首頁 / Romance / I Left Him, Now He Wants Me Back! / Chapter 004- Why Wasn’t I Worth It?

分享

Chapter 004- Why Wasn’t I Worth It?

作者: Bella Hart
last update publish date: 2026-05-20 20:18:18

Hindi na hinintay ni Kael ang sunod na magiging reaksyon ng mga tao. Agad itong bumaba ng stage at mabilis na hinawakan ang braso ni Naya bago pa siya muling makapagsalita. 

“Come with me.”

Mariin ang pagkakahawak nito sa kanya habang halos kaladkarin siya palayo sa gitna ng ballroom. Ramdam ni Naya ang mga matang nakasunod sa kanila, ang mahihinang bulungan sa paligid, pero wala na siyang pakialam.

“Ano bang iniisip mo?” madiing bulong nito habang pinipigilan ang galit. “Why would you do that here?”

Dahan-dahang tinanggal ni Naya ang suot niyang mask. Namumula ang mga mata niya, at nanginginig ang labi habang pilit niyang pinipigilan ang emosyon.

“Tatanungin mo ako kung bakit ako nandito?” natatawa niyang sabi, ngunit basag na ang tunog nito dahil halos maiyak na siya. “Ako pa talaga ang may mali?”

Humugot nang malalim si Kael at mariing napapikit.

“Naya, not tonight. Huwag kang gumawa ng eksena dito.”

“Eksena?” Napailing si Naya habang napapatawa sa sobrang sakit. “Kael, regalo iyon ng mommy ko para kay Luna.”

Bahagyang tumaas ang boses niya habang nakatitig dito.

“Alam mo kung gaano kahalaga iyon sa akin. Pero ipinang-regalo mo sa anak ng ibang babae nang hindi man lang ako kinakausap?”

Tumigas ang ekspresyon ni Kael.

“You’re overreacting.”

Parang may kung anong tuluyang naputol sa loob ni Naya. Napabuga siya ng hangin.

“Ako pa talaga?” mahinang sabi niya. “Kael, isang buwan mo akong iniwan sa ospital. Hindi mo man lang nakita ang anak natin kahit isang beses. Pero may oras kang alagaan ang ibang babae at ipamigay ang kwintas na para sa anak ko?”

Saglit na nag-iwas ng tingin si Kael bago muling nagsalita.

“Naya, matagal kitang kilala. Hindi ka naman ganito dati. Bakit kailangan mong palakihin ang bagay na ito?”

Mariing napapikit si Kael bago dumaan ang pagod na buntong-hininga sa labi nito.

“Naya…” mahina nitong sabi, tila pilit pang pinapakalma ang sitwasyon. “Hindi ko naman sinabi na hindi ko papalitan. I just needed something for tonight. Wala akong oras magpagawa agad ng bago.”

Napatawa si Naya, ngunit puno iyon ng galit at panlulumo.

“So wala kang mahanap na ibang maipangreregalo sa anak niya?” nanginginig niyang tanong. “Kaya ang para sa anak natin… ipinang-regalo mo muna sa anak ng iba?” 

Bahagyang tumigas ang panga ni Kael.

“Royce is my best friend. Hindi ko sila puwedeng pabayaan.” 

“Alam ko.”

Pilit na ngumiti si Naya, ngunit hindi nito maitago ang panginginig ng labi niya habang isa-isang tumutulo ang luha sa pisngi niya.

“Pero anak mo rin si Luna, Kael. Bakit parang hindi mo man lang siya kayang piliin?”

Hindi na niya napigilan ang paghawak sa dibdib niya nang muling sumikip ang paghinga niya. Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na dumadaganan sa buong katawan niya.

“Para kay Luna ang kwintas na ’yon…” mahina niyang ulit.

Biglang nanlamig ang mukha niya habang sumasakit ang tahi ng C-section sa tiyan niya. Napayuko siya at napahawak doon, tila muling bumukas ang sugat niya sa sobrang emosyon.

“Naya—”

Agad sanang lalapit si Kael, ngunit bago pa ito makahakbang, may kamay na humawak sa braso nito.

“Kael…” mahina at nag-aalalang tawag ni Ivy.

Paglingon ni Naya, nadatnan niya itong nakakunot-noo habang nakatingin sa kanya na tila hindi maintindihan ang nangyayari.

