مشاركة

I DUMPED MY FAKE HUSBAND AND MARRIED A HIDDEN BILLIONAIRE
I DUMPED MY FAKE HUSBAND AND MARRIED A HIDDEN BILLIONAIRE
مؤلف: Daylan

Chapter 1

مؤلف: Daylan
last update تاريخ النشر: 2026-08-22 08:15:59

Audrey

Nilagok ko ang pangatlong shot ng matapang na alak para magkaroon ako ng lakas ng loob at mawala ang hiya na nararamdaman ko sa binabalak kong gawin. I will seduce Damien, our newly hired gardener.

Last week ay kinausap ako ni Vincent, my husband. Sabi nito ay pini-pressure ito ng parents nito to have a child of his own. Dahil kung hindi, maaalis ito bilang heir at mawawalan ng karapatang magmana sa kompanya ng ama nito. He has two younger brothers from his father's second wife, and they also coveted the heir title.

Ngunit paano naman kami ni Vincent magkakaanak kung ayaw niya akong makasiping at tabihan sa pagtulog?

We've been married for two years at kahit isang beses ay wala pang nangyayari sa amin. Kahit halik sa pisngi at yakap sa akin ay hindi niya magawa. He has a gynephobia at naiintindihan ko iyon kahit masakit sa part ko. Masakit dahil hindi ko man lang magawang yakapin ang mahal ko.

At last week nga ay kinausap ako ni Vincent tungkol sa pagkakaroon namin ng anak. Gusto niya akong sumiping sa ibang lalaki at magbuntis para i-secure ang position niya bilang heir.

He wants me to seduce and sleep with Damien. At kapag nabuntis na ako ay aangkinin niyang siya ang ama ng bata. Nang sa gayon ay sa kanya mapunta ang inaasam na kompanya ng kanyang ama.

I was deeply hurt. Hindi ko akalain na makakaya ni Vincent na ibugaw ako sa ibang lalaki para lamang magkaroon ito ng anak kahit na hindi sa kanya. But I love him. Magmula nang iniligtas niya ang buhay ko sa unang pagkakataon ay ipinangako ko sa aking sarili na wala akong ibang lalaking iibigin kundi siya lamang.

Ngunit mahal ko si Vincent. Kaya kahit masakit at nakakababa ng dignidad ay pumayag ako sa gusto niyang mangyari.

Suot ang manipis na pantulog ay nagtungo ako sa silid ni Damien at kumatok sa pintuan. Ilang segundo lang ay binuksan nito ang pintuan.

Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang hitsura ko. Ngunit bago pa man ito makapag-react ay mabilis ko siyang itinulak papasok sa silid at sinibasib ng halik ang mga labi nito.

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Damien at ang bahagyang panunulak ng mga kamay nito ngunit saglit lamang iyon. Dahil makalipas ang ilang segundo ay naramdaman kong kusa na siyang tumutugon sa mga halik ko.

Nakatulong ng malaki ang tatlong shots ng matapang na alak para tuluyang mawala sa utak ko ang hiya sa ginagawa ko. Naglambitin sa leeg nito ang mga braso ko at pinagbuti ang paghalik sa kanya.

It was my first kiss. Ngunit kahit wala akong karanasan sa paghalik ay kusa ko na lamang natututunan iyon.

Binuhat ako ni Damien at dinala sa ibabaw ng kama nito.

"Are you sure about this, Audrey?" hinihingal ang boses na tanong nito. His eyes were burning with fire.

Umangat ang isang kamay ko sa mukha ni Damien at humaplos mula sa kanyang mahahabang pilik-mata pababa sa matangos nitong ilong at sa malambot nitong mga labi. Sinundan ng tingin ko ang mga kamay kong pumasok sa suot nitong bathrobe.

Dinama ng mga palad ko ang matigas at malapad nitong dibdib. Kung pisikal ang pag-uusapan ay hindi ako lugi kung sa kanya manggagaling ang magiging anak namin ni Vincent. Guwapo, matangkad, maganda ang katawan, at may pagka-mestiso si Damien. Elegante siyang kumilos at smart magsalita. Kung hindi lamang siya gardener sa bahay namin ay iisipin kong isa siyang mayaman na young master. Ngunit hindi naman siguro siya bored sa buhay niya para magpanggap na gardener namin.

"Sigurado ako," tila nahihibang na sagot ko kay Damien kasabay ng paghubad ko sa suot nitong bathrobe.

