo.”

Kumuyom ang mga kamao ko. Nagngingitngit ang loob ko sa frustration, takot, at pag-aalala. Hindi ko alam kung paanong ang normal na araw ko kanina ay nauwi sa ganito. Paano na lang ang pamilya kong naghihintay sa bahay? Siguradong gutom na rin ang mga kapatid ko dahil alam nilang ngayon ang unang sahod ko sa kumpanya.

Pero ngayon… nandito ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, nakaposas, at naghihintay ng taong magtatanggol sa akin.

Hindi ko alam kung matitiis ko pa bang manatili rito habang iniisip kung anong kalagayan ng pamilya ko. Mag-isa lamang doon ang mama kong si Arlynne dahil ang papa ko na OFW sa Canada ay hindi na bumalik. Wala na kaming balita sa kanya ni isang text o tawag. Nawalan na lang kami bigla ng contact na para bang naglaho siya na parang bula. Ni hindi nga namin alam kung buhay pa ba siya roon o kung ano man.

Dahil dito, maaga akong naging breadwinner ng pamilya namin. Sinikap kong makapagtapos upang makahanap ng disenteng trabaho pero hindi ako pinalad dahil hanggang average lamang ako. Itong trabaho ko lamang bilang part ng financial team ang bumubuhay sa amin. Ngayon sana ang unang sahod ko pero nauwi sa ganito.

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumulo ang mga luha ko. I feel so hopeless. Hindi ko alam kung makakawala pa ba ako rito o mananatili na lamang ako rito. I can’t afford a lawyer. Hindi ko nga afford na mag-grocery kahit once a month lang, lawyer pa kaya?

“May hinahanap na kaming corporate lawyer para sa ‘yo, Ms. Rowanda. You’ll meet him soon here. Maghintay ka na lang.”

Nang marinig ko iyon mula sa mga pulis ay nabuhayan ako ng loob. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng liwanag sa gitna ng kadiliman.

Sa wakas!

***

ROCKY’S POV

“Anak, Sloane is getting married. Wala ka bang balak mag-move on?

Napapikit na lamang ako sa boses ni Dad na kanina pa nang-aabala sa akin. I’m working on my schedule and his words are not helping me.

“Dad, could you just stop, please?” naiirita kong pagsusumamo. “Ano naman kung ikakasal na si Sloane? It’s not like I still have feelings for her.”

Tumaas ang kilay ni Dad. “Wala na nga ba talaga?”

Pinanliitan ko lamang siya ng mga mata ko at naiinis na humalakhak.

“She deserves to be with Saint, Dad. Hindi ako atribida para pigilan ang tadhana nila,” sarkastiko kong wika. “At isa pa, I’m working on myself and my career now. Sapat na sa akin iyon. I’m too busy to even feel things all at once.”

Dad hummed, his knowing smirk was obvious. “Well, you’re not getting any younger anymore. Maybe it’s time to think about your plans on settling down.”

Napahinto ang mga daliri ko sa pag-type sa keyboard at tiningnan si Dad nang puno ng disgusto sa mukha. Bahagya naman siyang natawa.

“I’m not planning to get married, Dad. Bakit naman ‘yan pumasok sa isip mo?” singhal ko.

“I just want your future to be secured bago kami mawala ng mama mo,” mala-dramatic na usal ni Dad.

Napairap lamang ito. “Come on, Dad. It’s too early to say something like that. Alam kong nagbabanat pa ang buto mo.”

Pareho kaming natawa ni Dad at kapwa napabuntong-hininga. Sandali kaming natahimik, tanging ang keyboard ko lang ang naririnig at ang maingay na ugong ng printer.

Tumayo si Dad kaya tiningala ko siya. Wala na ang mapaglarong tingin sa mukha niya, puro kaseryosohan lamang habang nakaharap sa akin.

“I’m not joking, Rocky,” he mumbled slowly. “I want you to get married as soon as possible and secure a life before I pass away. Doon lamang ako matatahimik.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “But, Dad—”

My words were cut off when my phone rang loudly. Hindi ko na nakausap si Dad dahil umalis na kaagad siya.

“Hello? Attorney Bouchard speaking…”

“Hello, Attorney? I’m Chief Santos from Nueva Police Station. I requested a corporate lawyer from your firm for someone who can take this case.”

Tumaas ang kilay ko. “What case?”

There was a slight pause. “The embezzlement case of Cristianna Erica Rowanda. The one that was broadcasted a while ago.”

Humigpit ang hawak ko sa phone ko. Another embezzlement case na naman. Hindi ba sila nauubos? Huling kasong kinuha ko ay embezzlement at fraud.

“Are you willing to take this case or not, Attorney?”

