LOGINBRIX
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Megan. Kahit lasing ako kagabi hindi ko pa rin naman nakalimutan ang nangyari sa amin. Who would have thought that I’d actually fvcked a virgin?
Nang mga sandaling ‘yon, biglang tumunog ang cellphone ko.
“Hello.”
“Hello, bro, nasaan ka pala ngayon?” bungad na tanong sa akin ng kaibigan kong si Mark. “Sabi ng babaeng binayaran namin hindi ka raw sumipot.”
“Ha? A-anong hindi sumipot? I fvcked someone last night. Nandito pa nga ako ngayon sa room ng hotel eh.”
“Oh really? Sige nga, anong room ‘yan?”
“Room 208, bro.”
“Ano?” bulalas ni Mark na halatang nabigla. Huminga muna ito saka muling nagsalita. “Bro,108, hindi 208. Anak ng—"
Napangisi lang ako sa sinabi niya. Alam ko naman ‘yon, but I planned for it. Nakita kong pumasok si Megan dito kagabi, kaya sinundan ko siya. Why not? Nang dahil sa tatay niya, nagawang iwan ni Mommy si Daddy, kaya kung hindi ko man mapaghigantihan ang taong ‘yon, well at least sa anak niya. And I’ll make sure that woman will pay for her father’s sin. ‘Yon ang sigaw ng utak ko but my heart seemed to disagree.
Bigla akong natahimik as a sense of guilt creeped in. Damn it!
“So sino naman ‘yong malas na babaeng nakasiping mo last night?” natatawang tanong ni Mark.
“Si Megan Castillo, remember her?”
“Megan? Yong may crush sa ‘yo noong college? Alam mo bang pinopormahan yan ng pinsan kong si Alex pero hanggang ngayon hindi pa rin maka-score? Samantalang ikaw, isang atake mo lang, sapul na kaagad. Ibang klase ka talaga bro!”
Narinig ko ang malutong na pagtawa ni Mark sa kabilang linya. Pero hindi naman ako natuwa sa sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang naramdaman ko.
******
“Bakit nandito ka na naman Brix? naiinis na tanong ni Megan, nang muli ko siyang puntahan sa pinagtatrabahuan niya. Buti nalang, I kept my low-profile kaya walang nakakaalam na apo ako ni Don Rodrigo Sterling, ang CEO ng kumpanya.
“Di ba sabi ko, ayaw na kitang makita pa?”
“Bakit bawal bang sunduin ang girlfriend ko?” Hindi ko alam kung bakit ko naman nasabi ‘yon. Pucha. But I’m sure it’s just a part of my plan.
“Girlfriend? Paano mo naman ako naging girlfriend, aber?”
“It all started in room 208, baby,” nakangiti kong sagot.
Bahagya kaming natigilan nang may tumikhim sa likuran.
“Oh I see. So ikaw pala Brix ang nagpapadala ng mga bulaklak kay Megan.”
Agad akong napatingin sa babaeng nagsasalita. Hindi ko siya kilala pero parang familiar siya sa akin.
“Ako nga pala si Rica. You don’t know me, pero ikaw kilala ko, dahil famous ka naman sa San Beda.”
“Oh I see.” Ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya.
“So ikaw pala ‘yong someone from room 208, huh?”
Hindi ako sumagot ng ‘oo, ngunit hindi ko rin naman ipinagkaila ‘yon.
“Ikaw girl ha, masyado kang secretive. Hindi mo naman sinabi na boyfriend mo na pala itong si Brix. Akala ko ba ayaw mo pang magkarelasyon?”
“Hays, totoo ngang first love never dies noh?” Rica softly chuckled like she already knew the whole story.”
“Ako ba ‘kamo ang first love nitong kaibigan mo, Rica?”
Megan shot her a warning glare, her eyes practically saying, “Huwag kang magkakamaling ilaglag ako.” She then turned to me with one intent look.
“Hindi noh, napaka-conceited mo naman. At saka girl,” baling niya kay Rica. “Hindi ko naman boyfriend ‘tong lalaki na ‘to eh. Masyado ka namang nagpapaniwala sa mga sinasabi niya.”
“Ows, di nga ba, di ba may nang—” Biglang naputol ang gusto kong sabihin dahil tinakpan ni Megan ang bibig ko. Tawang-tawa tuloy si Rica habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
“Tayo na Brix.”
Bigla niya akong niyaya siguro para matigil na ang usapan at baka mas lalo lang siyang tuksuhin ng kaibigan niya.
Nang makapasok na kami ng kotse hindi na siya nakapagpigil pa at sininghalan niya ako. “Ano nga ba namang pumasok sa kukute mo Brix de Silva at sinabi mo kay Rica na boyfriend kita?”
“Di nga ba?” I responded with a smile, a subtle one that I knew would be difficult for her to resist.
