Share

CHAPTER 25

Penulis: Marie Orson
last update Terakhir Diperbarui: 2023-07-02 18:57:26

CHAPTER 25

THIRD PERSON

"Huang Shang, pumili na po kayo kung sinong pupuntahan niyo mamayang gabi." Sabi ni Zhu Gonggong sa emperor.

Pumasok naman ang isang eunuch na may dalang tray kung saan nakalagay ang nameplate ng mga paboritong concubine ng emperor.

"Kay Zhen Pin ako pupunta." Sagot ng emperor na hindi man lang bumaling sa eunuch at patuloy lang sa pagbasa ng mga dokumento.

Nagkatinginan naman ang dalawang eunuch.

"Huang Shang..." Nag-aalangang tugon ni Zhu Gonggong. "Wala po ang pangalan ni Zhen Pin sa tray."

Nag-angat naman ng tingin ang emperor at bumaling sa tray. Napakunot na lang ang noo niya nang makitang wala nga ang pangalan nito.

"Bakit wala?"

"May sakit daw po si Zhen Pin Niangniang at nakiusap na huwag daw po munang ilagay ang pangalan niya." Sagot ni Zhu Gonggong. "Huwag din daw po sana kayong pumunta ngayon, ayaw niya daw na mahawa kayo."

Alam naman ng emperor na ginagawa lang 'to ni Zhen Pin para iwasan siya, kaya wala siyang magagawa kundi pabayaan muna ito.

"NA
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • I Become A Concubine   EPILOGUE

    EPILOGUE[This is only a work of fiction.]"Emperor Ju-Long or Ju-Long Huang Di was the sixth emperor of Qing dynasty. Born Hongchi, he ruled China after the death of his father, the former emperor. He was the third son of Empress Dowager Lanxiaoyi, the empress of the former emperor."Sinulat ko ang buod ng tinuturo ko sa board upang may sundan ang mga estudyante ko."Some historians say that he only ruled for 9 years. Some say that he ruled for 10 years. Even his age when he died is unknown to them. They don't also know what is the cause of his death.""Ma'am," pagtataas ng kamay ng isa kong estudyante. Tumango ako upang sabihin na pwede niya nang sabihin kung anong gusto niyang sabihin. "Some historians said that he was poisoned by one of his concubines.""Yes. Because, when they checked his preserved body again, they found some signs of poisons," tugon ko. "What's your name?""My name is Wang Sile, Ma'am," sagot ng lalaki kong estudyante."It seems like you studied in advance, Wang

  • I Become A Concubine   CHAPTER 50

    CHAPTER 50THIRD PERSONIlang taon na ang nakalilipas nang mamatay ang emperor. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang maupo ang batang si Long Jin sa trono. Sa tulong ng angkan ng mga Shen at Lin, naging maayos naman ang pagpapatakbo sa buong imperyo. Ngayong labing-siyam na siya, siya na ang namamahala rito. Ngunit sa tagal ng panahon na tinulungan siya ng mga Shen at Lin ay nakakuha rin ang mga ito ng labis na kapangyarihan. Ngunit tapat naman ang mga ito sa kaniya kaya 'di siya nababahala rito.Tuluyang napunta sa kaniya ang trono nang tumuntong siya sa labing-dalawang taong gulang. Kahit na bata pa ay nakitaan na siya ng galing sa pamamahala. Kaya kahit na duda ang ilang mga opisyal sa pagkamatay ng dating emperor, 'di na nila 'to inisip pa. 'Di maipagkakailang mas gusto ng mga opisyal at ng mga tao si Long Jin kaysa sa dating emperor. Kaya naman nakilala siya ng mga ito bilang Huisong.Sa edad na labing-limang taong gulang, sa angkan ng mga Baturu nagmula ang napangasawa niya at

  • I Become A Concubine   CHAPTER 49

    CHAPTER 49ZHEN GUI FEI"Niangniang, nandito po si Baturu Chang Zai," wika ni Ying Gugu.Napabuntong-hininga ako. "Papasukin mo siya.""Niangniang," bati sa'kin ni Baturu Chang Zai pagkapasok at sandaling tumungo. Binigyan naman siya ni Ying Gugu ng mauupuan."Gugu, maaari mo ba kaming iwan sandali?" Magalang niyang tanong dito.Tumingin naman sa'kin si Ying Gugu upang humingi ng sagot. Tumango naman ako at sumenyas na maaari niya kaming iwan. Pagkaalis niya ay sumunod ding umalis ang iba pang mga tagapaglingkod."Ano na?" Asik niya. "Nakapagdesisyon ka na ba?""Sabi ko na nga ba't 'yan na naman ang dahilan kung ba't ka nandito.""Magdadalawang linggo na simula nang mamatay ang empress," wika niya. "'Di ka pa rin nakakapagdesisyon?""'Di gan'on kadali magdesisyon," tugon ko. "Lalo na't ang buhay ng emperor ang pinag-uusapan natin dito.""Mahal mo pa ba siya?""Hindi sa gan'on–""Kung gan'on ay anong pumipigil sa'yo?" Tugon niya. "Ayaw mo pa bang matapos ang kwentong 'to? 'Di ka pa ba

