Teilen

Chapter 29

last update Veröffentlichungsdatum: 18.03.2026 18:36:01
Harold’s POV

Wala akong kaalam-alam na uuwi pala si Papa. At kahit sabihin man nila sa akin, malamang wala rin akong pakialam. Pero iba ngayon… hindi ko maipaliwanag kung bakit.

“Lolo…”

Agad na yumakap ang anak ko sa kanya, walang pag-aalinlangan, walang bakas ng alinlangan sa kanyang mga mata.

At doon ako lalo naguluhan.

Bakit wala akong naramdamang galit? Kahit kaunti. Sa halip, may kung anong saya na unti-unting sumisibol sa loob ko—parang may bahagi sa akin na matagal nang kulang… at ng
Light_Star

Thank you, dear readers, for your love and endless support. 😊 And to Gem you give, and ads that you watch just to read my novel ❤️ Mahal ko po kayo☺️. Sana wag po kayong magsawang supportahan ang aking novel💙💚.

| Gefällt mir
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 32

    Buong gabi akong hindi nakatulog. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng panaginip ba ang bumalot sa akin—o kung bangungot nga ba iyon na pilit kumakapit sa aking isipan. Para bang may isang bagay na gustong ipahiwatig sa akin, ngunit hindi ko kayang unawain. Mabuti na lamang at pinagbigyan ako ng aking mga mata na makaidlip kahit saglit, kahit halos mag-aalas singko na ng umaga.Ngunit ni hindi pa man ako nakabawi sa kakarampot na pahinga, isang mahinang tinig ang gumising sa akin—isang boses na pamilyar, ngunit may bigat na hindi ko agad mawari.Ang asawa ko."We need to go now…" mariin niyang sambit.Agad akong napaupo. Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya—pawisan, magulo ang ayos, at tila ba may pinagdaraanan na hindi ko maabot. Para siyang galing sa isang laban na hindi ko nasaksihan."Hon… ano bang nangyayari sa’yo? Huminahon ka nga, please!" halos pakiusap ko, pilit siyang pinapakalma kahit ako mismo ay nagsisimula nang manginig sa kaba."Hon… may dapat kang malaman…" huming

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 31

    “Hon… napaano ka?” maingat kong tanong. Napansin ko kasing kakaiba ang kilos niya ngayong araw—parang may dinadala siyang bigat na pilit niyang itinatago.“Ehh… wala lang ’to, Hon. Okay lang ako,” mabilis niyang tugon, ngunit halatang pilit lang ang pagiging kalmado.“Hon…” marahan kong hinawakan ang kamay niya. “You don’t need to lie. Kilala na kita. Asawa mo ako… alam kong hindi ka okay.”Sandali siyang napatitig sa akin. Para bang may gustong kumawala sa labi niya pero pinipigilan ng takot o pag-aalinlangan. Kita ko sa mga mata niya ang paglalaban ng katotohanan at pagdududa.“Hon… ano nga ’yon?” marahan kong udyok.Napabuntong-hininga siya bago tuluyang nagsalita. “Kanina kasi… I saw a familiar face, and—” napahawak siya sa ulo niya, tila nahihirapang buuin ang sasabihin.“And what?” kabado kong tanong.Biglang nagbago ang ekspresyon niya—mula sa pag-aalangan ay naging seryoso, halos matigas.“Si Ate Bea…” mariin niyang sabi. “Kahapon, naghatid ako kay Rafael sa terminal. Biglang

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 30

    “Nak! Bakit ka nandito? Teka, sino ang kasama mo?” Sa labas pa lamang ng pinto ay rinig ko na ang ingay—parang may munting kasiyahang nagaganap sa loob. “It’s just Daddy and Lolo,” sagot niya, bakas ang tuwa sa kanyang mukha. “Hon…” Napahinto ako. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o tuluyan na akong nawalan ng ulirat. Sapagkat sa totoo lang, napakalabong mangyari ang ganitong eksena sa pamilya ng mga Cardinal. “Oh hija, kumusta ka naman?” “Okay lang naman po ako,” sagot ko, sabay ngiti. Dumiretso siya sa anak niyang nakaratay. Tatlong araw na ang lumipas mula nang magising si Ate. Ngunit hanggang ngayon, tila wala pa rin siya sa kanyang sarili. Kailangan pa rin niya ng tuloy-tuloy na gamutan at therapy upang tuluyang makabawi. “Anak, magpagaling ka. Naghihintay kami… lalo na ang anak mo. Miss na miss ka na niya. Alam mo ba, gusto ka niyang puntahan ngayon, kaso bawal pa raw ang bata rito. Pero huwag kang mag-alala—hindi ko pababayaan ang anak mo. Ang isipin mo muna ay ang