Tila iyon lamang ang hinihintay nito at mariing inangkin ang aking mga labi. My body is burning with desire. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak na ininom ko o dahil nakikipagtalik ako kay Damien. Ngunit isa lang ang sigurado ako nang mga sandaling iyon. I want him so bad. I want him inside my body.

Ilang saglit pa ay napuno ng mga tunog ng halik at ungol ang apat na sulok ng maliit na silid na iyon ni Damien. Dinala niya ako sa isang paraiso na tanging kami lamang ang naroroon.

Mahimbing akong nakatulog pagkatapos ng mainit na sandali na pinagsaluhan namin ni Damien. Ngunit nang magising ako at wala na ang epekto ng alak ay doon ko muling naramdaman ang malaking hiya sa ginawa ko.

Dahan-dahan akong bumangon sa kama para lumabas sa silid ni Damien dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng nangyari sa amin. Ngunit hindi pa man ako nakakababa sa kama ay nagising na ito.

"Gising ka na pala," anito matapos tumikhim ng mahina. "Tungkol sa nangyari sa atin kagabi—"

"Puwede bang huwag nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon?" mabilis kong sansala sa anumang sasabihin nito. "Kalimutan na lang natin ang nangyari."

Biglang dumilim ang mukha ni Damien at mahigpit na kumuyom ang mga kamao nito. "It was your first time. Mag-asawa kayo ni Vincent ngunit natiis niyang hindi ka galawin?"

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Vincent has gynephobia. So we never consummated our marriage. Ngunit kailangan niya ng anak para manatili siyang tagapagmana ng kompanya ng ama niya."

"So ginamit mo ang katawan ko para mabuntis ka?" Mas lalong dumilim ang mukha ni Damien. Parang may dumaan na sakit sa mukha nito ngunit saglit lang kaya naisip kong namalikmata lamang ako.

"Huwag kang mag-alala. Babayaran kita para sa serbisyo mo kagabi. Ngunit gusto kong mag-resign ka bilang gardener sa bahay na ito. I don't want to see you anymore." I felt guilty for using him. Tama lamang na bayaran ko siya. Ngunit ayokong patuloy pa rin siyang magtrabaho bilang gardener sa bahay namin. Maiilang lamang ako at maaalala ko ang nangyari sa amin sa tuwing makikita ko siya.

"Ganoon mo ba kamahal ang lalaking iyon para magpakababa ka at ibigay mo ang sarili mo sa ibang lalaki magkaroon lamang siya ng anak na magagamit para sa katuparan ng kanyang ambisyon?" nagtatagis ang mga ngipin na tanong nito. Ano ba ang ikinagagalit niya? Dapat nga ay matuwa pa siya dahil siya ang lalaking nakakuha ng virginity ko at makakatanggap pa siya ng malaking bayad mula sa akin.

His words struck me deeply. Ngunit tama siya. Ganoon ko kamahal si Vincent kaya nagpakababa ako ng ganito.

"Kahit ano pa ang sabihin mo ay gusto kong umalis ka na sa bahay sa araw na ito," malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Akmang tatalikod na ako sa kanya ngunit bigla niya akong hinila sa kamay at inihigang muli. "A-Anong ginagawa mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.

"Hindi ba't gusto mong mabuntis para sa asawa mo? Hindi tayo nakakasiguro kung mabubuntis ka sa isang beses lang kaya mas mabuti nang siguraduhin natin."

Bago ko pa siya maitulak ay mabilis na niyang inangkin ang aking mga labi. Mariin at marahas ang halik nito. Walang bahid ng gentleness sa halip ay tila nais niya akong parusahan sa pamamagitan ng marahas na halik.

Ilang segundo lamang akong nagpumiglas. Mayamaya ay kusa na akong tumutugon sa kanyang mga halik at haplos. Ayaw ng utak ko ngunit traydor naman ang katawan ko dahil nagugustuhan nito ang mga halik at yakap nito.

Nahiling ko na sana ay mabuntis ako para matuwa sa akin si Vincent. Si Damien naman ay pipilitin kong umalis bilang gardener at magpakalayo-layo. Si Vincent ang kikilalaning ama ng magiging anak namin ni Damien.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • I DUMPED MY FAKE HUSBAND AND MARRIED A HIDDEN BILLIONAIRE    Chapter 4

