Share

06: Rules

"Ang ganda.." Manghang-mangha pa rin ako sa bahay--- Este mansion na nakikita ko ngayon.

Hindi mansion 'to ni ma'am Dianne, kundi mansion ng mokong na'yon. Hindi ko aakalain na apaka-laki rin pala ng mansion niya, pero mas malaki pa rin mansion ng lola niya keysa sa kaniya no.

"Bilisan mo na diyan, babae!" Rinig ko naman boses ni Jayden sa di kalayuan, sinamaan ko lang siya ng tingin at saka pumasok sa loob.

Naghi-hilera ang mga katulong sa labas at may red carpet pa talagang nalalaman, may mga body guard din. Pagpasok ko mas namangha ako kasi ang ganda na ang lawak pa at ang laki pa, iniisip ko tuloy kung madaming multo dito sa mansion niyang to lalo na't kampon pa naman ng masama ang nagmamay-ari nito. Pa-house blessing ko kaya?

"I just wanted to make clear everything," Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Hindi ko gusto 'tong kasal na 'to okay? Si lola lang talaga ang may pakana nito, dulo't umpisa." Dugtong niya.

"Kaya gusto kong makipag-cooperate ka sa akin," Tumango-tango lang ako sa sinasabi niya, as if nakikinig ako. "There are three rules," Sabi niya habang naka-three sign pa ang kamay sa akin. Nagulat naman akong bigla niya akong binigyan ng isang papel, kaya binasa ko 'yon.

Rules ni poging Jayden. Yan ang nakasulat, napangiwi ako. Kahambugan talaga ng lalaking to.

1. Huwag mo akong yayakapin, hahawakan ng kamay, hahalikan, if kailangan talagang hawakan mo ako dapat mga 10 seconds lang.

'Anong klaseng rule yan?! As if din naman na hahawakan ko siya, ayokong madikitan ako ng kung ano-anong bacteria and germs na nanggagaling sa kaniya no?!'

2. Wala kang gagalawin sa mga gamit ko, kwarto ko, o kahit ano pa. If kailangan, need muna ng permission ko.

'Wala naman akong pakialam sa kwarto niya o gamit niya, pare-parehas lang din naman ng amoy niya yon, amoy ng kahambugan!'

3. Wala dapat makaalam na engaged tayong dalawa, o magiging asawa na kita.

'Fine. Okay lang naman sa akin yan, ayoko rin naman sa kaniya.'

Bago ko itiklop 'yung rules rules kemerut na papel na'to nagsalita ako. "May rules din ako, hindi pwedeng ikaw lang, ano ka sin-swerte?"

"Go on, just make sure na tatlo lang din 'yan lahat." Parang hindi siya nakinig sa sinasabi ko kasi nakatingin lang siya sa ibang direksyon at yung hintuturo niya nakalagay sa tenga niya. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nagsulat ako sa likod ng papel niya kung anong mga rules ang gusto ko. Pagkatapos n'on ay ibinigay ko na sa kaniya, bago niya basahin nagsalita ako.

"1st rule: Huwag mo akong utos-utusan dito sa pamamahay mong 'to, gumalaw ka magisa, at may mga katulong ka, hindi ako yaya," Saad ko. "2nd rule: Wala kang dapat paki-alaman sa mga gamit ko, cellphone, damit, and kung ano-ano na may kinalaman sakin, 3rd rule: Ayokong nandito lang ako lagi sa bahay kaya gawan mo ng paraan na makahanap ako ng trabaho, ayokong maging housewife lang." Pagkatapos kong sabihin yon nag-crossed arms lang ako sa kaniya nakita ko namang tinaasan niya ako ng isang kilay habang nakatingin sakin.

"Rule ba 'yung number 3 ha?! Request yon!" Napairap sa kawalan tong mokong nato nang mabasa niya yung sinabi ko sa no.3 hehe pero hindi ko na lang siya pinansin.

Ayokong humingi-hingi kay Ma'am Dianne ng pera para sa mga pangangailangan ko, at lalong-lalo na ayokong humingi ng pera sa mokong na to.

