Share

Chapter 2

Author: Light_Star
last update publish date: 2026-01-03 09:27:45

“Good morning, Mommy,” bungad sa akin ni Rafael habang inaantok pang nakatayo sa pintuan ng kusina.

Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo. “Good morning din, baby ko. Anong gusto mong breakfast?” Ngumiti siya nang matamis, ‘yong ngiting kayang magpagaan ng kahit gaano kabigat na pagod.

“Syempre, Mommy, ‘yong favorite ko po.”

Sabay talikod at takbo papunta sa kwarto niya.

Naiwan akong mag-isa sa kusina, tahimik, habang sinisimulan kong ihanda ang almusal naming mag-ina.

Habang naghihiwa ng mga sangkap, saglit akong napatingin sa orasan—maaga pa, pero parang laging kapos ang oras kapag mag-isa kang may pasan sa mundo.

“Mommy, please come over! Tita Faith is calling!” sigaw ni Rafael mula sa sala.

“Baby, sandali lang. May ginagawa pa si Mommy,” sagot ko habang patuloy sa pagluluto.

“Mommy, hurry up,” mariin niyang tawag.

Napabuntong-hininga ako at pinunasan ang kamay bago sagutin ang tawag.

“Oh, napatawag ka?” bungad ko.

“Syempre! May good news at bad news ako sa’yo,” masiglang sabi ni Faith.

“Hay naku, as always. Ano na naman ‘yan?” pabirong sagot ko.

“Ganito kasi ‘yon, bes. ‘Di ba kasama ka sa candidates for promotion? Alam mo ba… promoted ka na.”

Nanlaki ang mga mata ko. Ramdam kong gusto kong tumalon sa tuwa, pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Talaga?” mahinahon kong tanong kahit nanginginig ang boses ko.

“Congrats, bes!”

Napangiti ako, pero agad ko ring naitanong, “E ‘yong bad news?”

“Makikita mo na si Mr. Cardinal.”

Napakunot ang noo ko. “Huh? Anong konek ng bad news kay Mr. Cardinal?”

Napakamot siya sa ulo. “Eh bes, ang brutal daw no’n. Cold, suplado… saka nasa fifty plus na raw.”

Kung puwede ko lang batukan si Faith sa kabilang linya, ginawa ko na. “Sino ba nagsabi sa’yo ng mga ‘yan?”

“Narinig ko lang.”

“Don’t judge by its cover,” seryoso kong sabi. “Masyado kang naniniwala sa chismis. Hindi mo pa nga siya nakikita sa personal.”

“Hindi pa.”

“Oh, tingnan mo na lang.”

“Mommy, ano po sinabi ni Tita?” biglang tanong ni Rafael na ikinagulat ko.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Anak, promoted na si Mommy.”

Mahigpit ko siyang niyakap.

“Yeah! Talaga, Mommy? I’m happy for you,” masaya niyang sabi.

Hindi ko napigilan ang mapaluha. “Para sa’yo ‘to, anak. Gagawin ni Mommy ang lahat.”

Pagkatapos naming mag-almusal, pinapaligo ko siya. “Maghanda ka na, ha. Pupunta tayo sa mall. Treat ka ni Mommy.”

“Yes, noted, Mommy,” masigla niyang tugon.

Lumipas ang isang buwan.

Maayos ang takbo ng trabaho ko. Hindi man madali, napagsasabay ko pa rin ang pagiging ina at pagiging isang empleyado.

“Rafael, anak, buksan mo nga ang pinto. Tingnan mo kung sino,” sabi ko habang abala sa pananahi.

“Wait, Mommy,” sagot niya.

“MOMMY! Tito at Tita nandito!” masaya niyang sigaw.

“Papasukin mo na, anak.”

“Oh, saan kayo galing?” tanong ko.

“Shopping kami ni Relan,” sagot ni Faith. Alam ko na agad kung saan.

“Alam mo ba, bruha,” simula niya, “may boylet kanina—wow, sarap sana! Kaso ‘yong asawa niyang bruha, ang gulo.”

Napatawa na lang ako habang nakikinig.

“By the way,” biglang seryoso si Faith, “twentieth anniversary ng company sa Martes. Pupunta ka ba?”

Napakamot ako sa ulo. “Pwede bang hindi na lang?”

“Sira ka,” sabat ni Relan. “A-attend ka sa ayaw at sa gusto mo. Sayang ‘yong dress na binili ko.”

“Pag-iisipan ko,” mahina kong sabi.

Dumating ang araw ng event. Kabado ako—unang beses kong makakaharap ang CEO ng JH Corporation.

“Bagay sa’yo ‘yang dress,” sabi ni Faith. “Oh, bakit ‘di mo kasama si Rafael?”

“Iniwan ko muna kay Manang Lucy,” sagot ko, kahit hindi ako komportable sa suot ko.

“Kuha tayo ng drinks,” aya niya.

Pabalik na sana kami sa mesa nang may mabunggo ako. Natapunan ko siya ng inumin.

Pero biglang nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko kung sino.

“S-sorry… hindi ko sinasadya,” pautal kong sabi.

