LOGIN
PROLOGUE
Tahimik ang maliit na apartment. Tanging mahinang ugong ng air conditioner at pigil na hikbi ni Camille Anastasia Bellamy ang maririnig sa loob ng silid. Nakaharap siya sa maliit na mesa habang nanginginig ang mga daliri sa hawak niyang dokumento. Annulment Agreement. Ilang minuto na niya iyong tinititigan, ngunit hindi pa rin niya kayang ilagay ang kanyang pirma. Parang sa simpleng pagpirma lamang ay tuluyan na niyang buburahin ang isang taong pinangarap niyang makasama habang-buhay. Ang kanyang asawa. Si Damon Elijah Crawford. Napapikit si Camille at muling tumulo ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Dalawang buwan. Dalawang buwan na mula nang huli niyang makita si Damon. Dalawang buwan mula nang magbago ang lahat. At dalawang buwan na rin niyang kinikimkim ang sakit na wala siyang mapagsabihan. Hindi niya kailanman ginawa ang ipinakita sa video. Wala siyang ginawang pagtataksil. Wala siyang ginawang kahalayan kasama ang kanyang dating nobyo. Ngunit kahit anong paliwanag niya, walang gustong makinig. Walang naniwala. Pati si Damon. Ang lalaking minahal niya nang higit pa sa sarili niya. Napababa ang tingin ni Camille sa kanyang tiyan. Tatlong buwan na siyang nagdadalang-tao. Hindi na niya kayang itago ang maliit ngunit kapansin-pansing umbok sa ilalim ng maluwag niyang damit. Dapat sana ay masaya siya. Dapat sana ay kasama niya si Damon habang pinagmamasdan nila ang unang bunga ng kanilang pagmamahalan. Dapat sana ay hawak niya ang kamay nito habang sinasabi niyang magiging ama na siya. Ngunit sa halip, mag-isa siyang umiiyak sa isang inuupahang apartment habang hawak ang papeles na magtatapos sa kanilang pagsasama. Napahawak siya sa dibdib. Masakit. Sobrang sakit. Pero kailangan na niyang tapusin. Kung iyon ang gusto ni Damon, pagbibigyan niya ito. Bago niya tuluyang pirmahan ang papel, kinuha ni Camille ang cellphone niya. Matagal siyang nakatitig sa pangalan ni Damon sa screen. Natatakot siyang tawagan ito. Ngunit mas natatakot siyang hindi na ito makita kailanman. Huminga siya nang malalim bago tuluyang pinindot ang call button. Isang ring. Dalawa. Tatlo. Apat. Halos mawalan na siya ng pag-asa nang sa wakas ay may sumagot. “Why are you calling me?” Nanlamig si Camille sa boses nito. Malamig. Walang kahit kaunting lambing na dati niyang nakasanayan. “D-Damon…” “What?” “Nasa meeting ka ba?” “Obviously.” Napayuko si Camille. “I'm sorry.” “Then make it quick. I don't have time for this.” Napapikit siya upang pigilan ang pag-agos ng luha. “Gusto ko lang sanang malaman mo na…” Napahinto siya. Hindi niya kayang sabihin. Hindi pa. “Napirmahan mo na ba?” Nanikip ang lalamunan niya. “Hindi pa.” Muling bumigat ang katahimikan sa kabilang linya. “You're kidding me.” “Damon, please—” “I told you to sign it, Camille!” Napakagat siya sa labi. “I know.” “So what's taking you so long?” Hindi siya nakasagot. “Do you enjoy making things difficult for me?” “No…” “Then sign the damn papers!” Napahawak si Camille sa kanyang tiyan. Para bang pati ang sanggol sa loob niya ay nararamdaman ang sakit ng kanyang ina. “I'm trying.” “Trying?” Mapait na natawa si Damon. “You should have thought about that before humiliating me.” Napapikit si Camille. Hindi niya alam kung ilang beses pa niya kayang marinig ang mga salitang iyon nang hindi tuluyang masira. “I didn't betray you.” “Stop lying.” “Damon, please. Listen to me just once.” “I've heard enough.” “Pero wala talaga akong ginawa…” “Then why were you with him?” Napaluha siya. “I don't know how that video was made. I swear to you, nothing happened between us.” “Enough!” Napakuyom ang kanyang kamao. “I'm pregnant…” Muntik nang makawala sa kanyang labi ang mga salita. Ngunit pinigilan niya. Hindi niya kayang sabihin sa telepono. Hindi habang galit ito. Hindi habang ganoon kabigat ang boses nito. “Damon…” “What now?” “Pwede ba kitang makita?” Tahimik. “Why?” “Bago ko pirmahan ang annulment…” Huminga siya nang nanginginig. “I want to see you one last time.” Wala pa ring sagot. “Please.” Matagal bago nagsalita si Damon. “Fine. Come to my condo.” Napapikit si Camille. “Thank