Share

05: The Guy who I'll marry

Hindi ako makapagsalita nang bigla niya na lang akong tingnan ulo hanggang paa sabay ngumisi. Naalala ko tuloy yung ginawa niyang pag-basa ng damit ko nung nakaraan. It really pissed me off.

"What brings you here?"

"Wala." Simpleng sagot ko sa kaniya. Wala na siyang pakialam doon kung meron man akong kailangan dito or wala, diba?!

"Oh, I see. I see." Nakita ko naman siyang kumuha pa ng isang wine sa isang waiter na naka-tayo sa kaniya.

"Hindi ko alam na sa isang katulad mo," Tumingin siya sa akin ulo hanggang paa. "Kayang pumunta sa ganitong okasyon na katulad nito?" Dugtong niya. Pansin kong narinig ng ilan sinabi niya sa akin kaya naririnig ko ang mga tawa nila sa paligid.

What the heck?

"Baka mamaya buong pamilya mo dinala mo na rito ha. Ginawa niyo na tong restaurant keysa dapat party." Ramdam na ramdam ko 'yung pangi-insulto niya sa akin.

Hindi ko rin naman siya masi-sisi dahil ano nga ba naman talaga ako? Kung titingnan, sa suot 'kong to dapat taga-hugas lang nila ako ng plato. Pero hindi ko matanggap, bakit kailangan idamay pamilya ko dito?

"Pasensiya ka na, ha, prinsipe. Kung natapon ang iniinom mong alak sa katawan mo," Nagsalita na ako. "Dapat pala dinagdagan ko pa." Kumuha ako ng wine sa waiter na naglalakad sa gilid ko at saka tinapon ko sa mukha niya.

"Enjoy the party." Umalis ako nang hindi inaalam reaction niya pagkatapos kong sinabi 'yon.

"Ang kapal! Kapal! Kapal ng mukha talaga ng lalaking 'yon!"

Padabog akong naglalakad sa hallway, napansin ko din na pinagt-tininginan na ako ng mga tao dahil sa ginagawa ko. Hinayaan ko na lang sila kung anong isipin nila sakin, tutal kahihiyan na rin naman ang pagpunta ko rito.

After nang eksena kanina hindi ko rin alam kung saan ako papadpad ngayon. Pero habang naglalakad nakita ko si Ma'am Dianne sa di kalayuan at may kinakausap, nang makita kong papaalis na yung mga kausap niya tumakbo ako papunta sa kaniya.

"Ma'am Dianne!" Nakuha ko atensyon niya kaya napalingon siya sa'kin. "Oh, Anne?" Tanong niya.

Hingal na hingal ako nang makapunta ako sa kaniya, kaya napahawak ako sa tuhod ko.

"Nais ko po sanang makausap ka."

Nandito ako ngayon sa opisina niya, nakaupo ako sa gilid. Nakatingin sa akin si ma'am Dianne at wari ko ay iniisip kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.

"Pumapayag na po ako, sa gusto niyo."

Alam kong apaka-walangya ko para harapin siya ulit, sa mismong birthday pa man niya, hindi ba? Pero wala akong magawa.

"Talaga ba, Anne?!" Nakita ko namang umalis si Ma'am Dianne sa inuupuan niya at saka ako niyakap. Ngumiti lang ako sa kaniya bilang ganti, nang tinanggal niya ang pagkayakap sa akin nagsalita ulit ako.

"Gusto ko lang po sabihin na, kaya ko lang po 'to ginawa dahil sa kapatid kong may sakit na kailangang ipagamot, kung ito lang po ang tanging paraan para makakuha ako ng sapat na pera, gagawin ko." Napatahimik naman siya sa sinabi ko, pero ngumiti rin. "Maasahan mo ako, Anne," At saka niya hinawakan ang isang kamay ko. "Ako ang bahala sa kapatid mo."

