LOGIN
VIVIENNE ANASTASIA
“Ate?” Mahina kong tawag kay Ate Victoria nang unti unting magmulat ang mga mata ko.
Pakiramdam ko ay napakabigat ng buong katawan ko. Para bang may malaking bato na nakadagan sa bawat bahagi ng katawan ko habang pilit akong bumabalik sa realidad. Nanlalabo pa ang paningin ko at parang may ugong sa loob ng mga tainga ko, pero may isang bagay agad na sumagi sa isip ko.
Ang anak ko.
Bigla akong napabangon nang bahagya.
“N-nasaan ang anak ko?”
Hindi ko alam kung bakit, pero sa mismong sandaling lumabas ang tanong na iyon sa bibig ko, ay parang may malamig na kamay na humawak sa puso ko.
Biglang kumalabog nang malakas ang dibdib ko.
Parang may kung anong masamang pakiramdam na unti unting gumagapang sa buong sistema ko.
Napatingin ako kay Ate Victoria.
At doon tuluyang nanlamig ang buong katawan ko.
Maputla ang mukha niya.
Namumugto ang mga mata.
At tila ilang oras nang umiiyak.
Parang may malakas na puwersang dumagan sa dibdib ko.
“Ate?” Mas kinakabahan kong tawag habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Unti unting lumalabo ang paningin ko.
Hindi dahil sa gamot.
Kundi dahil sa takot.
Takot na ayaw kong pangalanan.
Takot na pilit kong itinataboy sa isip ko.
“Ate…” nanginginig kong ulit.
“Nasaan ang anak ko?” Mas seryoso na ang boses ko ngayon. Mas matigas, mas desperado kaysa sa kanina.
Nanatiling nakatitig sa akin si Ate Victoria habang patuloy na nangingilid ang mga luha niya.
“Anastasia...” Basag ang boses niyang sambit.
At sa isang iglap, tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya.
Napahagulgol siya sa harap ko.
Parang may bahagi ng kaluluwa niyang tuluyang nadurog.
Nanlaki ang mga mata ko.
Pakiramdam ko ay may kung anong bagay na biglang humigpit sa lalamunan ko hanggang halos hindi na ako makahinga.
Hindi.
Ayokong isipin iyon.
Ayokong paniwalaan ang kung ano mang sinusubukan ipahiwatig ng pag iyak niya.
“Ate...” halos pabulong kong sambit.
Pero wala siyang naisagot.
Mas lalo lamang siyang umiyak.
At doon tuluyang nabasag ang natitira self composure.
“Nasaan ang anak ko, Ate?!” Halos mapunit ang lalamunan ko sa lakas ng sigaw.
Agad kong pilit na ibinangon ang sarili ko mula sa kama kahit parang pinupunit ang katawan ko sa sakit.
Nanakit ang tahi ko.
Humapdi ang buong tiyan ko.
Pero wala akong pakialam.
Dahil mas masakit ang takot na unti unting sumasakal sa akin.
“Anak, kumalma ka.” Nagmamadaling lapit ni Mama habang pilit akong pinipigilan.
“How can I fucking calm down, Mom?!” galit at desperado kong sigaw.
Ramdam ko ang pagyanig ng buong katawan ko.
Hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa panghihina o sa matinding takot na unti unting sumisira sa katinuan ko.
“Nasaan ang anak ko?” Nanginginig na ang boses ko.
“Bakit ayaw niyo siyang ilabas?” Halos mawalan ako ng hiningang sigaw.
“Bakit ayaw niyo siyang ipakita sa akin?!”
Sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko habang pilit kong inaalis ang mga kamay na humahawak sa akin.
Wala na akong pakialam kung matanggal ang mga dextrose na nakakabit sa kamay ko.
Wala na akong pakialam kung bumuka ang tahi ko.
Wala na akong pakialam kahit sabihan nila akong magpahinga.
Dahil sa mga oras na iyon, iisa lang ang mahalaga sa akin.
Ang anak ko.
Ang sanggol na siyam na buwan kong dinala.
Ang batang pinanghawakan ko sa gitna ng lahat ng paghihirap at sakit na pinagdaanan ko.
Gusto ko siyang makita, mayakap, marinig na ligtas siya.
Dahil habang nakikita ko ang mga luha sa mukha nila, habang nakikita ko ang sakit at awa sa mga mata nila, mas lalo akong kinakain ng takot.
At sa kaibuturan ng puso ko, may isang bahagi ng sarili kong nagsisimulang manginig.
Dahil pakiramdam ko... may nangyari sa anak ko.
“A-Anastasia...” Muling inagaw ni Ate Victoria ang atensyon ko.
Bahagya akong napalingon sa kaniya.
