登入VIVIENNE ANASTASIANapalunok ako. He has a wife. Well... at least iyon ang alam ng lahat. At kahit paano, hindi ba dapat ay may boundaries pa rin kami? Isa pa, malinaw naman na hindi ako kabilang sa bahay na ito. I'm just his fiancée on paper. Nothing more. "And why is that?" kalmado niyang tanong. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang gusto kong sabihin nang hindi nagmumukhang awkward. "I mean..." Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi ko mahanap ang tamang salita. Ngunit tila alam na niya agad ang nasa isip ko. A small faint smirk slowly appeared on his lips. "Clearly, you're my fiancée." Napatitig lamang ako sa kanya. Hindi pa man ako nakakaisip ng maisasagot ay muli siyang nagsalita. "And I can do whatever I want in this house." His voice was calm and firm. Parang wala man lang puwang para kontrahin ko siya. Napayuko ako nang bahagya habang kinakabahan na nilaro ng mga daliri ko ang laylayan ng aking damit. Hindi ko alam kung bakit, pero
VIVIENNE ANASTASIAAt habang ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang mapansin ang paraan ng pag aalaga niya sa bata. “Huwag ka nang umiyak.” Mahina niyang sabi habang inaayos ang kumot ni Isaac. “We're here na.” Agad namang kumalma si Isaac dahil sa kanyang boses. Samantala, mabilis kong inayos ang tray sa gilid ng kama. Inilapag ko ang lugaw, gamot, tubig, at ang plangganang may malamig na bimpo. Bago ko siya pakainin ay marahan ko munang pinunasan ang buong katawan. Bahagya siyang napapikit nang maramdaman ang malamig na tela sa kanyang balat. Pagkatapos ay maingat kong idinikit ang kool fever sa kanyang noo. “Kumain ka muna.” Mahina kong sabi. Tumango lamang siya bilang tugon, ngunit napansin kong mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa damit ni Leandro. Parang ayaw niyang bumitaw. Bahagyang umusog si Leandro upang makaupo rin ako sa kabilang tabi ni Isaac. At sa isang iglap, para kaming bumuo ng maliit na mundo sa ibabaw ng kama. Nasa gitna si Isaac. Habang kaming dalawa
VIVIENNE ANASTASIAHindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Ayokong marinig muli iyon. Ayokong isipin iyon. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga bagay na wala namang dapat kahulugan. Dahil alam ko ang totoo… Matagal nang patay ang anak namin ni Leandro. At si Claudia ang tunay na ina ni Isaac. Iyon ang katotohanan. Iyon ang dapat kong paniwalaan. Kahit gaano pa ako tawagin ng batang iyon na Mommy. Kahit gaano pa siya kumapit sa akin. Kahit gaano pa kakaiba ang pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Isa lamang itong kontrata. Isang kasunduan. At wala nang iba. Ngunit habang hawak ko ang lalagyan ng lugaw at papalapit sa pinto, hindi ko napansin ang paraan ng bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil kay Leandro. Kundi dahil sa isang batang may lagnat na naghihintay sa pagdating ko. “You okay? Kanina ka pa tulala.” Bahagya akong napakislot nang marinig ang boses ni Leandro. Napalingon ako sa kanya at doon ko lamang napagtantong ilang minuto na pala akon
VIVIENNE ANASTASIA*kring* *kring* *kring*Ang paulit ulit na tunog ng cellphone ko ang bahagyang pumutol sa katahimikan namin ni Cel.“Hoy babae, may tumatawag sa'yo!” Malakas na sigaw ni Celestine mula sa sala bago niya iniabot sa akin ang cellphone. Abala ako sa pagluluto ng hapunan namin kaya halos hindi ko napansin ang pagtunog nito. Matagal tagal na rin mula nang huli akong magluto, kaya naman buong atensyon ko ay nakatuon sa mga sangkap na nasa harapan ko. Pinatay ko muna ang apoy ng kalan bago kinuha ang cellphone. “Sino 'yan?” “Si Thadeus.” Agad na napakunot ang noo ko.Nang sagutin ko ang tawag ay inilagay ko agad ang cellphone sa pagitan ng balikat at tenga ko habang muling ip[inag patuloy ang pag luluto.“Hello? Bakit?”“I already called your ex husband.”Pagkabungad pa lamang niya ay napa irap na agad ang mga mata ko. “Kung mang iinis ka lang, ipapakausap na lang kita kay Cel.” Agad ko namang narinig ang malakas niyang reklamo mula sa kabilang linya.“Fuck. No way.”
