تسجيل الدخولAudrey
Bago pa may makapansin na nakatayo sa bukana ng pintuan ay nahamig ko ang sarili ko at mabilis akong nagtago sa gilid ng pintuan. Wala sa loob na kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang i-record ang kanilang pag-uusap. "That was intense, bro. Tiyak na masa-shock si Audrey kapag nakita niyang nakikipaghalikan sa isang babae ang asawa niyang iniisip niyang may gynephobia," narinig kong komento ni Lance sa paghahalikan nina Vincent at Trixie. "Watch your mouth, Lance. Baka nakakalimutan mong ako ang tunay na asawa ni Vincent at hindi si Audrey. Fake lamang ang marriage nila dahil pangalan ko ang nakarehistro bilang wife ni Vincent," wika naman ni Trixie sa tonong may inis dahil sa pagsasabi ni Lance na asawa ko si Vincent. "Asawa ka lang ni Vincent sa papel at sa harapan namin. Ngunit sa mata ng mga tao at sa pamilya niya ay si Audrey ang asawa niya," patuloy ni Lance sa tonong nang-iinis. "Kabit ka lang ni Vincent." "Hindi ako ang kabit kundi si Audrey," giit ni Audrey na napipika na sa pang-aasar ni Lance. Natakpan ko ng palad ko ang bibig ko para hindi humulagpos ang pinipigilan kong hagulhol. Akala ko ay wala ng komunikasyon sina Trixie at Vincent dahil iyon ang sabi sa akin ng asawa ko. Hindi ko akalain na hindi lang sila nagkikita kundi siya pala ang tunay nitong asawa. I was Vincent's mistress all along? Wala akong kaalam-alam na isa pala akong kabit. Yumugyog ang mga balikat ko sa pagpipigil kong mapahagulhol. Parang bumagsak sa akin ang langit. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. "Huwag na kayong magtalo. Trixie is my real wife, and Audrey was my mistress," saway ni Vincent sa dalawang nagtatalo. At siyempre, kumampi ito kay Trixie. "Kailan mo pa kasi hihiwalayan ang babaeng iyon, Vincent? Ayokong forever na maging kabit kahit ako naman ang totoong asawa mo. I want to become Mrs. Heights openly," nagtatampo ang boses na sabi ni Trixie kay Vincent. "Don't worry, Darling. Kapag secure na ang pagiging heir ko at CEO ng Heights Incorporation ay hihiwalayan ko agad si Audrey. At malapit ng mangyari iyon," pang-aalo ni Vincent sa babae. "Natitiyak ko na malapit ng mangyari iyon. Audrey told me that she already slept with our gardener. Araw na lamang ang bibilangin at mabubuntis na siya." Mahigpit na ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamao. Sumusulak ang galit sa dibdib ko para kay Vincent. Pinaikot niya ako sa kanyang mga palad. Ginagamit lang pala niya ako para makamit ang kanyang ambisyon. Akala ko pa naman kahit katiting na pagmamahal ay meron siyang nararamdaman para sa akin. Ngunit ngayon ay napatunayan kong wala. Kaya pala walang pag-aalinlangan na itinulak niya ako sa kandungan ng ibang lalaki. Kaya pala wala akong nakitang ni katiting na selos at guilt sa mukha niya nang malaman niyang nakipagtalik ako sa ibang lalaki. Dahil wala siyang pakialam sa anumang gawin ko basta mabigyan ko siya ng anak na magagamit niya sa pagtupad sa pangarap niya. I had given my everything to a man who never intended to keep me. "Poor, Audrey. She slept with a filthy gardener just to please you," natatawang wika ng isa sa mga kaibigan ni Vincent. "Audrey is beautiful. Sana pala ako na lang ang sumiping sa kanya kaysa sa pobreng gardener na iyon. But it's her fault for being a simp to our friend." Nagtawanan ang lahat sa sinabing iyon ng kaibigan ni Vincent. Sa harapan ko ay mababait sila sa akin. Ngunit wala akong kaalam-alam na kapag nakatalikod pala ako ay lihim nila akong kinukutya at pinagtatawanan. They are all evil people. Kasabwat sila ni Vincent sa panloloko sa akin. "Don't worry, Gray. Kapag hindi pa nabuntis ng gardener namin si Audrey ay ipapasa ko siya sa'yo." Lalong nadurog ang puso ko sa sinabing iyon ni Vincent. Kahit pulutin man at buuin ang