My jaw clenched as I felt the slight hesitation in my chest. Ayaw ko munang tumanggap ng kaso dahil gusto kong maging libre ang schedule ko sa araw ng kasal ni Sloane pero may nag-uudyok din sa akin na kunin ito.

I don’t why I suddenly felt this strong pull that I just found myself nodding firmly.

“Yes, I’ll take that case. Send me the details and I will go talk to her immediately.”

Nagpasalamat sa akin ang chief. Binitawan ko naman ang cellhphone ko at napasandal sa aking swivel chair. There’s this slight tug in my chest that I couldn’t explain. I don’t even know if I made the right decision.

Cristianna Erica Rowanda… Why do I feel like I know you?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
peneellaa
welcome po! deserve na deserve!
goodnovel comment avatar
Arlynne Celestial
Wow,thanks author tinupad mo talaga ang pag gamit ng name ko :) Lablab!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 70

    CRISTIANNA’S POVAng lakas din talagang magpa-overthink nito ni Rocky, eh.Okay na okay ang mood ko kanina bago pa magsimula ang hearing. Kung alam ko lang na iisipin ko nang iisipin iyong fake profile ni Henry Rowanda, isang taong hindi naman nag-eexist sa totoong buhay, ay dapat hindi ko na lang in-open up kay Rocky. Aba malay ko bang bibigyan niya pa ng meaning iyong coincidence na iyon. Pero kasi… kung iisipin, kahit papaano ay nagme-make sense naman. Paano nga ba makakabuo ng pangalan iyong tao kung wala siyang inspiration o basis doon, ‘di ba?Kasi naman—ARAY!Gulat akong napalingon kay Rocky noong makaramdam ako ng mahinang kurot sa hita ko. He was looking at me like I was in a sort of manic state.“Bakit?” tanging usal ko.“If I could hear the voices in your mind, I would be deaf.”Napairap ako. “Kasalanan mo ‘to, for your information. Lahat kasi ng bagay gusto mo may logical reasoning.”He scoffed lightly. “I’m a lawyer, langga. I am supposed to think critically and logicall

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 69

    CRISTIANNA’S POVNgayon na ang last hearing ni Rocky bago ang filed leave niya. Apparently, seryoso pala talaga siya sa sinabi niyang magfa-file siya ng leave para makapag-bakasyon kaming dalawa sa Switzerland. Ilang beses ko pa iyong klinaro sa kanya dahil akala ko ay nagbibiro lang siya o nadala sa inis niya kay Ciann.“Rocky, sigurado ba talagang aalis tayo pagkatapos ng hearing mo? Are you sure you’re not just high on emotions right now?” tanda kong pangungulit sa kanya noong nakaraang araw.He only looked at me, ridiculed.“Why would I lie about us going on a vacation? Masama bang magpahinga muna kasama ang asawa ko?”Napakamot ako sa batok ko. “Iniisip ko kasi na baka nadadala ka lang sa emosyon mo…”“What does that even mean? You treat this vacation like my punishment to you.” Natatawa siyang napailing. “Once I’m done with my last hearing, we will go pack our bags and we will go straight to your family just like what we initially planned.”“Nge. Ikaw lang naman ang nag-plano ny

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 69

    CRISTIANNA’S POVNgayon na ang last hearing ni Rocky bago ang filed leave niya. Apparently, seryoso pala talaga siya sa sinabi niyang magfa-file siya ng leave para makapag-bakasyon kaming dalawa sa Switzerland. Ilang beses ko pa iyong klinaro sa kanya dahil akala ko ay nagbibiro lang siya o nadala sa inis niya kay Ciann.“Rocky, sigurado ba talagang aalis tayo pagkatapos ng hearing mo? Are you sure you’re not just high on emotions right now?” tanda kong pangungulit sa kanya noong nakaraang araw.He only looked at me, ridiculed.“Why would I lie about us going on a vacation? Masama bang magpahinga muna kasama ang asawa ko?”Napakamot ako sa batok ko. “Iniisip ko kasi na baka nadadala ka lang sa emosyon mo…”“What does that even mean? You treat this vacation like my punishment to you.” Natatawa siyang napailing. “Once I’m done with my last hearing, we will go pack our bags and we will go straight to your family just like what we initially planned.”“Nge. Ikaw lang naman ang nag-plano ny

