تسجيل الدخولAudrey
Malalalim na buntong-hininga ni Damien ang maririnig sa silid pagkatapos ng mainit na sandali na pinagsaluhan namin. Pareho kaming nakahiga sa kama at tanging puting kumot lamang ang tumatabing sa aming mga hubad na katawan. "Tell, me. Bakit bigla kang nakipagkita sa akin? Akala ko ba ayaw mo na akong makita pa kahit na kailan dahil tapos na sa atin ang lahat?" hindi nakatiis na tanong nito. "I changed my mind. I want to keep you as my bedmate. Don't you want it?" walang emosyon na sabi ko sa kanya. Ayoko nang magpakita ng emosyon. Natuklasan ko na kapag nakikita nila ang totoong emosyon mo ay magti-take advantage lamang sila sa'yo. Kagaya ng ginawa sa akin ni Vincent. "Paano kung magalit ang asawa mo?" nananantiyang tanong nito. Bahagya akong natawa sa tanong nito. "Nakalimutan mo na bang siya ang nagtulak sa akin papunta sa'yo? And besides, natatakot ka ba sa asawa ko?" "Of course not," mabilis nitong sagot. "I just—" "Hindi ba magalit ang amo mo na nagpapasok ka ng stranger sa bahay niya?" Bigla kong naalalang itanong. Ayokong nang dahil sa akin ay mawalan siya ng trabaho sa pangalawang pagkakataon. "No. Caretaker ako sa bahay na ito. Nasa abroad ang mga amo ko at minsan sa isang taon lamang umuuwi para magbakasyon." Kahit paano ay nakahinga ako dahil mabilis itong nakahanap ng trabaho pag-alis nito sa bahay namin. "I have to go." Bumangon ako sa kama at ibinalot sa katawan ko ang kumot. Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa kama para hindi ko makita ang kahubaran nito na tumambad nang hilahin ko ang kumot. Mabilis akong naligo at paglabas ko sa banyo ay nakabihis na ako. Nakasuot na rin ng damit si Damien at nakaupo sa gilid ng kama nito. "Divorce your husband and marry me, Audrey." Napahinto ako sa paglalakad at napatitig kay Damien nang marinig ko ang sinabi nito. Sinuri ko kung gaano kaseryoso ito sa sinabi nito. And I think he was deadly serious. Guwapo, maskulado ang pangangatawan, magaling sa kama, at higit sa lahat ay gentle siya sa akin. Hindi katulad ni Vincent ang trato niya sa akin. He was not bad to be my husband. At mukhang magiging mabuting ama rin siya sa magiging anak niya. Ngunit hindi pa ako handa para muling pumasok sa panibago at seryosong relasyon. "Pag-iisipan ko ang sinabi ko." Nag-send ako ng one million sa bank account nito. "Consider it as my payment for your service." Hindi nagsalita si Damien at nakatitig lamang sa akin. Hanggang sa lumabas ako sa silid ay wala akong narinig maski isang salita mula sa kanya. Pgdating ko sa bahay ay naroon na si Vincent. Madilim ang mukha na sinalubong niya ako. "Bakit hindi mo ako sinundo? Namuti na ang mga mata ko sa kakahintay sa'yo pero hindi ka dumating," naninita ang boses na wika nito. Balewalang naupo ako sa mahabang sofa. "Hindi agad ako pinaalis ni Damien kahit na binigyan ko siya ng pera. Gusto niyang tapusin muma namin ang ginagawa namin dahil mabibitin siya," sagot ko na para bang isang normal na topic lamang iyon. Lalong dumilim ang mukha ni Vincent at kumuyom ang mga kamao. "Did you really sleep with that gardener, Audrey?" "Yes. Hindi ba't iyon ang gusto mo?" malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Ngunit sa loob ko ay parang bulkan na kumukulo ang dugo sa matinding galit na nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit kapag kinompronta ko siya ay ako lamang ang magiging talunan. Magaling kasi siyang magpalusot ng katuwiran. Natawa si Vincent ngunit iyong klase ng tawa na hindi natutuwa. "You keep on saying that you love me, Audrey. But you really did sleep with that bastard!" Gusto ko siyang sampalin ngunit pinigilan ko ang sarili ko. "Are you blaming me now, Vincent? Sino ba nag nakiusap na makipagsiping ako sa ibang lalaki para mabuntis? Sino ba ang nagtulak sa akin papunta sa kama ng ibang lalaki? Hindi ba ikaw? Tapos ngayon na ginawa ko ang gusto mo ay ganyan ang magiging reaction mo? Hindi ba dapat matuwa ka dahil masunurin akong asawa?" puno ng panunumbat ang boses na sabi ko sa kanya. Huminga ako ng malalim para pigilan ang