Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2022-06-24 14:19:16

Kabanata 2

Slap

"TYSON Clyde Kratts is my name, woman."

Kusang napa-baling ang ulo ko sa pinanggalingan ng barito at malamig na boses na iyon. Pagkalingon ko sa likuran ko, halos mawalan ako ng hininga ng makita ko ang matipunong bulto ng lalaking huli kong hinihiling na makita sa gabing ito.

Napalunok ako ng mariin ng maisip kung tama ba ang narinig ko sa kanya. Kung... siya nga ba ang lalaking bumili sa akin ngayong gabi?

Napatunayan ko iyon ng gulat na lumapit sa kanya si Mommy Gai ng natataranta.

"M-Mr. Kratts! Jusko! Bakit pa kayo bumababa at pumunta rito sa backstage! Nakakahiya naman!" Pilit na biro niya pa sa katabi niya na ngayong lalaki na hindi man lang siya pinagtuunan ng pansinin.

Sa mga mata ko pa rin kasi nakatutok ang madilim at iritadong mukha ni Tyson Clyde Kratss. Habang ako, sa kabilang dako, halos manginig na ang dalawang binti dahil umaahon na naman sa kaibuturan ko ang matinding takot at kaba na. Napapansin kong lagi ko na lang nararamdaman kapag nagkakatitigan kami.

Para akong laging takot sa madilim niyang mga mata dahil pakiramdam ko, habang patagal ng patagal ko iyong tinititigan, mas lalo lang akong nakukulong at natatali sa hindi ko nakikitang rehas at kulungan.

Napalunok ulit ako ng mariin sa matinding kabang gumapang sa dibdib ko ng hindi pa rin inaalis ni Mr. Tyson Clyde Kratts ang madilim at galit niyang titig sa akin.

Ni hindi ko nga alam kung bakit galit siya kung makatitig sa akin ngayon. Gayong... wala naman akong matandaang masamang ginawa sa kanya. At una pa lang namin itong malapitan na pagkikita.

Pagkikita...

Nang masambit ko ang salitang iyon sa isip ko. Parang may tumunog na door-bell sa utak ko at agad kong mabilis na hinagod ang kabuuan ni Mr. Tyson Clyde Kratts ng tingin simula sa guwapo niyang mukha na sa unang tingin mo pa lang, sumisigaw na ng pagka-malupit at pagka-arogante. Siya iyong tipo ng lalaking masasabi mong araw-araw na lang galit dahil lagi na lang magkasulubong ang kilay.

Pero kahit naman galit siya tignan, mas lalo siyang nagiging guwapo. Sa purong itim niya pa lang na mga mata at mahahabang talukap, papunta sa matangos niyang ilong at mapupulang labi. Masasabi mong makalaglag panty siya sa mga babae. Na siguro, kahit tayuan niya lang ang kahit na sinong babaeng gustuhin niya. Mapapasagot niya na agad ito ng walang kahirap hirap makita pa lang ang perpekto niyang mukha.

Hindi pa kasama sa listahan kung gaano katipuno ang katawan niya. Na kahit may suot naman siyang suit ngayon, makikita mo pa rin kung gaano kaganda ang hubog ng katawan niya gamit lang ang mga mata mo dahil yumayakap ang suot niya sa kanyang mga muscles.

Napa-iwas ako ng tingin sa kanya sa hiya sa sarili ko dahil parang pinagnanasahan ko naman sa isip ko ang lalaking ito! Argh! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganoon ko siya isipin?! Baliw na ba ako?! Dapat galit ako sa kanya dahil siya yung bumiling lalaki sa akin!

"Mr. kratts! Naku! Pinagpapawisan na tuloy kayo! Bakit kasi kayo pumunta rito sa backstage, e!" Boses ni Mommy Gai na ngayon lang ulit pumasok sa pandinig ko kahit na alam kong kanina pa siya salita ng salita sa aroganteng kaharap niya.

Narinig kong malakas na suminghap si Mr. Tyson Clyde Kratts kaya napalingon ulit ako sa kanya. Kumalabog ang puso ko ng magtama ulit ang paningin naming dalawa, pero this time, nakita kong kumislap ang mga iyon sa pagnanasa.

"I came all the way here just to ensure that she will not decline my offer. Good thing I heard her accept it, because if she don't," sinadya niyang putulin ang sinasabi para mapanuyang dilaan ang pang-ibabang labi niya habang nakatingin pa rin ng mabagsik sa mata ko.

