KYLIE POV
Nang makalabas na ako ay agad kong nilibot nang tingin ang paligid. It's lunchbreak now, so marahil nagtatake na siya ng lunch. Ohh goshh! Kylie why are you even doing this?! Nagsimula na akong maglakad upang hanapin siya. Dapat lang na magustuhan niya ang dala ko ngayon dahil ito ang unang pagkakataon na ginawa ko ito. This is so not me for goodness sake! Nakita ko ang kumpulan ng mga trabahante sa gilid na kumakain. Nakangiti akong nilapitan silang lahat. "Hai! Excuse me pwede ba akong magtanong?" Nakita ko kung paano sila napahinto sa pagsubo at napakurap-kurap pa nila akong tiningnan. "Ahh.. Ano po iyon, Miss?" tanong ng isang lalaki. "Asan po si Zamrick?" tanong ko nang deretso. Bakit pa ako magpaligoy-ligoy pa kung pwede ko namang itanong nang deretso. "Nasa kabilang palapag po siya, Miss," sagot ng isang Mama. "Well thank you po," tsaka ako dumeretso sa elevator. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa elevator ay napansin ako sa isang gilid. Isang lalaking kasing edad ko lang. Nakaupo lamang siya doon at napapasulyap sa mga kasamahan niyang kumakain. Kumunot tuloy ang noo ko. I didn't notice na nakalapit na pala ako sa kanya. "Anong ginagawa mo rito sa sulok?" tanong ko. Nakita ko ang pagkabigla niya at ang takot sa mga mata niya. Bakit siya natatakot sa akin? "Okay ka lang?" tanong ko pa sa kanya. "O-okay lang po ako Miss," nauutal niyang sagot. Doon ko lang napansin na wala siyang dalang baon. Napatingin ako sa lunch box na dala ko at sinulyapan uli siya. "Here, take it," sabay abot ko sa lunch box na dala ko. "P-po? Pero-" "No buts it's, ok. Alam kong wala kang baon kaya kunin mo na," agap ko sa sasabihin niya. "Maraming salamat po," sabi niya at kinuha ang lunch box tsaka ito nagmamadaling umalis upang makakain. "Hindi ko alam na namimigay ka na pala ngayon ng pagkain Miss. Clarkson." Napalingon ako sa likuran at nakita ko ang taong kanina ko pa hinahanap. Agad lumitaw ang isang ngiti sa mga labi ko na ikinakunot ng noo niya. "Mr. Construction worker, mabuti at nandito ka na. Hahanapin sana kita sa kabilang palapag." "And why are you looking for me Miss. Clarkson? At Bakit narito ka nanaman? Hindi pwedeng gumala gala ka lang dito nang basta-basta. Hindi ito playground na basta-basta mo na lang maaaring puntahan," sabi niya habang nakatitig nang maigi sa akin. Pssh..suplado. "Well, dinalhan ko si Daddy ng lunch niya and I also brought something for you pero ibinigay ko na sa lalaki kanina yung sa iyo kasi wala siyang makain pang lunch," napapakamot ako sa buhok ko while saying those things in front of him. Gosh! Sobrang nakakahiya. "At bakit mo naman ako bibigyan ng lunch box?" napaka brusko nang pagkakatanong niya. I slowly bite my lower lip. Oo nga naman, bakit ko siya dadalhan ng pang lunch niya? Are you for serious Kylie?! God! Wake up! Wagkang papayag na mapahiya sa harapan ng lalaking ito. Nakita kong umigting ang panga niya. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras. Bakit parang naiintimidate ata ako sa lalaking ito. "Ano kasi pang thank you ko na rin sana iyon pero wag mo nang isipin iyon," nakangiti kong pakli. Umingos lamang siya at nagsimula nang maglakad. Agad naman akong sumunod sa kanya. "So, anong ginagawa mo tuwing break time?" tanong ko habang sumusunod at napapasulyap sa mukha niya. "Nagpapahinga pero madalas kong chenecheck iyong mga scaffoldings na kinakailangan. I want everything to be clear and put in their right places," bigkas niya kaya natigilan ako sa paglalakad. Talaga bang construction worker lang ang isang ito? Napaka talino at englishero naman ata niya para maging isang construction worker. Napansin ko ring walang mali sa mga english niya. Bagay pa nga siyang maging manager rito dahil sa kilos niya. "Ahh how long have you been working here?" tanong ko. Agad naman siyang lumingon sa akin. "I only been here for 3 days now. Kararating ko lang galing sa iba pang site." He answered. Napapatango ako sa sinabi niya. Siguro ay kakatapos niya lang sa trabaho niya sa ibang company na nagpapatayo rin ng building kaya siya narito. Hindi ba siya napapagod? "Do you have any job? O ito lang talaga ang trabaho mo?" "May iba pa akong trabaho pero mas priority ko ito." "Why sticking up being a construction worker kung pwede ka na mang mag modelo. I mean may itsura ka naman, bakit hindi mo gamitin ang mukha mo? I'm sure lots of girls out there will be screaming for you." Napatigil ako nang mapansin ko ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. "And that includes you," nakakaloko niyang bigkas na may bahid nang kakaibang pagtitig. Napabuga ako ng pekeng tawa. "Ahahaha your funny. Nagsasabi lang ako nang totoo. Bakit ka nagpapakahirap mag-" "And I'm also stating a fact here," putol niya sa sinasabi ko. Kumunot tuloy ang noo ko sa kanya. "W-what?" bulalas ko na naguguluhan. Napatingin ako sa sahig nang inisang hakbang niya lang ang pagitan naming dalawa at tinitigan ako nang mariin. Nakipagtagisan naman ako nang titig sa kanya. Ohh those argentine blue eyes that really caught my attention in the first time I meet him. "Interesado ka ba sa akin Miss. Clarkson," seryosong tanong niya habang binibigyan ako nang nakakailang na tingin dagdagan mo pa nang napaka brusko niyang boses. "A-ano? Anong klaseng tanong iyan. At bakit naman ako magkakainterest sa iyo?" naiilang kong tanong dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. "Hindi iyon tanong Miss. Clarkson. At bakit nga ba?" bulong niya sa akin. Napaatras tuloy ako nang wala sa oras hindi ko namalayang pader na pala ang nasa likuran ko. Damn it! I smell something trouble here. Nakakatakot ang lalaking ito sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Listen young lady. Napakaraming babae na ang nagtangkang umaligid sa akin and take note lahat 'yon ay hindi kagaya mong bata. I can easily read you baby. Hindi mo alam ang pinapasok mo kaya habang maaga pa ay binibigyan na kita nang pagkakataong umalis at iwasan ako," mahabang bigkas niya sa napakaseryosong boses. Naramdaman kong tumayo ang mga balahibo ko dahil sa presensya niya. Mabilis siyang tumalikod sa akin at walang imik na umalis. Napahinga ako nang maluwag at napahawak sa dibdib ko. What was that? Marami na raw mga babaeng umaligid sa kanya at sa lahat nang iyon ay hindi katulad ko na bata? Hindi makapaniwalang napabuga ako ng hangin. The hell!! Iniinsulto niya ba ako?! inis na sinundan ko siya at agad hinarangan sa daan. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya. Naniningkit ang mga mata kong tinitigan siya. "Anong ginagawa mo?" tanong niya na para bang hindi makapaniwalang sinundan ko pa talaga siya. Napahalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Marked this! Walang pwedeng mag walk-out sa isang Kylie Laurell Clarkson! "Iniinsulto mo ba ako?" sikmat ko sa kanya na ikinabigla niya. Marahil ay hindi niya inaasahan ang pagsigaw ko sa kanya. "You see, I'm being nice here pero looks like iba yata ang intrepetasyon mo doon," mataray na utal ko at nakita ko ang pagsilaw ng isang ngiti sa gilid ng labi niya at nakikita ko rin ang amusement sa mga mata niya. "Wala akong pakialam kung ilang babae na ang mga nagtangkang umaaligid sa iyo pero gusto ko lang sabihin na wala akong pakialam. Hindi ako katulad nila, don't overthink something Mr. Construction worker. I can do whatever I want get that?!" mataray na bigkas ko at inirapan siya tsaka siya tinalikuran. Sinadya ko pang patamaan siya ng buhok ko sa mukha niya. Serves him right! Para saan pa ang entitled Devil ko kung hindi ko iyon ipapakita sa kanya. Nakakainis! Peste!ZAMRICK POV"Diyos ko hijo! Nasaan ka na ba ngayon at bakit ngayon mo lang sinagot ang mga tawag ko? Ang sabi ni Leon sa akin ay pupunta ka ng El fuego ngunit nang tawagan ko si Mama doon ay hindi ka naman daw dumating sa mansion. Please hijo sabihin mo sa akin kung nasaan ka ngayon nang hindi naman ako mag-aalala nang ganito," mahabang sabi ni Mama sa akin mula sa kabilang linya."I'm just fine ma. Alam ko po kung papaano pangangalagaan ang sarili ko. You don't need to worry about anything on me.""Alam ko. Pero pwede mo namang ipaalam sa akin hindi ba kung nasaan ka man ngayon para naman mapanatag na ang kalooban ko anak," medyo nag-aalala pa rin niyang utal sa akin.Isang mahabang buntung hininga na lamang ang aking nagawa sa ipinahayag niyang iyon. I know my mom very well enough. Magpupumilit siyang malaman ang isang bagay at kung hindi niya agad ito malalaman ay kukuha at kukuha siya nang ibang tao para gawin ang bagay na iyon para sa kanya. Siguro ay sa kanya rin namin namanang
KAYE POVNang nasa malapit na ako sa bahay ay agad kong napansin si Timothy na kasama si Kapitan. At nagulat pa ako nang makita ko mula sa mga kamay niya ang isang punpon ng mga magagandang bulaklak. Mukhang napansin rin nila ang naging pagdating ko dahil halos sabay pa silang dalawa na napalingon sa gawi ko at agad na napatayo.Marahan na lumapit sa akin si Kapitan at sa medyo nahihiyang itsura niyang inilahad sa akin ang kanyang dalang mga mamahaling bulaklak. Habang sa kanyang bandang likuran ay kita ko ang kinikilig na itsura ni Timothy."Ate, ako na po ang bahala dito sa mga pinamili mo," lapit ni Timothy sa akin at agad na inagaw mula sa akin ang mga dala ko."Maiwan ko na po muna kayo ni Kuya Edmond. Kuya Edmond ikaw na po ang bahala sa ate ko ha?" ngiti niya sa aming dalawa ni Kapitan."Maraming salamat Timothy. Huwag kang mag-alalala. Iingatan ko ang ate Kaye mo," ngiting sagot naman ni Kapitan Edmond kay Timothy bago ito tuluyang pumasok sa bahay."Uhmm..""Anong kailangan m
KAYE POVPagkatapos ng mga nangyari kanina ay minabuti na muna ni Nanay Neneth na pauwiin ako sa bahay. Hindi pa sana ako papayag nang ipagpilitan niya sa akin ang gusto niya dahilan para sundin ko na lamang nga siya.Marahan kong hinubad ang suot kong apron at tsaka ako nagpunas ng aking mga kamay."Sigurado po ba talaga kayo na ok lang po kayo dito mag-isa Nanay Neneth?" paniniguradong tanong ko sa kanya."Ok lang naman po sa akin na samahan po kayong magbantay dito Nay. Hindi ko naman po masyadong pinapansin ang mga sinasabi ng mga kaibigan niyo po sa akin," dagdag ko pa.Mabilis naman siyang umiling-iling sa akin. At inabutan ako ng 500 pesos sa aking kaliwang kamay. Nagtatakang napatitig naman ako sa halagang iyon."Ok lang ako dito Kaye at tsaka isa pa ay mas mabuti na rin na mauna ka nang umuwi at nang makapag pamalengke ka na rin para sa hapunan natin mamayang gabi," mahabang sabi niya sa akin."Ok po," sagot ko na lamang sa kanya at tsaka na nagpaalam na aalis na.Lumapit ako