“Gago ka talaga, wala tayong relasyon ano?”
“Yep, wala nga pero dahil may nangyari na sa atin, kaya for me, girlfriend na kita at may karapatan na ako sa ‘yo.”
“May boyfriend na ako.”
My brows furrowed in an instant as my grip tightened around the steering wheel. Parang gusto kong burahin sa mundo kung sino man ‘yong lalaking tinutukoy niya.
“Who is that fvcking bastard, who has the nerve to steal my woman?”
“It’s none of your business, Brix. Basta ang alam ko lang, he is kind, loyal at higit sa lahat one man-woman, hindi kagaya mo!”
Para akong sinampal ng ilang beses sa sinabi niya. Kung sa ibang babae ko narinig ‘yon, I wouldn’t mind it, but coming from Megan, that’s another story!
“Well kung sino man siya, you better break things off with him dahil akin ka lang. And there’s no way, I won’t let another man touch you, or I’ll hunt him down.”
Tiningnan niya ako ng masama bago napailing. “You’re unbelievable, Brix.”
“What?”
“You don’t get to decide who I date. Wala kang karapatan.”
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa daan. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili kong wala akong pakialam, dahil bahagi lang naman ito ng paghihiganti ko pero bakit hindi maalis sa isip ko ang sinabi niyang may boyfriend na siya. At ang mas nakakainis? Ikinukumpara pa niya ako sa lalaking ‘yon!
“So, you really love him?” I asked, trying to sound casual.
“Yes.” Mabilis niyang sagot.
Isang salita lang, pero sapat na iyon para kumirot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon kalaki ang naging epekto sa akin ng sagot niya. I had been with countless women before, and I never cared if they chose another man after me.
Pero kay Megan, bakit ganito nalang ang epekto sa akin? Shit!
For some reason, the thought of another man holding her and making her smile made me jealous. Damn! I had never felt this before. But no! I couldn’t let myself lose this game.
“Brix, let me make one thing clear.” Untag niya in a more serious tone. “Whatever happened between us that night was a mistake. Nothing more.”
Napahigpit ang hawak ko sa manibela.
“A mistake?”
“Yes.”
Hindi ko alam kung bakit masakit na marinig na isang pagkakamali lang ‘yon sa kanya. Pero hindi ako sumagot. Instead, I gave her a gentle smile. There’s no point na makipag-argue ako sa kanya ngayon at baka masira pa ang mga plano ko.
Nagkaroon ng katahimikan. Seryoso lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, habang nakatuon naman ang atensyon ko sa pagmamaneho. Well, kung gusto niyang ituring na mistake ang nangyari sa amin, so be it. But for me? It was only the beginning of my dangerous game—to make her fall for me, only to break her in the end.
MEGANNapakurap ako at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit tila kailangan ko pang isipin nang mabuti ang isasagot ko. Tutal, wala naman akong boyfriend at wala ring masama kung tatanggap ako ng imbitasyon mula sa isang lalaking gustong makilala ako.“That's very thoughtful of you, Alexander. I—”“She's not available.”Muntik akong mapalingon nang marinig ang malamig na boses ni Brix. Alexander chuckled. “Really? May prior commitment ba siya?"“Yes. She does.”“May I know what it is?”Bago pa makasagot si Brix, agad akong sumingit. “Actually, I don't think I have any plans yet, sir.”Napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya, halatang hindi niya nagustuhan ang sinasabi ko. Pero wala naman siyang karapatang pagbawalan ako kung sinong idi-date ko.“Then perhaps I can get your number, Megan.” Nakangiting sabi ni Alexander. "Okay lang ba sa 'yo?"“Sure. That would be—”“Megan.”Napalingon ako kay Brix. Diretso ang tingin niya sa akin, at may kung anong babala sa mga mata nito.“Yes, s
MEGANAlas-sais y medya na ng gabi nang tuluyan kong maisara ang huling folder na kailangan kong ayusin para sa meeting ni Brix kinabukasan. Halos buong araw akong nakatutok sa mga dokumento, nag-aasikaso ng kanyang mga appointment, at nakikipag-ugnayan sa iba't ibang departamento. Akala ko, pagkatapos ng lahat ng iyon, makakahinga na ako nang maluwag. Pero hindi pa pala kasi kailangan ko pang samahan si Brix sa business dinner niya. “Megan.”Napalingon ako sa may pintuan ng opisina ko.Nakatayo roon si Brix, nakasuot ng charcoal-gray suit na bumagay sa malapad niyang balikat. Bahagyang nakabukas ang unang butones ng puting polo niya, at walang suot na kurbata. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya, ngunit may ilang hiblang bahagyang nakalaylay sa noo niya na lalo lamang nakadagdag sa sex appeal niya. Damn him. Bakit kailangan pa niyang magmukhang gwapo?“Yes, sir?” mahinahon kong sagot.“Are you ready?”Kinuha ko ang bag ko at tumayo. “Yes, sir. Naipadala ko na rin ang confirmation