“Ano ba, dahan-dahan naman,” iritableng sagot niya.

Tapos bigla siyang natigilan.

“Oh. Long time no see… Hanna Portugal.”

Nanikip ang dibdib ko. “L-Leo? A-anong ginagawa mo rito?”

“Baliktad ata. Ako dapat ang magtanong niyan,” sabi niya habang palapit nang palapit.

“I’m a VIP guest here,” mayabang niyang wika. “Ikaw? You look the same—cheap.”

“Hoy! Kung makapagsalita ka!” singhal ni Faith, pero inawat ko siya.

“Okay lang,” sabi ko. “At least, kahit cheap, wala akong tinatapakang tao.”

Ngumisi si Leo. “Wala ka talagang pinagbago. Hindi ka nababagay dito. ‘Yang suot mo, parang ikaw—cheap.”

“Hindi ako tulad mo,” mariin kong sagot. “Hindi marunong makuntento. Executive Manager ako ng JH Corporation. Kaya ako nandito.”

Bahagya siyang natawa. “Oh really? Executive Manager ka pala. Pero bakit may scandal ka? Kahit sinong lalaki, pinapatulan mo raw.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasampal ko siya.

“Hindi totoo ‘yan!” nanginginig kong sigaw. “Wala kang ebidensya para husgahan ako!”

Hindi pa siya nakuntento. Kinuha niya ang mikropono para ipahiya ako.

Ngunit bago pa man siya makapagsalita, may isang babaeng akmang sasabuyan ako ng tubig—

Biglang may yumakap sa akin.

“Are you okay, Miss Portugal?”

Nabigla ako. Kilala niya ako, pero ngayon ko lang siya nakita.

Humakbang siya palapit kay Leo. “Whoever dares to put a hand on this woman will face the consequences.”

Nanlaki ang mga mata ng lahat.

“At ikaw,” dagdag niya sa babae, “kung ‘yang make-up mo, hindi mo man lang inayos, huwag ka nang mang-insulto.”

Nagtawanan ang mga bisita.

Doon ko lang napagtanto—siya si Mr. Cardinal.

Matangkad, elegante, at nakakabiglang gwapo. Nasa fifty’s na raw, pero parang nasa thirty lang.

“Miss Portugal, are you okay?” muli niyang tanong.

“Yes po, Sir,” lutang kong sagot.

May kung anong pamilyar sa kanya—lalo na ang amoy niya. Parang naamoy ko na ‘yon noon, sa isang taong minsan nang naging mahalaga sa buhay ko… pero hindi ko maalaala kung saan.

Hinubad niya ang coat niya at isinuot sa akin. “Here.”

“Thank you, Sir,” mahina kong sabi.

“Let’s go,” utos niya sa kausap sa telepono.

“Ipapahatid na kita. Magpahinga ka.”

Wala na akong nasabi. Hinubad niya ang heels ko at ipinasuot ang flat sandals bago ako isakay sa sasakyan.

Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, naramdaman kong mahalaga ako.

At inalagaan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 65

    Hanna's POV"Nak wala kabang balak umuwi?" Hindi ko alam kong simpling tanong lang iyon o sadyang pinapaalis na ako ng Mommy. "You've staying here for 5 day's already, alalahanin mo may pamilya kang naghihintay rin sayo." Pamilya pala ang tawag doon, pero bakit nagawa ng asawa ko ang maghanap ng iba? Hindi rin masasabing iba dahil sa katulong pa talaga. Kinalimutan niya ako mas inuna niya yong ego niya. Akala ko man lang perfect man kona, but he cheat on me. Nangmakababa na si Mommy naluwagan ako ng kunti ni hindi ko rin kasi masabi sa kanya ang totoo, I don't want na problemahin pa niya ang problema ko. I'm adult. Kasalanan ko lang kasi nag-asawa ako ng hindi marunong makuntento, naghanap pa ng fresh tilapya siguro hindi kona siya napapaligaya nagsawa na siya sakin kaya ganon. Gusto ko umiyak dahil lugmok na lugmok talaga ako pero sadya ata talagang tuyo na ang luha ko. Manhid kung baga."Ohh Ano iyon sandali lang!" Nawala si Mommy may bago nanamang nangiistorbo. "Ito na bubuksan na

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 64

    Harold's POV "Dad!..... Daddy!" "Oh nagulat naman ako sayo! Bakit ano ba iyon? Alas dose na ba't di kapa natutulog?" "Dad why your drinking again?" Puno ng pagkadismaya ang mukha niya. Pero ano bang magagawa ko wala na, nasira kona ang tiwala nang mama niya.Tinitigan ako nito, iniwas ko nalang ang tingin sa kanya napakamangusisa kasi nito, "Is there any problem Dad?" Hindi ako sumagot."May problema poba?" "Wala anak sige na matulog kana, you have class tomorrow, you'll gonna be late if your not going to sleep now." Pero kahit gaano ko itago alam kong matalino ang anak ko hindi man niya sabihin ng deretsahan pero alam kong aware siya sa mga bagay-bagay sarili ko lang talaga ang pilit na niluluko ko. Gusto ko kong magsisi at ibalik sa dati yong sitwasyon. Pero pano? Ayaw kong masira yong tahanang binuo ko, dahil lang sa nangyaring iyon. Yes I admit that I'm wrong sa part na nakalimutan ko siya, natukso ako. Aaminin ko mali ko iyon, pero hindi ko naman talaga papatulan si Jane.