Mas lalo akong hindi naka-imik. Umiwas na lang ulit ako ng tingin. Alam ko kasi ang gusto niyang iparating kahit hindi niya kumpletuhin iyon. At iyon ay totoo-nin niya ang banta niyang ipapasara niya sa Zeus club kapag tumanggi ako.

Mas lalong naging mapakla ang tawa ni Mommy Gai sa kanya kaya napatingin ulit ako sa gawi nilang dalawa. "Ikaw naman Mr. Kratts! Grabe ka naman! Ipapasara agad?! Hindi ba p'wedeng papa-hold-up muna?! S***a ka?!" hampas ni Mommy Gai sa matipunong braso ni Mr. Kratts. Malakas iyon, at alam kong kasama sa hampas niyang iyon ang pagkamuhi niya kay Mr. Kratts dahil sa ginawang pananakot nito sa kanya!

Kunot noo siyang binabaan ng naninimbang na tingin ni Mr. Kratts. Siguro ramdam niya na literal na hampas iyon at hindi pabiro.

Nginitian ng hilaw na lang naman siya ni Mommy Gai.

"Is she ready?" malamig niyang pag-iiba ng usapan bago ulit tumingin sa gawi ko.

Ako na sana ang sasagot niyon. Hindi ang isasagot ko para makapag-ayos pa sana ako ng sarili at maihanda ko muna ang puso ko pero...

"Hindi p-"

"Ay sure naman Mr. Kratts! Ready-ng ready na 'tong alaga ko! Jusko! Kanina ka pa nga niyan hinihintay, e!" sumabat agad si Mommy Gai para sa akin. Napasinghap ako ng malakas!

Nawala kay Mr. Kratts ang tingin ko saglit dahil napa-irap ako sa ere sa pagkairita sa manager kong pala-desisyon sa buhay ko! Kaya naman ng maibalik ko na ang tingin ko sa kanya, napa-igtad ako ng mabasa ko na ngayon sa mga mata ni Mr. Kratts ang pagkasabik at matinding pagnanasa habang nakatitig mismo sa mga mata ko.

"Good, because I can't wait any longer," delikado niyang sagot kay Mommy Gai pero parang sa akin niya rin sinasabi dahil sa akin siya nakatitig.

Napalunok ako ng wala sa oras dahil biglang dumagundong ang dibdib ko sa matinding kaba at takot sa mangyayari mamaya pagkaming dalawa na lang.

Pumunta kaming dalawa ni Mr. Tyson Clyde Kratts sa isang VVIP room. Giniya kami ni Mommy Gai papunta roon at habang papunta, hindi ko lubos akalain na mayroon pa lang ganoon dito sa Zeus Club. Ang alam ko lang kasi ay ang mga VIP rooms sa second floor lang kung saan kapag may gustong bumili ng service naming mga strippers, doon iyon ginaganap.

Akala ko talaga roon din ang amin. Pero hindi ko lubos akalain na hindi. Sa may mas liblib pa pala kaming kuwarto. Sa mas mahal pa. At habang nakasunod ako maglakad sa likuran ng lalaking bumili sa akin ay halos maghalo-halo na ang emosyong nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

At hindi rin nakatulong sa sitwasyon ko ang paminsan minsan niyang pagbaling sa akin ng kunot ang noo. Na para bang, sa isip niya, ano mang oras, puwede akong tumakas o umurong.

"Mr. Kratts, ikaw na ang unang pumasok. Kakausapin ko lang 'tong alaga ko saglit," sambit ni Mommy Gai kay Mr. Tyson Clyde Kratts ng mapagbuksan niya na ito ng pintuan ng luksuryong VVIP room.

Pinasadahan muna niya ulit ako ng madilim na tingin. Niluwagan ang suot na neck-tie gamit ang maugat at maskulado niyang kamay bago magsalita.

"Make it fast," aniya bago paunang pumasok sa loob ng kuwarto.

Nilapitan ako ni Mommy Gai at kinapitan sa dalawang braso at nag-aalala akong tiningala.

