Share

I Found Forever with My Ex's Uncle
I Found Forever with My Ex's Uncle
Author: Light_Star

Chapter 1

Author: Light_Star
last update Huling Na-update: 2026-01-03 09:27:16

Hanna’s POV:

“Hanna! Si Leo, andito na!”

Tumagos sa tenga ko ang sigaw ni Manang Eden mula sa kusina. Hindi ako agad gumalaw. Para bang may mabigat sa dibdib ko na ayaw akong patayuin mula sa hagdan.

Huminga muna ako nang malalim bago bumaba.

Pagdating ko sa sala, nandoon siya—si Leo. Nakaupo sa sofa, diretso ang tingin sa cellphone, tahimik. Para bang bisita sa sariling bahay. Parang estrangherong napadaan lang.

Nang magtama ang mga mata namin, saka lamang siya tumayo at lumapit. Yumakap.

“I miss you,” bulong ko, kusang ngumiti kahit may kirot na agad sa loob ng dibdib ko.

Hindi siya tumagal sa yakap. Maingat niya akong inalis—hindi marahas, pero malinaw ang distansya. Parang may iniingatan… o may iniiwasan.

“Bakit?” tanong ko, hindi na itinago ang pagtataka.

“Pagod lang ako, love. Pasensya na,” sagot niya, sabay iwas ng tingin.

Doon pa lang, alam ko na. May mali.

“Ah… gano’n ba,” maikli kong tugon. Malamig. Hindi dahil gusto kong manakit—kundi dahil wala na akong lakas para magpanggap na okay lang.

Umupo kami, at tahimik ang paligid. Ang katahimikan namin—mas maingay pa kaysa sa anumang sigawan.

“Love,” bigla kong simula, “may gagawin ka ba sa Linggo? Sana—”

“Hindi ako puwede.” Malamig, walang kasamang paliwanag.

Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko, agad siyang tumanggi.

“Marami akong paperwork sa opisina. Hindi ko alam kung anong oras ako matatapos,” mabilis niyang paliwanag. Parang matagal nang handa ang palusot.

Napapikit ako sandali.

“Leo,” mahinahon kong sabi, “alam mo ba kung anong araw bukas?”

“Ha?” Napakamot siya sa ulo. “May ganap ba?”

May kung anong napigtas sa loob ko.

Ngumiti ako—pilit, mapait. “Anniversary natin. Fifth year anniversary natin bukas.”

Saglit siyang natigilan. Halata ang gulat. Hindi dahil naalala niya, kundi dahil nahuli siya.

Lumapit siyang muli at niyakap ako.

“Sorry, love. Pasensya na. Nakalimutan ko. Patawarin mo ako,” malambing niyang sabi.

Pero ramdam ko—walang bigat ang mga salita niya. Walang konsensya. Walang pagsisisi.

“So,” tanong ko, hindi tumayo mula sa inuupuan ko, “anong plano natin bukas?”

“Kakain tayo sa labas,” sagot niya, pilit na masigla.

Tumango ako, pero sa loob-loob ko, may bumubulong—Hindi naman siya ganito dati.

Noong unang tatlong taon namin, hindi niya kailangang ipaalala ang sarili niya sa akin. Hindi niya kailangang pilitin ang oras. Hindi niya kailangang mangako.

Nagbago siya.

Alam ko kung kailan nagsimula—noong mas naging abala siya sa trabaho, mas naging malapit sa mga katrabaho, at mas naging malayo sa akin. Ako ang naiwan.

Alas-nuwebe ng gabi.

Walang tawag. Walang mensahe. Walang paliwanag.

Nakatitig lang ako sa cellphone hanggang mangalay ang mga mata ko. Hanggang sa mapagod ang puso ko kakahintay.

Hanggang sa makatulog na lang ako, yakap ang pag-asang baka nagkamali lang ako ng hinala.

Ilang beses nang na-cancel ang mga plano namin. Ilang beses akong umintindi. Ilang beses akong nagpanggap na sapat ang “sorry.”

Hindi ako nagreklamo.

Pero ngayon—iba na ang pakiramdam.

Parang may unti-unting gumuguho sa ilalim ng paa ko.

“Hays, salamat naman,” galit kong sabi nang sa wakas ay tumawag siya. “Naalala mo pa pala ako.”

“Love—”

“Hindi mo ba naisip na naghihintay ako?” nanginginig na ang boses ko. “Anniversary natin, Leo.”

“Sorry, love. Nakalimutan ko—”

Hindi ko na hinintay ang dulo. Binaba ko na ang tawag.

Mas masakit ang pinaasa kaysa tuluyang iniwan.

“Love, patawarin mo na ako,” halos pabulong niyang pagmamakaawa.

Pero ang mga mata niya—walang init. Walang sigurado.

“Leo,” mahina kong tanong, “mahal mo pa ba ako?”

