LOGINAudrey
"You're still going to buy a birthday gift for your cheating husband? Ganyan mo ba talaga kamahal ang jerk na 'yon, Audrey?" nakasimangot na sita ni Wena nang magpasama ako sa kanya sa mall para bumili ng gift. Wena is my best friend. At wala kaming sekreto na inililihim sa isa't isa kaya alam niya ang tungkol sa ginawa ng asawa ko. Sa umpisa pa lang ay talagang nagpakita na siya ng pagkadisgusto kay Vincent. But I was blinded by love kaya hindi ko siya pinakinggan. No. I guess it was not love that blinded me kundi ang utang-na-loob ko sa kanya. "Don't worry, Wena. Hindi ang lalaking iyon ang bibilhan ko ng birthday gift kundi si Damien." Bigla akong napangiti nang maalala ko si Damien. Sa hindi malamang dahilan ay parang nai-excite akong muli siyang makita. "Uuy..." Bahagyang sinundot ni Wena ang aking tagiliran. "Mukhang nahulog na ang loob mo sa guwapong gardener niyo," panunukso nito sa akin. Saglit akong napaisip. Damien is kind, thoughtful, and of course, he's handsome. Hindi imposible na mahulog ang loob ko sa kanya. Pero masyado pang maaga para sabihin kong nahulog na ang loob ko sa kanya. We're still in the state of getting to know each other. "Damien deserves a gift from me," nakangiting sagot ko sa kanya. "At isa pa, sayang naman kung hindi ko gagastusin ang pera na ibinibigay ni Vincent para kay Damien." "You're right. Gastusin mo na lang ang pera ng jerk mong asawa sa iyong poging lover boy," sang-ayon nito. "Ay, sorry. Hindi mo pala siya asawa dahil hindi naman pala kayo totoong kasal," dagdag nito habang nakataas ang kilay. Umiling na lamang ako sa sinabi nito at nagtungo sa section ng mga tie na pang-lalaki. Habang namimili ako ng magandang tie para kay Damien ay bigla akong kinalabit ni Wena. Tumingin ako sa kanya. Nakanguso ito sa pintuan ng store kung nasaan kami. Agad na kumulo ang dugo ko nang makita kong papasok sina Vincent at Trixie. Nakakapit pa ang isang braso ni Trixie sa braso ni Vincent habang nakapalibot naman ang braso ng huli sa baywang ng babae. Kasama ng dalawa ang best friend ni Trixie na si Corry. Ganyan ba ang may gynephobia? What a great liar! Kumuyom ang mga kamao ko at gusto ko silang sugurin ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kapag nakita ni Trixie na galit na galit ako ay iisipin lamang nito na nagseselos ako sa kanya. She would think I'm just a loser. Hindi ko bibigyan ng kasiyahan ang babaeng iyon. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos ay ibinalik ko sa tie na pinipili ko ang tingin ko at nagkunwaring hindi ko sila napansin. Ngunit sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko na biglang humiwalay kay Trixie si Vincent. He finally noticed me. Sa halip na tumuloy sa loob ng store ay nagmamadaling umatras si Vincent at iniwan sina Corry at Trixie matapos akong ituro sa huli. Nag-alala siguro si Vincent na mahuli ko siya at matuklasan ko ang mga panlolokong ginagawa niya sa akin. Too late because I already knew it. "Ano sa tingin mo, Wena? Maganda ba ito at bagay kay Damien?" tanong ko sa kaibigan ko habang ipinapakita sa kanya ang tie na aking napili. "Look who's here, Trixie." Bago pa makasagot sa akin si Wena ay narinig ko na ang boses na iyon ni Corry. Nakalapit na pala sila sa amin. Plastic ang ngiti na hinarap ko ang dalawang bitches. "Oh, hi, Corry. Hello, Trixie. Bibili rin ba kayo ng tie na panlalaki?" "Nice to see you again, Audrey. Ang huling pagkikita natin ay noong ikinasal kayo ni Vincent," sagot ni Trixie sa akin sa halip na sagutin ang tanong ko. "How is your life with Vincent? I'm sure sobrang happy ka sa piling niya, right?" Nakangiti sa akin si Trixie ngunit batid ko na sa likod ng ngiti niyang iyon ay palihim niya akong pinagtatawanan. She is secretly mocking me inside her mind. "Ano naman ang pakialam mo kung masaya si Audrey sa piling ni Vincent o hindi? Don't tell me gusto mong maging kabit niya para maging masaya ka rin?" nakataas ang kilay na sabat naman ni Wena. Hindi ito nakipagplastikan ng ngiti sa dalawang babae. Agad namang naglaho ng sabay ang mga plastik na ngiti sa labi ng dalawang babae. "Paano mo nasiguro na magiging kabit ako, Wena? Baka hindi niyo alam na ako pala ang legal wife. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapag-move on si Vincent sa break-up namin noon?" may laman ang mga salitang wika ni Trixie sa kaibigan ko. Lihim na napakuyom ang aking kamao. Gustong-gusto ko nang isampal sa kanya ang katotohanan na alam ko na ang totoo tungkol sa kanila ni Vincent. Ngunit hindi pa puwede. Makikipaglaro muna ako sa kanila. I will play them in my palm just like how they played with me. "You're—" Pinigilan ko si Wena sa anumang sasabihin nito at ngumiti ako sa kanya. Humugot naman ito ng malalim na hininga at inirapan ang kaharap na dalawang babae bago umatras ng bahagya. "Well, maybe you're right, Trixie. Baka nga ikaw ang legal wife ni Vincent at hindi ako. Pero kung ikaw ang legal wife ay bakit hindi ka niya maipakilala sa family and relatives niya? Don't tell me iniisip ni Vincent na hindi ka presentable, especially with your background, kaya itinatago ka niya?" Hindi ko napigilan ang lihim na magbunyi nang makita kong namula ang mukha ni Trixie sa galit. Sa wakas ay nakapuntos din ako laban sa kanya. "You just wait, Audrey. Dahil ako ang magiging legal wife ni Vincent sa mata ng mga tao at sa pamilya niya," umuusok ang ilong na wika ni Trixie. "Calm down, Trix. Don't lose your composure," mahina ang boses na bulong ni Corry sa kaibigan nito. "So, ikaw pala ng hindi pa nakakapag-move on between the two of you and my husband." Sinadya kong diinan ang mga salitang "My husband" para mas lalo siyang galitin. "And I don't think mangyayari ang iniisip mo, Trixie. Vincent's family would never accept you as his wife. Kung gusto mo ay maging kabit ka na lang niya forever." Hindi sinagot ni Trixie ang sinabi ko na tila ba nawalan ito ng maisasagot. Ngunit hindi man siya magsalita ay ramdam ko ang galit at panggigigil sa hitsura ng mukha nito. Sobrang talim ng tingin niya sa akin. Kung nakakasugat nga lang ang matalas niyang tingin ay tiyak marami na akong sugat sa katawan ngayon. Nabigla ako nang walang sabi-sabing inagaw ni Trixie ang necktie mula sa kamay ko at nilapitan ang babaeng sales assistant at kinausap. "I want to buy this necktie. Wrap this for me. At lahat ng mapipili ni Audrey ay bibilhin ko," mayabang na sabi ni Trixie sa sales assistant. Natalo ko siya sa labanan sa salita kaya sa labanan na lang sa pera siya makikipaglaban. For sure, pera ni Vincent ang ginagastos niya kaya malakas ang loob niyang gumasta ng malaki. "I'm very sorry, Ma'am. Pero katatanggap ko pa lang ng tawag ngayon mula sa store manager namin at ipinaalam niya sa aming mga staff na bawal kayong pumasok sa store namin. Hindi lang sa store na ito kundi sa lahat ng store namin," magalang na sagot ng sales assistant kay Trixie. "What?" Hindi lang si Trixie ang nagulat kundi ako rin. Bakit biglang na-ban sa luxury store na iyon si Trixie? "Nababaliw na ba kayo? I'm a VIP member sa store na ito. Hindi niyo ako puwedeng i-ban," mariing kontra ni Trixie. "I'm sorry, Ma'am. Pero sumusunod lang po ako sa ipinag-utos sa akin. Magmula ngayon, ang store na ito ay pagmamay-ari na ni Miss Campbell. Ang sabi ng store manager namin ay regalo ito ng boss namin kay Miss Campbell." "This is crazy!" galit na wika ni Trixie bago niya itinapon sa mukha ng sales assistant ang necktie at nagmartsa palabas ng store. As far as I know, under ng Global Innovation Technology ang store na ito at ang CEO ay ang mysterious person na si Mr. Andrew Anderson, the most powerful and one of the wealthiest men in the world. I wonder kung anong kasalanan ang nagawa ni Trixie sa kanya para ipa-ban ito sa lahat ng mga stores nila sa mall. "Hindi ko alam na close pala kayo ni Mr. Anderson, Audrey. He just helped you piss off Trixie," nakangiting komento ni Wena nang wala na ang dalawang babae. "Of course, not. I just know his name. But I don't know him personally," sagot ko kay Wena sabay kibit ng balikat. Kilala ba ako ni Mr. Anderson? At bakit naman niya ako bibigyan ng gift? Ganoon ba siya ka-generous sa taong hindi niya kilala ng personal? Biglang pumasok sa isip ko si Damien. Isa rin siyang Anderson. Hindi kaya may koneksiyon sina Damien Anderson at Andrew Anderson sa isa't isa?Audrey"You're still going to buy a birthday gift for your cheating husband? Ganyan mo ba talaga kamahal ang jerk na 'yon, Audrey?" nakasimangot na sita ni Wena nang magpasama ako sa kanya sa mall para bumili ng gift. Wena is my best friend. At wala kaming sekreto na inililihim sa isa't isa kaya alam niya ang tungkol sa ginawa ng asawa ko.Sa umpisa pa lang ay talagang nagpakita na siya ng pagkadisgusto kay Vincent. But I was blinded by love kaya hindi ko siya pinakinggan. No. I guess it was not love that blinded me kundi ang utang-na-loob ko sa kanya. "Don't worry, Wena. Hindi ang lalaking iyon ang bibilhan ko ng birthday gift kundi si Damien." Bigla akong napangiti nang maalala ko si Damien. Sa hindi malamang dahilan ay parang nai-excite akong muli siyang makita."Uuy..." Bahagyang sinundot ni Wena ang aking tagiliran. "Mukhang nahulog na ang loob mo sa guwapong gardener niyo," panunukso nito sa akin.Saglit akong napaisip. Damien is kind, thoughtful, and of course, he's handsome.