Pakiramdam ko ay unti unti nang nauubos ang lakas sa katawan ko. Nanlalamig ang mga kamay ko habang ang dibdib ko ay patuloy na kumakabog nang napakalakas, na para bang sinusubukan nitong tumakas palabas ng katawan ko.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko pa rin sila maintindihan.
Pero sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin, pakiramdam ko ay may mabigat nang batong dumadaganan sa puso ko.
Isang bagay na ayaw kong marinig.
Isang bagay na buong pagkatao kong ipinagdarasal na huwag niyang sabihin.
“P-patay na ang anak mo.”
Parang tumigil ang mundo.
Walang emosyon niyang sinabi iyon.
Walang buhay. Walang lakas.
Parang kahit siya ay hirap tanggapin ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
Kasunod noon ay agad siyang nagbaba ng tingin, tila hindi niya kayang makita ang magiging reaksyon ko.
“Hindi niya nakayanan... Nang mailabas mo siya, wala na siyang buhay. H-hindi na siya humihinga.”
Hindi ko na narinig ang mga sumunod pa niyang sinabi.
Dahil sa isang iglap, parang may sumabog sa loob ng ulo ko.
Biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid.
Hindi ko marinig ang pag iyak ni Mama.
Hindi ko marinig ang paghikbi ni Ate.
Hindi ko marinig kahit ang sarili kong paghinga.
Para akong nabingi sa sakit.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig lamang sa kawalan.
Hindi.
Hindi maaari…
Hindi ‘to totoo
Hindi iyon ang dapat mangyari.
Hindi pagkatapos kong dalhin siya sa loob ng siyam na buwan.
Hindi pagkatapos ng lahat ng sakripisyo ko.
Hindi pagkatapos kong tiisin ang bawat sakit, bawat takot, bawat gabi na umiiyak akong mag isa habang hinihimas ang tiyan ko at kinakausap siya.
Ang anak ko nalang ang mayroon ako.
Unti unting bumara ang isang mabigat na bukol sa lalamunan ko.
Pero kahit isang luha ay hindi agad tumulo.
Para bang tumanggi ang utak kong tanggapin ang narinig ko.
Para bang umaasa pa rin akong may magsasabing nagkamali lang sila.
Na may magdadala sa anak ko sa harap ko anumang sandali.
Na maririnig ko ang iyak niya, na mayayakap ko siya, na mamahawakan ko.
Pero walang nangyari.
At doon tuluyang nabasag ang natitira kong pag asa.
Sana ako na lang.
Hindi ang anak ko… Ang anak namin ni Leandro.
NICOLAS LEANDROflashback…“Nicolas.” Naputol ang pagtakbo ng isip ko nang marinig ko ang boses ni Thadeus mula sa likuran ko. Bahagya akong napalingon sa direksyon niya at agad na nakita ang pamilyar na mukha ng matalik kong kaibigan. Nakasuksok ang isang kamay niya sa bulsa ng pantalon habang ang isa naman ay may hawak na maliit na purple box na matagal ko nang hinihintay. Sa simpleng ekspresyon pa lamang ng mukha niya ay alam ko nang dala niya ang ipinabili ko. “You’re finally here.” Bahagya akong napangiti habang hinihintay na lumapit siya. Hindi ko man direktang ipinapakita, pero matagal ko nang hinihintay ang araw na ito. Ilang linggo ko ring pinag-isipan ang bawat detalye ng proposal na balak kong gawin para kay Anastasia. At sa lahat ng bagay na kailangan kong ihanda, ang singsing ang pinakamatagal kong pinagdesisyunan. I wanted it to be real. Something meaningful. Something that would represent us. Something that would remind Anastasia that after everything we went thr
NICOLAS LEANDRONang makita kong tuluyan nang makapasok si Anastasia sa loob ng building ay saka lang ako huminga nang maluwag. Kanina pa nakasunod ang tingin ko sa kaniya. Mula nang bumaba siya ng sasakyan. Hanggang sa makapasok siya sa lobby. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko. At kahit wala na siya roon, ilang segundo pa rin akong nanatiling nakatitig sa direksyong iyon. Parang may bahagi ng utak ko na gusto pang makasigurado na ligtas talaga siyang nakauwi. Na hindi siya biglang mawawala ulit. Na hindi ito isa sa mga panaginip na paggising ko ay mawawala na naman siya. Mahigpit kong hinawakan ang manibela bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. For the first time in seven years... I knew where she was. And somehow, that thought alone gave me peace. Tahimik akong nagmaneho pauwi habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang buong gabi. Ang pagkikita namin.Ang ekspresyon niya nang muli akong makita.Ang paraan ng pagtitig niya kay Isaac.Ang paraan ng pagngiti niya
