Share

Chapter 3

Author: Light_Star
last update Last Updated: 2026-01-03 09:28:11

Harold's POV:

“Sir, naihatid ko na po si Miss Hanna sa apartment niya.”

Bahagya akong napangiti. “Nakuha mo ba ang pinapahanap ko?”

“Opo, sir. At sa katunayan po, confirmed na may anak si Miss Hanna. Lumaki po ang mata ko, sir, nang makita ko—hundred percent kamukha niyo talaga ang bata.”

“Hindi pa rin tayo sigurado kung akin nga ang bata,” tugon ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Kaya ipagpatuloy mo ang paghahanap ng mga ebidensya.”

“Opo, sir.”

“At kung kailangan mong magbayad para sa ebidensya, huwag kang mag-alala sa pera. Ako ang bahala.”

“Yes, sir.”

“Sir,” maingat na tanong ng driver ko, “pwede ko lang po bang itanong… bakit parang sobrang obsessed kayo kay Miss Hanna? Eh ngayon lang naman po kayo muling nagkakilala?”

Naputol ang tanong niya nang tumingin ako sa kanya. “Basta. May kinalaman iyon sa nakaraan. Sige na, may gagawin pa ako.”

Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng pakiramdam ko sa tuwing naiisip kong muli kaming magtatagpo ni Hanna. Para bang bumalik ang mga multo ng nakaraan—mga alaala na pilit kong ibinaon.

Ngunit hindi niya ako nakilala.

Apat na taon na ang lumipas, pero parang kahapon lang ang lahat. At sa muling pagkikita namin, muli kong naramdaman ang pananabik—lalo na nang maamoy ko ulit ang natural niyang amoy, ang amoy na minsang naging dahilan kung bakit ako tuluyang naakit sa kanya.

Kaya gagawin ko ang lahat para makuha siyang muli.

Hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba. Akin siya. Dapat.

“Hey, kid. Who are you looking for?”

Napansin kong panay ang lingon ng isang batang lalaking nakaupo sa bench.

“My mommy!”

May kung anong kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may pagkakahawig siya sa akin—sapat para mag-ingay ang kutob ko.

Muli ko sana siyang tatanungin, ngunit halatang takot siya sa mga estranghero. At bago pa ako makapagsalita, dumating ang isang pamilyar na boses.

“Rafael, anak! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpupunta?”

Napalingon ako.

“Miss H-Hanna… anak mo?” hindi ko napigilang itanong.

Tumingin siya sa akin, halatang nagulat. “Ah, opo, sir. Nag-iisa kong anak.”

“Tara na.”

“By the way, thank you po, sir. Kung wala po siguro kayo, baka napano na ang anak ko.”

Ngumiti ako. “No, it’s okay.”

Hindi ko alam kung paano ipoproseso ng isip ko ang lahat ng nakita ko. Ngunit isang bagay lang ang malinaw—kailangan kong malaman ang buong katotohanan.

“Miss Hanna, kanina ka pa rito. Hindi ka pa ba nakakasakay?”

“Hindi pa po, sir.”

“O, di halika na. Sumabay ka na sa akin. Pauwi na rin naman ako.”

“Wag na po—”

Tinignan ko siya nang diretso. “Hanna, huwag nang makulit. Kapag may nangyari sa’yo, konsensya ko pa.”

Wala na siyang nagawa kundi sumakay.

Pagbaba niya, mahina niyang sinabi, “Sir, thank you po.”

“Welcome.”

Sa totoo lang, gusto ko siyang ihatid at sunduin araw-araw. Pero ayokong mabigla siya. Lalo na’t hindi niya ako kilala—at hindi niya naaalala ang nangyari sa amin apat na taon na ang nakalipas.

Pareho kaming lasing noon. Pero ako… malinaw pa rin ang isip ko. At bawat detalye ng gabing iyon, bawat bahagi niya, malinaw pa rin sa alaala ko.

Sa bawat araw na magkasama kami, parang unti-unting nagbabago ang mundo ko.

“Good morning, Miss Beautiful,” biro ko.

“Good morning too, sir,” nakangiti niyang tugon.

Araw-araw ko na yatang ginagawa iyon.

“Miss Hanna, anong nangyari?” Pawisan siya at halatang nahihilo.

“Sir, parang nag–blackout po ang system.”

“Oh, okay. I’ll help you.”

Tumingin siya sa akin. “Talaga po ba, sir?”

“Of course.”

Masaya ako tuwing kasama ko siya—sabay kaming kumakain, nagkukuwentuhan. Minsan, gusto ko na lang siyang yayain lumabas kahit walang dahilan.

Pero ang pinakanagbigay-linaw sa lahat ay ang katotohanan.

“Sir, si Jun po ito. Nakuha ko na po ang mga impormasyong kailangan ninyo. Iniwan ko na po sa table ninyo.”