“Kael, why does she look so upset? Nagalit ba siya sa regalo mo?”

Pagkatapos ay mabilis itong lumapit kay Naya na parang concern. Maya-maya, biglang nagbago ang ekspresyon ni Ivy nang makita nang malapitan ang itsura niya.

“Oh my goodness,” halos pabulong nitong sabi saka hinawakan ang braso nito. “Naya? Is that you?”

Mula ulo hanggang paa ay tila pinagmasdan siya nito.

“Hindi kita agad nakilala…”

May kung anong kumirot sa dibdib ni Naya nang marinig ang sumunod nitong sinabi.

“Ang haggard mo tingnan.”

Napakurap si Naya. Unti-unti niyang naibaba ang tingin sa sarili niya.

Simple lang ang suot niyang damit. Halatang namayat siya. Maputla ang balat niya at bakas pa rin ang pagod sa mukha matapos ang isang buwang halos hindi pagtulog sa ospital.

Samantalang si Ivy, nakatayo sa tabi ni Kael na parang walang pinagdaanang hirap. Makinis ang balat, maayos ang buhok, at suot ang mamahaling gown na lalong nagpalutang sa matingkad nitong itsura.

Hindi mo iisiping bagong panganak ito.

“Naya…” muling sabi ni Ivy habang marahang hinahawakan ang braso niya. “Please don’t misunderstand. Nagandahan lang kasi ako sa kwintas na iyon.”

Bahagya itong ngumiti.

“Sabi naman ni Kael, pwede raw naming gamitin muna for Zach. If you want, bibilhan na lang kita ng bago.”

Mabilis na nanigas ang katawan ni Naya. Dahil kasabay ng malambing na boses ni Ivy ay ang mahahabang kuko nitong unti-unting bumaon sa braso niya.

Bigla niyang naitulak si Ivy. Hindi ganoon kalakas, pero sapat para mawalan ito ng balanse sa mataas nitong heels.

“Ah!”

Napaupo si Ivy sa sahig habang agad namang nagkagulo ang ilang tao sa paligid.

“What the hell, Naya?!” galit na sigaw ni Kael habang mabilis na inalalayan si Ivy pataas.

Pag-angat nito ng tingin kay Naya, bakas sa mga mata nito ang galit at paninisi.

“Katatapos lang mag-recover ni Ivy! Ano bang problema mo?!” 

Marahang natawa si Naya. Dahan-dahan niyang itinaas ang braso niyang namumula sa diin ng pagkakakurot ni Ivy.

“Ano bang problema ko?” ulit ni Naya.

Namumula ang mga mata niya habang nakatitig kay Kael.

“Siya lang ba ang bagong panganak dito?”

Malamig ang tingin ni Kael habang nakatingin kay Naya.

“You’re not like Ivy,” mababa nitong sabi. “Mas kaya mo ang sarili mo.”

Unti-unting nanlamig ang mga mata ni Naya habang pakiramdam niya ay may kung anong tuluyang namatay sa loob niya. Mahina siyang natawa, ngunit puno iyon ng pagod at pagkawasak. 

Mas kaya niya?

Kaya ba noong halos mawalan siya ng malay sa ospital, ni minsan ay hindi siya nito pinuntahan?

Kaya ba habang nanginginig siya sa takot sa labas ng NICU, at mag-isa siyang umiiyak gabi-gabi, dahil sa paningin ni Kael, kaya niya?

Unti-unting namuo muli ang luha sa mga mata niya habang pilit siyang tumatayo nang maayos kahit nanginginig ang mga tuhod niya.

At bago pa makapagsalita si Kael, malakas na dumapo ang palad niya sa pisngi nito.

Pak!

Nang marinig sa buong ballroom ang malakas na tunog ng sampal, agad na natigilan ang mga taong naroroon.

Biglang tumahimik ang lahat, at maging ang mga musikang kanina’y masayang tumutugtog ay napahinto rin. 