ISAAC HIRO“Hi, Tito Thadeus.” Mahina ang boses ko nang batiin ko si Tito bago tuluyang pumasok sa kaniyang kwarto. Agad naman siyang napatingin sa akin mula sa kinauupuan niya. Kanina pa masama ang pakiramdam ko, mabigat ang katawan ko at mainiit ang noo ko, halata tuloy na wala akong lakas.Wala pa naman si Daddy sa bahay dahil bigla nanaman siyang ipinatawag sa opisina dahil sa emergency ng company. Mabuti nsalang at naisipan ni Tito Thadeus na mag paiwan nalang para bantayan ako habang wala si Daddy. Talagang ginagampanan ang pagiging Tito Nanny.“Anong kailangan mo, bata?” Bahagya niyang itinaas ang kaniyang isang kilay habang sinusuri ang mukha ko.“Bakit parang wala kang gana?” Napakamot ako sa ulo. Taray talaga ni Tito. Isang tingin pa lang, napansin agad niyang may mali sa akin.“It’s time na po for my second mission.” Pag iiba ko ng topic at hindi sinagot ang tanong niya.Bahagya siyang natigilan bago napabuntong hininga. “Abay, kakatapos lang ng family dinner mo kahapo
ISAAC HIRO“I miss you, Mommy!” Malakas kong sigaw habang mabilis na tumatakbo palapit Mommy. Halos hindi ko na mapigilan ang pananabik na ilang araw kong kinimkim. “Hey there, Isaac.” May kasamang mahinang tawa ang kaniyang pagbati bago niya ako marahang niyakap. Agad naman akong napapikit nang maramdaman ko ang init ng kaniyang yakap. “How are you, baby?”“I’m okay po.” Tugon ko.Mas lalong lumawak ang ngiti ni Mommy habang marahan niyang ginulo ang buhok ko.“Hi, Isaac.” Napalingon ako nang makarinig ako ng isang hindi pamilyar na boses ng babae. Nakangiti itong naka tingin sa akin habang tahimik kaming pinang mamasdan ni Mommy.“That’s Tita Celestine,” paliwanag ni Mommy. Bahagya akong tumango bago lumapit sa babae.“Hello po, Tita Celestine.” Magalang akong nagmano sakanya dahilan para mas lumambot angb ekspresyon ng kaniyang mukha.“Ang pogi naman ng bebe na ‘yan.” Napatawa siya habang pinag mamasdan ako.“Mana sa Daddy, pero kamukha ni Mommy.” May halong panunukso ang ton
ISAAC HRIO“This is ridiculous.” Halos hindi makapaniwalang sambit ni Tito Thadeus matapos kong ipaliwanag ang buong plano ko. Nakatitig lang siya sa notebook na nasa harapan namin habang paulit-ulit na binabasa ang malaking title na ginawa ko. Mukhang hindi alam ni Tito kung matatawa ba siya, mai
NICOLAS LEANDRO“Hop in.” Marahan kong sambit habang binubuksan ang pinto ng passenger seat para sa kaniya. Bahagya siyang natigilan bago tumingin sa akin. “Thank you.” “Anytime.” Tahimik siyang sumakay sa loob ng sasakyan. At sa kung anong dahilan, bigla akong kinabahan. Napairap ako s
NICOLAS LEANDRO“How are you, Iha?” Malambing na tanong ni Mom. Parang matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong makausap itong muli. Bahagyang natigilan si Anastasia bago ngumiti nang magalang. “I’m okay po, Madam.” At iyon na naman. Ang pormal na tono niya.Maingat ang pagsasalita at til
NICOLAS LEANDROI was still completely caught off guard kahit nakaupo na si Anastasia sa hapag-kainan kasama namin. Hindi ko pa rin ma-process nang maayos ang nangyayari. For seven years.Pitong taon ko siyang ipinahanap.Pitong taon kong hinanap ang bawat posibleng lead tungkol sa kaniya. At ng







