LOGINMEGAN
Pasado alas kwatro na ng umaga nang magising ako. Bahagya pa akong nagulat nang mapansing wala akong saplot sa katawan. Nang magsink-in sa utak ko ang nangyari kagabi, agad akong napalingon kay Brix na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko.
Megan, what have you done? Bulong ko sa isipan, kasabay ng pangingilid ng aking mga luha. How could you give your virginity to this man na marami ng babaeng naikama?
Mabilis akong nagpahid ng luha. What’s the point of crying over spilled milk? Naging marupok ako, oo. And there’s no way I could undo what had happened.
Dahan-dahan akong bumangon, pinulot ko ang damit na nagkalat sa sahig at mabilis na isinuot ‘yon. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang sakit sa ibang bahagi ng aking pagkababae, pero kailangan ko ng makalayo sa lugar na ‘yon.
Dali-dali akong sumakay ng elevator, ngunit bago pa tuluyang magsara ang p***o, pumasok ang isang babae, bakas sa mukha ang pagkadismaya habang may kausap ito sa cellphone.
“Nasaan ba kasi ang Brix na ‘yon? ‘Langhiya! Buong magdamag niya akong pinaghintay eh di naman sumipot!”
Nagulat naman ako nang marinig ang pangalang binanggit niya.
Brix?
Biglang sumagi sa isipan ko ‘yong ‘birthday gift’ na sinabi niya kagabi.
“Paano yan...” wika ulit ng babae sa kausap niya. “Hindi ko na kasalanan kung nasasayang itong ibinayad niyo sa akin. Sisihin niyo ‘yong gago niyong kaibigan!”
It’s confirmed. Siya pala ang dapat sanang makasama ni Brix, but ended up with me. Was it an accident or sinadya talaga ng gagong ‘yon? Damn it. At ako naman itong si marupok at nagawa ko pang isuko ang bandera ng bataan! Shit.
*********
“Oy girl, buti naman at nandito ka na!” Nakangiting bungad sa akin ng bestfriend kong si Rica, ang newly-promoted na Accounting Associate sa Sterling Crown Company-Quezon City branch. Nauna akong na-promote sa kanya noong isang taon, and this year siya naman. Kaya may makakasama na ako sa mga Accounting works ko dito. I’ve been here for almost ten years na rin, so this job serves as my bread and butter to suffice our daily needs at sa medication na rin ng nanay ko.
“O bakit?” Kaswal ko namang sagot at tumuloy na sa office cubicle ko. Ngunit bahagya naman akong nagulat nang makita ang kumpol ng mga pulang rosas na nakapatong sa table ko.
“Kanino galing ‘to?”
“Eh kanino pa nga ba, kay Alex!”
Hindi pa rin maalis ang mapanuksong ngiti ni Rica habang nakatingin sa akin.
“Sagutin mo na kasi. Matagal ng nanliligaw sa ‘yo ‘yong tao eh.”
“Rica, alam mo naman diba? Ayaw kong matulad sa nanay ko na iniwan ng walanghiya kong ama.”
“O sya, tama na. Baka maiyak ka na naman eh.” Mabilis na awat niya. Alam niya kasi na emosyonal ako pagdating sa usaping pampamilya.
“Hmm, mabuti pa’y tingnan ko nalang kung talagang galing kay Alex ‘yang flowers.”
Agad na itinulak niya ang swivel chair palapit sa mesa ko, pagkatapos, dinampot niya ang card at binasa ng malakas ang nakasulat doon.
“TAKE CARE. FROM SOMEONE AT ROOM 208.”
Napatili siya ng malakas. Buti nalang at sound proof ‘tong opisina namin at di maririnig sa labas ang ingay.
Bigla naman akong kinabahan nang marinig ang nakasulat sa card. Tiyak akong galing ito kay Brix. Gago na ‘yon, at bakit isinali pa talaga ang room number ng hotel.
“Hoy, sino naman ‘to ha?” untag sa akin ni Rica. “Bago mong admirer?”
“Ewan ko, hindi ko naman kilala ‘yan eh.” Boset. At kailangan ko pa talagang magsinungaling at baka malaman pa niya ang katangahang nagawa ko noong gabing ‘yon.
“Hay naku Rica, h’wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Bumalik ka na nga sa trabaho at baka mapagalitan pa tayo rito. Remember, kaka-promote mo pa lang.”
“Yes po, madam,” nakangising tugon niya saka ito bumalik sa mesa niya.
Kinahapunan, naunang umuwi sa akin si Rica dahil may date pa raw sila ng boyfriend niya. Habang nag-aabang ako ng taxi sa labas, biglang may huminto na pulang kotse sa tapat ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang malaman kung sino ang sakay nu’n.
“Hi Megan, uuwi ka na ba?”
Jusko. Heto na naman ang ‘di matatawarang karisma ng lalaking ‘to na talaga namang nakakawala ng wisyo.
“Brix? Bakit nandito ka?”
“I’m here to pick you up.”
