Share

04: Emergency

"Sorry po, pero tumatanggi ako." Nalungkot naman ang mukha ni ma'am Dianne.

After niyang sabihin yon, inexplain niya sa akin lahat, sabi niya ayaw niya raw tumanda nang magisa ang kaniyang apo, gusto niyang may makasama ito sa buhay. Kaya balak niyang ipag-engaged marriage kami ng apo niya. Alam din kasi niya ang hirap ng buhay ko kaya bilang pabuya raw bibigyan niya ako ng pera para pumayag ako. Pero alam ko naman sa sarili ko kahit gaano kahirap ang buhay, hindi ko kailan man ipagpapalit sa pera ang halaga ko.

"Kung may tao man po akong gustong makasama sa buhay ko at papakasalan ko, mas gugustuhin ko pong 'yung taong 'yon ay mahal ako at mamahalin ko." Hindi ko alam pero bakit parang nandiri ako sa sinabi ko rito pero totoo rin naman.

Atsaka malay ko ba anong itsura ng apo niya diba? Malay ko bang nasa 40's na yon. Hindi naman ako naghahanap ng sugar daddy.

Ngumiti sa akin si ma'am Dianne ng mapakla at saka hinawakan ang dalawang kamay ko nang kamay niya. "Pasensiya kana, iha, Anne," Umiling ako sa kaniya. "Okay lang po 'yon, siguro mahal na mahal mo lang talaga ang apo niyo kaya niyo ito nagagawa, may lola na rin po ako kaya alam at ramdam ko po ang isang pagmamahal ng isang lola sa apo." Ngumiti ako sa kaniya para hindi siya gaanong malungkot.

"Apaka-buti mo talaga, Anne."

Ihinatid na ako ulit nang tatlong bodyguard na pumunta sa bahay ko kanina. Hindi naman ako nagtagal doon sa bahay ni ma'am Dianne, parang mga 30 minutes lang din ako.

Bubuksan ko na sana 'yung pintuan ng sasakyan nang biglang mabilis na bumaba 'yung isang lalaki na body guard at saka niya ako pinagbuksan ng pinto.

"T-thanks.." Nahihiya pa akong magsabi n'on dahil hindi naman ako sanay na pinagsisilbihan ako. Tumango lang siya at bumalik ulit sa sasakyan at saka siya umalis.

Nandito ulit ako sa apartment ko, tumingin ako sa oras at maaga pa rin pala. Humiga ako ulit sa kama at nakatingin lang sa itaas na para bang may iniisip.

Pero ilang saglit lang biglang tumunog cellphone ko kaya kinuha ko 'yon sa gilid ng table na katabi lang ng kama ko. Si tita lang pala.

"Hello, tita?" Panimula ko sa tawag.

"Yung kapatid mo! Sinugod na naman sa hospital! Pumunta ka na rito, Anne!"

Biglang tumigil lahat ng nasa paligid ko at ang lakas na rin ng tibok ng puso ko. Agad-agad akong nagmadali, hindi na ako nakapagbihis pa at kinuha agad ang pitaka ko.

"A-anong nangyari s-sakaniya tita?" Ramdam na ramdam ko ang pangi-nginig ko habang bumababa sa hagdan ng apartment.

"Kanina okay lang naman siya, tapos kaninang madaling-araw napansin naming nangi-nginig siya at bumubula na ang bibig, kaya naagdesisyunan naming dalhin na siya sa hospital, pero ngayon bumabalik na ulit."

"S-sige po, p-pupunta na ako d'yan, s-salamat po. Pakibantayan n-na lang siya d'yan." At saka ko ibinaba ang tawag.

Pumunta na kaagad ako sa bus station, pero ang malas hindi pa dumadating 'yung bus na dapat sakyan ko papunta sa probinsiya.

Umiyak na ako rito habang nakaupo sa tabi, hindi ko kasi alam ang gagawin ko ngayon, hindi pa ako nakapag-paalam sa manager ko na hindi ako makakapasok sa trabaho. At sa tingin ko wala na rin akong pambayad para sa apartment ko kung ipangsasakay ko ito ng bus.