Hindi ko na siya sinagot. Agad kong hinanap ang folder.

Confirmed.

Anak ko si Rafael.

Hindi na ako nagdalawang-isip. Agad akong pumunta sa apartment nila.

Si Hanna lang ang nadatnan ko roon. Doon ko sinabi ang buong katotohanan. Una, wala siyang reaksyon. Hindi ako umalis hangga’t hindi niya ako pinakikinggan.

“Mommy, I’m here!”

Nang marinig ko ang boses ni Rafael, parang may liwanag na pumasok sa dibdib ko.

“Rafael, anak,” nanginginig ang boses ni Hanna, “may sasabihin si Mommy sa’yo… Siya ang Daddy mo.”

Tahimik si Rafael sa loob ng ilang segundo.

Pagkatapos, niyakap niya ako nang mahigpit.

“I miss you so much. Dati, dream ko lang magkaroon ng complete family. Ngayon, nangyari na.”

Hindi ko napigilan ang luha ko. Hindi ko akalaing may kakayahan pa akong magbago—na may magbibigay pa ng direksyon sa buhay ko.

“Good morning, everyone,” masaya kong bati sa mga empleyado—lalo na sa babaeng nagbibigay-kulay sa araw ko.

Pero tila nakakita sila ng multo.

“Grace,” tawag ko sa sekretarya ko. “Anong nangyari?”

Napakamot siya sa ulo. “Sir, nagulat lang po kami. First time po kasi naming makita kayong ngumiti mula umaga hanggang ngayon.”

“Oh, iyon lang pala,” natatawa kong sagot.

Marami palang nagbago sa akin simula nang dumating sa buhay ko ang mag-ina ko.

Kung dati, sarili ko lang ang iniisip ko, ngayon iba na ang mundo ko.

“Good evening, Daddy! Did you eat your dinner na?”

“Yes, baby,” masaya kong tugon. “Ikaw, kinain mo ba ang vegetables mo?”

“Yes po!”

“Dingga!” ngumiti siya. “Tanungin mo pa si Mommy.”

“Kausapin ko nga ang Mommy mo,” sabi ko—kahit ang totoo, gusto ko lang talaga marinig ang boses ni Hanna.

“Kumain ka na ba?”

“Kakatapos lang namin ni Rafael. Ikaw?”

“No,” pagkukunwari ko.

“Ay, bakit? Eight p.m. na. Hindi maganda ’yan sa’yo.”

Napangiti ako. Ganito na siya noon pa man—maalaga.

“I want to see you.”

Namula ang mukha niya.

Hindi ako makatulog. Hindi ko inakalang darating ang araw na magkakaroon ako ng anak… ng pamilya.

Pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga kami ni Hanna. Walang malinaw. Hindi ko alam kung totoo ang lahat ng ipinapakita niya, o kung ginagawa lang niya iyon para sa anak namin.

Pero simula nang makasama ko silang dalawa, umaapaw ang saya sa dibdib ko. Binigyan nila ng kulay ang matagal nang madilim kong mundo.

At kaya kong gawin ang lahat—

huwag lang silang mawala sa piling ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 5

    Makalipas ang walong buwan, ganap nang gumaling ang Daddy sa kanyang sakit.At sa panahong iyon, marami akong ipinagpasalamat. Una, sa Poong Maykapal—dahil sa Kanyang gabay at awa, muling nabigyan ng buhay ang Daddy. Ikalawa, sa taong hindi ako iniwan kahit kailan. Sa taong palaging nasa tabi ko sa mga araw na halos wala na akong lakas—pisikal man o emosyonal.“Hello, Ma’am. What can I help you?” tanong ng assistant sa kabilang linya.“Nandiyan ba si Mr. Cardinal?” maayos kong tanong.“Oh yes, Ma’am. He’s here. Wait a second,” magalang nitong tugon.“Oh, hello. Mr. Cardinal speaking. Who’s this?”Hindi ko na nagawang magpaliwanag pa kung sino ako. Hindi ko na rin nakontrol ang emosyon na matagal ko nang kinikimkim.“Harold… thank you sa lahat ng tulong mo. Kung hindi dahil sa’yo, baka kung ano na ang nangyari sa Daddy ko.”Saglit siyang natahimik bago ako marinig na muling magsalita.“Hanna… ikaw pala ’yan,” ani niya. Ramdam ko ang saya sa tono ng kanyang boses.“Basta para sa’yo, gag