Hindi ko gusto ang ideyang ‘yon. Or maybe takot lang ako na baka maulit na naman ang malaki kong katangahan. Nakakawala kasi ng sanity ‘tong h*******k na ‘to eh.
“No Brix. Thanks. Magta-taxi na lamang ako.”
“I won’t take a ‘no’ for an answer.” He insisted at binuksan niya ang p***o ng passenger seat. “Please.”
Napalinga ako sa paligid at napansin kong nakatingin sa amin ang iba ko pang mga kasamahan sa trabaho. Nakakahiya. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumakay na lamang sa kotse niya.
Bahagya pa akong nagulat when he leaned closer to me, para ikabit ang seatbelt ko. I could feel my heart skipped a beat sa simpleng pagkakalapit ng aming katawan. Shit. This is insane.
“Uhm, Megan.” Panimula niyang sabi. “About what happened last time. I’m sorry. Humihingi ako ng tawad dahil nagkamali ako. Akala ko—”
“Akala mo ano, Brix?” Hindi ko napigilan ang paggaralgal ng boses ko as the tears started to form at the corner of my eyes.“Akala mo ako ang regalong inihanda ng mga kaibigan mo para sa iyo? Hindi naman ako ganu’n ka cheap, Brix eh.”
“I’m really sorry, Megan. Nagkamali ako ng kwartong pinasukan.”
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hindi naman ako galit sa kanya, galit ako sa sarili ko dahil nagpadala ako sa karisma niya. Pero hinding-hindi na mauulit ‘yon.
“Megan, please don’t cry. Mas lalo lang akong nagi-guilty sa ginawa ko.” Ipinara niya ang kotse sa tabi ng daan, saka dumukot siya ng panyo sa bulsa niya at ibinigay sa akin.
Nagi-guilty raw siya? Seriously? A womanizer like him, na sanay magpaiyak ng mga babae, makokonsensiya pa pala?
Sinikap kong payapain ang kalooban ko. Baka sabihin niya, nagpa-awa effect ako para pansinin niya. Hoy, kahit wasak na ang pinakaingat-ingatang kong kifay, di pa rin ako maghahabol sa kanya noh?
“Okay lang, Brix. It already happened.” Mariin kong sabi, na pilit pinatatag ang boses. “Besides, balewala naman sa akin ‘yon eh. At mas lalo namang wala lang ‘yon sa ‘yo, I’m sure. Basta h’wag nalang tayong magkita ulit. I hope this gonna be our last meeting.”
Napansin ko ang pagkulimlim ng mukha niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. The hell I care. Whether he likes it or not, at least napatunayan niyang hindi lahat ng babae, magkandarapa sa kanya.
“Bababa na ako, Brix. Malapit lang naman dito ang bahay namin. Thanks sa paghatid.”
Akmang bubuksan ko na ang p***o ng passenger seat nang pigilin niya ang kamay ko.
“Megan, I just want you to know na hindi ko gagawin ang sinasabi mo. I’ll make sure, hindi ito ang huling pagkikita natin.”
Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ano yon, di niya ako titigilan? Unbelievable for a womanizer like him, huh?
MEGAN"Ano ba kasi ang nangyari kagabi Mira? Bakit sinumpong na naman si Nanay?" Seryoso kong tanong sa kapatid ko nang magkasarilinan kami sa labas ng hospital room. Salamat at nakatulog na si Nanay after maturukan ng pampakalma. Akala ko kagabi pag-uwi ko magiging okay na siya, pero bigla na namang nagwawala kaninang madaling araw. Kaya nagdesisyon na ako na dalhin siya rito sa ospital."Sabi po ni Cheche—"Ang tinutukoy niya ay ang sinus'welduhan kong magbabantay kay Nanay kapag may trabaho ako at may pasok si Mira sa school."Naglilnis lang naman daw si Nanay kahapon sa lumang cabinet at nakita daw yong picture ng babae na 'yon kaya siya nagwala at iyak ng iyak."My heart felt heavy for my mother. Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nawala sa isip niya ang masakit na pangyayaring 'yon.I was still eleven that time and Mira was eight nang iwan kami ni Tatay."Alam mong hindi kita mahal, Aurora. Wala akong ibang babaeng minahal kundi si Mercedez lang."Sariwa pa sa isipan
BRIXInis na inis ako habang nakatingin kay Megan na masayang nakikipag-usap kay Jake. Kahit gaano ko kontrolin ang sarili ko, I really couldn't help myself from getting jealous. Shit! Bakit ba ako nagkakaganito sa isang babae? At sa anak pa talaga ng taong kinamumuhian ko? Tsk. Totally absurd!"Hoy, okay ka lang ba?" bulong sa akin ni Carla. "I guess, you're out of your mind. Nakakahiya sa ibang mga executives."Bigla akong natauhan sa sinabi niya kaya agad kong ibinaling ang atensyon sa mga kausap ko. "Uhm, sorry gentlemen for not paying attention. Pagod lang siguro ako.""We understand, Mr. de Silva. Maybe, masyado mo lang iniisip ang responsibility mo as the new CEO of the company."Nagkatawanan ang lahat. Napangiti na rin ako sa sinabi nila. Hindi ko naman iniisip 'yon because I believe I can handle my responsibilities as CEO. Bago ko pa tinanggap ang posisyon, inihanda ko na ang sarili ko sa pressure, expectation at problema na maaring kakaharapin ng kumpanya. But tonight, none