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 111- Five Years Too Late 

    Sa kabilang ward, magkatabing nakaupo sina Ivy at Veronica, parehong halatang balisa at pagod. Simula nang malaman nilang hawak na ni Naya ang ebidensiya tungkol sa sunog sa Velvet Night Club, halos hindi na sila mapakali. Nakayuko si Ivy habang paulit-ulit na pinipisil ang kaniyang mga daliri.“Mommy, ano na’ng gagawin natin?” mahina ngunit desperadong tanong niya. “Paano naging ganito kalakas si Naya? Ang bilis niyang nalaman na tayo ang nasa likod ng sunog. Ngayon galit na sa atin si Tita Nora, pati si Kael.”Napabuntong-hininga siya at tuluyang sumandal sa kama. “Akala ko makakabawi tayo. Pero ngayon, tayo pa ang nawalan ng lahat. Tapos kailangan pa nating magbayad ng sobrang laki.”Masama ang tingin ni Veronica sa anak. “Ano pa bang magagawa natin? Kung hindi tayo magbabayad, ibibigay niya ang evidence sa police. At huwag mong kalimutan, kung hindi ka naging ganoon ka-obsessed kay Kael, hindi sana tayo umabot sa ganito.”Agad na sumimangot si Ivy. “Mommy, bakit ako na naman ang s

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 110- She’s Coming Back to Deal With Naya 

    Nang marinig ang boses mula sa pintuan, bahagyang nanginig si Nora. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita si Lorenzo Madrigal na nakatayo roon, nakasuot ng simpleng itim na casual clothes. Kahit nasa middle age na, maayos pa rin ang tindig nito dahil sa matagal na pag-aalaga sa katawan. Malaki rin ang pagkakahawig ni Kael sa ama—mula sa matalim na mata hanggang sa malamig na aura kapag seryoso.Sa mga nakaraang taon, unti-unti nang ipinasa ni Lorenzo kay Kael ang pangunahing responsibilidad sa Madrigal Group. Mas madalas siyang nasa ibang lungsod para asikasuhin ang ibang assets at investments ng pamilya, kaya masasabi nang semi-retired siya. Gayunpaman, malaki pa rin ang impluwensiya niya sa buong Madrigal family. Marami pa ring mahahalagang desisyon ang dumadaan sa kaniya, at kahit si Nora ay hindi basta-basta sumasalungat kapag seryoso na ang asawa.“Lorenzo…” Mahina ang boses ni Nora. “Pati ikaw, ganiyan din ang iniisip?”Hindi agad sumagot ang lalaki. Magkakrus ang kamay nito s

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 109- Stop Calling Luna a Bastard 

    Pagkarinig sa sinabi ng nakatatandang kapatid, parang nabawasan nang kaunti ang bigat na matagal nang nakadagan sa dibdib ni Kael. Sa mga nakaraang araw, halos siya lang ang humaharap sa sunod-sunod na gulo sa pamilya. Sa totoo lang, mas nakakapagod pa para sa kaniya ang family problems kaysa sa pag-aasikaso ng multinational businesses ng Madrigal Group. Ngayon niya lubos na naintindihan kung gaano kalaking pinsala ang kayang gawin ng isang pamilyang walang katahimikan.Mas lalo niyang pinagsisihan ang dati niyang pagiging malamig at pabaya kay Naya. Habang binabalikan niya ang mga nangyari, unti-unti niyang nakikita na siya rin ang nagtulak sa babaeng dati namang tahimik, maunawain, at laging nag-a-adjust hanggang sa dumating ito sa puntong ayaw nang magbigay kahit isang hakbang pa.“Ate,” mahina niyang sabi habang hinawakan ang kamay ni Athena, “buti na lang naiintindihan mo na rin.”Napatingin si Athena sa kaniya.“Kung matutulungan mong ayusin ang relasyon ni Mommy kay Naya, at ku

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 108- Too Late to Heal a Dead Heart 

    “Kael… sinampal mo ako?”Nakahawak si Ivy sa namumulang pisngi habang nakatitig kay Kael na para bang hindi niya makilala ang lalaking nasa harapan niya. Sa lahat ng tao sa mundo, si Kael ang huli niyang inaasahang gagawa niyon sa kaniya. Sa loob ng maraming taon, ito ang unang tumatakbo para protektahan siya, unang naniniwala sa kaniya, at unang gumagawa ng paraan tuwing may problema siya. Kaya nang mapagtanto niyang si Kael mismo ang sumampal sa kaniya, tuluyan siyang napaiyak.Maging sina Veronica at Nora ay natigilan sa lakas ng sampal. Halos instinctive na lumapit si Nora kay Ivy at hinila ito palapit sa kaniya. “Kael, nababaliw ka na ba?” galit niyang sigaw habang pinoprotektahan ang babae. “Matagal na tayong ginugulo at pinapahiya ni Naya, wala kang sinabi. Tapos ngayon, si Ivy pa ang sasaktan mo? Ano'ng ginawa sa ’yo ng babaeng iyon?”Malamig lamang na tumingin si Kael sa ina. Wala ni katiting na lambot sa mga mata niya. “Bago mo ako sisihin, tanungin mo muna sila kung ano ang