After nang nangyari, nandito ako ngayon sa isang kwarto, sabi ni ma'am Dianne kailangan ko raw magbihis kasi nandito na rin daw ang apo niya, dito na rin daw kami magkikita at magpapakilala sa isa't isa. Ilang santo na ang tinawag ko para lang hindi matanda ang magiging asawa ko kasi ayaw na ayaw ko magkaroon ng asawang gagawin lang akong taga-massage ng katawan!

May kasama akong magbihis dito sa kwarto mga katulong yata, utos din kasi ni ma'am Dianne, pero naiilang ako dahil halos makita na nila panty at bra ko nung nagbibihis ako sa harap nila.

Tapos na rin naman ako magbihis at make-apan ay pinalabas na ako sa kwarto, kung titingnan parang hindi ako to ngayon.

Tumi-tingin ako sa paligid para hanapin si ma'am Dianne, mabuti nalang at kahit napakalaki ng mansion niya eh sumusulpot-sulpot lang siya kung saan-saan.

"Ang ganda mo ngayon, Anne." Puri sa akin ni ma'am Dianne kaya napangiti ako at napahawak sa buhok ko. "Salamat po." Tugon ko.

"Ah-eh hali ka at ipapakilala na kita sa apo ko, iha." Sabi niya. Nakita ko naman sa malayo na may lalaki akong nakikita medjo malayo sa amin na naglalakad at siguro siya na'yon?

Lord.. Plss.. Have mercy..

Hindi ko alam pero kusa nalang ako napapikit dahil ayokong tingnan kung sino man 'yung mapapakasalan ko.

"Anne, apo ko. Si Jayden." Doon lang ako napadilat nang magsalita ulit si ma'am Dianne.

Nang pagkakita ko sobrang lumaki dalawang mata ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Matabang lalaking na nakahawak ng wine sa kabilang kamay at may salamin sa isang mata!

"Ma'am siya na po ba talaga?!" Alam kong wala akong respeto nang bigla akong sumigaw at tinuro 'yung lalaking nasa harapan ko ngayon. E nasa 40's na yata to..

Nagulat naman akong biglang tumawa si ma'am Dianne dahil sa naging reaction ko. "No, iha. Ayon, nasa likuran mo." Nang biglang sabihin 'yon ni ma'am napatingin ako sa likuran ko.

Sinusubok talaga ng Diyos ang pasensiya ko.. So it's him.

"Ikaw?!" Sabay naming sabi.

Parang mas gugustuhin ko pa yatang yung unang lalaking nakita ko nalang pakasalan ko keysa itong lalaking nakita ko ngayon e.

"Magkakilala na kayo?" Nakita ko namang biglang natuwa si ma'am Dianne sa napansin niya, nakahawak pa nga yung dalawang magkabilang kamay niya habang nakatingin sakin.

"Yes."

"No."

Nagkatitigan ulit kaming dalawa. Siya yung nagsabi ng 'Yes' sa aming dalawa kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nag-whistle lang siya sa harapan ko at iniba yung tingin niya.

"Actually po, ahm, we met earlier.. Kanina sa party so medjo lang po." Ngumiti ako kay ma'am Dianne para mabawasan ang awkward sa paligid. "Yes, and binuhusan pa nga niya ako ng-- Ouch!" Hindi agad nakapagsalita 'tong Jayden na to nang bigla ko siyang siniko sa tiyan.

"What he meant po is bubuhasan ko siya ng sobra-sobrang pagmamahal kapag naging asawa ko na siya." Pag-takip ko sa sasabihin niya. Yuck! Ew.

Ayokong sabihin ng mokong na yon kay ma'am Dianne na nag-away kaming dalawa kanina, nakakahiya sa kaniya at marinig pa niya 'yon.

Nagsalit-salitan na ng tingin sa amin si ma'am Dianne, nakita ko namang inirapan lang ako ng gungg*ng nayon. Umiling lang sa amin si ma'am Dianne habang tumatawa sa aming dalawa habang nagsa-samaan kami ng tingin sa isa't isa.

"Papaano niyo nalang ma-aalagaan ang magiging anak niyo kung lagi kayong maga-away?"

ANO RAW ANAK?!

Napatingin ako sa mokong nayon at ganon din siya.

"Yuck?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status