"A-ano na ang g-gagawin ko?" Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

At sa wakas, nakarating na ako. Nakita ko ang kapatid ko na nakahandusay sa kama at mahina ang katawan. Lumapit agad ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"N-nandito na si ate.. Magpakalakas ka h-ha.. H-huwag mo akong i-iwan.."

Gumalaw ang kamay niya at nakita kong napangiti siya. "A-ate.."

Nandito na ako sa labas ng kwarto ng kapatid ko dahil sabi ng nurse kailangan kong umalis. Hindi ako makapali habang iniisip ko kung anong mangyayari sa kapatid ko.

Napansin kong nasira na pala ang tsinelas ko, siguro dahil kakatakbo ko kanina para lang makapunta sa hospital.

Nakita kong lumabas ang nurse sa kwarto ng kapatid ko at isinabay nito ang doctor.

"Kamusta po siya doc?"

Umiling sa akin yung doctor. "Sa ngayon, maayos siya pero sa tingin ko hindi kakayanin ng hospital na gamutin ang sakit niya dahil kulang kami sa mga gamit."

Napatango lang ako sa sinabi ng doctor habang nakatingin sa kawalan. "Kailangan natin siyang ilipat sa ibang hospital na kaya siyang gamutin."

Binigyan lang ako ng doctor sa mga kakailanganin ng kapatid ko pansamantala at saka siya umalis.

Dumating si tita habang dala-dala ang cellphone niya habang nagtatarantang pumunta sa akin. "Anne!"

Niyakap niya ako ng mahigpit at ilang saglit lang ay binitawan niya rin kaagad. "Ayos ka lang ba? Mabuti at nakapunta ka kaagad dito?"

Kinuha ko 'yung pitaka ko at saka kumuha ng pera, nagulat si tita nang ibigay ko sa kaniya 'yon pero ngumiti lang ako. "Salamat po pala sa paga-alaga sa kapatid ko." Nagulat akong hinawakan niya kamay ko at saka umiling. "Ang pagtulong ko sa inyo ay bukal sa loob ko, hindi mo ako dapat bigyan ng pera." Sa sinabi niyang yon bigla akong napaluhod sa sahig at napaiyak nang malakas.

Humingi ako ng tawad sa manager ko sa trabaho nang hindi ako nakapasok kanina. Sinabi niya okay lang daw naman yon at emergency naman ang nangyari pero bawas daw yon sa sweldo ko. Medjo masakit pero atleast hindi napa-alis sa trabaho diba.

Nandito ako ngayon sa apartment ko, tinitingnan ang invitation na ibinigay sa akin ni ma'am Dianne.

Nag-bihis na ako, pants atsaka simpleng shirt lang ang suot ko, wala naman akong kadamit-damit na mas maayos sa suot ko ngayon. Napagdesisyunan ko rin namang pumunta sa party.

Sinundo ulit ako ng tatlong bodyguard ni ma'am Dianne para pumunta sa party, medjo nahiya panga ako sa suot ko pero bumaba na rin ako. Pagkatingin ko sa paligid ang laki tapos halatang pang-mayaman talaga ang mga pupunta, tiningnan pa ako ng security kung kasali ba ako o hindi pero binigyan ko siya ng invitation para sabihing di ako trespassing.

Nakapasok ako sa loob at mas lalo akong namangha sa paligid, halos lahat ng nakikita ko nakadress at may hawak-hawak nang wine sa kamay. Hindi ko alam saan ako pupunta kaya tumitingin lang ako sa paligid.

"Ouch!"

Biglang may kung sino akong nabangga kaya mabilis ko itong hinarap at nag-sorry. Nakita kong nabasa ng wine yung damit niya na dapat iniinom niya kaya mabilis ko itong pinunasan gamit ng tissue.

"I'm so sorry po talaga--" Pero nung pagtingin ko sa taong yon, hindi ko inaasahang makikita ko siya dito.

"Hi, Ms. Dora."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status