    AudreyMalalalim na buntong-hininga ni Damien ang maririnig sa silid pagkatapos ng mainit na sandali na pinagsaluhan namin. Pareho kaming nakahiga sa kama at tanging puting kumot lamang ang tumatabing sa aming mga hubad na katawan."Tell, me. Bakit bigla kang nakipagkita sa akin? Akala ko ba ayaw mo na akong makita pa kahit na kailan dahil tapos na sa atin ang lahat?" hindi nakatiis na tanong nito. "I changed my mind. I want to keep you as my bedmate. Don't you want it?" walang emosyon na sabi ko sa kanya. Ayoko nang magpakita ng emosyon. Natuklasan ko na kapag nakikita nila ang totoong emosyon mo ay magti-take advantage lamang sila sa'yo. Kagaya ng ginawa sa akin ni Vincent."Paano kung magalit ang asawa mo?" nananantiyang tanong nito.Bahagya akong natawa sa tanong nito. "Nakalimutan mo na bang siya ang nagtulak sa akin papunta sa'yo? And besides, natatakot ka ba sa asawa ko?""Of course not," mabilis nitong sagot. "I just—""Hindi ba magalit ang amo mo na nagpapasok ka ng stra

  • I DUMPED MY FAKE HUSBAND AND MARRIED A HIDDEN BILLIONAIRE    Chapter 3

    Audrey Bago pa may makapansin na nakatayo sa bukana ng pintuan ay nahamig ko ang sarili ko at mabilis akong nagtago sa gilid ng pintuan. Wala sa loob na kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang i-record ang kanilang pag-uusap."That was intense, bro. Tiyak na masa-shock si Audrey kapag nakita niyang nakikipaghalikan sa isang babae ang asawa niyang iniisip niyang may gynephobia," narinig kong komento ni Lance sa paghahalikan nina Vincent at Trixie."Watch your mouth, Lance. Baka nakakalimutan mong ako ang tunay na asawa ni Vincent at hindi si Audrey. Fake lamang ang marriage nila dahil pangalan ko ang nakarehistro bilang wife ni Vincent," wika naman ni Trixie sa tonong may inis dahil sa pagsasabi ni Lance na asawa ko si Vincent."Asawa ka lang ni Vincent sa papel at sa harapan namin. Ngunit sa mata ng mga tao at sa pamilya niya ay si Audrey ang asawa niya," patuloy ni Lance sa tonong nang-iinis. "Kabit ka lang ni Vincent.""Hindi ako ang kabit kundi si Audrey," giit ni Audrey na napip

  • I DUMPED MY FAKE HUSBAND AND MARRIED A HIDDEN BILLIONAIRE    Chapter 2

    Audrey"Did you sleep with Damien last night?" agad na tanong ni Vincent nang pumasok ito sa silid ko. We slept in different rooms dahil nfa may gynephobia siya. Tinitigan ko siya ng maigi. Wala man lang akong nakita maski kaunting selos sa mukha nito sa posibilidad na nakipagtalik ako sa ibang lalaki. Excitement pa nga at puno ng pag-asam ang nakita ko sa mukha nito.Palihim na kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilang umalpaw ang munting hikbi sa lalamunan ko. My heart is so heavy and aching. Ngunit pilit ko na lamang kinumbinsi ang sarili ko na para kay Vincent naman ang ginawa ko. Para matulungan siyang maabot ang matagal na niyang pinapangarap."Y-Yes. I slept with him last night," mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Bigla kong naalala ang mainit na sandali na pinagsaluhan namin ni Damien kagabi. Ang mga kamay kong humaplos sa malapad nitong dibdib at matigas na biceps. It was so damn hot.Bahagya akong yumuko para itago ang pamumula ng mukha ko. I don't know why

  • I DUMPED MY FAKE HUSBAND AND MARRIED A HIDDEN BILLIONAIRE    Chapter 1

    Audrey Nilagok ko ang pangatlong shot ng matapang na alak para magkaroon ako ng lakas ng loob at mawala ang hiya na nararamdaman ko sa binabalak kong gawin. I will seduce Damien, our newly hired gardener. Last week ay kinausap ako ni Vincent, my husband. Sabi nito ay pini-pressure ito ng parents nito to have a child of his own. Dahil kung hindi, maaalis ito bilang heir at mawawalan ng karapatang magmana sa kompanya ng ama nito. He has two younger brothers from his father's second wife, and they also coveted the heir title. Ngunit paano naman kami ni Vincent magkakaanak kung ayaw niya akong makasiping at tabihan sa pagtulog? We've been married for two years at kahit isang beses ay wala pang nangyayari sa amin. Kahit halik sa pisngi at yakap sa akin ay hindi niya magawa. He has a gynephobia at naiintindihan ko iyon kahit masakit sa part ko. Masakit dahil hindi ko man lang magawang yakapin ang mahal ko. At last week nga ay kinausap ako ni Vincent tungkol sa pagkakaroon namin n

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status