you.” “Don't make me regret agreeing to this.” At bago pa siya makasagot, naputol na ang tawag. --- Ilang oras ang inilaan ni Camille sa biyahe. Hindi alintana ang pagod. Hindi alintana ang panganib sa kanyang dinadala. Ang mahalaga lamang sa kanya ay makita si Damon kahit isang beses pa. Kahit huling pagkakataon na. Pagdating niya sa condo nito, ilang segundo siyang nakatayo sa harap ng p***o bago tuluyang kumatok. Bumukas iyon. At doon niya nakita ang lalaking dalawang buwan niyang pinangarap na mayakap. Damon. Mas malamig ang mukha nito kaysa sa huling alaala niya. Hindi man lamang siya ngumiti. “What do you want?” Napayuko si Camille. “I came to see you.” “You've seen me. Now leave.” Naramdaman niyang muling napupuno ng luha ang kanyang mga mata. “Damon…” “Did you bring the papers?” Tumango siya. “Yes.” “Good. Then sign them.” “Bago ko gawin iyon…” Napatingin siya sa mukha ng lalaki. “I just want to spend some time with you.” Napailing si Damon. “Why? So you can manipulate me again?” Napapikit si Camille. Hindi niya alam kung saan niya kinukuha ang lakas upang manatiling nakatayo. “Hindi kita minamanipula.” “Then what are you doing here?” Dahan-dahan siyang lumapit. “I just wanted to see my husband.” “I'm not your husband anymore.” Parang may kutsilyong bumaon sa dibdib niya. Pero ngumiti pa rin siya kahit nanginginig ang mga labi. “Not yet.” Kinuha ni Camille ang annulment papers mula sa kanyang bag. Ipinakita niya iyon kay Damon. “I'll sign it.” Napatingin ito sa kanya. “But before I do…” Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Angkinin mo muna ako.” Nanigas si Damon. “What?” “Angkinin mo ako… kahit ngayon lang.” Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang tapang na sabihin iyon. Marahil dahil ito na ang huling gabi na maaari niyang tawaging asawa ang lalaking pinakamamahal niya. Marahil dahil alam niyang pagkatapos nito, kailangan na niyang lumayo. Tuluyan. Hindi na niya hahayaang makita ni Damon kung gaano siya kasira. Hindi na niya hahayaang makita nitong may bahagi ng puso niya na umaasang baka isang araw ay maniwala rin ito sa kanya. At nang gabing iyon, sa gitna ng galit, sakit, at pagmamahal na hindi pa tuluyang namamatay, muling napunta sa iisang yakap ang dalawang taong minsang nangakong magsasama habang-buhay. Ngunit may isang bagay na hindi napansin ni Damon agad. May kakaiba kay Camille. Sa paraan ng pag-iwas nito sa ilang haplos. Sa paraan ng pagprotekta nito sa sarili. At sa maliit na umbok na pilit nitong tinatakpan. --- Kinabukasan, mag-isa nang nagising si Damon. Mabilis siyang napalingon sa kabilang bahagi ng kama. Wala na si Camille. Umupo siya habang pilit binubuo sa isip ang mga nangyari kagabi. Unti-unting bumalik ang bawat alaala. Ang mga mata ni Camille. Ang mga luha nito. Ang paraan ng paghawak nito sa kanyang braso. At ang kakaibang pag-iingat nito sa katawan. Napakunot ang noo ni Damon. May napansin siya kagabi. Isang bagay na hindi niya gustong isipin. Isang bagay na maaaring magbago sa lahat. Napalingon siya sa side table. Nandoon ang wedding ring ni Camille. Kasama ng annulment papers. May pirma na ito. Tuluyan na niyang pinakawalan ang asawa niya. Pero bakit parang may bigat sa dibdib niya? Dahan-dahan niyang kinuha ang papel. At bigla siyang napahinto. Kung buntis si Camille… Sino ang ama? Kung totoo ang paulit-ulit nitong sinasabi na walang nangyari sa kanila ng ex nito… Kung hindi talaga siya nagtaksil… Napatingin si Damon sa pintuan kung saan huling lumabas si Camille. His breathing suddenly became heavier. “Could it be… me?” Napamura siya. “Fuck.” Mabilis na bumalik sa kanyang alaala ang gabing iyon. Ang mga luha ni Camille. Ang panginginig nito. At ang tiyan nitong tila may itinatago. Napahawak si Damon sa kanyang ulo. “What the hell am I doing?” Kung siya ang ama… Kung totoong anak niya ang dinadala ni Camille… Bakit hindi nito sinabi sa kanya? Bakit niya hinayaang umalis ang asawa niya nang ganoon? At bakit ngayon lamang niya naisip ang lahat? Napatingin siyang muli sa annulment paper. Nanikip ang kanyang dibdib. “Why didn't you tell me?” Napapikit siya nang mariin. “Damn…” Ngunit sa unang pagkakataon matapos ang dalawang buwan, isang tanong ang mas malakas kaysa sa kanyang galit. What if Camille was telling the truth all along?CHAPTER THREEFamily Day“Be careful, okay?”Muling inayos ni Camille ang mga strap ng bag ng kanyang mga anak bago sila bumaba ng tricycle.