MEGANNang makabalik na ako sa mesa namin, saka palang medyo kumalma ang tibok ng aking puso. Akala ko katapusan ko na. Isa talagang malaking kahihiyan kung naabutan ako ng mga empleyado sa loob ng men's room na kasama si Brix.Gago talaga 'yong lalaking 'yon! At ginamit pa talaga ang sitwasyon para maamin ko sa kanya na nagseselos ako kay Carla. Pucha. Yon pala, wala namang sense ang pagseselos ko, dahil pinsan lang pala niya 'yon. Pero honestly, para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib, knowing na hindi niya babae si Carla.Napailing ako habang umiinom ng tubig, hoping it would somehow calm the heat creeping up my face. I saw Rica from a distance, talking to some of the female employees. Kahit saan naman mabilis lang itong nakakahanap ng bagong kaibigan. Kaya hahayaan ko na lang muna siya para ma-enjoy naman niya ang moment sa pakikipagdaldalan sa iba kaysa naman tinutukso niya ako kay Brix."Hi."Kaagad akong napalingon sa taong nagsasalita sa likuran. "Jake, ikaw pala." Muli n
BRIXFor a few seconds, nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang pinakiramdaman ang papalayong mga yabag."Nagseselos ako."Those words kept replaying inside my head.She actually admitted it. Megan was jealous of Carla. And for some damn reason, I couldn't stop from smiling.“Anong nginiti-ngiti mo dyan?" Aniya at pilit na kumawala sa pagkakakulong niya sa mga bisig ko."You really said it," I murmured.Napairap siya. "Oo na. Sinabi ko na. Happy?" She raised her eyebrow. "As if naman may choice ako, kung hindi nga lang ako natakot na makita nila ako rito, hindi ko sasabihin 'yon.""Whatever. Basta ang mahalaga nasabi mo na. And I knew you're telling the truth."Muli siyang napairap, pero hindi ko na lang iyon pinansin. A small smile crept across my lips. Kanina lang, halos mabaliw ako sa selos nang makita ko siyang sumasayaw kasama si Jake. I couldn't stand the way that man looked at her, let alone the way he held her close.Pero ngayon? After she said she was jealous of Carla,
MEGANBigla akong kinabahan sa posibilidad na si Brix nga ang nagpatigil ng music sa dance floor. But why would he do that? Jusko. Mas lalo kumabog ng malakas ang puso ko nang maalala kung paano niya ako tiningnan kanina habang kasayaw ko si Jake. Gago talaga. Ano bang pakialam niya? Eh siya naman itong sweet habang kasayaw ang isa sa mga babae niya."Hoy, sino naman 'yon ha?" tanong sa akin ni Rica nang makabalik na ako sa table namin. "Kumuha ka lang naman ng maiinom kanina, pero the next time I saw you, you were already in the dance floor with that handsome young man!""Si Jake Fernandez 'yon, bago kong kakilala. He is the Marketing Manager here.""Wow. Manager pala! Hanep talaga. Puro mga bigatin ang nagkakainteres sa 'yo, girl. Iba na talaga 'pag maganda." Panunukso na naman ni Rica. "Pero, lagot ka!"Bahagya akong napakunot-noo sa tinuran niya. "Bakit?""Alam mo bang hindi maipinta ang mukha ni Sir Brix, nang makita niyang nakipagsayaw ka sa Jake na 'yon? I'm sure he was jealous
MEGANMedyo napahiya ako sa iniisip ko. How could I thought that Mercedez Sterling de Silva was my father's second woman? Jusko. Hindi na ako nakapag-isip ng tama. Mayaman si Mercedez, paano niya papatulan ang isang mahirap na lalaki na tulad ng tatay ko? Tama si Brix. Marahil magkamukha lang ang Mommy niya at ang babaeng sumira sa pamilya namin. "Hoy, girl. Are you okay?" Rica suddenly snapped me back to reality. "Parang wala ka sa sarili mo." "Ha?" Napakurap ako at agad na natauhan. Kanina pa ako nakabalik sa bulwagan, pero hindi ko naman napapansin ang mga nangyayari dahil kung saan-saan lumilipad ang isip ko. "What are you thinking about?" Muling kumislap ang mga mata niya. Parang alam ko na ang kasunod nito."Hmm, si Sir Brix ba?"Sabi ko na nga ba eh. Tutuksuhin na naman ako neto. "Bakit lagi mo na lang siyang isinasama sa usapan ha?" Pairap kong sabi at bahagya ko pang itinaas ang isa kong kilay. Ngumisi lang siya, halatang nag-eenjoy sa panunukso niya sa akin. "Hmm. Kunwari







