Share

02: First day of work

"Kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon! Porque mayaman?!" Galit kong binagsak 'yung basa kong damit sa lapag.

Nasa apartment ako ngayon, mabuti nga at nakahanap ako ng matutuluyan na malapit lang sa pinagt-trabahuhan ko, kung hindi sa labas ako ng kalsada matutulog.

Hindi pa rin ma-alis sa utak ko 'yung nangyari kanina, eh jusko! Alam na alam nilang may tao sa gilid at may tubig sa kalsada, hindi nagdahan-dahan magpa-andar ng sasakyan?! Mukha tuloy akong basang-sisiw kanina.

"Ma-karma sana 'yon! Madulas habang naglalakad!"

Lumundag na ako sa kama ko at nagsimulang patayin ang ilaw. Hindi ako makatulog, siguro dahil sa excitement and kaba rin na nararamdaman ko para bukas sa trabaho---at yung galit ko din pala, kanina. Hmp!

Well, kaya lang naman ako nagtrabaho dito sa Manila para maipagamot 'yung kapatid ko na may sakit, cancer sa probinsiya. Siya na lang kasi talaga ang natira kong pamilya matapos nung nam*tay ang Lola ko dahil din sa sakit.

Ang mga magulang ko ay hiwalay na, kahit nung bata palang ako. So de bale, ako ang nag-tayong ina at ama ng kapatid kong may sakit kahit nung bata pa lang siya. Hindi na rin ako nakapag-tapos ng paga-aral dahil din sa hirap ng buhay kaya eto ako hindi graduated student at matagal nang unemployed.

Napapikit na ako nang maramdaman kong inaantok na ako. At hindi rin nagtagal ay nakatulog ako.

Late nako!

Dali-dali kong sinuot 'yung uniform ko sa trabaho, ni hindi na nga ako tumingin sa salamin kung ano ang itsura ko basta maka-punta lang ako sa trabaho ko nang hindi nal-late.

Nakakahiya, sinabi ko pa naman kahapon na magiging maayos ang trabaho ko sa kanila at ngayon first day sa trabaho at late?!

Kahit labag sa loob kong kumuha ng pera sa pitaka ko tinuloy ko pa rin. Nagt-tipid talaga ako at gusto ko sanang maglakad na lang pero kailangan talagang mag-jeep ako para mas madali.

Pagpasok at pagpasok ko sa loob ng restaurant, oras agad ang tiningnan ko. Hindi pa naman ako late kaya napahinga ako nang maluwag.

"Ano bayan! 1st day sa trabaho at late ng isang minuto?!" Napaayos ako ng tayo ko nang makita ko si Julie sa harapan ko.

Kung maka-ganiyan naman tong babaeng to akala mo naman siya may-ari ng restaurant. Porque ass. manager lang akala mo e kontrolado na niya ang lahat.

"Pasensiya na po." Yumuko ako sa kaniya. Pero inirapan niya lang ako sabay umalis sa harapan ko.

Pumunta na ako sa pwesto ko, cashier ang in-assign sa akin nung manager. Rumarami na nga 'yung customer at hirap na hirap ako kaunti makipag-usap sa mga customers kasi nage-english 'yung ilan, 'yung iba ang taray pa kung makatingin.

Pinunasan ko 'yung pawis ko sa noo at bagsak na umupo sa upuan ko. Pagod na pagod ako kahit 1st day pa lang.

"At bakit naka-upo ka lang?!" Nagulat naman akong biglang pumunta sa gilid ko si Julie.

"Ay kabayo!"

"Anong kabayo?!" Sungit niyang sabi sa akin kaya napahawak ako sa bibig ko para takpan. Mabuti na lang dumating agad si manager at napatigil pagtataray nang babaeng to.

"Tsk, akala mo naman maganda." Bulong ko pero alam kong narinig ni Julie 'yon kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Pinapunta ni manager lahat ng staff sa labas kasi may sasabihin daw siya, wala pa namang mga customer gaano kaya nagkaroon ng saglit na meeting.

"Okay, tomorrow dadating ang may-ari ng restaurant na'to, kaya make sure sa inyo maayos ang gagawin," Sabi ni Manager sa aming lahat. "At bawal ma-late, Anne, kahit isang minuto lang 'yon dapat mas maaga punta niyo dito, naiintindihan ba ng lahat? Anne?" Lahat kami pinagsabihan pero sa akin yung tingin ng manager kaya napatango ako sa kaniya.

1st day na 1st day at parang may nagawa agad akong mali..

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko bigla akong nginitian ni Julie na parang nangaasar kaya nilabas ko dila ko sa kaniya para pang-asar din. Nakita ko namang nag-react siya pero di na ako tumingin pa sa direksyon niya.

"Okay, dismissed. Balik na kayo sa mga trabaho niyo."

Isa-isang bumalik ang mga staff sa kani-kanilang mga gawain at ako rin, dumami na rin kasi ang mga customers.

Nagkakagulo na ang lahat. Ngayon kasi ang dating ng may-ari ng restaurant na 'to at kahit ako pangalawang araw palang dito nagtataranta na rin ako. Bihira lang daw kasing pumunta ang may-ari dito kaya ganoon na lang ang kaba ng manager namin, mas naging mahigpit siya keysa nung nakaraan. Close muna ang restaurant dahil nga sa inspection ng may-ari.

Rinig ko pa naman na masungit daw 'yung may-ari, at sobrang yaman. Hindi lang daw ito ang hinahawakan niyang business, may kompanya rin daw siya sa ibang bansa, at pati dito sa Pilipinas. Isa sa pinakasikat ang mga business niya sa buong mundo sa pagkakarinig ko.

"Alam niyo naman ang gagawin niyo hindi ba?" Tanong sa amin ng manager. Sabay kaming tumango at nag-straight line sa gitna para batiin ang may-ari.

May sasakyan ang pumarada sa harapan ng restaurant, kaya mas lalo akong kinakabahan. May lumabas na mga machong lalaki at naghilera papunta sa entrance. At saka lumabas ang isang matandang babae, nakatakip ang mukha niya ng pamaypay kaya diko makita ang mukha niya.

Pumasok siya magisa sa pintuan at kami naman ay sabay-sabay na binati siya.

"Welcome po ma'am." Lumapit sa kaniya yung manager namin. Dahan-dahan na tinanggal ng may-ari ang pamaypay niya sa mukha niya.

Lola?!

Lumaki mata ko nang makita ko 'yung lolang nakaupo ko sa bench sa park kahapon ngayon! Hindi ko alam ang ir-react ko pero napayuko ako kaunti nang biglang nagtapat ang mga mata namin.

Nginitian niya ako at saka ibinaling ang tingin sa manager namin. Tiningnan ko lang si lola maglakad sa paligid at nago-observe. Ilang minuto lang siya naglibot at mukhang papaalis na rin.

"Iha? Anne? Dito ka pala nagt-trabaho?" Napatingin lahat sa akin nang biglang lumapit sa akin si lola, kaya ako ngumiti lang na parang natatae dahil sa kahihiyan.

Kitang-kita ko namang ang sama ng tingin sa akin ni Julie. Mukhang alam ko na rin ang iniisip niya ngayon, halata naman.

"O-opo, lola--ma'am."

"Hahaha. Coincidence nga naman."

Ngumiti lang ako sa kaniya habang tumawa siya sa nasabi ko. Apaka-humble naman pala nitong si lola, akala ko noon katulad ko lang din siya pero isa pala siya sa successful business woman hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na rin.

"Birthday ko nga pala sa 27." Sabay noon ay inabot sa akin ni lola ang isang sobre.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status