LOGINNICOLAS LEANDRO
“Mabuti at hindi ka na pineperwisyo ni Claudia sa marriage niyo.”
Agad na sumersyoso ang aura sa loob ng opisina ko.
“That woman.” Mabigat ang boses ko. Parang kahit pangalan pa lang niya ay may bigat na agad.
“Wala akong balak pakasalan siya.”
Napatingin sa akin si Thadeus.
“Pagagalitan ka ng magulang mo, Nicolas.” Seryoso ang tono niya ngayon. “Dumating dito ‘yan na may anak na. Ni hindi mo nga alam kung kailan kayo nagkita.”
My jaw tightened as I clenched it hard.
Dahil alam kong tama siya.
But that did not mean everything being forced on me was right as well.
Knowing the truth and accepting it were two completely different things. And no matter how valid her reasons were, I could not simply ignore the fact that I was being pushed toward a decision I had never truly chosen for myself.
“Alam mong pagpapakasal lang ang paraan para tuluyang isalin sa’yo ni Tito ang Villamor Estate.”
Tahimik akong napatingin sa mga papeles sa mesa ko.
“May anak ka na. Lalaki pa.” Huminto siya sandali. “Ang pag-aasawa na lang ang kulang.”
“I don't care. Hindi ko pakakasalan si Claudia. ” Hindi ko man lang namalayang nakakuyom na pala ang kamao ko sa ibabaw ng mesa.
Ganito naman palagi.
Sa tuwing nababanggit ang pangalan niya.
Sa tuwing may taong sumusubok na ipaalala sa akin ang engagement na iyon.
Pakiramdam ko ay unti unting nauubos ang pasensya ko.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi sa lahat.
Sa ama ko… At mas lalo sa walang kwentang step mother ko.
Sa mga board members.
Sa mga kamag anak namin, at kahit kay Claudia mismo.
Pero parang wala ni isa sa kanila ang gustong makinig.
Para bang pinamumukha nilang nakapagdesisyon na silang lahat para sa buhay ko.
At si Mommy at ako na lang ang huling taong hindi pumapayag.
Napabuntong-hininga ako at pagkatapos ay itinaas ang tingin kay Thadeus.
“Kamusta ang inuutos ko sa'yo?” Seryoso ang tono ng boses ko.
Agad namang nagliwanag ang mukha ng kaibigan ko.
I fucking knew that smile.
“Anong nginingiti-ngiti mo?” Tanong ko at hindi napigilan ang pagtaas ng isang kilay ko.
Mas lalo namang lumawak ang ngisi niya. “You'll love it.”
Napapailing niyang sagot at bahagyang napakunot ang aking noo.
“What does that even mean?”
“Thadeus.”
At mas lalo lang siyang ngumiti.
Bwisit.
Matagal ko nang kilala ang lalaking ito, mula pa noong mga bata kami. At kung may isang bagay akong sigurado tungkol kay Thadeus... Iyon ay ang pagiging nakakairita niya kapag may alam siyang impormasyon. Hindi siya kailanman nagbibigay ng buong detalye.
Mahilig siyang mang-asar.
Mahilig siyang magbigay ng clue.
Mahilig siyang panoorin akong mabwisit habang sinusubukan kong hulaan ang gusto niyang sabihin.
“You'll thank us later.” Natatawa niyang dagdag.
“Trust your kid… And me.”
Napakunot lalo ang noo ko. “My kid?”
Tango lang ang itinugon niya sakin.
At kung may isang tao mang mas mahirap basahin kaysa sa mga kalaban ko sa negosyo...
Si Thadeus iyon.
At kung may isang taong mas mahirap pa kaysa kay Thadeus...
Ang anak kong si Isaac naman ‘yon.
“Bumaba ka na riyan at pinatatawag ka na ng magulang mo. Hapunan na raw.” Sambit ni Thadeus bago tuluyang mag paalam at lisanin ang opisina ko.
“Nicolas.” Kakapasok ko palang sa aming hapag kainan ay bumungad na agad ang boses ni Dad.
Napapikit ako sandali.
Hindi pa man ako nakakaupo ay alam ko na agad kung ano ang pag-uusapan.
“Not now, Dad.” Reklamo ko at padabog na umuupo sa bakanteng silya.
Ngunit gaya ng inaasahan ko... Hindi ako pinagbigyan ng ama ko.
“If you really want to inherit the Villamor Estate, then go get married.”
“I already told you.” Bahagya akong napailing.
“I don't want to marry Claudia.” Mas matigas ang boses ko ngayon.
“Si Tita Margarita lang naman ang nagpupumilit. Napahigpit ang hawak ko sa baso ng tubig.