Bumugtong-hininga muna siya bago magbitiw ng salita atsaka nakipaghawak ng kamay sakin.

"Deal?" Sabi niya.

"Deal."

Nandito ako ngayon ulit sa restaurant na pinagtrabahuhan ko nung umpisa, nandito ako ngayon sa manager at kinausap siyang aalis na agad ako. 2 months pa lang ako nakapagtrabaho rito at sobrang saya nang makasama ko sila. Niyakap ko si manager at ganoon din siya.

"Maraming salamat po."

Pumunta naman ako ngayon sa labas at nakita ko sila, Ame, Gia, at Clark na naga-abang sa akin sa pinto.

"Beh, mamimiss kita!"

"Huwag ka na lang kasi umalis!"

"Beh dumalaw ka ulit ha! May utang ka pa sa akin!"

Sa kalagitnaan ng pagyayakap naming apat, nagpatawa itong si Clark, he's gay btw.

"Oo na b*kla ka!"

"Kaya ka lang siguro aalis dito kasi tinatakasan mo lang utang mo sa'kin." Napairap ako sa kaniya pero tumawa lang sina Ame, Gia, sa aming dalawa.

It's such a nice place and a lot of memories ang maiiwan ko rito sa restaurant na 'to. Hindi ko sinabi sa kanila ang true reason bakit aalis ako sinabi ko lang babalik na ulit ako sa probinsiya. Naka-saad yon sa rule namin ni Jayden, duh na bawal ko sabihin na may namamagitan sa amin.

"Drama, mabuti at wala nang pabigat dito sa restaurant, bumalik na lang ulit kayo sa mga trabaho niyo!" At si Julie. Siya lang diko mamimiss, char.

"Jusko, umalis ka na Anne, baka mahawaan ka pa ng malas ng isa diyan." Dahan-dahan akong tinaboy ni Clark sabay irap kay Julie.

Natawa na lang ako nang mag-bangayan silang dalawa sa harap ko. After nang nangyari sa aming dalawa ni Julie, we actually we've been good friends lately, siguro ngayon, 'yung pagsusungit niya, ayon yung way niya para makipagbiruan sa amin.

Lumapit ako kay Julie at niyakap siya nang mahigpit. "Mamimiss kita, frenemy." Saad ko, nagulat naman akong niyakap niya rin ako nang mahigpit din. "Mamimiss din kita, frenemy."

Excited akong nakaupo ngayon sa backseat ng sasakyan ni Jayden. After ko mag-resign kanina sa trabaho ko, ngayon naman ay magt-trabaho na ako sa company na pinagma-mayari niya. May rules at regulations ulit siyang sinabi, sa loob daw ng kompanya, labas yung relasyon namin sa trabaho.

Bumaba na ako sa sasakyan nang huminto at pagkakita ko s paligid, apaka-laking building ang nakita ko. "Wow.." Napamangha ako sa nakita ko.

Pagpasok ko sa loob, mas namangha naman ako sa lawak. "Mukha kang bata." Inirapan ko lang si Jayden nang magsalita siya.

"Good afternoon po, sir!" Ngumiti si Jayden nang batiin siya ng dalawang nagagandahang babae habang naglalakad. "Good afternoon, too." Saad niya. Ay wow bait yarn?

Pinagt-tinginan na rin yata ako nang mga tao ngayon dito dahil kasama ko ang boss nila. Sumakay kami sa elevator at katahimikan ang nangingibabaw sa aming dalawa.

Sinundan ko lang siya kung saan siya maglakad at ngayon napunta kami sa isang babae na nakasalamin na around 40's na yata.

"Bigyan mo siya ng trabaho rito." Walang ano-anong explanation sinabi si Jayden sa babae. "Sige po." Bigla namang lumapit sa akin 'yung babae.

"H-hoy! Teka lang saan ka pupunta?" Umalis kasi kaagad si Jayden nang iwan niya ako rito. "Anong magiging trabaho ko?!" Lumingon siya sa akin nang sinabi ko 'yon.

Ngumisi muna siya sa akin bago magsalita. "You'll be a janitress from now on."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status