  • I Become A Concubine   CHAPTER 48

    CHAPTER 48ZHEN GUI FEI"Niangniang," bati sa'kin ni Zhu Gonggong. "Nais po ng emperor na malaman n'yong nasa may bayan na po ang mga rebelde. Ngunit 'di n'yo raw po kailangang mag-alala dahil handa ang palasyo sa magiging pag-atake nila.""Naiintindihan ko, Zhu Gonggong. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa harem.""May isa pa po, Niangniang.""Ano 'yon?""Hangga't 'di pa raw po humuhupa ang rebelyon, 'di raw po maaaring lumabas sa palasyo niya ang empress. Kapag tapos na raw po ang laban, ipapataw na ang mga parusa."Napataas ang kilay ko. "May sakit ang empress. Kahit pilitin ko pa siya, 'di rin siya lalabas. Sabihin mo sa emperor na 'wag siyang mag-alala.""Maraming salamat, Niangniang," tugon ni Zhu Gonggong. "Mauuna na po ako."Pagkalabas ni Zhu Gonggong, lumapit sa'kin si Ying Gugu na may dalang tsaa at panghimagas. Nilapag niya ang mga dala niya sa tabi ko. Kumuha ako ng isa, ngunit imbes na kainin ay tinignan ko lang ang panghimagas na hawak ko."Ayaw n'yo po ba, Niangniang?"

  • I Become A Concubine   CHAPTER 47

    CHAPTER 47ZHEN GUI FEI"Niangniang," wika ni Ying Gugu. "Handa na po ang lahat ng pinahanda n'yo."Lumapit sa'kin si Yue at binigay ang lalagyan na may lamang kandila, panindi, at papel na may nakasulat na Shen Sheng Ling. Napatingin ako sa bintana. Bilog na bilog ang buwan."Magsuot ka nito, Niangniang," muling wika ni Ying Gugu bago ako suotan ng balabal. "Para 'di ka lamigin, Niangniang.""'Di ba talaga kami maaaring sumama, Niangniang?" Tanong naman ni Yue.Ngumiti ako. "Walang mangyayari sa'kin. 'Wag kayong mag-alala.""Sinong tao ba ang pupuntahan n'yo, Niangniang?" Tanong naman ni Ying Gugu. "Matagal na 'ko rito sa palasyo. Baka kilala ko siya.""Sundin n'yo na lang ang utos ko at manatili rito sa palasyo," tugon ko. "Mahalagang bagay 'to. 'Wag n'yong subukan na sumunod."Tumungo sila. "Naiintindihan namin, Niangniang."Umalis na 'ko sa palasyo at nagtungo sa may hardin. Habang naglalakad ay sinisiguro kong walang taong sumusunod o makakakita sa'kin. Mabuti na lang at binigyan

  • I Become A Concubine   CHAPTER 46

    CHAPTER 46ZHEN PIN"Wala pa rin ba?" Naiinip na tanong ni Batkhaan Chang Zai habang hinihintay namin na papasukin kami ng empress para batiin siya. Ngunit ilang minuto na, wala pa rin."Maghintay lang tayo, Meimei," wika naman ni Zhi Pin.Wala namang nagawa si Batkhaan Chang Zai kundi ang bumuntong-hininga."Jiejie," tawag naman sa'kin ni Wei Meimei. "May alam ka ba kung ba't 'di pa rin tayo pinapapasok ng empress?""Wala rin akong alam, Meimei."Lahat kami ay napatingin nang makitang lumabas si Lu Momo.Tumungo siya sa'min. "Paumanhin sa abala ngunit 'di n'yo na kailangan pang bumati sa empress ngayon. Maaari na kayong bumalik sa inyong mga palasyo. Simula rin ngayon, kanselado na rin ang pagbati sa empress tuwing umaga. 'Di n'yo na kailangan pang pumunta. Si Zhen Pin lang din ang maaaring maiwan ngayon upang makapag-usap sila ng empress.""Maaari ba naming malaman kung bakit, Lu Shan?" Tanong ni Zhi Pin."May sakit ang empress ngayon at pinayuhan siya ng mga doktor na 'wag munang p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status