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 29

    Harold’s POV Wala akong kaalam-alam na uuwi pala si Papa. At kahit sabihin man nila sa akin, malamang wala rin akong pakialam. Pero iba ngayon… hindi ko maipaliwanag kung bakit. “Lolo…” Agad na yumakap ang anak ko sa kanya, walang pag-aalinlangan, walang bakas ng alinlangan sa kanyang mga mata. At doon ako lalo naguluhan. Bakit wala akong naramdamang galit? Kahit kaunti. Sa halip, may kung anong saya na unti-unting sumisibol sa loob ko—parang may bahagi sa akin na matagal nang kulang… at ngayon lang napunan. Pero ayokong ipahalata. “Let’s go,” malamig kong aya sa anak ko, na tila ba walang nangyari. “Nak, let’s have breakfast. Nagpaluto ako kay Shiela.” “Daddy, let’s have breakfast with Lolo.” Napabuntong-hininga na lang ako. Sa huli, wala rin akong nagawa kundi sumunod. Habang kumakain kami, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang pakiramdam? Parang may kapayapaan na matagal kong ipinagkait sa sarili ko. Ngayon lang ako muling nakasabay kay Papa sa iisang hap

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 28

    Harold’s POV “Kayo po ba ang guardian ni Rafael?” tanong ng boses mula sa kabilang linya. Bahagya akong napakunot-noo. “Ah, yes… ako nga. May I know who’s this?” maingat kong tugon. “Magandang araw po, Sir. Ako po si Coach Rome, ang swimming coach ng anak niyo. Tumatawag po ako para ipaalam sa inyo na may competition po si Rafael ngayong darating na Friday. Sana po ay makadalo kayo para masuportahan siya,” magalang ngunit may halong pag-asa sa tinig niya. “Ah… Coach, kailan po ulit?” muling tanong ko, kahit malinaw ko namang narinig. “Ngayong Friday po, dito lang sa school nila. Ang mananalo po kasi ay lalaban sa national level,” paliwanag niya. “Ganun ba…” saglit akong natahimik. “Sige, Coach. Thank you for informing me,” tugon ko bago tuluyang ibinaba ang tawag. Pagkaputol ng linya, tila may bigat na agad na sumalampak sa dibdib ko. Friday. Isang araw na puno ng commitments—mga meeting sa shareholders, reports, at iba pang responsibilidad sa kumpanya. Isang araw na h

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 27

    “Hon? Okay ka lang ba riyan?” nag-aalalang tanong niya mula sa kabilang linya. “Huh? Oo, okay lang ako. Ikaw, si Rafael?” sagot ko habang inaayos ang pagkakaupo sa tabi ng kama. “Nasa school na si Rafael. Actually, sinama niya si Maya. Sabi niya, big boy na raw siya kaya kaya na niyang mag-alaga,” paliwanag niya. “Hays… mabuti naman kung gano’n,” mahina kong tugon. Hanggang ngayon, wala pa ring malay si Ate. “Hon… sorry ha? Ikaw tuloy ang nahihirapan sa pag-aalaga kay Ate.” “Sus, wala ‘yon. Kaya ko ‘to. Ako pa ba? Wala ka bang tiwala sa akin?” Bahagya akong napangiti kahit alam kong nag-aalala siya. “Thank you…” biglang bumigat ang boses niya. Napansin ko ang kakaibang tunog sa pagsasalita niya. “Umiiyak ka, Hon?” “Huh? Hindi ah…” pilit niyang itinanggi. “Umiiyak ka. Alam ko ‘yan. Don’t lie,” mahinahon kong sabi. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko narinig ang marahang pagpunas niya ng luha. “Sige na, Hon. Baka may gagawin ka pa riyan. Tatawag na lang ako kapag may kailanga

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status