"Keisha, look. Ang service na gagawin mo lang sa hayop na 'yon ay i-dirty dance lang siya, ok? Iyon lang! Wala ng iba! Kapag may ginawa pa siyang iba, hinipuan o-o... tangkain kang i-kama. Itulak mo agad! Sampalin mo! Tapos tumakbo ka na agad palabas. Gawin mo ang lahat kapag may ginawa siyang iba sa 'yo, ok? Ako ang bahala. 'wag kang mag-aalala. Iyon ang nasa kontrata at hindi kasama ang s-sex... well of course, kung nag-guwapuhan ka kay Mr. Kratts, p-puwede naman-"

"Mommy Gai, a-ano ba!" singhal ko sa kanya habang nag-sisimula nang mangamatis ang dalawa kong pisnge! Na-imagine ko kasi ang sinasabi niya!

Napatawa siya ng mahina bago umiling at sumeryoso ulit ang mukha. "'Di seryoso ako Keisha, alam kong ayaw mo talaga sa mga ganitong private service, kaya kahit ang lalaki na ng offer sa 'yo dati, hindi mo pa rin tinatanggap. Pero this time, wala tayong magagawa. Hindi ko p'wedeng tanggihan ang isang katulad ni Mr. Kratts dahil sobrang makapangyarihan niyang tao. Walang wala ako sa kapangyarihang hawak niya. He is ruthless and merciless too, kaya alam kong kung tumanggi ka nga. Ipapasara niya talaga ang Zeus club. Pero kung sakali man mamaya na may gawin siyang kakaiba na lapag sa kontrata. I give you all the authority to decline him. Wala akong paki kung kahit sino pa siya. If he will invade your limits, then that's the end of him. Naiintidihan mo?"

Tumatak sa akin ang sinabi na iyon ni Mommy Gai. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito ka-protective. Kila Shaina, Leah, Crystal, at Krisha naman. Maluwag siya. Siguro kasi... ang apat naman na iyon ay go lang sa mga ganito. May karanasan na rin ang mga iyon at mga eksperto na. Ako lang talaga ang wala pa at nangungulelat pagdating sa ganito, na hindi ko kinakahiya dahil ang ganitong private service ay ayaw ko talaga.

Tanging tungo na lang ang na-igawad ko kay Mommy Gai sa dami ng iniisip at sa samot saring nararamdaman ngayon.

Bumuntong hininga siya bago ako pakawalan. Hinalikan niya ako sa pisnge at nginitian ng malawak.

"H'wag mong kakalimutan ang mga binilin ko sa 'yo Keisha. Goodluck."

Iyon ang huling sinabi ni Mommy Gai sa akin bago ako pumasok sa kuwarto. At pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, nakasalubong ko agad ang madilim niyang mga mata na parang kanina pa naka-abang sa may pintuan.

Napalunok ako ng mariin at heto na naman ang puso ko sa pagharurot sa pagtibok na lagi ko na lang nararamdaman kapag nakikita ko siya.

Prente siyang naka-upo sa kama. Nakabukaka at nakayukod ang likod. Ang dalawang siko niya ay nakatukod sa mga malalapad niyang hita at sa gawi ko at dahil din deem ang ilaw ng buong kuwarto, para siyang halimaw na kanina pa naghihintay sa biktima niya.

Tumuwid siya ng upo at bumuntong hininga.

"Come here," sumisigaw sa awtoridad ang boses niya kahit sobrang tipid lang no'n kaya kahit may pagdadalawang isip at sinisigawan na ako ngayon ng utak ko na huwag lumapit sa kanya, lumapit pa rin ako.

Hindi ko ipinakitang takot o kabado ako habang katitigan ko pa rin siya, kahit na, halos sa bawat apak ko palapit sa kanya, sumisigaw na ang buong sistema ko.

Nakatulong sa akin ng malaki ang suot-suot ko pa rin palang maskara para itago ang tunay kong nararamdaman sa lalaking kaharap ko na ngayon ay isang dangkal na lang ang layo naming dalawa sa isa't-isa.

Sa malapitan, masasabi ko na talagang sobrang guwapo nga niya. Kahit na parang lagi na lang may namumuong sama ng panahon sa mukha niya dahil talagang mukha siyang suplado.

Binaba niya ang tingin sa paa ko. Bago ako tingalain ulit.

"I said closer Ms. K," garalgal niyang anas na. Ikinalunok ko ng mariin dahil parang iba ang epekto sa akin ng pagtawag niya sa alias ko. Idagdag pa ang boses niyang parang nanunuya.

Napatagal bago ako humakbang palapit lalo sa kanya. Huminto lang ako nang magtama na ang mga tuhod namin.