“Edi sana anak na lang niya ang ipakasal doon.” Hindi ko napigilan ang pagsinghal.
“Then go find someone you will marry.”
Biglang natahimik ang buong hapag.
Napalingon kaming lahat kay Mommy.
Pati si Dad ay mukhang nagulat.
Dahil bihira siyang makialam sa mga usaping ganito.
“Hindi naman kailangang si Claudia ang ipakasal sa'yo.” Diretso niyang sabi habang mahinahong hinihiwa ang steak sa plato niya.
“Lourdes...” Gulat na sambit ni Dad.
“What?”
“Totoo naman, hindi ba?”
“We only need our son to have a wife.” Tumigil siya sandali. “At hindi iyon kailangang si Claudia.”
Natahimik si Dad.
“Even Isaac himself doesn't want Claudia to be his real mom.”
“Yes! I don’t want her to be my mom!” Isaac exclaimed loudly, his voice echoing through the dining room.
“And besides, I already found my Mommy!”
At that moment, a very familiar figure slowly approached the dining table.
Vivienne Anastasia Savarga,
Ang kaisa isahang babae na bumihag sa puso ko, noon…
Hanggang ngayon.
“This is my Mommy.” Mayabang na may halong excitement ang boses ni Isaac habang mahigpit niyang hawak ang kamay ng babaeng nasa tabi niya.
Parang isang batang ipinagmamalaki ang pinakamahalagang bagay na natagpuan niya sa buong buhay niya.
At sa puntong iyon...
Wala na akong ibang naririnig.
Wala na akong ibang nakikita.
Dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon lang sa isang tao.
Sa babaeng pitong taon kong hinanap.
Pitong taon kong hinintay.
Pitong taon kong pilit kinakalimutan.
Seven years.
Seven fucking years.
“Meet my Mommy.” Muling ulit ni Isaac na tila hindi napapansin ang nakakabinging katahimikan sa paligid.
“Mamita, Dada, isn't she pretty?” Punong puno ng pagmamalaki ang mukha niya.
“Is it okay, Mamita? Dada?” Inosente niyang tanong habang nakatingin sa mga magulang ko.
Napalingon ako kina Mom at Dad dahil kahit sila ay parehong natigilan.
I was completely caught off guard.
How the fuck did he find her?
Sa milyon milyong tao sa mundo... Paano siya nakita ni Isaac?
How the hell did he manage to bring her here?
As my fiancée?
“H-Hello po.” Mahina niyang bati, at bahagya pa siyang yumuko bilang paggalang. Pagkatapos ay mabilis na umiwas ng tingin.
“Anastasia.” Pabulong kong bigkas.
NICOLAS LEANDROflashback…“Nicolas.” Naputol ang pagtakbo ng isip ko nang marinig ko ang boses ni Thadeus mula sa likuran ko. Bahagya akong napalingon sa direksyon niya at agad na nakita ang pamilyar na mukha ng matalik kong kaibigan. Nakasuksok ang isang kamay niya sa bulsa ng pantalon habang ang isa naman ay may hawak na maliit na purple box na matagal ko nang hinihintay. Sa simpleng ekspresyon pa lamang ng mukha niya ay alam ko nang dala niya ang ipinabili ko. “You’re finally here.” Bahagya akong napangiti habang hinihintay na lumapit siya. Hindi ko man direktang ipinapakita, pero matagal ko nang hinihintay ang araw na ito. Ilang linggo ko ring pinag-isipan ang bawat detalye ng proposal na balak kong gawin para kay Anastasia. At sa lahat ng bagay na kailangan kong ihanda, ang singsing ang pinakamatagal kong pinagdesisyunan. I wanted it to be real. Something meaningful. Something that would represent us. Something that would remind Anastasia that after everything we went thr
NICOLAS LEANDRONang makita kong tuluyan nang makapasok si Anastasia sa loob ng building ay saka lang ako huminga nang maluwag. Kanina pa nakasunod ang tingin ko sa kaniya. Mula nang bumaba siya ng sasakyan. Hanggang sa makapasok siya sa lobby. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko. At kahit wala na siya roon, ilang segundo pa rin akong nanatiling nakatitig sa direksyong iyon. Parang may bahagi ng utak ko na gusto pang makasigurado na ligtas talaga siyang nakauwi. Na hindi siya biglang mawawala ulit. Na hindi ito isa sa mga panaginip na paggising ko ay mawawala na naman siya. Mahigpit kong hinawakan ang manibela bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. For the first time in seven years... I knew where she was. And somehow, that thought alone gave me peace. Tahimik akong nagmaneho pauwi habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang buong gabi. Ang pagkikita namin.Ang ekspresyon niya nang muli akong makita.Ang paraan ng pagtitig niya kay Isaac.Ang paraan ng pagngiti niya