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 107- This Time, She Chose to Walk Away 

    Tahimik na naglakad si Naya patungo sa bakanteng private room sa tabi. Ilang segundo lamang ang lumipas bago sumunod si Kael. Madilim ang mukha nito at halatang magulo ang isip matapos ang lahat ng nangyari nang gabing iyon. Sa loob lamang ng ilang oras, nakita niya ang mga taong matagal niyang pinagkakatiwalaan sa paraang hindi niya kailanman inakala—si Ivy, si Veronica, pati si Nora. Parang biglang bumagsak ang mga imahe na matagal niyang pinaniwalaan.Gayunpaman, may isang bagay na malinaw kay Kael. Hindi maaaring magpatuloy ang kaguluhan sa kabilang silid. Kapag kumalat ang scandal, mas maraming pamilya at negosyo ang madadamay. Kaya kahit hindi pa niya lubos na naiintindihan ang lahat, nagdesisyon siyang siya na ang aayos ng sitwasyon.Lumapit siya kay Naya at marahang inilagay ang kamay sa balikat nito. “Naya, nakita mo naman. Halos kalkalin na nina Ivy at Tita Veronica lahat ng accounts nila. Iyon lang talaga ang cash na kaya nilang ilabas ngayon.”Hindi gumalaw si Naya.“Kung

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 106- High-Society Queens Fighting Like Street Rivals 

    “Naya, saan naman kami kukuha ni Mommy ng fifty million nang ganito kabilis?” Halos mawalan na ng boses si Ivy sa kakasigaw. Namumula ang mga mata niya habang desperadong nakatingin kay Naya. “Sobra ka na! Huwag mong isipin na palagi kang mananalo. Babalik din sa ’yo lahat ng ginagawa mo!”Pagkatapos ay mabilis siyang lumingon kay Kael at Nora na para bang sila na lamang ang huling makapagliligtas sa kaniya. “Kael, wala ka bang gagawin? Hahayaan mo lang siyang tratuhin kami nang ganito? Tita Nora, please! Sabihin mo sa kaniya na tama na!”Hawak ni Ivy ang sariling ulo habang umiiyak, halatang tuluyan nang nawawalan ng kontrol. Kanina lamang ay matapang pa siyang nang-aasar kay Naya sa cellphone, ngunit ngayon ay halos hindi na niya alam kung kanino siya lalapit para humingi ng tulong.Napabuntong-hininga si Nora. Alam niyang mahirap nang pilitin si Naya, kaya sinubukan niyang gumamit ng ibang paraan. “Naya, basta huwag mong hayaang kumalat online ang mga video at picture na ’yan, maaa

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 007- He Finally Held Luna 

    Nagmadaling lumabas si Lourdes mula sa silid, bakas sa mukha ang matinding gulat habang sumisigaw.“Lindol ba ’to?! May lindol ba?!”Samantal

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 006- When Naya Finally Broke

    Napakunot ng noo si Naya, nakakapagtataka dahil kakaiba ang boses nito. Boses ng isang lalaki.Mabilis na napagtanto ni Naya na

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 002- The Truth I Couldn’t Deny

    Nanigas si Naya sa kinatatayuan niya habang nakatitig kay Kael. Para bang huminto ang oras sa mismong sandaling iyon. Unti-unting naglaho ang ingay ng paligid hanggang ang tanging naririnig na lang niya ay ang sariling paghinga niyang nanginginig sa kaba at galit. Ang tanging malinaw lang sa kany

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 001- My Husband’s Secret Celebration

    “Honey, one month old na si Luna, at kaka-discharge lang namin ngayon. Pwede mo ba kaming sunduin?” Mahigpit na karga ni Naya ang kanyang anak habang nakatayo sa labas ng ospital. Nakabalot si baby Luna at mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib, tila walang kamalay-malay sa lahat ng paghihirap n

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status