Binabaan ko ang mukha niya ng tingin. At parang may mga kulisap na naglaro sa loob ng tiyan ko ng makitang nakataas rin ang mukha niya sa akin. Kalmado na ang mukha niya ngayon at parang nakaramdam na siya ng kaginhawaan ng magdikit ang mga katawan namin. Namumungay rin ang purong itim niyang mga mata at tila nilulunod ako sa lalalim nun.

Sa sobrang lunod ko sa pagtitig sa mga mata niya, hindi ko na namalayan ang paglagay niya ng dalawa niyang malaki at mainit na kamay sa bewang ko. Pinalandas niya pataas ang dalawang kamay niya hanggang sa ribs ko at nang makapunta na siya sa destinasyon niya. Halos mapatili ako sa gulat ng itulak niya ako pakandong sa kanya.

Napahawak ako sa malapad niyang mga balikat at halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito dahil sa matinding kabang nararamdaman.

Matapang ko siyang tinitigan sa mukha. "Mr. Tyson, this is againts our rules," matapang kong ingles. Sumilay ang pilyong ngisi sa kanyang pulang labi.

"Oh yeah?" Panunuya niya habang mapaglaro akong tinitigan. Sunod niyang ginawa ay pina-akyat niya ang kamay niya sa katawan ko. At nang makapunta na siya mismo sa pinaka baba ng dibdib ko, pinalandas niya ang thump niya sa balat ko roon. Na halos ika-kuryente na ng buong katawan ko sa gulat!

"Mr. Tyson! Wala 'to sa kontrata!" Mabagsik kong sabi. Sinubukan ko rin tumayo mula sa pagkaka-upo sa kandungan niya pero kahit anong pilit ko. Wala. Mas malakas pa rin ang kapit niya sa akin at tila wala akong balak pakawalan.

Mas lalo siyang nangisi sa ginagawa kong pagpupumiglas. "Brave and fierce, huh, good," napapantistukahan niyang usal na hindi ko naintindihan kung ano ang tunay na pahiwatig.

Hindi ko na rin inisip kung ano ba iyon. Dahil abala ang buong katawan at isip ko kumawala mula sa lalaking 'to na halos hindi man gumalaw ang tindig sa pagwawala ko.

"Bitiwan mo 'ko Mr. Tyson! Sumosobra ka na! This is againts our rule! Pakawalan mo 'ko!" Histerikal ko nang sigaw dahil nagu-unahan na ang kaba at takot sa akin sa kung anong puwedeng gawin sa akin ng lalaking ito.

Bumalik sa pagiging madilim ang mata niya at halos mahintatakuhan ang buo kong pagkatao ng mala demonyo niya akong nginisian.

"No baby, I will never let you go. Ever," marahas niyang anas bago sakupin ng labi niya ang awang kong labi.

"Hmm!" tili ko sa halikan namin at buong puwersang tinulak ang dibdib niya na halos hindi man lang umurong kahit ilang dangkal.

Mapusok niya akong hinalikan ng mayroong pananabik at kagutuman. Para bang kaytagal niya nang hinintay ang araw na ito na maangkin ang labi ko na kahit sinong lalaki, wala pang nakakagawa.

Unti-unti nanghina ang mga naging pagtulak ko sa kanya. Nauubusan na ng lakas. At hindi ko na lang namalayan, sumasabay na rin pala ang labi ko sa galaw ng labi niya.

Napa-ungol siya sa pagbalik ko ng halik at mas lalo pa akong hinalikan ng mas malalim na halos ikawala na ng puso ko.

S******p niya ang ibabang labi ko dahilan para kumawala sa bibig ko ang hindi pamilyar na halinghing.

At doon, parang isang patay na bumangon ang katinuan ko sa akin at agad rumehistro sa isip ko na mali 'to. Hindi dapat ako nagpapahalik sa katulad niya na sigurado ako, ang tingin lang sa mga kagaya ko, bayaran, p****k, at parausan lang.

Lumandas ang isang butil ng luha sa gilid ng pisnge ko sa naisip. At agad nilukob ng guilt ang buo kong katawan dahil parang hinayaan ko lang ang sarili ko na halik-halikan ako ng isang lalaking bukod sa pangalan, wala na akong alam sa kanya.

Nag-guilty ako para sa sarili ko. Pakiramdam ko, may nagawa akong kasalanan sa sarili ko, at ito iyon.

Hindi ako ganitong babae. Hindi ako p****k o parausan lang. Oo sumasayaw ako sa harapan ng maraming tao na puro kalalakihan ang nanonood at kulang na lang maghubad na sa harapan pero- kilala ko ang sarili ko. Hindi ako ganito. Maling mali 'to.