durog-durog kong puso ay hindi na iyon magagawa pang mabuo. Mariing pinahid ng mga palad ko ang aking mga luha. Faith was right. Vincent is not a good person. He's a complete jerk. And also his friends. I took a deep breath and composed myself. Pagkatapos ay tahimik akong naglakad palayo sa pintuan bago pa man may makapansin sa presensiya ko. Eksaktong nasa loob na ako ng kotse ko nang tumunog ang cellphone ko. It was Vincent calling me. Muli akong humugot ng malalim na hininga bago ko sinagot ang tawag nito. "Hello?" My voice was calm. Hindi mahihimigan ang itinatago kong galit at sakit na nararamdaman. "Where are you, Audrey? Papunta ka na ba para sunduin mo ako? I have a surprise for you," masayang kausap nito sa akin. Hindi ko napigilan ang mapaismid. Kung hindi ko pa natuklasan ang tunay nitong kulay ay tiyak na nagtatalon na ako sa tuwa at excitement. Sa unang pagkakataon kasi ay may sorpresa siya sa akin. Too bad I had already discovered his lies. "I'm sorry, Vincent. I am with Damien now. At hindi ko na kailangan pang sabihin sa iyo kung ano ang ginagawa namin. Para rin naman sa'yo itong ginagawa ko," sagot ko sa kanya. Sinadya kong umungol ng mahina para isipin nito na totoong kasama ko nga si Damien at may ginagawa kami. Narinig ko ang mahihinang mura mula sa mga kaibigan nito at ang panunukso ng mga ito kay Vincent. "Stop what you were doing right now, Audrey. Pumunta ka rito at sunduin mo ako. Maliwanag?" galit na utos nito. Sa unang pagkakataon ay may nahimigan akong selos sa boses niya. O baka nagalit lamang ito dahil tinutukso ito ng mga kaibigan nito. Naririnig ko kasi mula sa background kung ano-ano ang mga itinutukso sa kanya ng mga kaibigan niya. Muli akong umungol ng mahina bago sumagot. Lihim akong nagdiwang nang marinig kong hindi lamang ang mga kaibigan ni Vincent ang napamura kundi maging ito mismo. "I need something to make him stop, Vincent," sabi ko bago ako nagkunwaring umungol dahil nasasarapan. "Okay, fine. I will transfer a million in your account and give it to that bastard. Pagkatapos ay sunduin mo ako agad ngayon din." Hindi pa ako nakakasagot sa kanya ay agad na niyang tinapos ang tawag. At ilang segundo lamang ay na-receive ko sa account ko ang isang milyon na sinend ni Vincent sa akin. Sa halip na sunduin si Vincent ay tinawagan ko si Damien. Hindi ko alam kung sasagutin ba niya ang tawag ko o hindi. Tiyak akong galit siya sa akin ngayon. Nakadalawang ring lamang ang cellphone nito bago ko narinig ang malalim at malamig nitong tinig. "What do you need?" tanong nito sa malamig na boses. "I want to see you, Damien," sabi ko sa kanya. Hindi na ako nagpaliwanag pa kung bakit ko siya gustong makita. "Ise-send ko sa'yo ang address ng bahay ko," mabilis nitong sagot bago biglang nawala sa kabilang linya. Napakunot ako ng noo nang mabasa ko ang address ng bahay nito. Nasa loob iyon ng isang private subdivision na tanging mga bilyonaryo lamang ang nakatira. Doon ba ito nakatira o iyon ang address ng bagong pinagtatrabahuhan nito? Nagkibit ako ng balikat bago minani-obra ang kotse ko papunta sa address na ibinigay ni Damien. Ilang saglit pa ay nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay ni Damien. Kumatok ako ng tatlong beses bago iyon bumukas at iniluwa ang pigura ni Damien. Bumuka ang bibig nito para magsalita ngunit mabilis na tinakpan ko iyon ng aking mga labi. Agad naman nitong tinugon ang halik ko at binuhat ako papasok ng bahay. Vincent cruelly played with me. He wants to play games with me? Then I will play with him. And I will beat him in his own game.AudreyMalalalim na buntong-hininga ni Damien ang maririnig sa silid pagkatapos ng mainit na sandali na pinagsaluhan namin. Pareho kaming nakahiga sa kama at tanging puting kumot lamang ang tumatabing sa aming mga hubad na