Share

03: Birthday to Marriage?!

"Kaano-ano mo si Mrs. Claire, Anne?"

Ngumiti lang ako sa kaniya habang tinatago yung sobre sa bag ko. She's Ame, isa sa ka-workmate ko, waiter dito.

Dahil sa nangyari kanina hindi na ako tinigilan pa ni Ame at tanong nang tanong sakin about doon kay lola. Hindi ko pa naman binubuksan 'yung sobre, saka na siguro kapag nakauwi na ako. Ramdam ko namang biglang lumapit sa akin si Julie, alam na alam ko na talaga presensiya ng babaeng to kahit na sa malayo palang siya.

"Bumalik ka na sa trabaho mo, Ame." Dali-dali namang umalis si Ame sa harapan ko at siya na ngayon ang pumunta sa akin.

"Bagong salta ka palang dito at s****p ka na kaagad sa may-ari? Nakakadiri ka."

Hindi ko na lang siya pinansin at nag-abalang nagcompute ng mga pera sa computer. Ano na naman kayang problema ng babaeng to, hays.

"Hoy, tumingin ka!" Nagulat ako nang bigla niyang hablutin buhok ko kaya napayuko ako sa sakit. Mabilis ko namang hinampas 'yung kamay niya na nakahawak sa buhok ko kaya naalis niya agad.

"H-how dare you!" Nakita ko naman siya ngayon umiiyak sa harapan, mas lalo siyang nagdrama nang dumating sa amin si manager. What a great victim.

"Anong nangyari dito--" Hindi kaagad na kapag salita si manager nung bigla siyang niyakap ni Julie. "Sir..S-siya po.."

OH MY GOSH?!

Anong problema ng babaeng to sa akin?! Nanggigil na ako dito, kung wala lang akong respeto, kanina ko na to nakalbo.

Pinakita pa niya 'yung kamay niya kay manager na halatang nasasaktan nung hinampas ko ito kanina. Napairap ako sa kawalan habang nage-explain siya, alam ko rin namang kasinungalingan lang ang lahat.

"Anne? Totoo ba?" Umiling ako sa kaniya.

"First of all po, siya ang unang lumapit sa akin at kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi, second, siya ang unang humamblot ng buhok ko kanina, third, wala kang karapatang hawakan buong katawan ko nang walang permiso," Tumingin ako kay Julie na ngayon ay sinamaan niya ako ng tingin. "Lola ko nga kahit isang lamok hindi ako hinahayaang makagat, ikaw pa kayang mukhang buwaya, hahayaan ko?"

Nang dahil sa nangyari, si Julie ang nabigyan ng parusa kahit na ako 'yung tinuturo ng bruhang yon.

Gabi na ako nakauwi kasi sobrang daming customers ang pumunta, lalo na't isa sa mga customers namin doon nagcelebrate ng birthday ng anak niya kaya medjo busy talaga. Mabuti naman at hindi na ako ginugulo pa ni Julie, binalaan na kasi siya ni manager na kapag pumunta pa siya sa akin, bawas sa sweldo niya yon.

Binuksan ko na 'yung sobre pagkatapos kong magbihis. Kung titingnan ang ganda ng sobre, hindi siya yung sobre na palagi niyong nabibili sa palengke, blue ang kulay tapos may gold na bilog sa gitna at may kaunting bulaklak na nakaipit. Pagkabukas ko, isang mensahe ang nakita ko.

Birthday?

"Ay oo nga pala! Narinig ko lang sinabi ni lola na birthday niya sa 27," Pumunta akong calendar ko na nakasabit sa likod ng pintuan ko para tingnan kong kailan gaganapin 'yung party kemerut na sinasabi sa message.

"Bukas?"

Halos magtaranta ako nang malaman kong bukas na 'yung birthday, e sinong hindi magtataranta ron?! Wala pa akong maisuot nang maayos, at feel ko lahat ng a-attend doon puro mga mayayaman.