AudreyMalalalim na buntong-hininga ni Damien ang maririnig sa silid pagkatapos ng mainit na sandali na pinagsaluhan namin. Pareho kaming nakahiga sa kama at tanging puting kumot lamang ang tumatabing sa aming mga hubad na katawan."Tell, me. Bakit bigla kang nakipagkita sa akin? Akala ko ba ayaw mo na akong makita pa kahit na kailan dahil tapos na sa atin ang lahat?" hindi nakatiis na tanong nito. "I changed my mind. I want to keep you as my bedmate. Don't you want it?" walang emosyon na sabi ko sa kanya. Ayoko nang magpakita ng emosyon. Natuklasan ko na kapag nakikita nila ang totoong emosyon mo ay magti-take advantage lamang sila sa'yo. Kagaya ng ginawa sa akin ni Vincent."Paano kung magalit ang asawa mo?" nananantiyang tanong nito.Bahagya akong natawa sa tanong nito. "Nakalimutan mo na bang siya ang nagtulak sa akin papunta sa'yo? And besides, natatakot ka ba sa asawa ko?""Of course not," mabilis nitong sagot. "I just—""Hindi ba magalit ang amo mo na nagpapasok ka ng stra
Audrey Bago pa may makapansin na nakatayo sa bukana ng pintuan ay nahamig ko ang sarili ko at mabilis akong nagtago sa gilid ng pintuan. Wala sa loob na kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang i-record ang kanilang pag-uusap."That was intense, bro. Tiyak na masa-shock si Audrey kapag nakita niyang nakikipaghalikan sa isang babae ang asawa niyang iniisip niyang may gynephobia," narinig kong komento ni Lance sa paghahalikan nina Vincent at Trixie."Watch your mouth, Lance. Baka nakakalimutan mong ako ang tunay na asawa ni Vincent at hindi si Audrey. Fake lamang ang marriage nila dahil pangalan ko ang nakarehistro bilang wife ni Vincent," wika naman ni Trixie sa tonong may inis dahil sa pagsasabi ni Lance na asawa ko si Vincent."Asawa ka lang ni Vincent sa papel at sa harapan namin. Ngunit sa mata ng mga tao at sa pamilya niya ay si Audrey ang asawa niya," patuloy ni Lance sa tonong nang-iinis. "Kabit ka lang ni Vincent.""Hindi ako ang kabit kundi si Audrey," giit ni Audrey na napip
Audrey"Did you sleep with Damien last night?" agad na tanong ni Vincent nang pumasok ito sa silid ko. We slept in different rooms dahil nfa may gynephobia siya. Tinitigan ko siya ng maigi. Wala man lang akong nakita maski kaunting selos sa mukha nito sa posibilidad na nakipagtalik ako sa ibang lalaki. Excitement pa nga at puno ng pag-asam ang nakita ko sa mukha nito.Palihim na kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilang umalpaw ang munting hikbi sa lalamunan ko. My heart is so heavy and aching. Ngunit pilit ko na lamang kinumbinsi ang sarili ko na para kay Vincent naman ang ginawa ko. Para matulungan siyang maabot ang matagal na niyang pinapangarap."Y-Yes. I slept with him last night," mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Bigla kong naalala ang mainit na sandali na pinagsaluhan namin ni Damien kagabi. Ang mga kamay kong humaplos sa malapad nitong dibdib at matigas na biceps. It was so damn hot.Bahagya akong yumuko para itago ang pamumula ng mukha ko. I don't know why
Audrey Nilagok ko ang pangatlong shot ng matapang na alak para magkaroon ako ng lakas ng loob at mawala ang hiya na nararamdaman ko sa binabalak kong gawin. I will seduce Damien, our newly hired gardener. Last week ay kinausap ako ni Vincent, my husband. Sabi nito ay pini-pressure ito ng parents nito to have a child of his own. Dahil kung hindi, maaalis ito bilang heir at mawawalan ng karapatang magmana sa kompanya ng ama nito. He has two younger brothers from his father's second wife, and they also coveted the heir title. Ngunit paano naman kami ni Vincent magkakaanak kung ayaw niya akong makasiping at tabihan sa pagtulog? We've been married for two years at kahit isang beses ay wala pang nangyayari sa amin. Kahit halik sa pisngi at yakap sa akin ay hindi niya magawa. He has a gynephobia at naiintindihan ko iyon kahit masakit sa part ko. Masakit dahil hindi ko man lang magawang yakapin ang mahal ko. At last week nga ay kinausap ako ni Vincent tungkol sa pagkakaroon namin n