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 4

    “Mommy, let’s take a picture with Daddy,” pag-aaya sa akin ni Rafael, bakas sa mukha niya ang tuwa.“Sandali, picturan ko na lang muna kayong dalawa,” sagot ko habang inaayos ang camera.Ngunit tumitig sa akin si Harold, seryoso ang mga mata.“No, Manang Lucy, please take a picture of us. Hanna, let’s go. It’s a family picture.”Wala akong nagawa kundi tumabi sa kanya.“Rafael, kami naman ng Mommy mo,” sabi niya.Wala akong masabi.“Yes, Daddy,” masayang tugon ni Rafael.Dumikit si Harold sa akin, at ramdam ko ang kamay niyang marahang nakahawak sa aking bewang. Mabuti na lang at sanay akong magtago ng nararamdaman—kung hindi, siguradong halata na ang kabog ng dibdib ko.“Oh, hija,” sambit ni Manang Lucy, “bakit hindi ka mag-enjoy kasama ang dalawa?”“Hayaan na po muna, Manang. Matagal din silang hindi nagkasama,” sagot ko.Tumingin siya sa akin, tila may binabasa sa aking mga mata.“Ikaw ba, Hanna? Hindi ka ba nasasabik na muli sa asawa mo?”“Manang naman…” mahina kong tugon.Bumunto

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 3

    Harold's POV:“Sir, naihatid ko na po si Miss Hanna sa apartment niya.”Bahagya akong napangiti. “Nakuha mo ba ang pinapahanap ko?”“Opo, sir. At sa katunayan po, confirmed na may anak si Miss Hanna. Lumaki po ang mata ko, sir, nang makita ko—hundred percent kamukha niyo talaga ang bata.”“Hindi pa rin tayo sigurado kung akin nga ang bata,” tugon ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Kaya ipagpatuloy mo ang paghahanap ng mga ebidensya.”“Opo, sir.”“At kung kailangan mong magbayad para sa ebidensya, huwag kang mag-alala sa pera. Ako ang bahala.”“Yes, sir.”“Sir,” maingat na tanong ng driver ko, “pwede ko lang po bang itanong… bakit parang sobrang obsessed kayo kay Miss Hanna? Eh ngayon lang naman po kayo muling nagkakilala?”Naputol ang tanong niya nang tumingin ako sa kanya. “Basta. May kinalaman iyon sa nakaraan. Sige na, may gagawin pa ako.”Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng pakiramdam ko sa tuwing naiisip kong muli kaming magtatagpo ni Hanna. Para bang bumalik ang mga multo ng nak

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 2

    “Good morning, Mommy,” bungad sa akin ni Rafael habang inaantok pang nakatayo sa pintuan ng kusina.Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo. “Good morning din, baby ko. Anong gusto mong breakfast?” Ngumiti siya nang matamis, ‘yong ngiting kayang magpagaan ng kahit gaano kabigat na pagod.“Syempre, Mommy, ‘yong favorite ko po.”Sabay talikod at takbo papunta sa kwarto niya.Naiwan akong mag-isa sa kusina, tahimik, habang sinisimulan kong ihanda ang almusal naming mag-ina.Habang naghihiwa ng mga sangkap, saglit akong napatingin sa orasan—maaga pa, pero parang laging kapos ang oras kapag mag-isa kang may pasan sa mundo.“Mommy, please come over! Tita Faith is calling!” sigaw ni Rafael mula sa sala.“Baby, sandali lang. May ginagawa pa si Mommy,” sagot ko habang patuloy sa pagluluto.“Mommy, hurry up,” mariin niyang tawag.Napabuntong-hininga ako at pinunasan ang kamay bago sagutin ang tawag.“Oh, napatawag ka?” bungad ko.“Syempre! May good news at bad news ako sa’yo,” masiglang sabi

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 1

    Hanna’s POV:“Hanna! Si Leo, andito na!” Tumagos sa tenga ko ang sigaw ni Manang Eden mula sa kusina. Hindi ako agad gumalaw. Para bang may mabigat sa dibdib ko na ayaw akong patayuin mula sa hagdan.Huminga muna ako nang malalim bago bumaba.Pagdating ko sa sala, nandoon siya—si Leo. Nakaupo sa sofa, diretso ang tingin sa cellphone, tahimik. Para bang bisita sa sariling bahay. Parang estrangherong napadaan lang.Nang magtama ang mga mata namin, saka lamang siya tumayo at lumapit. Yumakap.“I miss you,” bulong ko, kusang ngumiti kahit may kirot na agad sa loob ng dibdib ko.Hindi siya tumagal sa yakap. Maingat niya akong inalis—hindi marahas, pero malinaw ang distansya. Parang may iniingatan… o may iniiwasan.“Bakit?” tanong ko, hindi na itinago ang pagtataka.“Pagod lang ako, love. Pasensya na,” sagot niya, sabay iwas ng tingin.Doon pa lang, alam ko na. May mali.“Ah… gano’n ba,” maikli kong tugon. Malamig. Hindi dahil gusto kong manakit—kundi dahil wala na akong lakas para magpang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status