VIVIENNE ANASTASIA At iyon pa lang ay sapat na para mas lalo akong mainis sa sarili ko. Dahil kung tutuusin, dapat ay pagod na pagod na ako. Dapat ay stress ang nararamdaman ko. Dapat ay nalilito ako. Pero sa kabila ng lahat ng nangyari ngayong araw... May maliit na bahagi ng puso ko na hindi ko maitatangging masaya. Masaya dahil nakita kong muli si Leandro. Masaya dahil nakilala ko si Isaac. Masaya dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon, nakaramdam ako ng bagay na matagal nang nawala sa buhay ko. At marahil iyon mismo ang dahilan kung bakit pilit kong iniiwasan ang usapan. Dahil natatakot akong aminin iyon. Hindi lang kay Celestine… Kundi maging sa sarili ko. Kaya agad kong binago ang direksyon ng usapan. “Isaac is also a seven-year-old kid.” Agad na nawala ang pang-aasar sa mukha ni Celestine at napansin niya ang pagbabago ng tono ko. “Matalino siya.” Napatingin ako sa basong hawak ko at hindi ko namalayang napapangiti na naman pala ako. Sa totoo
VIVIENNE ANASTASIA“At sino 'yang naghatid sa'yo?” Halos hindi ko pa nasasara nang maayos ang pinto ng condo ni Celestine ay sinalubong na agad niya ako ng tanong.Bahgyang nakaupo pa sa itaas ng couch habang nakapamewang. Mukhang kanina pa ako hinihintay at natunugang paparating na ako kaya ganiyan ang pwesto.“Ganda ng sasakyan.” Sumilip pa siya sa bintana. “Mukhang mamahalin.” Napabuntong-hininga ako. Pagod na pagod na ang utak ko. Pakiramdam ko ay isang linggo akong nakipagdigmaan sa dami ng nangyari ngayong araw. “Pwede bang time out muna?” Diretso akong naglakad papasok. “Bukas na ang storytelling session.” “Denied.” Mabilis niyang sagot. “Celestine.” “Nope.” Agad niyang putol.Ayaw talaga papilit.“Cel.” “Nope.” Napairap ako. “Kasalanan mo 'to, e.” Agad siyang napatawa. “Aba't ako pa ngayon?” “Oo.” Itinuro ko siya. “Kung hindi mo ako pinilit kanina, wala sana ako rito ngayon.” Mas lalo lang lumawak ang ngiti niya. “As if naman nagsisisi ka.” Bahagya akong
NICOLAS LEANDRO“Hop in.” Marahan kong sambit habang binubuksan ang pinto ng passenger seat para sa kaniya. Bahagya siyang natigilan bago tumingin sa akin. “Thank you.” “Anytime.” Tahimik siyang sumakay sa loob ng sasakyan. At sa kung anong dahilan, bigla akong kinabahan. Napairap ako sa sarili ko. Fucking ridiculous.I’ve negotiated billion-peso deals.I’ve faced board meetings filled with ruthless executives.I’ve handled problems that could destroy companies.Pero ngayong gabi?Isang babae lang ang pilit na nakakapag pakaba sa akin.A mowan who I’ve known for years.A woman I’ve spent seven years looking for.A woman I never truly forgot.Pakasara niya ng pinto ay umikot na ako papunta sa driver’s seat.Tahimik akong umupo at pinaandar ang makina ng aking sasakyan,.Katahimikan ang bumalot sa amin.Nakakabinging katahimikan.Parang pareho kaming maraming gustong sabihin ngunit walang gustong maunang mag salita.Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa labas
NICOLAS LEANDRO“You’ll come back naman po, right?” Inosenteng tanong ni Isaac habang pilit na nilalabanan ang antok. Nakita kong bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Anastasia. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, wala akong nakita kahit katiting na pag-aalinlangan sa mga mata niya. “Yes, baby.” Simple lang ang sagot niya ngunit sapat na iyon para lumiwanag ang mukha ni Isaac.“Promise?” “Promise.” Natatawang tugon ni Anastasia.“Pinky promise?” “Pinky promise.” Agad nilang pinagdugtong ang mga daliri nila. At hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong mahigpit na humila sa dibdib ko habang pinagmamasdan sila. “Read me a book before you leave, Mommy, Daddy.” Halos nakapikit na si Isaac habang nagsasalita. Pagkatapos ay iniunat niya ang mga kamay niya sa direksyon ko.Tahimik kong binuhat si Isaac.Agad niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Pagod na pagod na talaga. Napatingin ako kay Anastasia. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin. Parang hinihintay kung an