nag-aambang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata. Hindi na ako iiyak dahil sa kanya. He's not worthy of my tears. Bigla namang na-realized ni Vincent ang pagkakamali nito kaya nawala ang galit na expression sa mukha nito. "I'm sorry, Audrey. Alam mo naman na para rin sa future natin ang ginagawa ko at ipinagawa sa'yo." Napaismid ako. Future my ass. Kung hindi ko pa natuklasan ang tunay nitong kulay ay tiyak na para akong tanga na naniniwala sa mga sinasabi niya ngayon. "You're right. Para sa future natin ito," labas sa ilong na sang-ayon ko sa kanya. "So, are you pregnant now?" Biglang lumarawan ang pag-asam sa mukha nito. "Kapag buntis ka na ay hindi mo na kailangan pang sumiping kay Damien." Lihim na kumuyom ang aking mga kamao. Huminga ako ng malalim para kontrolin ang galit ko. "Hindi pa. I think I need to sleep with Damien many times to get pregnant." Tumayo ako at kunwari ay naghikab. "I'm so tired. Aakyat na ako sa silid ko at magpapahinga." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad ko na siyang tinalikuran para magtungo sa silid ko. Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaction ni Vincent kapag nalaman nitong buntis na ako ngunit hindi na mangyayari ang pinaplano nito? DAMIEN Pag-alis ni Audrey sa bahay ko ay agad kong tinawagan si Perry, ang aking assistant. Inutusan ko itong alamin ang lahat ng may kinalaman tungkol kina Vincent at Audrey, financially or even their relationship. Sa loob ng dalawang Linggo ko bilang gardener sa bahay nila ay napansin ko na parang hindi close sina Audrey at Vincent. Kahit isang beses ay hindi ko pa nakitang nagholding hands ang dalawa. Although pabor iyon sa akin ngunit hindi ko maiwasan ang magtaka. I have been in love with Audrey for five years. Iniligtas ko siya mula sa nasusunog nilang classroom. Pagkatapos ko siyang mailabas sa classroom ay umalis ako para humingi ng tulong. Ngunit pagbalik ko ay may iba ng mga tao na tumulong sa kanya. Dinalaw ko siya sa hospital ngunit nakita kong nasa tabi niya palagi si Vincent kaya umaalis na lang ako. At nang nalaman ko na magkasintahan na ang dalawa ay umalis ako at nagtungo sa ibang bansa. Sobrang sakit ang naramdaman ko nang malaman kong nagpakasal na silang dalawa. Naisip ko na mag-move on na sa kanya ngunit nang makita ko siya sa mall isang araw matapos kong bumalik mula sa ibang bansa ay natuklasan ko na hindi pa pala ako nakakapag-move on sa kanya. I still love her. Kaya naisipan kong pumasok sa bahay nila at magpanggap na gardener para makalapit sa kanya. Naudlot ang pagdaloy ng alaala ko nang tumunog ang doorbell sa pintuan. Tiyak si Perry na iyon. Ilang saglit pa ay kumakatok na sa pintuan ng silid ko si Perry. "Ano ang natuklasan mo tungkol sa ipinapagawa ko sa'yo?" agad na tanong ko kay Perry pagkabukas ko sa pintuan. "Vincent and Audrey were married, but their wedding was fake," agad na sabi nito sa akin. "Fake?" Napakunot ako ng noo. "What do you mean fake?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay ipinakita nito sa akin ang resulta ng imbestigasyon nito. Agad na binasa ko ang result at tiningnan ang mga litratong kasama. Vincent had a wedding ceremony with Audrey but he registered his marriage with another woman instead, his first girlfriend. "Nagkunwari si Vincent na may gynephobia siya kaya kahit holding hands ay hindi nila ginagawa ni Audrey. Ngunit ang totoo ay dahil nangako si Vincent kay Trixie na hindi nito gagalawin si Audrey. But lately, pini-pressure si Vincent ng parents nito na magkaroon ng anak or else, maaalis ito sa pagiging tagapagmana at mapupunta sa half-siblings nito ang CEO position ng kompanya ng ama nito," mahabang paliwanag ni Perry. So that's the real reason why Audrey climbed into my bed and wanted to get pregnant. Ngunit base sa ekspresyon nito kanina ay mukhang alam na nito ang itinatagong sekreto ni Vincent kaya nakipagkita siya sa akin at gusto akong gawing bedmate. Mahigpit na ikinuyom ko ang aking mga kamao. Ngayon na nabigyan ako ng chance para mapasaakin siya ay hindi ako papayag na bumalik pa siya kay Vincent. She's mine only. I will not let her