Sa sobrang pagka-guilty sa sarili. Malakas kong naitulak ang dibdib ni Mr. Kratts. Naputol ang matagal naming halikan. Pareho kaming naghabol ng hininga.

At nang maibaling niya ang tingin sa mukha ko, napatigil siya sa paghahabol ng hininga at nasindak ng makita siguro ang butil butil ng luhang nasa pisnge ko.

"Why are you-"

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya at agad ko nang ginawaran ng isang malakas na sampal ang guwapo niyang mukha.

"Bastos!" Galit kong sigaw sa nakatabingi niya ng mukha at mabilis na umalis sa kandungan niya.

Ginamit kong alas ang pagkagulantang niya para makatakas at maka-alis sa kuwartong iyon ng umiiyak.

Kulang na lang, takbuhin ko na ang madilim na pasilyo sa sobrang kagustuhan kong maka-alis sa lugar na ito. Talagang ang nagpapapigil lang sa akin na gawin iyon ay ang suot suot kong takong!

Napa-igik ako sa gulat sa kalagitnaan ng paglalakad ng makarinig ako ng may nabasag na kung ano sa kuwartong pinanggalingan.

"Fuck!! Keisha!!" Rinig kong galit na galit na sigaw ni Mr. Tyson Clyde Kratts kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong kumaripas ng tumakbo paalis sa lugar na iyon sa sobrang takot para sa sarili ko once na maabutan ako ng malupit at walang modong lalaking katulad niya!

Itutuloy...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Wakas

    The last chapter of ICTBO :)Warning: Mej SPG. Mej lang! Kabanata 50WakasNAPATULALA ako sa seryosong mukha ni Tyson ng pumintig sa dalawa kong tainga ang sinabi niya. Tumigil rin ako sa pag-hinga ng ilang segundo sa gulat. D-Dahil... paano niya nalamang buntis ako? Sinong nagsabi sa kanya? Wala naman akong pinagsabihan. Miske sila Shaina, Zeiv, at Mommy Gai walang alam. K-Kaya—"So it's really true, huh? That you are pregnant with my child," hakbang niya palapit ulit sa akin. "P-Paano mo nalaman?" Sa tanong kong iyon. Sumilay ang pilyong ngisi sa pulang labi ni Tyson. Sa huli ko na lang din nalaman na sa tanong ko pa lang iyon, parang umamin na rin ako na totoo nga ang paratang niyang buntis ako! Keisha! Ano bang ginagawa mo!Nang tuluyan na akong mapasandal sa pader katabi ng pintuan ng bahay. Pinunta ni Tyson sa magkabilaang gilid ko ang dalawa niyang braso para makulong ako. Nilapit niya rin ang kanyang guwapong mukha sa mukha ko at seryoso ulit ako tinitigan. "Kailan pa?" Ma

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 49

    Hi! Thank you for reaching here. I just want to let you know before you start reading this, that, this is the second to the last chapter of ICTBO :)Kabanata 49 He KnowGUSTO ko mang itulak si Tyson palayo sa akin gamit ang nanginginig kong dalawang kamay. Hindi ko magawa. Wala na akong natitirang lakas at tatag ng loob sa katawan ko na natitira para saktan ang lalaking nakaluhod sa harapan ko ngayon na nagmamaka-awa pakinggan ko ang paliwanag niya. Tanga na kung tanga. P-Pero kahit ano talagang sabi ko sa sarili ko na 'wag nang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Tyson at itaboy na lang siya ng tuluyan- ayaw ng puso ko gawin iyon. Lumalamang na naman ang boses ng puso ko kesa sa boses ng utak ko sa sistema ko. At nang mag-simula na nga magsalita si Tyson, wala na nga akong nagawa pa kung hindi makinig na lang sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak at pag-hagulgol. "M-Me and Ezra are not really engaged ok? Fuck that news! And to clarify things straight he is not my fiancé! H