MEGANPagkalabas ko ng opisina ni Brix, agad akong napabuntong-hininga. Saka pa lang gumaan ang pakiramdam ko. Kanina para akong nakasalang sa apoy kahit malamig naman ang aircon sa loob. Hindi ko maiwasang maapektuhan sa presensya niya. Bwesit.“Gago ka talaga, Brix,” bulong ko habang naglalakad papunta sa opisina ko.Katabi lamang ng executive office ang bago kong workplace. Isa itong medium-sized na silid na may malawak na salaming dingding na naghihiwalay rito sa opisina ni Brix. Mula sa loob, malinaw kong natatanaw ang halos kabuuan ng kanyang opisina—mula sa malaking executive desk, sa mga estanteng puno ng makakapal na folders, hanggang sa malalawak na bintanang nagbibigay-tanaw sa malaking lungsod.Ngunit ang pinakanapansin ko ay ang maliit na pintuan sa gilid ng salaming dingding. Dahil magkadikit lamang ang dalawang opisina, may nakalaang pintuang nagdurugtong sa lugar ko at sa executive office ni Brix. Hindi ko na kailangang lumabas sa main door para puntahan siya sa tuwing
MEGANHabang papalapit ako sa executive office, mas lalo akong kinakabahan. Pero tama naman si Rica. Trabaho lang walang personalan. Ilang sandali pa'y nasa harap na ako ng opisina ni Brix.It's just work, Megan. You can do this. Huminga ako ng malalim. Dalawang beses akong kumatok bago marinig ang pamilyar na boses niya.“Come in.”Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at pumasok. Nasa likod siya ng malaking mesa, abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. Nakasuot siya ng itim na long-sleeved polo na bahagyang nakatupi ang manggas hanggang siko. Bahagyang nakayuko ang ulo niya habang may sinusuri sa laptop, kaya hindi niya agad napansin ang pagdating ko.“Good morning, sir.”Nang marinig ang boses ko, agad siyang nag-angat ng tingin. Sandali siyang natigilan bago isinara ang laptop niya. “Miss Castillo,” aniya, tila sinasadya ang paggamit ng apelyido ko. “You're here.”“Yes, sir. I was instructed by Mrs. Reyes to report to your office today. I'm ready to begin my duties as your persona
MEGANNagdaan pa ang mga araw at nakalabas na rin si Nanay ng ospital. Pero sabi ng doktor, maselan pa rin ang kalagayan niya. Anytime, pwede pa ring bumalik ang emotional breakdown niya lalo na kung may mga masasakit na bagay na makakapagpaalala sa kanya.Isang umaga, habang nasa sa office desk ako, bigla akong pinapatawag ng manager namin. Hindi ko maiwasang kabahan dahil baka may nagawa akong pagkakamali."Good morning, Ma'am," magalang kong bati nang makapasok ako sa opisina niya.Tumango lang si Mrs. Reyes, hindi man lang ngumiti. Well, sanay na kami ni Rica sa kanya, laging seryoso pero hindi naman galit. "Ma'am pinapatawag niyo raw po ako?"Nag-angat siya ng tingin at saka inabot sa akin ang isang pirasong papel. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang mabasa ang nakasulat, "Notice for Promotion."Promotion?Ako?“Ma'am, ano po ito?” hindi ko napigilang itanong.“Hindi ba malinaw ang nakasulat diyan, Miss Castillo?” malamig niyang sagot. “You're being promoted.”Parang biglang na
MEGAN"Girl, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Rica nang makabalik na ako sa opisina. Marahan lang akong tumango at umupo sa office cubicle ko. "Teka lang, ba't namumula 'yang mata mo?" muli niyang tanong at dahan-dahang tinulak ang office chair niya palapit sa akin. "Hmm. Parang alam ko na kung bakit."Hindi ako sumagot, nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Ayaw ko munang magkwento sa kanya at baka muli na naman akong maiyak. "Alam mo bang nagtanong si sir Brix kung 'asan ka? Siguro nagtaka dahil ako ang pumunta sa office niya para kunin ang mga dokumento. Eh kaso, hindi pa raw siya tapos pumirma eh. Babalikan ko pa mamaya."Hindi pa rin ako umimik. Nakatutok lang ang mata ko sa screen ng computer. Hindi na rin niya ako kinulit pa at bumalik na siya sa mesa niya. Ilang minuto ang lumipas at tumunog ang intercom sa gilid ng table ni Rica. "Yes, sir." Narinig kong sabi niya. "I'm sure si Brix ang kausap niya. Baka pinapakuha na ang mga dokumento. Nang maibaba ang telepono tumingi