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 68

    CRISTIANNA’S POV “Oh come on, langga. Bakit naman sa akin ka pa galit?” Hindi ko pinansin si Rocky at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa opisina ko, nag-iinit pa rin ang mga pisngi dahil sa ginawa niya kanina sa harap ni Ciann. “Langga,” tawag niyang muli pero hindi ko man lang siya sinulyapan at nagdire-diretso lang ng upo sa swivel chair ko. “Cristianna.” “Go back to work, sir,” wika ko habang hinihintay na bumukas ang computer. “No, I will not unless you talk to me,” mas strikto niyang wika pabalik. Aba. Siya pa ‘tong may ganang magalit, ha? Ako nga ‘tong hiyang-hiya dahil sa ginawa niya! Ano bang gusto niyang patunayan kay Ciann? “We should be heading home later, sir, and you still have work to do. Mas okay po yatang doon muna kayo mag-focus,” sabi ko naman. Kairita. Ano bang problema ng computer na ‘to at bakit hindi nagbubukas? Lalo tuloy akong nahihiya kay Rocky dahil hindi ko man lang siya tinitingnan. “We’re doing overtime. Again.” Doon ay umangat ang tingin ko sa kany

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 67

    CRISTIANNA’S POVOur routine returned back to normal after the pro-bono ball. Trabaho rito, trabaho roon. Sa mga lumilipas na araw kung saan papalapit na ang pro-bono month, mas lalong nagiging busy si Rocky. Kabi-kabilaan ang hearings na inaattendan namin, pero lahat naman iyon ay palaging panalo. Nagkaroon din ng small awarding para kay Rocky dahil sa dami ng cases na naipanalo niya.Ngunit kaakibat noon ay ang unti-unting pagliit ng oras namin nang magkasama. Kahit na nasa iisang opisina at bahay lang kami, para na rin kaming hindi magkakilala dahil bibihira na lang ulit kami maglambingan. Magkasabay kaming papasok sa umaga at kakain ng almusal pero kapag dating namin sa opisina ay may sari-sarili na kaming mundo. Bihira na lang kaming kumain sa labas tuwing lunch time at minsan ay ako na lang ang mag-isa sa cafeteria. Dinadalhan ko lang siya ng pagkain pero hindi niya rin naman nauubos dahil ang lagi niyang sinasabi ay sayang daw sa oras ang kumain.Lagi ko siyang sinesermunan pe

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 66

    CRISTIANNA’S POV“Are you wondering kung sino ‘yung humarang sa atin kanina?” tanong ko kay Rocky habang pinapatuyo niya ang buhok ko sa vanity. This time, dito naman kami sa kwarto ko matutulog nang magkasama.“I actually am, pero hindi ko na iyon masyadong iniisip,” sagot niya.“Ako kanina ko pa iniisip habang naliligo ako.” Napanguso ako. “Ang random naman kasi niya. Sino ba ang matinong tao ang biglang manghaharang para lang sabihin na may kahawig akong kaibigan niya? Tapos hindi naman nilinaw ‘yung detalye.”“Don’t think too much of it. It’s probably not even worth it,” he quietly dismissed as he turned off the blower. Kinuha niya ang hairbrush at sinimulang suklayan ang buhok ko.Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang repleksyon niya sa salamin.“You're getting the hang of it.”His forehead knotted, not bothering to spare me a glance as he concentrated on my hair like it was a criminal case he needed to solve.“Of what?”“Of taking care of me,” I chuckled. “Nasasanay ka ng

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 47

    CRISTIANNA’S POV Pagbaba namin sa may pool area, naroon na sina Rocky, Dad, and asawa ni Sloane. Si Mom naman ay nakahiga sa sun lounge habang nakahiga sa tabi niya si Evony na naka-bathing suit. I tightly clutched my robe as if I was afraid that the wind may blow my cover. “There they are.” Si D

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 47

    CRISTIANNA’S POV Pagbaba namin sa may pool area, naroon na sina Rocky, Dad, and asawa ni Sloane. Si Mom naman ay nakahiga sa sun lounge habang nakahiga sa tabi niya si Evony na naka-bathing suit. I tightly clutched my robe as if I was afraid that the wind may blow my cover. “There they are.” Si D

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 47

    CRISTIANNA’S POVPagbaba namin sa may pool area, naroon na sina Rocky, Dad, and asawa ni Sloane. Si Mom naman ay nakahiga sa sun lounge habang nakahiga sa tabi niya si Evony na naka-bathing suit. I tightly clutched my robe as if I was afraid that the wind may blow my cover.“There they are.” Si Dad

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 47

    CRISTIANNA’S POVPagbaba namin sa may pool area, naroon na sina Rocky, Dad, and asawa ni Sloane. Si Mom naman ay nakahiga sa sun lounge habang nakahiga sa tabi niya si Evony na naka-bathing suit. I tightly clutched my robe as if I was afraid that the wind may blow my cover.“There they are.” Si Dad

    last updateLast Updated : 2026-03-29
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status