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 63

    Hanna's POV "Dad did you see my husband?" Pero umiling lang siya at tumalikod na. Kanina pa akong naglilibot sa kakahanap sa kanya. Gusto ko pa naman siyang ipakilala kay Randal. Hilong hilo na ako."Mommy! Nandiyan papo ba si Tito Randal?" Akala ko kong sinong tumawag sakin iba kasi ang boses, "Oo andon sige na puntahan mo muna..... Ay wait nakita mo ba ang Daddy mo??" "Nope" Tumango na lamang ako at sumunod na sa kanya, gusto ko na muna kasi makaupo mag-iisang oras nadin akong naghahanap sa taong may topak nanaman."Ohh Where's your husband did you see him?" "Ran, I don't know where he is. Kanina pa akong naghahanap sa kanya." Ngumisi lamang ito. "I see him kanina, actually he's watching as while we we're talking pero nawala siya bigla kanina." Nagulat ako sa sinabi niya nakita niya ang asawa ko! But how he know my husband eh di ko panga siya pinapakilala. "Huh? Ho—" sinapawan na niya ako, "how I could not know your husband? Tita your Mother mention him. And beside siya lang na

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 62

    Harold's POV Kong maka dikit sa asawa ko daig pa ako."Zed, Sino ba iyong bisita niyo? Yon oh yong katabing lalaki ng Ate mo." "Kuya si Randal yan yong childhood crus— esti childhood friend ni Ate Hanna." Mas nag observed pa ako sa dalawa di rin ako naniniwala na childhood friend ng asawa ko iyon, ako maloloko hindi may pa esti pang nalalaman puwede namang sabihin ng deretsahan na childhood crush niya yong lalaking iyon. "Sure ka ba talaga?" Muli kong tanong sa kanya pero wala tumango nalang siya nadulas na kasi ayaw pang sabihin.Ang daming bisita na puweding asikasohin pero nakatunganga lang talaga siya sa Randal na iyon. Ngayon ko palang nga iyon nakita di rin niya nakukuwento ang taong iyon, pero walastig ang clingy na niya agad sa lalaking iyon samantalang sakin di niya magawa na ako ang asawa niya."Ohh Harold bakit dimo samahan yong asawa mo! Eh ginawa nga itong party nato para sa inyong mag-asawa eh di mo naman siya sinasamahan ay siya puntahan mona yong asawa mo." "Ahh Pa

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 61

    Hanna's POV "Hon... Ba't dimo sinabi na darating sila." Tinapos ko muna ang nginunguya kong pagkain bago nagsalita. " Hindi ko nga alam na darating sila!" Napataas ang kilay niya, "Dimo alam? Ano yon surprise?"Napakamot na lamang ako sa ulo, "parang ganon na nga Hon." Hindi na siya nagsalita pa.."Hon nagsasabi ako ng totoo!" Usal ko. Pero tumalikod lang siya. Hindi ko alam kong anong iniisip niya. Ngunit hindi ko alam ba't siya ganon hindi ko naman talaga alam na darating pala ang mga magulang ko edi sana kong alam ko nasabi ko sa kanya na darating maging ako nga gulat din dahil nabutan ko nalang sila sa sala. Halos buong maghapon niya akong hindi kinausap o pinansin man lang, ni tanongin ako ng kumain kana ba hindi. Ni tawag wala. Pupunta sana ako ng kusina para uminom, naabutan ko naman ang isang eksina. Ang eksina na hindi ko akalaing magagawa iyon ng isang 20 anyos na dalaga."Hmmm ughhh... Baby come on fuck me!" Na

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 60

    Hanna's POV "Diba sabi ko naman sayo na don't mind that fucking message kong saan man yan galing! Ikaw lang naman ang maapektuhan niyan," seryuso niyang wika. His eye was sharp. Parang yong talim lang ng kutsilyo. But I understand him, alam kong nagaalala lang siya sakin. May trauma na kasi ako sa tuwing ma t-trigger iyon kusa nalang bumabalik. Ng dahil lang kasi sa nangyari sa ate Bea niya, parang doon na nagsimula gumulo ang mundo ko. Matagal na nga kong sa matagal na pero ang sugat na nag hilom lang sa paglipas ng panahon, sa ilalim nito may isang piklat na napaka sensitibo—madaling sugutan uli. "Alam ko naman yon Hon, pero masisi mo ba ako kong hindi ko mapigilan ang sarili ko? Di natin alam baka totoo yong laman ng message na iyon? Pano natin iyon maiiwasan?" Yumuko na lamang ako ilang araw na rin kasi akong hindi gaanong nakakatulog dahil lang sa mensahing iyon. Kong sino man siya sana biro niya lang lahat ng iyon. Kong puwede lang sanang isipin na panaginip lang lahat ng iy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status