“Yes, Mama.”“I'll be careful.”“Me too.”Isa-isang bumaba sina Elara, Evander, at Elias.Nasa tapat na sila ng pampublikong paaralan na pinapasukan ng tatlong bata.Saglit na napatingin si Camille sa malaking gate ng paaralan.Kung tutuusin, gusto niyang sa isang pribadong paaralan mag-aral ang kanyang mga anak.Gusto niyang mabigyan sila ng mas magandang silid-aralan, mas maraming kagamitan, at mas maraming oportunidad.Pero hindi lahat ng gusto ng isang ina ay kayang ibigay.Lalo na kung mag-isa niyang binubuhay ang tatlong anak.Hindi naman nagrereklamo ang mga bata.Sa katunayan, masaya sila.“Come on, Mama!”Hinawakan ni Elara ang kamay niya.“Don't walk too slowly.”Napangiti si Camille.“I'm coming.”Magkakasama silang naglakad papasok sa gate.Ngunit habang naglalakad sila, napansin ni Camille ang ilang matang nakatingin sa kanila.May m
CHAPTER TWOA Busy Morning“Okay, you three. Pasok na tayo sa loob. Breakfast na.”Tinawag ni Camille ang tatlong anak na abala pa rin sa labas ng bahay.Agad namang sumunod sina Elara at Evander, habang si Elias ay maingat pang nagtitipon ng mga plastic bottle at lata na kanina pa niya kinokolekta.“Elias, you can continue with that later,” paalala ni Camille.“But, Mama—”“Later.”Napabuntong-hininga ang bata.“Okay.”Mabilis niyang isinilid ang ilang plastic bottle sa sako bago sumunod sa kanyang mga kapatid.Pagpasok nila sa bahay, dumiretso ang tatlo sa maliit na lababo.“Hands first,” paalala ni Camille.“Ako muna!”“Ako nauna!”“Hindi, ako!”Napatingin si Camille sa kanilang tatlo.“There's enough water for everyone. One at a time.”Napasimangot si Elara.“Evander is taking too long.”“I've barely started.”“See? You're always slow.”“You're just impatient.”“Both of you, stop.”Agad na natahimik ang dalawa.Nagsimula silang maghugas ng kamay gamit ang sabon. Si Elias naman ay
Five Years LaterMaaga pa lamang ay gising na si Camille Anastasia Bellamy.Madilim-dilim pa sa labas nang tumunog ang alarm clock na nakapatong sa maliit na bedside table sa kanilang silid.Beep. Beep. Beep.Napakunot ang noo ni Elara habang pilit na idinilat ang mga mata.“Five more minutes…”Sa kabilang kama, napabuntong-hininga si Evander at hinila ang kumot palayo sa mukha.“Get up, Elara. We have school today.”Umirap ang batang babae.“I know that. You don't have to remind me.”Umupo si Evander sa kanyang kama at inayos ang gusot niyang buhok.“Mom said we need to be ready before seven.”“I know.”“Then get up.”“I'm getting up.”Dahan-dahang bumangon si Elara, ngunit hindi pa rin siya agad bumaba sa kama. Maingat niyang inayos ang buhok niya gamit ang maliit na suklay na nakalagay sa tabi ng unan.“Evander, my hair looks terrible.”“It's six in the morning.”“So?”Napailing ang kanyang kapatid.“You're so dramatic.”“I am not dramatic. I just don't want to look messy.”Magkapa
PROLOGUETahimik ang maliit na apartment.Tanging mahinang ugong ng air conditioner at pigil na hikbi ni Camille Anastasia Bellamy ang maririnig sa loob ng silid.Nakaharap siya sa maliit na mesa habang nanginginig ang mga daliri sa hawak niyang dokumento.Annulment Agreement.Ilang minuto na niya iyong tinititigan, ngunit hindi pa rin niya kayang ilagay ang kanyang pirma.Parang sa simpleng pagpirma lamang ay tuluyan na niyang buburahin ang isang taong pinangarap niyang makasama habang-buhay.Ang kanyang asawa.Si Damon Elijah Crawford.Napapikit si Camille at muling tumulo ang mga luhang pilit niyang pinipigilan.Dalawang buwan.Dalawang buwan na mula nang huli niyang makita si Damon.Dalawang buwan mula nang magbago ang lahat.At dalawang buwan na rin niyang kinikimkim ang sakit na wala siyang mapagsabihan.Hindi niya kailanman ginawa ang ipinakita sa video.Wala siyang ginawang pagtataksil.Wala siyang ginawang kahalayan kasama ang kanyang dating nobyo.Ngunit kahit anong paliwana