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 48

    Kabanata 48DogKUSANG lumingon ang ulo ko sa likuran ko kung saan nang-galing ang pamilyar na pamilyar na baritono at malalim na boses na iyon. At sa unang daplis pa lang ng mata ko sa pigura ng lalaking mataman nakatayo at nakatanaw sa akin mula sa di-kalayuan. Dinaga na ang puso ko at natulala sa mukha niyang, marami na ring pinagbago sa loob rin ng ilang araw matapos ko siyang iwan. "T-Tyson...? P-Paano... a-anong ginagawa mo dito?" turan ko gamit ang hindi makapaniwalang boses. Naka-ilang lunok rin ako bago ko matapos iyon. Mas lalong dumilim ang wala pa ring kakupas kupas na guwapong mukha ng lalaki sa tanong ko. Para bang sa tanong kong iyon, may natanggap siyang malaking insult mula sa akin.Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang sa kauna unahan ulit na pagkakataon, nagka-salubong ulit kami ng purong itim niyang mga mata ng tingin. Na ang sinisigaw na mga emosyon, pangungulila at matinding galit. Sumabog ulit sa mukha ko ang ilang hibla ng aking buhok ng umihip ulit ng mal

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 47

    Kabanata 47SunsetHINDI ko na namalayan ang pag-takbo ng buong oras sa byahe himpapawid dahil buong oras, tulog ako. Nagigising lang paminsan minsan kapag umaalog ang eroplano. "Thank you po Ma'am," pasasalamat ng crew sa akin ng ako na ang baba ng nakarating na kami sa destinasyon. Sa Palawan. Tinunguan ko lang ng tipid ang magandang babae bago tuluyang bumaba. At paglabas na paglabas ko pa lang sa entrada ng eroplano, napahinto agad ang dalawang paa ako dahil sinalubong agad ako ng isang malakas at malamig na hangin ng bagong lugar. Nilipad ang aking nakalugay na mahabang buhok. Nilibot ko ang aking tingin sa buong kapaligiran at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa ganda ng kalangitan dito sa Palawan kapag pasikat pa lang ang haring araw. Pinaghalong light blue at light orange. Kamangha-mangha. "Manong, dito po tayo sa," sambit ko ng address na binigay sa akin ni Mommy Gai kung saan nakatirik ang kanyang rest house ng makasakay na ako ng taxi at makalabas ng airport. Ngini

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 46

    Kabanata 46Future"SIGURADO ka na ba talaga dito Keisha?" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang matinding pag-aalala sa boses ni Zeiv. Na ngayon ay katabi ko sa bench ng airport. Tinawagan ko kasi ang lalaki kanina dahil sabi ni Shaina, gawin ko. Dahil may kotse ang lalaki at iyon ang magandang gamitin namin pang-hatid sa akin dito sa airport dahil mahirap na mag-commute at baka mamukahaan pa ako ng mga tao.Kalat na kalat na rin kasi talaga ang ginawang pagt-televised sa akin ni Tyson sa buong bansa. At siguro, mga walang tv na lang sa bahay nila ang hindi nakaka-alam ng balita na kung sino man ang makakadala sa akin kay Tyson Clyde Kratts ay mag-uuwi ng isa at kalahating bilyong pisong pabuya bilang gantimpala. Napalakas ang pagbuntong hininga ko ng maalala ko na naman iyon."Oo Zeiv, sigurado na ako sa desisyon kong ito. Wala na rin akong magagawa pa dahil sa ginawa ni Tyson. Kailangan kong magpaka-layo layo dahil baka dumugin ako ng mga tao pag-nakilala nila ako at baka mamaya, ma

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 45

    Kabanata 45Palawan"KEISHA! Jusko! Saan ka ba nang-galing?! Kanina ka pa namin hinihintay dito! Nag-aalala kami sa 'yo!" Pagalit na bungad agad sa akin ni Shaina ng maka-uwi ako ng apartment na tinutuluyan namin. Nilibot ko ang tingin sa apat na sulok ng paupahang bahay para tingnan kung sino ang mga taong nandito. Hindi na ako nagulat ng makita silang apat na kumpleto.Mas nagulat pa nga ako ng makita ko ang pinaghalong pag-aalala at takot sa mga mukha nila. Para bang... may hindi inaasahang nangyari sa Zeus Club na siya ring sagot kung bakit ganito na lang sila mag-aalala sa katawang lupa kong hindi nila inabutan pagka-uwi nila. Malakas na tumibok ang puso ko ng may maisip na posibilidad. Winaglit ko nga lang ang naiisip na ideya dahil baka iba naman ang totoong nangyari sa iniisip ko. Tatanungin ko na sana si Shaina para makumpirma kung may nangyari ba sa Zeus Club. Pero hindi ko na iyon tuluyang nagawa ng kusa nang pumutak ang nanginginig niyang mga labi. Nagp-panik siyang na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status