VIVIENNE ANASTASIA At iyon pa lang ay sapat na para mas lalo akong mainis sa sarili ko. Dahil kung tutuusin, dapat ay pagod na pagod na ako. Dapat ay stress ang nararamdaman ko. Dapat ay nalilito ako. Pero sa kabila ng lahat ng nangyari ngayong araw... May maliit na bahagi ng puso ko na hindi ko maitatangging masaya. Masaya dahil nakita kong muli si Leandro. Masaya dahil nakilala ko si Isaac. Masaya dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon, nakaramdam ako ng bagay na matagal nang nawala sa buhay ko. At marahil iyon mismo ang dahilan kung bakit pilit kong iniiwasan ang usapan. Dahil natatakot akong aminin iyon. Hindi lang kay Celestine… Kundi maging sa sarili ko. Kaya agad kong binago ang direksyon ng usapan. “Isaac is also a seven-year-old kid.” Agad na nawala ang pang-aasar sa mukha ni Celestine at napansin niya ang pagbabago ng tono ko. “Matalino siya.” Napatingin ako sa basong hawak ko at hindi ko namalayang napapangiti na naman pala ako. Sa totoo
VIVIENNE ANASTASIA“At sino 'yang naghatid sa'yo?” Halos hindi ko pa nasasara nang maayos ang pinto ng condo ni Celestine ay sinalubong na agad niya ako ng tanong.Bahgyang nakaupo pa sa itaas ng couch habang nakapamewang. Mukhang kanina pa ako hinihintay at natunugang paparating na ako kaya ganiyan ang pwesto.“Ganda ng sasakyan.” Sumilip pa siya sa bintana. “Mukhang mamahalin.” Napabuntong-hininga ako. Pagod na pagod na ang utak ko. Pakiramdam ko ay isang linggo akong nakipagdigmaan sa dami ng nangyari ngayong araw. “Pwede bang time out muna?” Diretso akong naglakad papasok. “Bukas na ang storytelling session.” “Denied.” Mabilis niyang sagot. “Celestine.” “Nope.” Agad niyang putol.Ayaw talaga papilit.“Cel.” “Nope.” Napairap ako. “Kasalanan mo 'to, e.” Agad siyang napatawa. “Aba't ako pa ngayon?” “Oo.” Itinuro ko siya. “Kung hindi mo ako pinilit kanina, wala sana ako rito ngayon.” Mas lalo lang lumawak ang ngiti niya. “As if naman nagsisisi ka.” Bahagya akong
NICOLAS LEANDRO“Hop in.” Marahan kong sambit habang binubuksan ang pinto ng passenger seat para sa kaniya. Bahagya siyang natigilan bago tumingin sa akin. “Thank you.” “Anytime.” Tahimik siyang sumakay sa loob ng sasakyan. At sa kung anong dahilan, bigla akong kinabahan. Napairap ako sa sarili ko. Fucking ridiculous.I’ve negotiated billion-peso deals.I’ve faced board meetings filled with ruthless executives.I’ve handled problems that could destroy companies.Pero ngayong gabi?Isang babae lang ang pilit na nakakapag pakaba sa akin.A mowan who I’ve known for years.A woman I’ve spent seven years looking for.A woman I never truly forgot.Pakasara niya ng pinto ay umikot na ako papunta sa driver’s seat.Tahimik akong umupo at pinaandar ang makina ng aking sasakyan,.Katahimikan ang bumalot sa amin.Nakakabinging katahimikan.Parang pareho kaming maraming gustong sabihin ngunit walang gustong maunang mag salita.Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa labas
NICOLAS LEANDRO“You’ll come back naman po, right?” Inosenteng tanong ni Isaac habang pilit na nilalabanan ang antok. Nakita kong bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Anastasia. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, wala akong nakita kahit katiting na pag-aalinlangan sa mga mata niya. “Yes, baby.” Simple lang ang sagot niya ngunit sapat na iyon para lumiwanag ang mukha ni Isaac.“Promise?” “Promise.” Natatawang tugon ni Anastasia.“Pinky promise?” “Pinky promise.” Agad nilang pinagdugtong ang mga daliri nila. At hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong mahigpit na humila sa dibdib ko habang pinagmamasdan sila. “Read me a book before you leave, Mommy, Daddy.” Halos nakapikit na si Isaac habang nagsasalita. Pagkatapos ay iniunat niya ang mga kamay niya sa direksyon ko.Tahimik kong binuhat si Isaac.Agad niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Pagod na pagod na talaga. Napatingin ako kay Anastasia. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin. Parang hinihintay kung an