KAYE POVAbala ako sa pagpapaypay ng aming mga paninda nang may isang kostumer ang lumapit sa harapan ng mga paninda namin. At base sa itsura at postura ng suot nito ay mukhang turista pa ito."How much?" tanong nito sabay turo sa kumpol ng mga isdang tulingan na nakadisplay."280 per kilo sir," agad na sagot ko rito."How about this one? Is this new?" turo na naman nito sa ibang kumpol ng mga isda."This one is cost 250 per kilo sir. And yes it is new and still fresh. My father caught all of this early in this morning," tuloy-tuloy na sagot ko sa turistang kaharap.Nakita kong napatitig ito sa akin na tila ba manghang mangha siya sa akin."Ok then, I want to buy this one. Just a half of kilo if it is okay with you Miss?" nakangiting sabi nito sa akin."Sure!"Mabilis akong kumuha ng isang supot at agad na tinimbang ang isdang napili niya at nang maibigay ko ito sa kanya ay agad naman siyang nagbayad sa akin ng tamang halaga."You know I've been always here in Matnog and this is the v
ZAMRICK POV"Kuya," tawag ni Leon sa akin na kararating lang.Deretso siyang naupo sa upuang nasa harapan ko at marahan niyang sinuyod ng tingin ang buong lugar."Anong gusto mong sabihin sa akin, Kuya?" tanong niya sa akin.Nagtawag siya ng waiter para sa order niyang alak.Nandito kami ngayon sa isang nightclub. Kahapon kasi ay tinawagan ko siyang makikipagkita ako ngayon sa kanya at may importante akong dapat na sasabihin sa kanya."May pabor aka sa iyo, Leon," bigkas ko habang prenteng nilalaro ang alak na laman ng aking baso.Mukhang nakuha ko naman ang buong atensyon niya dahil agad na kumunot ang kanyang noo sa akin."What is it?" seryosong tanong niya sa akin.Dumating ang inorder niyang alak at nang matapos itong mailapag ng waiter sa mesa namin ay tsaka lang ako nagpatuloy."I need a break. Alam mo na ang ibig kong sabihin Leon," pakli ko tsaka marahas na tinunga ang aking alak.Marahan naman siyang tumango tango sa akin na tila ba naiintindihan niya ang ibig kong sabihin."
ZAMRICK POV "What is happening to you Zamrick?! Hindi ka naman dating ganito ahh? Sa nakalipas na tatlong taon ay wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagtuunan ng pansin ang paghahanap kay Kylie! Nakamove on na ang lahat hijo. Ikaw na lamang ang hindi!" Biglaang sabog ni Mama sa akin nang maabutan niya ako dito sa condominium ko na lasing. Sahalip na lingunin siya ay inabot ko na lamang ang isang bote ng alak. Nagkalat dito sa sala ang mga bote ng alak na ininom ko kung kaya'y ganoon na lamang ang biglaang galit niya sa akin. Tss! Who cares anyway? Akmang iinumin ko na ito nang marahas niyang inagaw sa akin ang boteng hawak ko at pagalit na inilagay ito sa mini table na naririto. "Pwede bang tumigil ka na, anak!" sigaw niya sa akin at nagsimula na siyang umiyak. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak pero anong magagawa ko? Kung ako nga mismo ay nasasaktan at nagdurusa rin sa kaloob-looban ko. "This is not you, son. Please, bumalik ka na sa dati. Ibalik mo ang dati