“Oo naman,” sagot niya agad. “Ikaw lang ang mahal ko.”

“Kung gano’n,” nilunok ko ang buo sa lalamunan ko, “bakit pati anniversary natin nakalimutan mo?”

Tahimik siya.

“May tinatago ka ba sa’kin?” direkta kong tanong. “May iba na ba?”

Bigla siyang nagtaas ng boses.

“Pinagdududahan mo ba ako?” galit niyang sigaw. “Selos ka nang selos, wala ka namang ebidensya!”

Doon na bumigay ang luha ko.

“Hindi ba halata?” umiiyak kong sabi. “Wala ka nang oras sa’kin. Puro trabaho. Minsan naiisip ko—may boyfriend pa ba talaga ako?”

Hindi siya sumagot. Tumalikod lang siya.

“Bahala ka, Hanna.”

At iniwan niya akong mag-isa.

Doon ko naramdaman—hindi lang lamat ang meron sa relasyon namin. Basag na.

Kung lilipunin ang lahat ng tanga sa mundo, siguradong kasama ako roon.

I begged for his time. For his love.

Pero hindi niya man lang ako pinagbigyan kahit sa pinakamaliit na bagay.

“Busy ka ba ngayon?” tanong ko sa tawag.

“As always,” malamig niyang tugon.

Huminga ako nang malalim. “Leo… paano kung mawala na rin ako—”

Naputol ang sasabihin ko nang may marinig akong boses ng babae sa likod niya.

Tinawag ang pangalan niya.

Nanlamig ang buong katawan ko.

“Love,” pangingilabot kong tanong, “sino ‘yon?”

“Katatrabaho lang,” sagot niya agad.

“Pero narinig ko na lalabas kayo.”

“Meeting ng team.”

Hindi ako manhid. Sa akin, okay lang na wala siyang oras.

Pero sa iba—todo effort siya.

Hanggang isang araw—sa isang mall—nakita ko sila.

Magkasama. Magkaharap. Masaya.

Sa isang Korean restaurant. Walang pagtatago. Walang hiya.

Lumapit ako sa mesa nila.

Bago pa man ako makapagsalita—isang sampal ang bumagsak.

“Hi,” nakangiti kong bati sa babae. “Mukhang mas masaya ka kasama niya.”

Namutla siya.

Nanlaki ang mata ni Leo. “H-Hanna… anong ginagawa mo rito?”

“Napadaan lang,” mahinahon kong sagot.

“Walang hiya ka,” nanginginig kong sabi. “Pinaniwala mo akong ako lang—”

Hindi na natapos ang sasabihin niya nang muli kong sampalin ang babae.

Nang mahawakan ko ang buhok niya, doon ko na pinakawalan ang lahat ng galit na matagal kong kinimkim.

“Hanna, tama na,” sigaw ni Leo. “Buntis si Lea!”

Parang sumabog sa ulo ko.

“Wow,” mapait kong tawa. “Buntis? Kailan pa?”

Tahimik kong hinubad ang singsing sa daliri ko.

Dalawang taon kaming engaged. Limang taon—walang kasal.

Iniwan ko ang singsing sa mesa.

At lumakad palayo.

Ngayon—apat na taon na ang lumipas.

Wala na siyang koneksyon sa buhay ko.

Heto ako—buhay, sugatan, pero patuloy na lumalaban.

At unti-unting bumabangon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 5

    Makalipas ang walong buwan, ganap nang gumaling ang Daddy sa kanyang sakit.At sa panahong iyon, marami akong ipinagpasalamat. Una, sa Poong Maykapal—dahil sa Kanyang gabay at awa, muling nabigyan ng buhay ang Daddy. Ikalawa, sa taong hindi ako iniwan kahit kailan. Sa taong palaging nasa tabi ko sa mga araw na halos wala na akong lakas—pisikal man o emosyonal.“Hello, Ma’am. What can I help you?” tanong ng assistant sa kabilang linya.“Nandiyan ba si Mr. Cardinal?” maayos kong tanong.“Oh yes, Ma’am. He’s here. Wait a second,” magalang nitong tugon.“Oh, hello. Mr. Cardinal speaking. Who’s this?”Hindi ko na nagawang magpaliwanag pa kung sino ako. Hindi ko na rin nakontrol ang emosyon na matagal ko nang kinikimkim.“Harold… thank you sa lahat ng tulong mo. Kung hindi dahil sa’yo, baka kung ano na ang nangyari sa Daddy ko.”Saglit siyang natahimik bago ako marinig na muling magsalita.“Hanna… ikaw pala ’yan,” ani niya. Ramdam ko ang saya sa tono ng kanyang boses.“Basta para sa’yo, gag