"Anong susuotin ko?!" Kinakalkal ko na lahat ng mga damit ko sa bag at ni isa roon ay walang matino. Napahawak nalang ako sa butas-butas kong damit at napapikit.

"Huwag na lang kaya ako pumunta?"

Alam kong naka-walang respetong hindi um-attend lalo na't si lola pa mismo ang nagbigay sa akin ng sobre, pero ayoko namang gawing kahihiyan sarili ko sa party.

Isang malakas na katok ang narinig ko sa pintuan ko kaya napagising ako, after nang nangyari kagabi napagisipan ko na tuloy ako sa plano ko. #HuwagNangPumunta.

'Sino ba tong katok nang katok sa pinto ko? Kita nang natutulog 'yung tao.' Saad ko sa isip ko habang naglalakad patungo sa pintuan.

Napadako naman tingin ko sa orasan ko sa itaas at halos lumaki mata ko nang makita kung anong oras palang. 6am palang ng umaga oh?!

Pagkabukas ko nang pinto, bumungad sa akin ang tatlong nagm-machong lalaki na nakasuot ng black suit tapos naka-shades.

"A-anong kailangan niyo?" Medjo natakot ako kasi ang l-laki ng mga katawan nila. Kung siguro kapag nainis ko sila, isang hagis lang ako dedsbol na ako.

"Pinapunta kami ni Madam para ihatid ka sa party," Sabi nung lalaki sa gitna. Parang hindi sila humihinga, kung ano yung ayos nila ganon pa rin.

"Ah-eh..Napagdesisyunan ko kasing huwag nang pumunta, pwede ba 'yon?"

Nagulat naman akong bigla akong binuhat ng lalaki pabaliktad at nagsimulang naglakad papalayo sa pintuan ko.

"TEKA LANG! IBABA MO AKO!"

Anong problema ng lalaking to?! Saan niya ako dadalhin?! Nagpapamilit akong gumalaw baka sakaling ibaba ako pero hindi niya ginagawa, sobrang lakas niya at hindi ko maitanggal 'yung braso niya sa tiyan ko.

Nasa isang sasakyan na ako matapos niya akong buhatin ay pinaupo ako sa back seat. Sumunod na lang ako sa sinasabi niya at baka tamaan ako nito sa ulo kapag nagkulit pa ako. Napatingin naman ako sa reflection ko sa salamin ng sasakyan at ang pangit ng mukha ko! May muta pa tapos laway sa bibig ko. Argh.

Ilang minuto lang ay huminto na 'yung sasakyan at nang tingnan ko nandito kami sa isang napakalaking bahay--should I say mansion! Napamangha ako sa kung gaano kalaki ng mansion na to, mas malaki pa yata 'yung banyo nila keysa sa apartment ko eh.

Sinenyasan naman ako ng lalaki na sumunod sa kaniya kaya sinusundan ko lang siyang maglakad.

Pumunta kami sa isang parang office, tiningnan ko 'yung pangalan na nakasulat sa itaas ng pintuan.

"Ms. Dianne Fiore." Bulong ko.

Binuksan na ng lalaki 'yung pintuan at saka ako pumasok, dahil sinabi niya.

"Nandito na po siya, madam." Yumuko yung tatlong lalaki, pagkatapos sabihin yon ng lalaking nagbuhat sa akin kanina, saka sila umalis.

"Anne? Kamusta kana?" Nakaupo si lola--Si ma'am Dianne sa isang upuan na may lamesa sa harapan niya. Napaisip kasi ako na parang nakakabastos kung lola lang itatawag ko sakaniya lalo na't boss ko siya.

"A-ah.. okay lang naman po." Ngumiti ako sa kaniya at saka napa-upo sa gilid.

"Siguro nagtataka ka ngayon at pinapunta kita kahit na mamayang gabi pa naman 'yung party," Nakikinig lang ako sa sinabi niya. "Pero may itatanong lang sana ako sayo, iha, Anne." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.

"Gusto mo na bang makasal?"

"P-po?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status