Share

I Got Engaged To My Boss Billionaire's Grandson
I Got Engaged To My Boss Billionaire's Grandson
Penulis: Cinn

01: Trouble Double

"Hello, Manila!" Isang malakas na sigaw ang binatawan ko matapos 'kong makababa sa bus na sinasakyan ko. Napa-ubo naman ako sa wala sa oras nang biglang umandar 'yung bus at napunta 'yung usok sa mukha ko.

Sa wakas.. Nandito na ako. Dala-dala ko ang malaking bag ko na may lamang mga damit ko. Nahirapan pa nga akong buhatin dahil sa sobrang bigat.

Tiningnan ko ang lugar at ibang-iba sa probinsiya, kung doon maraming puno e dito sa Manila maraming building na nagtataasan.

"Ang ga-ganda.." Napabulong ko sa aking sarili. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga nakikita ko ngayon, para bang taga-ibang bansa ako na ngayon lang nakapunta sa Manila kahit na nasa Pilipinas lang din naman ako pinanganak.

Ngayon..Kailangan 'kong makahanap ng trabaho. Palakad-lakad lang ako rito sa gilid ng kalsada habang naghahanap ng mga restaurants, kalinderya o kahit na ano basta matino at legal na trabaho.

Pero kahit ilang resto na napuntahan at naga-apply, lagi na lang nad-decline. Akala ko kapag nakapunta na akong Manila, madali na makahanap ng trabaho at may malaking sweldo, pahirapan din pala. Hirap nga naman ng buhay.

Wala sa sarili ay napa-upo ako sa isang bench, nandito ako sa may park, nakikita ko ang mga batang naglalaro, may mga halaman at mga nagbebenta ng ice cream o mga pagkain sa tabi. Pero kahit ganoon, hindi presko ang hangin, sigo," Sagot ko.

Nakita ko naman siyang ngumiti sa akin kaya ngumiti rin ako pero naiilang kasi nga hindi ko naman siya kilala.

"Aba'y may boyfriend ka na ba?"

"Ah-haha, wala pa po."

Hindi ko alam ano pinaparating ni lola sa akin, kung mukha ba akong hindi kaligaw-ligaw? Kaya siya nagtatanong ng mga ganiyan.

Tumayo bigla si lola sa inuupuan niya kaya napatingin ako. "Ano pangalan mo, iha?" Tanong niya. "Anne po." Nakangiti kong sabi.

"Aalis na ako, iha, Anne. Sana kapag nagkita na ulit tayo may boyfriend kana." Napatawa ako ng kaunti sa sinabi niya. As if naman po, lola.

Tiningnan ko siyang naglalakad habang papaalis sa pwesto ko. Napangiti ako ng mapakla dahil naalala ko ang namay*pa kong lola ko sa kaniya.

Oh my gosh.

Finally! Finally! Nakakuha na rin ako sa wakas ng trabaho. Isang restaurant at luckily pang-mayaman ang peg pa. Sabi ng manager bukas pa raw 'yung shift ko kaya hindi muna ako ngayon magsisimula. Pero nabigay na rin at sinabi na rin naman niya sa akin 'yung mga rules and regulations sa restaurant, mabuti at mababait naman lahat ng mga kasama ko except kay Julie, ka-workmate ko.

Idk, bakit antaray-taray niya sa'kin kahit pa nung unang pagpunta ko sa resto at nung bigla akong hinire ng manager.

"Maraming salamat po! Asahan niyo at magiging maayos ang trabaho ko rito!"

Nagpasalamat muna ako bago ako tuluyang umalis sa resto. Pero kahit na naka-alis na ako hindi pa rin nawala ang saya ng mga mata ko at ang lawak ng ngiti ko.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan ko nagulat ako nang biglang may humablot ng bag ko.

"Hala?----Magnanakaw!"

Bago pa ako maka-react, ang bilis ng pangyayari at tumakbo agad ng mabilis 'yung batang kumuha ng bag ko. Hinabol ko siya kung saan siya papunta pero napahinto ako nang tumawid siya sa kalsada kahit na naka-stop yung nakalagay, kaya napatumba siya sa kalsada nang biglang may bumisina nang malakas sa harapan niya.

At ang pagkasunod n'on ang pagkalat ng laman ng bag ko sa kalsada dahil nabitawan ng magnanakaw 'yon ang bag ko. Hindi ko pa naman 'yon na-zipper ng maayos, aish!

Dali-dali 'kong kinuha mga gamit ko sa lapag, at feel ko pinagt-tininginan na ako ng mga tao dito. Halos lumuwa dalawang mata ko nang makita ko pati 'yung panty ko at bra nagkakalat!

May tatak pa naman 'yon na-dora tapos may butas-butas na rin.

Napapikit ako habang kinukuha yon at minumura 'yung magnanakaw sa utak ko dahil sa ginawa niya.

Napatigil ako sa pagkakuha ko, nang may lumabas na kung sino sa sasakyan na nakahinto sa harapan ko. Naka-yuko ako kaya tumingala ako para tingnan kung sino 'yon.

"Ang gwapo.." Hindi ko alam pero 'yan ang una kong sinabi nang makita ko siya. Nakita ko namang nag-smirk siya sakin nang marinig niya sa'kin yon sabay tanggal ng sun glasses niya at yumukong lumapit sa mukha ko.

Kung id-describe siya, matangos ilong niya at maputi, makapal kilay, at sa tingin ko matangkad, at maninipis 'yung mga labi. Ang ganda rin ng shape ng panga niya, at ang kinis ng balat. Masasabi natin kung nasa isang teenlove fiction story lang ako, siya na yung main lead at ako 'yung side character.

"Hindi mo ba lilinisin kalat mo, Ms. Dora?"

Doon lang ako napabalik sa katinuan ko nang magsalita siya. Oo nga pala! Nandito pa rin ako sa eksena ko!

Wala pang isang minuto at natapos ko rin naman ka-agad ayusin mga gamit ko at ibinalik sa bag ko lahat. Napadako tingin ko sa magnanakaw na ngayon ay nagkamalay na, nahimatay kasi siya pagkatapos nang nangyaring 'yon.

"Hoy, ikaw na bata ka!" Nilapitan ko siya at galit na galit na tumingin sa kaniya.

"S-sorry po! H-hindi ko na u-ulitin!"

Napahinto naman ako sa ginawa ko nang umiyak siya kaya hindi ko hinigpitan yung pag-pingot ko sa tenga niya.

"G-ginawa ko lang po talaga 'yon..D-dahil wala nang makain..K-kaming magkakapatid."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa batang 'to. Kahit na alam kong mali ang ginawa niya, ramdam ko ang sakit na naranasan niya. Hindi nga naman talaga pantay ang mundo, wala akong ibang magawa kundi pinalampas siya sa ginawa niya.

Nakita ko namang biglang may tatlong lalaking lumapit sa lalaking lumabas kanina, pagkatapos magsalita nung tatlong lalaki, tumango lang siya at pumasok na sa sasakyan.

Gumilid na ako sa kalsada dahil nagsimula na ring nagagalit mga sasakyan na nasa likuran nila and nag-cause pa nga ng traffic, pero bago pa ako maka-lakad, nabasa damit ko nang biglang umandar yung sasakyan ng lalaking lumabas kanina. Napapikit ako sa galit.

"AGHHH!"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status