go this time. I will do everything to make her fall in love with me.AudreyMalalalim na buntong-hininga ni Damien ang maririnig sa silid pagkatapos ng mainit na sandali na pinagsaluhan namin. Pareho kaming nakahiga sa kama at tanging puting kumot lamang ang tumatabing sa aming mga hubad na katawan."Tell, me. Bakit bigla kang nakipagkita sa akin? Akala ko ba ayaw mo na akong makita pa kahit na kailan dahil tapos na sa atin ang lahat?" hindi nakatiis na tanong nito. "I changed my mind. I want to keep you as my bedmate. Don't you want it?" walang emosyon na sabi ko sa kanya. Ayoko nang magpakita ng emosyon. Natuklasan ko na kapag nakikita nila ang totoong emosyon mo ay magti-take advantage lamang sila sa'yo. Kagaya ng ginawa sa akin ni Vincent."Paano kung magalit ang asawa mo?" nananantiyang tanong nito.Bahagya akong natawa sa tanong nito. "Nakalimutan mo na bang siya ang nagtulak sa akin papunta sa'yo? And besides, natatakot ka ba sa asawa ko?""Of course not," mabilis nitong sagot. "I just—""Hindi ba magalit ang amo mo na nagpapasok ka ng stra
Audrey Bago pa may makapansin na nakatayo sa bukana ng pintuan ay nahamig ko ang sarili ko at mabilis akong nagtago sa gilid ng pintuan. Wala sa loob na kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang i-record ang kanilang pag-uusap."That was intense, bro. Tiyak na masa-shock si Audrey kapag nakita niyang nakikipaghalikan sa isang babae ang asawa niyang iniisip niyang may gynephobia," narinig kong komento ni Lance sa paghahalikan nina Vincent at Trixie."Watch your mouth, Lance. Baka nakakalimutan mong ako ang tunay na asawa ni Vincent at hindi si Audrey. Fake lamang ang marriage nila dahil pangalan ko ang nakarehistro bilang wife ni Vincent," wika naman ni Trixie sa tonong may inis dahil sa pagsasabi ni Lance na asawa ko si Vincent."Asawa ka lang ni Vincent sa papel at sa harapan namin. Ngunit sa mata ng mga tao at sa pamilya niya ay si Audrey ang asawa niya," patuloy ni Lance sa tonong nang-iinis. "Kabit ka lang ni Vincent.""Hindi ako ang kabit kundi si Audrey," giit ni Audrey na napip
Audrey"Did you sleep with Damien last night?" agad na tanong ni Vincent nang pumasok ito sa silid ko. We slept in different rooms dahil nfa may gynephobia siya. Tinitigan ko siya ng maigi. Wala man lang akong nakita maski kaunting selos sa mukha nito sa posibilidad na nakipagtalik ako sa ibang lalaki. Excitement pa nga at puno ng pag-asam ang nakita ko sa mukha nito.Palihim na kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilang umalpaw ang munting hikbi sa lalamunan ko. My heart is so heavy and aching. Ngunit pilit ko na lamang kinumbinsi ang sarili ko na para kay Vincent naman ang ginawa ko. Para matulungan siyang maabot ang matagal na niyang pinapangarap."Y-Yes. I slept with him last night," mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Bigla kong naalala ang mainit na sandali na pinagsaluhan namin ni Damien kagabi. Ang mga kamay kong humaplos sa malapad nitong dibdib at matigas na biceps. It was so damn hot.Bahagya akong yumuko para itago ang pamumula ng mukha ko. I don't know why
Audrey Nilagok ko ang pangatlong shot ng matapang na alak para magkaroon ako ng lakas ng loob at mawala ang hiya na nararamdaman ko sa binabalak kong gawin. I will seduce Damien, our newly hired gardener. Last week ay kinausap ako ni Vincent, my husband. Sabi nito ay pini-pressure ito ng parents nito to have a child of his own. Dahil kung hindi, maaalis ito bilang heir at mawawalan ng karapatang magmana sa kompanya ng ama nito. He has two younger brothers from his father's second wife, and they also coveted the heir title. Ngunit paano naman kami ni Vincent magkakaanak kung ayaw niya akong makasiping at tabihan sa pagtulog? We've been married for two years at kahit isang beses ay wala pang nangyayari sa amin. Kahit halik sa pisngi at yakap sa akin ay hindi niya magawa. He has a gynephobia at naiintindihan ko iyon kahit masakit sa part ko. Masakit dahil hindi ko man lang magawang yakapin ang mahal ko. At last week nga ay kinausap ako ni Vincent tungkol sa pagkakaroon namin n