katawan."Tell, me. Bakit bigla kang nakipagkita sa akin? Akala ko ba ayaw mo na akong makita pa kahit na kailan dahil tapos na sa atin ang lahat?" hindi nakatiis na tanong nito. "I changed my mind. I want to keep you as my bedmate. Don't you want it?" walang emosyon na sabi ko sa kanya. Ayoko nang magpakita ng emosyon. Natuklasan ko na kapag nakikita nila ang totoong emosyon mo ay magti-take advantage lamang sila sa'yo. Kagaya ng ginawa sa akin ni Vincent."Paano kung magalit ang asawa mo?" nananantiyang tanong nito.Bahagya akong natawa sa tanong nito. "Nakalimutan mo na bang siya ang nagtulak sa akin papunta sa'yo? And besides, natatakot ka ba sa asawa ko?""Of course not," mabilis nitong sagot. "I just—""Hindi ba magalit ang amo mo na nagpapasok ka ng stra
Audrey Bago pa may makapansin na nakatayo sa bukana ng pintuan ay nahamig ko ang sarili ko at mabilis akong nagtago sa gilid ng pintuan. Wala sa loob na kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang i-record ang kanilang pag-uusap."That was intense, bro. Tiyak na masa-shock si Audrey kapag nakita niyang nakikipaghalikan sa isang babae ang asawa niyang iniisip niyang may gynephobia," narinig kong komento ni Lance sa paghahalikan nina Vincent at Trixie."Watch your mouth, Lance. Baka nakakalimutan mong ako ang tunay na asawa ni Vincent at hindi si Audrey. Fake lamang ang marriage nila dahil pangalan ko ang nakarehistro bilang wife ni Vincent," wika naman ni Trixie sa tonong may inis dahil sa pagsasabi ni Lance na asawa ko si Vincent."Asawa ka lang ni Vincent sa papel at sa harapan namin. Ngunit sa mata ng mga tao at sa pamilya niya ay si Audrey ang asawa niya," patuloy ni Lance sa tonong nang-iinis. "Kabit ka lang ni Vincent.""Hindi ako ang kabit kundi si Audrey," giit ni Audrey na napip
Audrey"Did you sleep with Damien last night?" agad na tanong ni Vincent nang pumasok ito sa silid ko. We slept in different rooms dahil nfa may gynephobia siya. Tinitigan ko siya ng maigi. Wala man lang akong nakita maski kaunting selos sa mukha nito sa posibilidad na nakipagtalik ako sa ibang lalaki. Excitement pa nga at puno ng pag-asam ang nakita ko sa mukha nito.Palihim na kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilang umalpaw ang munting hikbi sa lalamunan ko. My heart is so heavy and aching. Ngunit pilit ko na lamang kinumbinsi ang sarili ko na para kay Vincent naman ang ginawa ko. Para matulungan siyang maabot ang matagal na niyang pinapangarap."Y-Yes. I slept with him last night," mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Bigla kong naalala ang mainit na sandali na pinagsaluhan namin ni Damien kagabi. Ang mga kamay kong humaplos sa malapad nitong dibdib at matigas na biceps. It was so damn hot.Bahagya akong yumuko para itago ang pamumula ng mukha ko. I don't know why
Audrey Nilagok ko ang pangatlong shot ng matapang na alak para magkaroon ako ng lakas ng loob at mawala ang hiya na nararamdaman ko sa binabalak kong gawin. I will seduce Damien, our newly hired gardener. Last week ay kinausap ako ni Vincent, my husband. Sabi nito ay pini-pressure ito ng parents nito to have a child of his own. Dahil kung hindi, maaalis ito bilang heir at mawawalan ng karapatang magmana sa kompanya ng ama nito. He has two younger brothers from his father's second wife, and they also coveted the heir title. Ngunit paano naman kami ni Vincent magkakaanak kung ayaw niya akong makasiping at tabihan sa pagtulog? We've been married for two years at kahit isang beses ay wala pang nangyayari sa amin. Kahit halik sa pisngi at yakap sa akin ay hindi niya magawa. He has a gynephobia at naiintindihan ko iyon kahit masakit sa part ko. Masakit dahil hindi ko man lang magawang yakapin ang mahal ko. At last week nga ay kinausap ako ni Vincent tungkol sa pagkakaroon namin n