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 4

    “Mommy, let’s take a picture with Daddy,” pag-aaya sa akin ni Rafael, bakas sa mukha niya ang tuwa.“Sandali, picturan ko na lang muna kayong dalawa,” sagot ko habang inaayos ang camera.Ngunit tumitig sa akin si Harold, seryoso ang mga mata.“No, Manang Lucy, please take a picture of us. Hanna, let’s go. It’s a family picture.”Wala akong nagawa kundi tumabi sa kanya.“Rafael, kami naman ng Mommy mo,” sabi niya.Wala akong masabi.“Yes, Daddy,” masayang tugon ni Rafael.Dumikit si Harold sa akin, at ramdam ko ang kamay niyang marahang nakahawak sa aking bewang. Mabuti na lang at sanay akong magtago ng nararamdaman—kung hindi, siguradong halata na ang kabog ng dibdib ko.“Oh, hija,” sambit ni Manang Lucy, “bakit hindi ka mag-enjoy kasama ang dalawa?”“Hayaan na po muna, Manang. Matagal din silang hindi nagkasama,” sagot ko.Tumingin siya sa akin, tila may binabasa sa aking mga mata.“Ikaw ba, Hanna? Hindi ka ba nasasabik na muli sa asawa mo?”“Manang naman…” mahina kong tugon.Bumunto

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 3

    Harold's POV:“Sir, naihatid ko na po si Miss Hanna sa apartment niya.”Bahagya akong napangiti. “Nakuha mo ba ang pinapahanap ko?”“Opo, sir. At sa katunayan po, confirmed na may anak si Miss Hanna. Lumaki po ang mata ko, sir, nang makita ko—hundred percent kamukha niyo talaga ang bata.”“Hindi pa rin tayo sigurado kung akin nga ang bata,” tugon ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Kaya ipagpatuloy mo ang paghahanap ng mga ebidensya.”“Opo, sir.”“At kung kailangan mong magbayad para sa ebidensya, huwag kang mag-alala sa pera. Ako ang bahala.”“Yes, sir.”“Sir,” maingat na tanong ng driver ko, “pwede ko lang po bang itanong… bakit parang sobrang obsessed kayo kay Miss Hanna? Eh ngayon lang naman po kayo muling nagkakilala?”Naputol ang tanong niya nang tumingin ako sa kanya. “Basta. May kinalaman iyon sa nakaraan. Sige na, may gagawin pa ako.”Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng pakiramdam ko sa tuwing naiisip kong muli kaming magtatagpo ni Hanna. Para bang bumalik ang mga multo ng nak

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 2

    “Good morning, Mommy,” bungad sa akin ni Rafael habang inaantok pang nakatayo sa pintuan ng kusina.Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo. “Good morning din, baby ko. Anong gusto mong breakfast?” Ngumiti siya nang matamis, ‘yong ngiting kayang magpagaan ng kahit gaano kabigat na pagod.“Syempre, Mommy, ‘yong favorite ko po.”Sabay talikod at takbo papunta sa kwarto niya.Naiwan akong mag-isa sa kusina, tahimik, habang sinisimulan kong ihanda ang almusal naming mag-ina.Habang naghihiwa ng mga sangkap, saglit akong napatingin sa orasan—maaga pa, pero parang laging kapos ang oras kapag mag-isa kang may pasan sa mundo.“Mommy, please come over! Tita Faith is calling!” sigaw ni Rafael mula sa sala.“Baby, sandali lang. May ginagawa pa si Mommy,” sagot ko habang patuloy sa pagluluto.“Mommy, hurry up,” mariin niyang tawag.Napabuntong-hininga ako at pinunasan ang kamay bago sagutin ang tawag.“Oh, napatawag ka?” bungad ko.“Syempre! May good news at bad news ako sa’yo,” masiglang sabi

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 1

    Hanna’s POV:“Hanna! Si Leo, andito na!” Tumagos sa tenga ko ang sigaw ni Manang Eden mula sa kusina. Hindi ako agad gumalaw. Para bang may mabigat sa dibdib ko na ayaw akong patayuin mula sa hagdan.Huminga muna ako nang malalim bago bumaba.Pagdating ko sa sala, nandoon siya—si Leo. Nakaupo sa sofa, diretso ang tingin sa cellphone, tahimik. Para bang bisita sa sariling bahay. Parang estrangherong napadaan lang.Nang magtama ang mga mata namin, saka lamang siya tumayo at lumapit. Yumakap.“I miss you,” bulong ko, kusang ngumiti kahit may kirot na agad sa loob ng dibdib ko.Hindi siya tumagal sa yakap. Maingat niya akong inalis—hindi marahas, pero malinaw ang distansya. Parang may iniingatan… o may iniiwasan.“Bakit?” tanong ko, hindi na itinago ang pagtataka.“Pagod lang ako, love. Pasensya na,” sagot niya, sabay iwas ng tingin.Doon pa lang, alam ko na. May mali.“Ah… gano’n ba,” maikli kong tugon. Malamig. Hindi dahil gusto kong manakit—kundi dahil wala na akong lakas para magpang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status